Our God is a God-Centered God

August 26, 2012  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Ezekiel 36:16 – 37:28

Download  sermon audio    sermon notes    story guide   story graphics 
Listen now…

God-Centeredness of God

Karaniwan na sa tao ang gustong maging sikat, o makilala ng ibang tao, mapalakpakan ng marami. Kung sa unang tingin, parang OK lang ‘to, parang natural lang. Pero kung titingnan nating mabuti, nagpapakita ito ng malaking problema sa puso ng tao. Tingnan mo na lang halimbawa ang Facebook. Bakit iyan sumikat at naging popular? Isa sa factor nito ay dahil nasa puso ng tao ang maipakilala ang sarili niya sa iba. Meron diyan na gustong ipakita sa iba kung ano na ang kalagayan nila sa buhay. Ano ang natapos nila sa kolehiyo, saan sila nag-aral, anong award ang nakuha. Magpopost pa ng mga picture at mga status updates na parang nagsasabi, “Tingnan n’yo kung gaano ako kaganda. Tingnan n’yo kung gaano kaganda ang katawan ko. Tingnan n’yo kung gaano ako kagaling. Tingnan n’yo kung gaano ako ka-spiritual. Tingnan n’yo kung paano ako gumagawa ng mabuti sa kapwa. Pansinin n’yo ang nararamdaman ko ngayon. Tingnan n’yo ang galing ko sa pagpapalaki ko sa mga anak ko.” Wala ka mang Facebook, pareho pa rin ang pinapakita nitong problema ng lahat ng tao. Anong problema dito? Ang problema ay ang pagiging self-centered. Naka-focus sa sarili. Nasa ugat ng pagiging makasalanan natin ang pagiging mayabang. Gusto nating maging tanyag.

Kung nakatayo ako sa harap n’yo ngayon, at sa isip-isip ko ay ganito, “Kailangang pagbutihan ko ang sermon na ‘to. Para pagkatapos, nakangiti ang mga taong kakamay sa akin at sasabihin, ‘Great job! Nabless ako, pastor!'” Kung iyon ang motibo ko sa ginagawa ko, kung iyon ang motibo n’yo sa mga ginagawa n’yo – mabuti man o masama – ninanakawan natin ng eksena ang Dios. Bakit? Ang buhay ng tao ay dapat nakasentro lamang sa kanya. Siya dapat ang nasa spotlight, hindi tayo. Siya dapat ang makilala, hindi tayo. Siya dapat ang purihin at palakpakan ng tao, hindi tayo.

Kitang-kita iyan sa buong aklat ng Ezekiel. 72 times inulit-ulit dito ang ganito: “You (or “they” or “all nations”) shall know that I am the Lord…” (72 times). Ginagawa ng Dios ang lahat ng ginagawa niya para ipakilala ang kanyang sarili, para maging tanyag siya, para bigyang karangalan ang pangalan niya. Ito ang layunin ng lahat ng kanyang ginagawa. Tingnan n’yo halimbawa ang mga ito:

  • “Maraming mamamatay sa inyo. Sa gayon, makikilala ninyong ako si Yahweh.” (6:7)
  • Kung mapangalat ko na sila sa iba’t ibang lugar, makikilala nilang ako si Yahweh” (12:15)
  • “Ipapakita ko ang kabanalan ng dakila kong pangalan na nalapastangan sa harap ng mga bansa. Makikilala ng lahat na ako si Yahweh kung maipakita ko na sa kanila na ako ay banal” (36:23)
  • “Sa ganyang paraan ko ipapakita sa lahat ng bansa na ako ay makapangyarihan at ako ay banal. Sa gayo’y makikilala nilang ako si Yahweh” (38:23).
  • “Mula sa araw na iyon, makikilala ng Israel na ako si Yahweh, ang kanilang Diyos” (39:22).

Bakit ganito ang Dios? Bakit nakafocus siya sa sarili niya? Bakit kapag tayo ang self-centered, kasalanan? Bakit siya, self-centered siya, bakit ganoon? Here’s the reason: that’s the essence of being a God. Meron pa bang makikita ang Dios na mas mahalaga sa kanya? Na mas karapat-dapat bigyang-pansin maliban sa kanya? Wala! Kung meron, e di hindi siya ang Dios! Our God is a God-centered God. “My glory I will not give to another” (Isa. 48:11). And he has the right to be so. And that is good also for us!

At ito rin ang gustong ituro ni Ezekiel sa Israel. God’s commitment to his own glory is also his commitment for their good. Mahalagang marinig nila ‘to. Tandaan n’yong sa panahong ito, nasira na ang Jerusalem, sinunog na ang templo at ang mga taga-Judah ay ginawang bihag na sa Babylonia. Nawala na ang mga bagay na ipinagmamalaki nila. Nasa lupang dayuhan na sila. Ngayon, paano magiging “good news” sa kanila ang sabihin ni Ezekiel na, “Our God is a God-centered God”? Paano rin ito magiging good news sa atin? Ano ang kinalaman nito sa araw-araw na kalagayan natin?

Living with the purpose of displaying God’s glory

If our God is a God-centered God, then we know our purpose in life. Our purpose for existence is to display God’s glory. To see his beauty and let others see that beauty. To know God’s greatness and let others know that greatness. To taste his goodness and let others taste that the Lord is good. Sa lahat ng ginagawa natin, dapat ganoon. “Whether you eat or drink or whatever you do, do it all for…what? The glory of God! (1 Cor. 10:31).

Bakit? Sabi ng Dios, “I had concern for my holy name…” (36:21). Ito ang explanation niya sa mga nangyayari, sa mga ginagawa niya. Kapag concern ka sa isang bagay, iyon ang mahalaga sa iyo. Ayaw mong mawala iyon (parang mamahaling alahas), ayaw mong marumihan iyon (parang malinis na damit pangkasal). Iyon din ang pag-iingat ng Dios sa kanyang dakilang pangalan. Ang pangalan ng Dios “banal” – set apart, namumukod-tangi. Parang nag-iisang bulaklak sa dawagan, parang isang babaeng namumukod-tangi ang kagandahan, parang valedictorian sa school na namumukod tangi ang talino. He is one of a class. Hindi siya ordinaryo. Yun ang gusto niyang ipakilala sa lahat ng tao.

Dala-dala din natin sa buhay na iyon ang pangalan ng Dios. Kaya nga nilikha ang tao ayon sa kanyang larawan – para maging salamin ng kadakilaan at kabutihan ng Dios (Gen. 1:26-28). Ang Israel ay nilikha din at tinawag ng Dios para sa kanyang karangalan (Isa. 43:7). Gustong ipakita ng Dios sa kanila kung sino siya at ipakilala din siya ibang bansa. Ito ang dahilan bakit nagpakita ang Dios ng isang vision ng kanyang karangalan o kaluwalhatian kay Ezekiel. Pakinggan n’yo itong summary ng Ezekiel 1-3:

Isa si Ezekiel sa mga dinalang bihag sa Babylonia sa pangalawang pagsalakay sa Jerusalem. Ilang taon pagkatapos na sila’y bihagin, ilang beses na nagpakita ang Dios sa kanya at ipinakita sa kanya ang ilang larawan ng kanyang makapangyarihang presensiya.

Nakita ni Ezekiel sa kanyang pangitain ang paparating na bagyo, kumikidlat mula sa makapal na ulap kaya nagliliwanag ang paligid. Sa gitna ng ulap, may nakita siyang apat na nilalang na parang tao. Pero bawat isa sa kanila ay may apat na mukha at apat na pakpak. Ang paa nila ay parang paa ng baka. Ang mga kamay ay parang sa tao. Ang harap ng mukha nila ay mukhang tao, sa kanan ay leon, sa kaliwa ay toro, sa likod ay agila. Sa ilalim naman nila ay may gulong. Lumilipad sila nang sabay-sabay. Kung saan sila dalhin ng Espiritu, doon sila pumupunta. Kapag lumipad sila, ang pagaspas ng mga pakpak nila ay parang ugong ng rumaragasang tubig o kaya’y parang tinig ng makapangyarihang Dios o ingay ng napakaraming hukbo. At kapag tumigil sila, ibinababa nila ang kanilang pakpak.

Habang nakababa ang mga pakpak nila, may tinig na nagmumula sa itaas nila. Sa ibabaw nila ay may tila tronong gawa sa batong safiro at may parang tao sa tronong iyon. Mula baywang pataas, para siyang makintab na metal at mula naman baywang pababa, para siyang apoy na nagliliyab at napapalibutan ng nakasisilaw na liwanag. Ang liwanag na iyon sa paligid ay parang bahaghari kapag tag-ulan.

Ganoon ang makapangyarihang presensiya ni Yahweh. Nang makita iyon ni Ezekiel, lumuhod siya, at narinig ang tinig mula sa Dios, “Sabihin mo sa Israel ang mga pinapasabi ko sa kanila, makinig man sila o hindi.” Pagkatapos, binuhat ako ng Espiritu at may narinig akong tinig na dumadagundong sa likuran ko na nagsasabi, “Purihin ang Panginoon sa langit.”

Hmmm…parang ang hirap basahin nito. Ang daming symbols nakakalito. Pero ito kasi yung sense na hindi maisalarawan ni Ezekiel kung ano ang nakita niya. Kasi hindi sapat ang lenggwahe natin para ipaliwanag ang karangalan ng Dios. Pero maaaring ipinapakita dito sa kanya ng Dios na kung paanong ang nakita ni Ezekiel ang nilalang na lilipad-lipad kahit saan, ganoon din ang Dios na palaging sasamahan ang Israel kahit nasa ibang lupa na sila (omnipresence). Kung paanong may apat na mukha na may mata sa lahat ng direksyon, naroon pa rin ang atensiyon ng Dios sa kanila at alam niya ang kalagayan nila (omniscience, “all-knowing”). Kung paanong may parang isang taong nakaupo sa trono sa ibabaw, ang Dios din ang Dios na makapangyarihan sa lahat at gumagawa para tuparin ang kanyang layunin (omnipotence, “all-powerful”) at kanyang pangako (rainbow).

God wants Ezekiel to see his glory. At ito rin naman kasi ang ipapakilala niya sa mga Israelita. Ito ang dahilan bakit may Israel. Ito ang dahilan kung bakit nandito tayo at humihinga. Para makita ang karangalan ng Dios at parangalan siya sa ibang mga tao. Pero kung namumuhay ka ngayon na hindi ito ang nasa puso’t isip mo, ang tawag ng Dios doon ay kasalanan.

Feeling the weight of sin as falling short of God’s glory

Kung God-centered ang Dios natin, makikita natin ngayon kung gaano kaseryoso ang bawat kasalanang ginagawa laban sa Dios, at kahit pa ang mga inaakala nating mabuti pero hindi naman ginagawa para sa karangalan niya kundi para sa sarili lang natin. Malinaw sa kasaysayan ng Israel na ipinakita na sa kanila ng Dios ang kanyang karangalan. Espesyal dito ang templo kung saan nanahan ang karangalan ng Dios. Pero sa Ezekiel 10, ipinakita ng Dios kay Ezekiel ang isang pangitain – ang tungkol sa pag-alis ng presensiya ng Dios sa templo. Bakit nangyari ‘to? Bakit pinalayas sila sa lupaing bigay sa kanila ng Dios? Dahil sa bigat ng kanilang kasalanan – ang paglapastangan sa kabanalan ng pangalan ng Dios.

“Son of man, when the house of Israel lived in their own land, they defiled it by their ways and their deeds. Their ways before me were like the uncleanness of a woman in her menstrual impurity” (36:17). Ano ba iyan? Para daw regla nang babae na dinungisan ang kalinisan ng Dios. Pauli-ulit binanggit ang kasalanan nila: they “profaned my holy name among the nations” (36:20, 21, 22, 23). Di ba’t ang layunin sa kanila ng Dios ay ipakita sa ibang bansa kung anong Dios meron sila (Exod. 19:4-6)? Pero sa halip na sabihin ng ibang bansa na, “Dakila ang Dios ng Israel,” ganito pa ang sinasabi nila, “Sila ang mga mamamayan ni Yahweh, pero pinaalis sila sa lupain” (v. 20). Dapat sana ay ipakita nila sa ibang bansa kung sino si Yahweh. Sa halip na purihin ang pangalan niya, nilapastangan pa.

Sinira nila ang reputasyon ng pangalan ng Dios. Parang isang napakaputing damit na pinutikan. Ganoon kaseryoso ang Dios sa kanyang reputasyon. Kaya dapat nilang seryosohin din ang reputasyon ng Dios. Bawat kasalanang gawin nila, reputasyon ng Dios ang nakasalalay. Dahil seryoso ang Dios dito kaya sila pinarusahan. “So I poured out my wrath upon them for the blood that they had shed in the land, for the idols with which they had defiled it. I scattered them among the nations, and they were dispersed through the countries. In accordance with their ways and their deeds I judged them” (36:18-19).

Warning po ito sa atin! Wag na wag nating mamaliitin anumang kasalanan, o anumang mabuting gawa na di naman ginawa para sa karangalan ng Dios. Sa tuwing dinudungisan natin ang pangalan ng Dios, at inaagaw ang karangalang para sa kanya, nagkakasala tayo. Hindi lang Israel, kundi lahat tayo. “For all have sinned and fall short of the glory of God” (Rom. 3:23). Lahat tayo dinungisan natin, niyurakan, dinuraan, pinutikan ang pangalan ng Dios.

Amazed by the glorious grace of God in salvation

We are all “vessels of wrath prepared for destruction” (9:23) dahil doon. Pero bakit sa sumunod na verse sinabi ni Pablo na naging “vessels of mercy” (9:23) tayo? Anong dahilan ng Dios? Why did God save us? Why did God love us and send his Son for us? Dahil may nakita ba ang Dios sa atin na “potential for goodness” o tingin niya magiging mabuti tayong katiwala at maglilingkod sa kanyang misyon? No! Nothing in us can move God to love us – but only hate and destroy us! What’s the reason then? “In order to make known the riches of his glory” (9:23). So, if God is God-centered even in our salvation, we will be amazed by his glorious grace. Ito rin ang layunin ng Dios bakit niya ibabalik ang Israel sa lupa nila at ipaparanas muli ang kanyang presensiya sa kanila:

Therefore say to the house of Israel, Thus says the Lord God: It is not for your sake, O house of Israel, that I am about to act, but for the sake of my holy name, which you have profaned among the nations to which you came. And I will vindicate the holiness of my great name, which has been profaned among the nations, and which you have profaned among them. And the nations will know that I am the Lord, declares the Lord God, when through you I vindicate my holiness before their eyes. I will take you from the nations and gather you from all the countries and bring you into your own land (Ezek. 36:22-24).

Then, mula verse 25 makikita natin ang tinatawag na “New Covenant” na nauna na nating nakita last week sa Jeremiah 31:31-34. Na bibigyan sila ng bagong puso at ilalagay ang Espiritu sa puso nila para muli silang makasunod sa Dios at sa gayo’y maranasan ang napakagandang relasyon sa Dios. At dito sa Ezekiel, binibigyang diin ang dahilan kung bakit ito ginawa ng Dios. Hindi para sa kanila! God loves us, totoo yun. Pero hindi iyon ang primary reason bakit niya tayo iniligtas tulad ng Israel. The primary reason is because God loves his own glory! Jesus Christ died on the cross not for us primarily but for God and his glory! Shocking ang ganoong mensahe sa atin at sa Israel. “It is not for your sake that I will act, declares the Lord God; let that be known to you. Be ashamed and confounded for your ways, O house of Israel” (36:32). Yun ang effect, para marealize natin ang laki ng kasalanan natin at sa gayo’y marealize din natin ang laki ng habag ng Dios.

Mahirap paniwalaan ito para sa maraming tao, na wala tayong kahit isa mang contribution sa kaligtasan natin. Maging ang pananampalatayang meron tayo ay regalo din ng Dios (Eph. 2:8-9). Wala tayong iniambag, wala kahit isa. Wala tayong puwedeng ipagmalaki maliban na lang sa biyaya ng Dios sa atin. Kung di kayo makapaniwala, pakinggan n’yo ‘to galing sa Ezek. 37:

Dinala ng Dios si Ezekiel sa isang kapatagang maraming nagkalat na kalansay. Tinanong siya ng Dios, “Mabubuhay pa kaya ang mga butong ito?” Sagot ni Ezekiel, “Panginoon, kayo lang po ang nakakaalam niyan.” Utos ng Dios sa kanya, “Sabihin mo sa mga butong ito na makinig sa akin: ‘Bibigyan ko kayo ng hininga at mabubuhay kayo. Bibigyan ko kayo ng mga litid at laman, at babalutin ko kayo ng balat. At malalaman ninyong ako si Yahweh. Pagkatapos, sabihin mo sa hangin: ‘Umihip ka at hipan ang mga patay na ito para mabuhay.'”

Sinunod ni Ezekiel ang iniutos ng Dios sa kanya. Habang nagsasalita siya, narinig niya ang tunog ng mga butong nagkakabit-kabit at nabuo. Nagkroon ito ng mga litid, laman, at balat. Nagkaroon din ito ng hininga at nabuhay nga ang mga patay. Nagsitayo sila, kasindami ng bata-batalyong sundalo.

Muling sinabi sa kanya ng Dios, “Ang mga butong ito ay ang mga mamamayan ng Israel. Sinasabi nilang wala na silang pag-asa. Kaya sabihin mo sa kanilang bubuhayin ko kayong muli at ibabalik sa inyong lupain. Ibibigay ko sa inyo ang Espiritu ko at mabubuhay kayo. At dahil dito, malalaman ninyong ako si Yahweh at tumutupad ako sa aking pangako.”

Iyon ulit, gagawin ito ng Dios para makilala siya. Ano ba ang naiambag ng mga kalansay para magkaroon sila ng buhay? Wala! Yun ang gustong ipakita ng Dios sa Israel. Tanging dahil sa kapangyarihan at biyaya lamang ng Dios nangyari iyon na sila ay nagkaroon ulit ng pag-asa. At ganoon din sa atin na mga patay dahil sa ating kasalanan ay binuhay ng Dios dahil kay Cristo (Eph. 2:1, 5). Oo nga’t dahil minahal niya tayo at naawa sa atin (2:4), pero iyon ay para saan? “So that in the coming ages he might show the immeasurable riches of his grace in kindness toward us in Christ Jesus” (2:7). We are chosen, adopted, redeemed, sealed by the Spirit for what purpose? “To the praise of his glorious grace” (1:6; cf. 1:12, 14). Be amazed now and everyday and forever by the glorious grace of God in our salvation!

Longing for the time when God’s glory will be displayed forever

Darating ang araw na iyon na wala nang ibang makikita, wala na tayong ibang ipagmamalaki kundi ang napakayamang biyaya ng Dios. Mangyayari rin ito sa Israel, bagamat karamihan sa kanila hanggang ngayon ay hindi pa kumikilala sa kaligtasang nakay Cristo:

My servant David (Jesus the Messiah!) shall be king over them, and they shall all have one shepherd. They shall walk in my rules and be careful to obey my statutes. They shall dwell in the land that I gave to my servant Jacob, where your fathers lived. They and their children and their children’s children shall dwell there forever, and David my servant shall be their prince forever. I will make a covenant of peace with them. It shall be an everlasting covenant with them. And I will set them in their land and multiply them, and will set my sanctuary in their midst forevermore. My dwelling place shall be with them, and I will be their God, and they shall be my people. Then the nations will know that I am the Lord who sanctifies Israel, when my sanctuary is in their midst forevermore (Ezek. 37:24-28).

Tiyak na darating ang araw na ‘to. Ang Israel at lahat ng mga bansa (tribo, lahi, wika) sa buong mundo ay magkakaroon ng grupo ng maraming taong kikilala at magbibigay karangalan sa Dios. Titiyakin ng Dios na ang kasaysayan ay patungo dito. Sa unang pagdating ng Panginoong Jesus, we see the display of God’s glory – his justice and his mercy. Sa kanyang pagbabalik, lahat ng tao makikita ito. Hindi na nila maikakaila na iisa lamang ang Dios. Our God is a God-centered God from beginning to end – from creation to rescue to new creation. Kung ganito ang Dios natin, we must long and be excited for the time when God’s glory will be in full display forever.

Spectators on the Theather of God

Darating iyan. Pero hindi pa dumarating. Hindi pa lahat ng bansa, wika, lahi, tribo ay kumikilala at sumasamba sa kanya. Habang hindi pa iyan dumarating, anong gagawin natin?  Sabi ni John Calvin, inilagay tayo ng Dios sa mundong ito na para bang isang “beautiful theater” (Institutes, 1.14.20). So, we need to treat our life as “the beautiful theater of God.” Na siya ang bida, na ang palabas ay ang “Story of God.” Hindi tayo ang bida. We are spectators. Turn the spotlight off yourself. Life is not about self, money, sex, ministry, family, friends, beauty, strength, or achievement. Hindi iyon dapat ang nasa spotlight. Turn the spotlight to God. Anumang ginagawa natin sa buhay, sa sarili natin, sa pera, sa sex, sa ministry, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa pagpapaganda, sa pagpapalakas, sa pag-abot ng mga pangarap, gawin lahat para makilala ang Dios at para maipakilala ang Dios sa iba. Na kung titingnan ng mga tao ang buhay n’yo ngayon, kung titingnan ng mga di pa Cristiano maging sa ibang bansa ang Church natin, ang bawat isang Cristiano, sino ang makikita nilang bida?

Tandaan natin, hindi tayo ang bida. Huwag tayong agaw eksena. Ang mundong ito, ang buhay natin ay para sa Dios! Para ipakita kung gaano kadakila at kabuti ang Dios na meron tayo. Habang pinagmamasdan natin ang Dios sa teatrong ito ng buhay natin, aayin din natin ang iba na makita kung sino ang Dios na ‘to at sasabihin sa kanila, “Look, this is our God!” May we all have a grand vision of God’s glory. May we see this. May others see it too.

One thought on “Our God is a God-Centered God

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s