God Reaches Out with Great Compassion

July 1, 2012  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Jonah 1-4

Download  sermon audio    sermon notes    story guide   story graphics 
Listen now…

Excuses for Disodience to the Great Commission

Last week nakita nating “God draws near through his word.” Kung totoo ito, at alam nating bilyong tao sa buong mundo ang hiwalay sa Dios, malayo sa kanya, dapat pa lang marinig nila ang salita ng Dios para malapit sila sa Dios. At sino ang magdadala nito sa kanila kundi tayong nakarinig ng salita niya at inilapit na niya sa kanya. Oo, ikaw nga. Hindi lang si Elias o sino pa mang propeta sa Bibliya. Kundi lahat ng tinawag ng Dios palapit sa kanya. Hindi lang ang mga pastor at evangelist sa church, kundi lahat ng kabilang sa pamilya ng Dios. Panoorin natin ‘to….

[vimeo http://vimeo.com/33975261]

Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus, “Go and make disciples of all nations…” (Matt. 28:19). Hindi ito optional, this is a command to be obeyed. Tinatawag natin ang sarili nating disciples o tagasunod ni Jesus. Right? This command is not new. Ito naman ang plano ng Dios mula pa noong una. Di ba’t sinabi niya kay Adan at Eba, “Be fruitful and multiply and fill the earth…” (Gen. 1:28). Kay Noe din, “And you, be fruitful and multiply, increase greatly on the earth and multiply in it” (Gen. 9:7). Kay Abraham, “In you all the families of the earth shall be blessed” (Gen. 12:3). At ito ang plano ng Dios sa Israel kaya dapat nilang sundin ang mga utos niya, “You shall be my treasured possession among all peoples, for all the earth is mine; and you shall be to me a kingdom of priests and a holy nation” (Exod. 19:5-6). Kaya may temple, may kingdom, may mga utos. Hanggang ngayon ganoon pa rin (1 Pet. 2:9-10), kaya meron tayong church para ipakita sa buong mundo kung sino ang Dios natin at sila din mailapit sa kanya.

Ang ating iglesia ay aabot sa iba’t ibang bansa. Tayo ang mga propeta ng Dios ngayon na maghahatid ng kanyang salita sa mga taong di pa nakakarinig nito. Pero marami pang iglesia, marami pang Cristiano ang binabalewala ang layuning ito ng Dios. Anong mga dahilan? Busy? Kulang ang pera? Daming problema sa bahay? Di sanay? Nahihiya? Natatakot? Bata pa? Matanda na? Hindi “calling”? Sa langit din naman pupunta? Pero ito ba talaga ang dahilan? Meron bang “acceptable” excuse for disobedience? O, ang puso din natin ay katulad nitong si propeta Jonas? Dalawang beses sa kanyang sinabing, “Go…” (Jonah 1:1; 3:1). Ano ang naging tugon niya?

Jonah’s Story Part 1

Pakinggan n’yo ang kuwentong ito at tingnan n’yo kung ano ang humahadlang sa puso ni Jonas para lubusang sumunod sa utos ng Dios. Galing ito sa Jonas 1-2, pero bago ko ikuwento iyon, sa simula ay ibigay ko sa inyo ang background ng story na ‘to na galing sa 2 Kings 13:1-9; 14:23-29.

Tulad ng mga naunang mga hari ng Israel pagkatapos na humiwalay ito sa Judah, masama ang ginawa ni Haring Jehoahaz sa paningin ng Dios. Dahil dito hinayaan ng Dios na masakop ang Israel ng Syria. Nanalangin si Jehoahaz sa Dios at pinakinggan naman siya. Nakita ng Dios ang kalupitan ng Syria sa Israel,kaya nagpadala ang Dios ng isang tagapagligtas. Dahil doon, muli silang namuhay nang may kapayapaan. Pero nagpatuloy pa rin sila sa paggawa ng masama sa paningin ng Dios. Nang maging hari na ang apo ni Jehoahaz na si Jeroboam II, ganoon pa rin, sumunod pa rin sila sa yapak ni Jeroboam I. Sa kabila noon naibalik at napalawak pa ang teritoryo ng Israel na parang tulad ng sa panahon ni Haring Solomon. Ayon ito sa ipinangako ng Dios sa pamamagitan ni propeta Jonas, anak ni Amitai, na taga Gat Hefer. Niloob ng Dios na mangyari ito dahil nakita niya ang paghihirap ng mga Israelita at walang sinumang makatutulong sa kanila. Kaya patuloy niyang inililigtas ang mga Israelita.

Isang araw, nagsalita ang Dios kay Jonas, “Pumunta ka agad sa malaking lungsod ng Nineve, at sumigaw ka laban dito dahil ang kasamaan nila’y umabot na sa akin.” Pero agad na tumakas si Jonas sa Dios papuntang Tarshish. Pumunta siya sa pier ng Jopa at bumili ng tiket at sumakay ng barkong papuntang Tarshish para takasan ang Dios.

Nang nasa nasa laot na sila, nagpadala ang Dios ng napakalakas na hangin, kaya bumagyo nang malakas hanggang halos mawasak na ang barko. Kaya natakot ang mga tripulante, at bawat isa sa kanila’y tumawag sa kani-kanilang dios. Sinubukan din nilang itapon ang kanilang mga kargamento sa dagat para gumaan ang barko.

Samantala, si Jonas naman ay mahimbing na natutulog sa ilalim na bahagi ng barko. Sinabihan siya ng kapitan, “Tutulog-tulog ka pa! Bumangon ka nga at humingi ng tulong sa dios mo! Baka sakaling maawa siya sa atin, at iligtas tayo sa kamatayan.”

Nag-usap-usap naman ang mga tripulante, “Magpalabunutan tayo para malaman natin kung sino ang dahilan kung bakit natin naranasan ang trahedyang ito.” At nang magpalabunutan sila, nabunot ang pangalan ni Jonas. Sinabi nila kay Jonas, “Gusto naming malaman kung sino ang may kasalanan nito. Sino ka ba?” Sumagot si Jonas, “Ako ay isang Hebreo at may banal na takot kay Yahweh, ang Dios ng langit, na lumikha ng dagat at lupa.” Kaya lubhang natakot ang mga tripulante dahil sinabi sa kanila ni Jonas na tumatakas siya sa Dios. Sabi pa nila, “Ano itong ginawa mo!”

Lalo pang lumakas ang bagyo. Tinanong nila si Jonas, “Ano ang gagawin namin sa iyo para tumigil ang bagyo at makaligtas kami?” Sagot ni Jonas, “Ihagis n’yo ako sa dagat, dahil ako ang dahilan kung bakit dumating ang bagyong ito.” Hindi nila ginawa ang sinabi ni Jonas, at sinubukan pa nilang sumagwan patungo sa dalampasigan pero lalo pang lumakas ang bagyo. Sinabi nila, “O Yahweh, huwag n’yo po kaming singilin sa gagawin namin kay Jonas. Alam naming nangyayari ito ayon sa inyong kalooban.” Kaya binuhat nila si Jonas at inihagis sa dagat. At kumalma na ang dagat. Dahil sa nangyari, nagkaroon sila ng banal na takot sa Dios. Kaya naghandog sila para sambahin Dios.

Samantala, nagpadala ang Dios ng isang malaking isda para lunukin si Jonas. Tatlong araw at tatlong gabi siya sa tiyan ng isda. Nanalangin siya sa Dios sa loob ng tiyan ng isda, at sinabi, “O Yahweh, sa paghihirap ng aking kalooban at kalagayan nanalangin po ako sa inyo, at sinagot n’yo ako. Kayo ang nagligtas sa akin mula sa kamatayan. Aawit ako sa inyo ng pasasalamat. Tunay ngang ang kaligtasan ay galing sa inyo.” Kaya inutusan ng Dios ang isda, at iniluwa nito sa Jonas sa dalampasigan.

Jonah’s Arrogant Disobedience

Nag-utos ang Dios. Dapat sundin. Walang excuses. Without conditions. Propeta si Jonas. Tinawag siya ng Dios para sabihin sa mga tao ang gusto niyang ipasabi. Sa kasong ito, words of warning of judgment para sa mga taga-Nineve. Hindi siya sumunod. He was not being true to his calling. He is being arrogantly disobedient. Nakakatawa ang kuwentong ito, totoo pero obvious ang paggamit ng satire at irony sa kuwentong ito. Ihahalintulad natin siya, ikukumpara sa ibang mga karakter dito sa kuwento at makikita natin kung ano talaga ang problema ng puso nitong si Jonas. Buti pa nga ang bagyo at hangin sumusunod sa salita ng Dios, ang mga tripulante tumugon sa salita ng Dios, ang isda nakinig sa utos ng Dios, si Jonas hindi. The heart of the missionary problem is the problem of the missionary’s heart. Nakakatawa, pero may kirot din sa atin, masakit din pakinggan kasi makikita natin na katulad din pala tayo ni Jonas.

Jonah’s foolishness. Sa halip na sa Nineve, sa Tarshish siya pupunta. Sa kabilang dulo, basta lumayo lang. Makakatakas ba naman siya sa presensiya ng Dios? Hindi ba’t kahangalan iyon? Matatakasan ba niya ang tawag ng Dios? Tayo rin naman, madalas nating naririnig ang tawag ng Dios na abutin ang ibang tao, ang kaibigan mong struggling with homosexuality, ang mga Muslim sa Mindanao, ang mga taga-Indonesia. Pero ibinabaling mo ang atensiyon mo sa ibang bagay para makatakas sa tawag ng Dios.

Jonah’s apathy. Wala siyang pakialam kung ano ang trahedyang nangyayari sa paligid niya. Baka nga siya OK lang na mamatay na. Malakas ang bagyo, takot na takot lahat. Siya tulog na tulog. Walang pakialam sa nangyayari. Relax lang. Bahala kayo diyan. Tayo naman, manood ka ng balita sa TV, di ba’t puro masasama ang nababalitaan nating nangyayari? Concern din ba tayo doon at nanalangin tayo para sa China o sa Syria? O wala rin tayong pakialam? O pagpasok sa opisina, tingnan mo ang mga kaopisina mo at ilan sa kanila ang hanggang ngayon ay malayo sa Dios? Or do you pretend that everything is OK?

Jonah’s hypocrisy. Kapitan pa ng barko ang nagsabi sa kanyang magpray. Mga pagano ang kasama niya sa barko. Pero siya, Israelita, sumasamba sa Dios, sa tunay na Dios. Sabi pa niya may takot siya sa Dios. Pero parang ang mga kasama pa sa barko ang nagkaroon ng tunay na takot sa Dios. Si Jonas nga ang dapat maawa sa mga taong walang tunay na Dios, dahil alam niyang kapahamakan ang sasapitin nila. Ito pang mga tripulante ang naawa sa kanya at ayaw siyang itapon sa dagat. We say we are followers of Christ. Sabi ni Jesus, “Go…” Kung tagasunod ka ni Jesus, anong tugon mo? Kumakanta tayo, “I will go to the ends of the earth…” pero sa kapitbahay lang natin wala tayong panahon.

Jonah’s self-centeredness. Ang parusa ng pagsuway sa Dios ay ano? Hindi ba’t kamatayan? Dapat lang na mamatay si Jonas. Pero ano ang ginawa ng Dios? Iniligtas pa rin siya, nagpadala ng malaking isda para mabuhay pa si Jonas. Napakabuti ng Dios sa kanya. Nakita ni Jonas iyon. Nagpasalamat nga siya sa Dios sa chapter 2. Kinilala niyang ang Dios ang nagliligtas. Pero puro sa kanya lang naman ang prayer niya. Hindi naman niya ipinanalangin ang mga kasama niya sa barko na iligtas ng Dios. Naranasan din ng Israel kung paanong pinaunlad pa sila ng Dios, iniligtas sa kaaway nila kahit ang dapat sa kanila’y pagpapatayin na. Alam ni Jonas iyon, pero sarili lang iniisip niya kaya ayaw niyang pumunta sa Nineve. Tingin niya sila lang ang nais pagpalain ng Dios, na ang pagpapala ng Dios ay para lang sa kanila at hindi para sa ibang bansa. Nagpapasalamat tayo sa kaligtasang bigay ng Dios, paano naman ang ibang tao? Ang ibang bansa? Ang mga Muslim? Paano sila kung sarili lang natin iisipin natin.

Jonah’s Story Part 2

Si Jonas, iniluwa ng isda (2:10). Sa literal, idinura, o isinuka. Negative ang term. Hindi ma-take ng isda si Jonas. It’s unnatural for Jonah to be inside the fish. It’s also unnatural for the fish. Sana nga may nagbago na kay Jonas sa susunod na bahagi ng kuwento. Nagbago ang tugon niya sa utos ng Dios. Pero may bagay na di agad nagbabago sa atin – our natural tendency to think only of our self-interest. Tingnan natin kung ano ang sumunod na nangyari. Ganito ang nangyari sa Jonah chapters 3-4:

Muling nagsalita ang Dios kay Jonas, “Pumunta ka agad sa malaking lungsod ng Nineve at sabihin mo sa mga taga-roon ang ipinapasabi ko sa iyo.” Pumunta agad si Jonas sa malaking lungsod ng Nineve ayon sa sinabi ng Dios. Pagpasok niya roon, sinabi niya sa mga taga-roon, “May 40 araw na lang ang natitira at wawasakin na ang Nineveh!”

Sumampalataya sa Dios ang mga taga-roon. Mula sa pinakadakila hanggang sa pinakaaba, lahat sila ay nagsuot ng damit panluksa at nag-ayuno. Dahil noong napakinggan ng hari ng lungsod ang mensahe ni Jonas, ganoon din ang ginawa niya. Naglabas pa siya ng kautusan na gawin ang pagluluksa ng lahat, pati mga hayop. Sabi pa niya, “Taimtim kayong manalangin sa Dios. Talikdan n’yo ang masamang pamumuhay at pagmamalupit. Baka sakaling hindi na ituloy ng Dios ang kanyang parusa at mawala ang kanyang galit sa atin.” Nakita ng Dios ang kanilang ginawa, kung paanong tinalikuran nila ang kanilang masamang pamumuhay. Kaya hindi na itinuloy ng Dios ang parusang nakaabang sana laban sa kanila. Hindi na niya nilipol ang mga taga-Nineve gaya ng sinabi niya noon.

Ikinasama naman ng loob ni Jonas ang nangyari at galit na galit siya. Sinabi niya sa Dios, “Sabi ko na nga ba, alam ko namang mahabagin kang Dios, mapagmalasakit, mapagmahal at hindi basta-basta nagagalit. Nakahanda kang hindi ituloy ang sinabi mong parusa sa kanila. Iyan nga ang dahilan kung bakit ako tumakas noon papuntang Tarshish. Kaya mabuti pang patayin mo na lang ako, mas mainam pa iyon kaysa mabuhay ako.” Sumagot ang Dios, “Tama ba namang magalit ka sa ginawa ko sa Nineve?”

Lumabas si Jonas sa lungsod at naupo. Gumawa siya ng masisilungan at hinintay kung ano ang mangyayari sa lungsod. Dahil naiinitan pa rin si Jonas, nagpatubo ang Dios ng isang malagong halaman para maliliman siya. Sobrang natuwa si Jonas dahil dito. Kinaumagahan, ipinakain ng Dios sa uod ang halamang iyon at nalanta. Pagsikat ng araw, pinaihip ng Dios ang mainit na hangit. Halos mahimatay si Jonas sa init. Sabi niya, “Mainam pa ngang mamatay na lang ako kaysa mabuhay.”

Sinabi ng Dios sa kanya, “Tama bang magalit ka dahil sa nangyari sa halaman?” Sumagot siya, “Oo, tama lang na magalit ako.” Sinabi ng Dios sa kanya, “Nanghihinayang ka sa halamang iyon na tumubo sa loob lamang ng isang gabi at nalanta rin agad sa loob din ng isang gabi, kahit na hindi ikaw ang nagtanim o nagpatubo. Hindi ba ako manghihinayang sa malaking lungsod ng Nineve na may mahigit 120,000 tao na walang alam tungkol sa aking mga kautusan at may marami pang hayop?”

Jonah’s Heartless Obedience

Oo nga’t sumunod na si Jonas sa Dios. Pero wala naman doon ang puso niya. Obvious ito sa mga sumunod na nangyari na makikita natin ang kalagayan ng puso ni Jonas. Malaki pa ang problema.

Jonah’s mercilessness. Kaikli lang ng sermon niya, “40 days na lang, lagot kayo!” Hindi naman niya ineexpect na magsisisi ang mga ito. Ineexpect niya na pagkatapos ng isang buwan lilipulin silang lahat ng Dios. Totoo ngang they deserved that. Pero dapat alam ni Jonas na ang warning of judgment ng Dios ay laging may kaakibat na call for repentance. Iyon din naman ang mensahe nating dadalhin sa mga tao. Hiwalay sila sa Dios at lalo pang mahihiwalay sa Dios kaya kailangang talikuran ang kasalanan. Pero kung hindi natin sila mabigyan ng warning, para na din nating sinasabi sa kanila, “Go to hell! I don’t care if you go to hell.” Hindi ba’t ang mga Cristiano ang dapat na “the most merciful people in the world?”

Jonah’s unrepentance. Maikli lang ang mensahe ni Jonas. Pero sineryoso ng mga taga-Nineve. Nagsisi sila – pati hari at mga tanyag na tao. Buti pa itong mga di-Israelita nakinig sa kaunting warning lang na galing sa Dios. Si Jonas kanina pa kinakausap ng Dios (sa bagyo, sa barko, sa isda) pero di pa rin naririnig ang mensahe ng Dios. Ang mga Israelita ilang beses nang pinapadalhan ng mga propeta ng Dios pero di pa rin nakikinig. Isn’t that ironic? Hindi ba’t nakakapagtaka din na tayong mga Cristiano na iniisip natin na dapat magsisi ang mga taong makasalanan o kaya naman kapag may nakita tayong grabe na ay akala nating wala nang pag-asang magbago, hindi ba’t tayo nga ang dapat magsisisi dahil sa maling pag-iisip natin?

Jonah’s self-righteousness. Galit siya sa Dios sa pagiging mahabagin ng Dios sa ibang bansa. Sa kanya ok lang. Pero sa iba, tingin niya deserving of judgment sila. Siya hindi. That’s self-righteousness. Akala mo you deserve God’s mercy? No! We all deserve to die. God rebuked me lately for this kind of thinking. I’m attending a weekly healing program (Living Waters) at sa group ko, we shared our struggles. Tapos noong naririnig ko ang mga struggles noong iba, parang iniisip kong mas malala pa sila sa akin. At least I’m better than them. Pero pinaalala sa akin ng Dios ang ginawa ni Jesus sa krus. At sabi niya, na hindi ko dapat ikumpara ang sarili ko sa iba. Noong nakita ko ang puso ko at nakumpara sa selflessness ng Panginoong Jesus, naiyak ako, nirebuke niya ko because of my self-righteousness.

Jonah’s love of self-comfort. Natuwa si Jonas sa lilim na binigay ng Dios. Nagalit naman siya nang mawala ito at malanta ang halaman. Kasi ang gusto niya sariling comfort o convenience lang niya. At mas concern pa siya sa namatay na halaman kaysa sa 120,000 na taga-Nineve na nasa bingit ng kamatayan. Tayo rin naman. Kung kumportable ang utos ng Dios susunod tayo. Kapag may sakripisyo na, hindi bale na lang. O kaya nalulungkot tayo kapag natalo ang favorite team natin sa basketball (tulad ko) at tuwang-tuwa naman kapag nanalo (tulad ko rin). O kaya magbibigay na lang ng financial support sa missionary kaysa naman pumunta (pero paano kung tinatawag ka ng Dios?) Baka nagbibigay lang kasi mas convenient. O kaya naman sasabihin natin, magpray na lang ako para sa kanila. Tama ngang magpray pero kung gagawin natin dahil iyon ang kumportable sa atin, may sinasabi ang Dios tungkol sa kalagayan ng puso natin. We love self-comfort. Mas nakaka-thrill na maglaro ng computer games (Temple Run o Warcraft) kaysa pagpaguran ang totoong takbuhin na bigay ng Dios at itaya ang buhay sa totoong labanang isasabak tayo ng Dios.

Jesus: “Greater than Jonah”

Ang puso ni Jonas ay nagpapakita ng problema din ng puso natin na nais baguhin ng Dios. Kaya dapat ibaling natin ang atensiyon natin sa Panginoong Jesus. Sabi ni Pablo na habang tumitingin tayo sa kanya, “we are being transformed into his image” (2 Cor. 3:18). Si Jesus ang nagsabi, “Something greater than Jonah is here” (Matt. 12:41) at tinutukoy niya ang sarili niya. Sumunod siya sa kalooban ng Ama (di tulad ni Jonas) nang buong puso (di tulad ni Jonas). Pumarito sa atin, iniwan ang magandang kalagayan niya sa Langit at naranasan ang hirap na dinaranas natin (di tulad ni Jonas). Ipinakita niya ang awa sa mga taong makasalanan (di tulad ni Jonas). Kung ano ang sinabi niya, iyon din ang ginagawa niya (di tulad ni Jonas). Namatay siya sa krus at pinatawad ang mga kasalanan natin para magkaroon tayo ng kaligtasan, tayong lahat na mga magtitiwala sa kanya at magsisisi sa ating mga kasalanan. Kung isa ka sa tulad ng mga taga-Nineve, paanyaya ng Dios na magsisi ka na sa kasalanan mo at magtiwala kay Cristo. Kung ligtas ka na at tulad ka naman ni Jonas na ngayon ay sumusuway sa misyon ng Dios na abutin ang buong mundo, humingi ka rin ng tawad at idalanging ang puso mo ay maging tulad ng puso ng Panginoong Jesus. Dahil ang puso ng Panginoong Jesus at tulad na tulad ng puso ng Dios na ipinakita niya sa kuwento ng buhay ni Jonas.

Jonah and God

To highlight God’s character, the author of this story uses two key words. Ang una ay ra’ah (9 times), tumutukoy sa isang bagay na hindi maganda, negatibo. Puwede itong isalin na “sama ng loob” tulad ng reaksyon ni Jonas noong galit na galit siya dahil hindi nawasak ang Nineve at hindi itinuloy ng Dios ang banta niyang paglipol sa kanila. Tumutukoy din ito sa “kasamaan” ng mga taga-Nineve (1:2) sa paningin ng Dios na dapat nilang talikuran, na siyang ginawa naman nila pagkatapos marinig ang mensahe ni Jonas (3:8, 10). Tumutukoy din ito sa “sakuna” na padala ng Dios tulad ng bagyo bilang tugon sa pagsuway ni Jonas (1:7, 8). Kung magsisisi naman ang tao, hindi itutuloy ng Dios ang kanyang paglipol sa kanila (3:10). Naranasan din ito ni Jonas ng humampas sa kanya ang init ng araw, ngunit kahit hindi pa siya nagsisisi ipinakita na ng Dios ang kanyang habag sa kanya sa pamamagitan ng halamang lumilim sa kanya (4:6). Sa kuwentong ito, merong gustong itama o ayusin ang Dios.

Ngayon siguro malinaw na sa atin na ang kuwentong ito ay hindi tungkol kay Jonas o sa mga taga-Nineve, o sa mga Israelita, o sa ating mga Cristiano. This is all about God. Gusto niyang ipakilala ang sarili niya kay Jonas, at sa mga di-Israelita sa pamamagitan ni Jonas. Na siya ang Dios na nagpaparusa sa kasalanan (God’s judgment) at pagsuway ng tao. Hindi niya palalampasin si Jonas. Hindi niya palalampasin ang Nineve kung magpapatuloy ito sa pagkakasala. Pero kung tatalikod sila sa kasalanan at magtitiwala sa kanya, siya ang magliligtas sa kanila. Ganoon din ang ginawa ng Dios kay Jonas at sa mga Israelita (God’s salvation). At ang dahilan kung bakit inililigtas niya ang makasalanan (Israelita man o hindi) kahit na we all deserve to die, ay dahil sa kanyang awa at habag (God’s compassion).

May isa pang salitang paulit-ulit ginamit sa kuwentong ito (14 times) – “gadol” na pangunahing ibig sabihin ay malaki, dakila o great. Ipinapakita dito sa kuwento ni Jonas ang laki ng kapangyarihan ng Dios sa paghatol at sa pagliligtas man. Nagpadala siya ng “napakalakas na hangin, kaya bumagyo nang malakas” (1:4, 12). Nang malaman nilang si Jonas ang dahilan “lubhang natakot ang mga tripulante” (1:10). Nang pahintuin naman ng Dios ang bagyo, “nagkaroon ng malaking paggalang ang mga tao” sa Dios (1:16). Pati si Jonas din ay naranasan ang kapangyarihan ng Dios ng iligtas siya sa kamatayan sa pamamagitan ng “isang malaking isda” (1:17).

Ang Nineve ay tinawag na “malaking lungsod” (1:2; 3:2, 3; 4:11). Hindi lang “size” ang pinag-uusapan dito kundi ang importansiya nito sa paningin ng Dios. Mahalaga ito sa Dios, bawat isang nandito. Gusto nang Dios abutin kahit anong uri ng tao, “pinakadakila hanggang sa pinakaaba…hari at kanyang mga pinuno” (3:5, 7). Ipinapakita nito ang sakop ng pagliligtas ng Dios. Ipinapakita din nito ang laki ng kahabagan ng Dios na ibang-iba kay Jonas. Na “sobrang ikinasama ng loob” ang nangyari sa Nineve  (4:1) ngunit “labis namang ikinagalak” ang lilim na binigay sa kanya ng Dios (4:6).

So we see God’s great power to judge, God’s great power to save, and God’s great compassion. Gusto ng Dios iligtas ang maraming makasalanan sa buong mundo dahil malaki ang habag niya. Kaya ba niya? Oo, dahil malaki ang kapangyarihan niyang iligtas ang mga tao sa kanilang kasalanan.

What’s the Ending?

Hindi pa parang bitin ang kuwento? Question mark sa dulo. Ano kaya nangyari kay Jonas? Nagbago kaya siya? Natutunan niya kaya ang mga itinuro sa kanya ng Dios? Hindi natin alam. After all, this story is not about Jonah’s lack of compassion, but about God’s great compassion. Heto ang ending ng Jonah, isang tanong na obvious naman ang sagot, “Hindi ba ako manghihinayang sa malaking lungsod ng Nineve na may mahigit 120,000 tao na walang alam tungkol sa aking mga kautusan at may marami pang hayop?” Mahabagin ang Dios. God reaches out to a sinful world with great compassion. Noon pa ganyan na siya. Hanggang ngayon. Hindi pa tapos ang misyon ng Dios. Hanggang ngayon tuloy pa rin iyan. Tao pa rin ang pinadadala niya para abutin ang ibang lahi, ibang relihiyon, ibang wika, ibang kultura, ibang bansa, ibang tribo para sila rin makarinig ng salita ng Dios at mailapit sa kanya.

Nilikha tayo sa larawan ng Dios, tularan natin siya sa laki ng kanyang habag sa mga makasalanang tulad natin. Magtiwala tayong kapag ginawa natin iyon, ipapakita niya ang kapangyarihan niyang magligtas, tulad din naman ng ginawa niya para sa atin. Mga estudyante, mga bata, mga professionals, mga nanay, mga tatay, mga lolo, mga lola, kinakausap tayo ng Dios – tayo na kanyang mga propeta ngayon – “Pumunta ka sa Mindanao” (Pupunta ka ba?); “Kaibiganin mo ang mga Muslim sa Baliwag” (Gagawin mo ba?); “Pumunta kayong buong pamilya sa Cambodia o sa Indonesia o sa Afghanistan” (Pupunta ba kayo?”). Nagtatanong tayo kung ano ang ending ng story ni Jonah, hindi natin alam ang sagot. Ang tanungin natin ngayon, “How will my life story end – tulad kaya ng nais at plano ng Dios o hiwalay sa layunin ng Dios?” At tandaan natin, Ordinary Christians can fulfill the Great Commission with great, God-like compassion.

One thought on “God Reaches Out with Great Compassion

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s