God Sends Jesus the Redeemer-King

September 30, 2012  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Matthew 1-2; Luke 1-2

Download  sermon audio    sermon notes    story guide   story graphics 
Listen now…

The Agony of Waiting

Mahirap maghintay. Puwede mong palampasin siguro kapag alam mong di mo naman kailangan ang hinihintay mo. Nitong mga nakaraang araw gusto ko ng Galaxy Tab. Tanong ko sa sarili ko, “Kelan kaya darating iyon?” Kapag sa birthday ko, wala pa rin, OK lang. Alam ko namang may higit pa akong kailangan kaysa doon. Mabubuhay naman ako nang wala iyon. Pero kapag alam mo at nararamdaman mong kailangang-kailangan mo, tapos hindi pa dumarating, nakakainis, nakakalungkot, nakakaiyak, nakakapanghina ng loob. Halimbawa, ang tagal mo nang hinihintay yung trabaho, di pa rin dumarating. Wala kayong pagkukuhanan ng panggastos. Paano na iyan? Ang tagal mo nang naghihintay ng mapapangasawa o na bumalik ang asawa mong matagal nawala sa iyo. Ang hirap maghintay, lalo na kapag alam mong kulang ang buhay mo kapag wala iyon. Kapag hindi ka fulfilled o satisfied kapag wala ang bagay na iyon.

Malamang ganito din ang nararamdaman ng maraming mga Israelita. Ibinalik ng Dios ang mga Israelita mula sa pagkabihag sa Babylonia tungo sa lupang ibinigay ng Dios sa kanila. Pero sa loob ng mahigit 400 taon hindi na nagpapadala ang Dios ng mga propeta sa kanila. Ang mga Israelita, na ngayo’y tinatawag nang mga Judio, ay napasailalim sa kontrol ng iba’t ibang kaharian sa panahong ito tulad ng Persia at Greece. Ngayon, sila na ay pinamumunuan ng mga Romano, isa sa pinakamakapangyarihang kaharian sa kasaysayan ng mundo. Naghihintay pa rin ang mga Judio at umaasang darating ang isang haring galing sa lahi ni David na magliligtas sa kanila at tutupad sa pangako ng Dios kay Abraham. Inaakalang nilang ang haring ito ang mangunguna sa kanila  sa pagpapatalsik sa mga Romano.

Tutuparin pa kaya ng Dios ang pangako niya? 400 years na hindi nagsasalita ang Dios. Walang sagot sa mga tanong nila. Natutulog ba ang Dios? May ginagawa ba siya. 2,500 years na ang nakalipas ng mangako siya kay Abraham. Hindi pa natutupad ang lahat. 1,000 years na ang nakalipas nang mangako ang Dios kay David. Iba naman ang naghahari sa kanila ngayon. Will God fulfill his promise? Yes! Kaya nga ang Bible natin hindi Old Testament lang, kaya may New Testament.

The Birth of Jesus the Christ

Kaya nga pagbukas n’yo sa New Testament ito ang una nating mababasa, “Ito ang talaan ng mga ninuno ni Jesu-Cristo na mula sa angkan ni David (see?). Si David ay mula sa lahi ni Abraham (see?)” (Matt. 1:1). Ayun pala. Si Jesus pala ang kulang. Hayan, dumating na! So, as you listen to stories today na sobrang familiar na sa atin (we call it Christmas stories!), pakinggan natin na nasa isip kung ano ang nangyari sa kuwentong nakasulat sa Old Testament. At tulad ng ginawa sa akin ng Dios habang binabasa ko ito ulit, mamamangha kayo sa ganda ng kuwentong ito inilatag ng Dios para sa ating lahat. Lahat ng maririnig n’yo ngayon ay galing sa Matthew 1-2 at Luke 1-2.

Sa wakas, pagkaraan ng mahigit 400 daang taong pananahimik ng Dios, nagpadala siya ng isang anghel sa isang dalaga na ang pangalan ay Maria na nakatira sa Nazareth. Nakatakda siyang pakasal sa isang lalaking nagngangalang Jose, na siyang galing sa lahi ni Haring David, at galing din sa lahi ni Abraham. Sinabi ng anghel kay Maria, “Huwag kang matakot dahil pinagpala ka ng Dios. Magbubuntis ka at manganganak ng isang lalaki at papangalanan mong Jesus (ibig sabihin, ‘Si Yahweh ang Nagliligtas’), dahil ililigtas niya ang kanyang bayan. Ibibigay sa kanya ang trono ni David at ang paghahari niya ay walang katapusan.Tatawagin din siyang Emmanuel (na ang ibig sabihin ay, ‘Kasama natin ang Dios.’).”

Tanong ni Maria, “Paano po ito mangyayari gayong dalaga pa ako?” Sagot ng anghel, “Sasaiyo ang Espiritu ng Dios kaya tatawagin ang anak mo na Anak ng Dios. Mangyayari ito dahil walang imposible sa Dios.” Sumagot si Maria, “Alipin po ako ng Panginoon. Mangyari nawa sa akin ang sinabi n’yo.”

Totoo nga, sa sumunod na taon, nang pumunta sina Jose at Maria sa Bethlehem, at habang sila ay nasa isang sabsaban dahil wala silang matuluyan, nagsilang si Maria ng isang lalaki at pinangalanang Jesus.

Tinupad ng Dios ang pangako niya. May Tagapagligtas na dumating galing sa lahi ni Abraham, tulad ng pangako niya. May Haring dumating na galing sa lahi ni David, tulad ng pangako niya. Paano niya tinupad ang pangako niya? Mula pa simula ng Story of God pinapakita niyang di niya kailangan ang tulong ng tao para maisakatuparan ang pangako niya. Ginawa niya na iyon kina Abraham at Sarah dati nang 25 taong silang naghintay para magkaanak. Parang imposible pero gumawa ng miracle and Dios. Dito rin sa “virgin birth” ni Jesus. Mas miraculous pa sa nangyari kay Sarah. Wala pang ibang nangyaring katulad nito! Tulad ng sinabi ng anghel, nangyari ito dahil walang imposible sa Dios. Iyon ang gustong patunayan ng Dios sa atin. Wala tayong naiambag dito. Ano ba ang ginawa ni Jose? Ni Maria? Wala! Walang credit ang tao. The birth of Christ is wholly God’s work.

Malinaw sa kuwentong ito na gustong ipakilala ng Dios ang sarili niya sa atin. Gusto niya ring ipakilala kung sino itong dumating at bakit napakaimportante niya. Let’s look first at his nature. First, he was a man. Totoong tao siya. 100%. Siyam na buwan siya sa sinapupunan ni Maria. Umiiyak siya tulad ng lahat ng mga sanggol. Dumedede siya sa nanay niya. Kasi nga tao siya. Pero hindi lang siya tao, he was also God himself. Siya ay Anak ng Dios – ipinanganak sa pamamagitan ng Espiritu ng Dios. Hindi ni Maria at ni Jose. Kaya nga Emmanuel ang isang pangalan niya, “God with us.” Ang Dios nanahan kasama ng tao – nahahawakan, nakikita, nakakausap, nakakakuwentuhan, nakikipagtawanan. Wow!

Let’s look now at his role or job description. Makikita ito sa pangalan niya. Jesus, ibig sabihin, The LORD (Yahweh) saves. Sa salitang Hebreo ang katumbas nito ay Joshua o Yeshua. Ito ang misyon niya, para iligtas ang mga tao mula sa kasalanan at sa parusa ng kasalanan. Mula sa pagkahiwalay sa Dios palapit sa kanya. Mula sa sumpa ng kamandag ng ahas tungo sa kagalingang nanggagaling sa kanya. Jesus Christ. Hindi apelyido ang Christ, kundi title – Jesus the Christ. Ang Christos ay Messiah sa Hebreo, ibig sabihin, “the anointed one.” Siya ang hinirang na hari mula sa lahi ni David. Siya ang katuparan ng mga propesiya. Dumating na ang hari ng lahat, ang haring ang paghahari ay walang katapusan at walang hangganan.

Kung ganito ipinakilala ng Dios ang sarili niya kina Jose at Maria, kung ito pala si Jesus na dinala ni Maria sa kanyang sinapupunan nang 9 na buwan at inalagaan ng ilang taon, hindi ba’t napakapalad ng mag-asawang ito? Kaya sabi ng anghel kay Maria, “Blessed are you among women.” Ang laki ng pagpapala sa iyo ng Dios! Ang hirap lang nang pinagdaanan nila dahil nabuntis si Maria samantalang hindi pa sila kasal ni Jose. Pero sa kabila ng mahirap na sitwasyon nila nangibabaw ang laki ng pagpapala. Kaya nga sabi ni Maria, “Alipin ako ng Panginoon. Susunod ako kung ano ang gusto niya.” Ito ang buhay kapag nakita natin kung gaano kalaking pagpapala ang dumating sa atin nang pumarito si Jesus sa puso natin, na maging bahagi tayo ng katuparan ng pangako ng Dios na lahat ng bansa ay pagpapalain sa pamamagitan ni Abraham. Ang Dios mismo ang nasa loob ng sinapupunan ni Maria. At tayo ring mga Cristiano, hindi lang basta kasama natin ang Dios, ang Dios ay nasa puso natin, nasa atin mismo kung tinanggap natin siya bilang Panginoon at Tagapagligtas.

The Long-Awaited King

Nag-uumapaw ang kagalakan kapag ang isang bagay o tao o pangyayaring pinakahihintay natin ay dumating na sa wakas. Hindi ba’t kaya napakasaya ng kasalan? Hindi ba’t masayang-masaya ang buong pamilya kapag dumating na si Daddy galing sa ibang bansa? At ang kagalakang naramdaman nina Jose at Maria sa pagdating ni Jesus ay hindi lang para sa kanila.

Ipinakita ng Dios na si Jesus ang Cristo, ang pinakahihintay na Haring Mesias, hindi lang kina Jose at Maria, kundi sa ibang tao rin. Ibinalita rin ito ng anghel sa mga tagapag-alaga ng tupa, “May sasabihin ako sa inyo na magandang balita na magbibigay kagalakan sa lahat ng tao.” Pagkatapos, sinabi niya sa kanila na isinilang ang Cristo sa Bethlehem – sa bayan ni David. Pagkarinig nila ng balitang ito, dali-dali nilang hinanap ang bagong silang na sanggol at masaya silang nagpuri sa Dios nang makita ito.

Pagdating ng ikawalong araw, tinuli si Jesus ayon sa kasunduan ng Dios kay Abraham. Sa ika-40 araw naman, dinala siya nina Jose at Maria sa templo sa Jerusalem para ihandog sa Panginoon ayon sa Kautusan. Dahil mahirap lang sila, naghandog sila ng dalawang kalapati para sa Panginoon. Pagkatapos noon, nakita si Jesus ng isang lalaking matuwid at tapat sa Dios na si Simeon. Kinarga niya ito at nagpuri sa Dios, “Panginoon, puwede na po akong mamatay dahil nakita na ng sarili kong mata ang Tagapagligtas ng Israel at ng buong mundo.” Nasabi niya iyon dahil sinabi sa kanya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay hangga’t hindi niya nakikita ang haring ipinangako ng Panginoon.

Tulad ng balita ng anghel, ang pagdating ni Jesus ay magbibigay ng kasiyahan sa lahat ng tao – sa lahat ng klase ng tao. Lalo na sa mga mahihirap lang na sa tingin nila ay walang-wala sila, kulang na kulang ang buhay nila. Tulad nina Jose (na isang karpintero) at Maria. Kaya nga dalawang kalapati lang ang handog nila sa halip na tupa, kasi hindi nila kayang bumili ng tupa. Ang mga tagapag-alaga ng tupa, mababa din ang tingin sa kanila ng mga tao. Nasa ibaba sila ng social ladder nila. Pero hindi iyon ang mahalaga. Nang marinig nila ang balita, dali-dali nilang pinuntahan ang isinilang na sanggol na siyang may pinakamataas na posisyon sa lahat. He is the King of the universe! Kaya masayang-masaya sila. Hindi trabaho nila o kikitain ang mahalaga sa kanila. Ang mahalaga masilayan nila ang Tagapagligtas. Hindi ba’t kung naghihintay ka ng mapapangasawa tapos dumating, tapos mamayang hapon ang kasal n’yo, may nag-aya sa iyong kabarkada mo na maglaro ng basketball mamayang hapon, tapos pinili mo ang basketball! Seriously? Dumating na ang pinakahihintay natin. Iyon na ang pinakamahalaga sa lahat.

Some people don’t think na wala nang kulang sa kanila. Pero tingnan n’yo halimbawa si Simeon. Wala tayong alam tungkol sa kanya malibang siya ay matuwid, tapat sa Dios at relihiyoso. Siguro maganda tingin sa kanya ng mga tao, mataas ang katungkulan at may magandang reputasyon sa lipunan. Pero sa tingin n’ya may kulang pa rin. Kaya nang makita niya si Jesus, sabi niya, “Puwede na akong mamatay!” Bakit? Kasi nakita na niya ang kahulugan ng buhay. “I’m fulfilled. Satisfied. Wala na akong mahihiling pang iba.” Life is about Jesus. Not about marriage or family or money or career or ministry. Kung nasa iyo na si Cristo, kumpleto ka na!

Kung ganoon pala, talagang magsasaya tayo. Tulad nina Maria at Jose, ng mga tagapag-alaga ng tupa, ni Simeon. Dahil naramdaman nila ang kagalakang iyon, nagpuri sila sa Dios sa nagbigay ng kagalakang iyon. At salamat sa Dios hindi lang ito para sa Israel, kundi para sa lahat ng mga tao. Kasama tayo doon. Sabi ng anghel sa mga tagapag-alaga ng tupa na ang pagdating ni Jesus ay “good news of great joy for all the people.” Sabi ni Simeon, si Jesus ang dumating na kaligtasan at liwanag para sa mga Judio at para sa lahat ng bansa, tulad din naman ng pangako ng Dios kay Abraham. Kasama tayo doon. Kaya kung sasabihin mong, “I have no reason to praise God today,” baka nakakalimutan mo na ang pagdating ni Jesus at siya’y nasa iyong buhay na ay isang dahilan, sapat na dahilan, para mag-umapaw ang puso natin sa masayang pasasalamat at pagpupuri sa Dios. Pero kung wala pa sa iyo si Jesus, you don’t even have enough reason to smile, kung alam mo lang kung anong klaseng buhay ang naghihintay sa iyo kung mananatili kang hiwalay sa Dios – gaano ka man kayaman o karelihiyoso o pinapupurihan ng mga tao.

Worshipping the True King

Kaya naman we have a crucial choice to make. Kung si Jesus ang Panginoon, ang Hari ng lahat, ibig sabihin we make a conscious decision to bow down before him and worship him. Ibig sabihin, we stop worshipping other gods and remove ourselves on the throne of our lives and transfer our allegiance to the King who has come. Many of you have already made that decision. Pero meron pa ring ilan na hirap na hirap tumayo sa kinauupuang trono at sabihin kay Jesus, “Ikaw na ang maupo diyan. Hindi ko na kayang maghari-harian, take control of my life.” Tingnan n’yo ang sumunod na bahagi ng kuwento…

Pagkaraan ng dalawang taon, may ilang mga dalubsahang tao (ang tawag ay “mago”) galing sa silangan ang dumating sa Jerusalem at nagtanung-tanong, “Saan ba ipinanganak ang hari ng mga Judio? Naparito kami upang sambahin siya.” Nabalitaan ito ni Herodes – itinalagang hari sa Judea ng mga Romano – kaya nabagabag siya. Nang sabihin sa kanya ng mga tagapagturo ng Kautusan na sa Bethlehem isisilang ang Mesias ayon kay propeta Micah, ipinatawag niya ang mga mago at sinabing pumunta sa Bethlehem at balitaan din siya kapag nakita nila. Habang naglalakbay sila, lumitaw ang isang bituin na gumabay sa kanila patungo sa kinaroroonan ng sanggol. Pagpasok nila sa bahay, nakita nila ang batang si Jesus. Lumuhod sila, sumamba kay Jesus, at binigyan siya ng mga mamahaling regalong angkop para sa isinilang na hari.

Umuwi na ang mga mago at hindi na bumalik kay Herodes ayon sa bilin ng Dios sa kanila. Dahil dito, galit na galit si Herodes. Ipinapatay niya ang lahat ng batang lalaki – dalawang taong gulang pababa – sa Bethlehem. Pero iniligtas ng Dios si Jesus mula sa panganib na ito. At lumaki si Jesus na malusog at marunong, minamahal ng Dios at ng lahat ng nakakilala sa kanya.

May ilang mga “magi” o wise men ang pumunta sa Jerusalem at nagtanong kung saan makikita ang Hari at pupuntahan nila para sambahin nila. Hindi ito mga karaniwang tao. Maaaring ilan sila sa mga kilalang mga dalubsaha at marurunong sa lugar nila. Hindi rin sila mga Judio na nagpapakita na sa simula pa lang bahagi na ng plano ng Dios na ang mga tao mula sa iba’t ibang bansa ay lumapit at sumamba sa Haring si Jesus. Galing pa sila sa silangan, malayo ang pinanggalingan. Kung sa Babylon ang pinanggalingan nila, 1300 km ang nilakbay nila. At dahil wala pang kotse noon maaaring ang bilis lang nila ay 32 km per day. So aabutin ng 40 days ang biyahe nila (ESV Study Bible notes). Sino sa inyo ngayon ang pinakamalayo ang pinanggalingan para makasamba sa Dios sa araw na ito? Ang iba nga hirap na hirap bumangon kapag maaga para maglaan ng oras para purihin ang Panginoong Jesus. Pero hindi siya magiging mahirap kung kilala natin kung sino si Jesus, kung alam nating we are created and redeemed to worship Jesus.

That’s the meaning of life – the worship of Jesus the Son of God. At itong mga mago nag-alay kay Jesus bilang pagsamba sa kanya ng mga regalong angkop para sa isang Hari. And how many of us when we give our offerings give it to worship the King? O parang pulubi ang tingin natin sa Dios na nililimusan natin sa klase ng pagsamba at pagbibigay natin? O siguro kaya hindi natin naibibigay kay Jesus ang pagsamba na dapat sa isang Hari ay kasi para tayong si Herodes. Kunwari gusto niya ring sumamba, pero threatened siya sa pagdating ni Jesus. Kung hari si Jesus, may papalit sa kanya. Kaya galit na galit siya. Kaya pinapatay niya ang mga batang two years and below sa Bethlehem – siguro mga 30 bata rin iyon sa village nila. Bakit niya ginawa iyon? Kasi gagawin niya ang lahat ng dapat gawin para manatili siya sa trono.

Jesus was a threat to anyone na nag-aakalang sila ang hari ng buhay nila, sila ang hari ng pamilya nila, sila ang hari ng church nila. Hindi ba’t ganoon din tayo kahit Cristiano na? Bibitawan ko ba ang perang ito at ibibigay sa gustong pagdalhan ng Dios o gagastusin para masunod ang luho at pangarap ko sa buhay? Sino ba ang Hari? Papakawalan ko na ba ang relasyong itong hindi nakalulugod sa Dios o pilit na hahawakan? Sino ba ang Hari? Kakausapin ko ba ang taong itong gusto ng Dios na dalawin ko, kausapin, ipagpray at kuwentuhan ng Story of God o sa bahay na lang ako at manonood ng TV at mag-Internet maghapon? Sino ba ang Hari? The coming of Jesus is a call for all of us to stop paying lip service to the Redeemer-King to the Lord and Savior. Ang totoo kasi, araw-araw meron tayong mga functional kings and saviors. Na sila o ito ang nilalapitan natin para kumumpleto sa buhay natin, para magbigay kasiyahan sa atin. Na para bang kahit hindi dumating si Jesus, OK lang kung milyun-milyon ang pera mo, kung sikat ka, kung pinapalakpakan ka, kung relihiyoso ka naman.

Pointing All to Jesus

Gustong ituro sa atin ng Dios ngayon sa pagdating ni Jesus na: God sends Jesus the Redeemer-King. The Redeemer-King. Siya lang, wala nang iba. Gustong ituro tayo ng Dios palapit kay Jesus, na makita siya, na makilala siya, na sambahin siya. Iyon ang ginawa ng Dios nang ipadala niya ang anghel para ibalita kay Maria ang malaking pagpapala, para ibalita sa mga tagapag-alaga ng tupa ang pagdating ng Mesias. Iyon ang ginawa ng Dios nang ipadala niya dati ang mga propeta na nagsulat ng mga hula tungkol sa pagdating ni Jesus tulad halimbawa ni Micah na nagsabing sa Bethlehem siya ipapanganak, sa lugar ni Haring David. Iyon nga ang nakita ng mga tagapagturo ng Kautusan. Kaya pinuntahan ng mga mago para sambahin si Jesus. Ang Dios din ang nagpadala ng bituin para gabayan sila sa biyahe papunta doon at ituro sa kanila kung nasaan si Jesus. Para bang sa buong kuwento ang Dios ang naglalagay ng spotlight at sinasabing, “Heto na ang pinangako ko, tingnan n’yo siya, kilalanin n’yo, sambahin n’yo.”

At ito ang dahilan bakit tayo nandito ngayon at sumasamba sa kanya. Wag n’yong kalilimutan iyan. Ang Dios ang nagdala sa atin palapit sa kanyang Anak na si Jesus, palapit sa kanya. Ipinakilala niya sa atin si Jesus. Narinig natin ang Salita ng Dios at may liwanag na sumilay sa puso nating dating natatakpan ng kadiliman at nakita natin na si Jesus nga ang kailangan natin, na siya lang ang kulang sa buhay natin, na balewala ang lahat kung wala siya sa atin. Nangyari iyon, kasi merong mensahero din na ginamit ang Dios para ituro sa atin iyon. Hindi anghel, pero isang tao – nanay n’yo siguro (tulad sa akin), o Sunday School teacher, o pastor o kapatid o stranger o kaibigan. At iyon din ang gagawin natin sa iba – sasabihin natin at ipapakita sa kanila sa buhay natin – “Heto si Jesus – kilalanin mo, alamin mo ang kuwento niya at malalaman mong siya lang ang kulang sa buhay mo, siya ang matagal mo nang pinakahihintay, dumating na siya, wag ka nang humanap pa ng iba.” At kung gagawin natin, aapaw na parang baha ang kagalakan sa loob ng bahay natin, pati sa kapitbahay natin, pati sa classroom o office n’yo, pati sa buong mundo.

2 thoughts on “God Sends Jesus the Redeemer-King

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s