God Makes a Promise

January 15, 2012  |  By Derick Parfan  |  Scripture: Genesis 12:1-6

Listen Now

Downloads

The Story: Creation, Rebellion, Rescue, Re-Creation

There’s a reason why we call this series “The Story of God.” The Story, and not “the stories” because it is not just a collection of “stories.” Isang kuwento ito na merong apat na bahagi:

  • Creation – Genesis 1-2. Natapos na natin ‘to at nakitang ang Dios ang lumikha sa atin, siya’y makapangyarihan at mabuti. Nilikha tayo ayon sa kanyang larawan, at nais niyang makita sa buhay natin na siya lang ang nabibigyan ng karangalan. Gusto niyang maging malapit ang relasyon natin sa kanya.
  • Rebellion – Genesis 3-11. Pero sumuway ang tao sa Dios. Kaya pumasok ang parusa ng Dios – sakit, hirap, kahihiyan, takot, sirang relasyon, at kamatayan.
  • Rescue – Genesis 12-Revelation 20. But God is on a rescue mission. Much of the Bible is about this, a story of redemption, a story of grace. Kung paano hinahanap ng Dios ang mga nagrebelde sa kanya.
  • Re-Creation – Revelation 21-22. Ibabalik ng Dios ang lahat sa kanyang orihinal na intensiyon sa paglikha.

The Rescue part has three stages. Rescue Promised: Israel – Genesis 12-Malachi; Rescue Fulfilled: Christ – Matthew – John; Rescue Proclaimed: Church – Acts – Revelation 20. Simulan natin ngayon kung paano nangako ang Dios at gumawa para ibuhos ang kanyang pagpapala sa Israel, una, at sa pamamagitan ng Israel tungo sa buong mundo. The Story of God. This is about God. Mula simula hanggang dulo ng kuwento tungkol sa Dios. May kasabihan nga tayo, promises are meant to be broken, ang pangako napapako. Pero ‘pag tungkol sa Dios. Hindi totoo iyon, dahil kapag ang Dios ang nangako, hindi napapako. Simula pa lang ng bahaging ito ng kuwento, kitang-kita na iyon.

The Promise to Abraham

(Note: listen to the story. Don’t take notes. You can take notes later. Or I can give you the notes. Don’t look in your Bible. You can read it when you follow the reading plan. Imagine the story. Visualize. Make it real in your mind. Imagine that you are there, one of the characters in the story.)

Pagkatapos ng malaking baha, nais ng Dios na magkaroon ulit ng magandang simula sa kanyang nilikha sa pamamagitan ng pamilya ni Noe. Pero di lumaon, nakalimutan ng mga sumunod na lahi ni Noe ang Dios na nagligtas sa kanila sa baha. Nagbalak silang gawing tanyag ang sarili nila sa halip na bigyang karangalan ang Dios. Sabi nila, “Magtayo tayo ng isang lungsod na may toreng aabot sa langit, para maging tanyag tayo” (Gen. 11:3). Nakita ng Dios ang kahambugan ng tao. Sa panahong iyon, lahat ng tao sa mundo ay may iisang wika lang. Kaya pinag-iba-iba ng Dios ang wika ng mga tao para di sila magkaisang magrebelde sa kanya. At ikinalat ng Dios ang mga tao sa iba’t ibang dako ng mundo. Noon nagsimula ang mga bansa…

Pagkatapos ng ilang panahon, mula sa maraming bansang nangalat ay tumawag siya ng isang tao na ang pangalan ay Abraham at nagbitaw siya ng isang pangako na tinatawag na tipan – na siyang pinakamatibay sa lahat ng kasunduan sa pagitan ng dalawang tao. Ito ang tipan ng Dios kay Abram, “Gagawin kong isang tanyag na bansa ang lahi mo. Pagpapalain kita at magiging tanyag ang pangalan mo…Pagpapalain ko ang magmamagandang-loob sa iyo. Pero isusumpa ko naman ang susumpa sa iyo. Sa pamamagitan mo, pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo” (Gen. 12:2-3).

Napakalaking pangako ang binitawan ng Dios. Pinili niyang pagpalain ang buong mundo sa pamamagitan ng isang pamilya! Pero merong isang problema. Si Sarai, na asawa ni Abram, ay di magkaanak. Paano ngayong mangyayaring pagpapalain ang mundo sa pamamagitan ng mga anak nila? Bukod doon, tumatanda pa sila. Si Abram ay 75 taon na at si Sarai ay 65!

Iniutos ng Dios kay Abram, “Iwan mo ang bansa mo at mga kamag-anak mo at pumunta ka sa lugar na ipapakita ko sa iyo” (Gen. 12:1). Dinala ng Dios sina Abram at kanyang pamilya sa lupang tinatawag na Canaan. Doon, sinabi ng Dios sa kanya, “Ang lahat ng lupain na maaabot ng paningin mo ay ibibigay ko sa iyo at sa mga lahi mo, at magiging inyo ito magpakailanman” (Gen. 13:15). Kaya ang Canaan ay tinawag na Lupang Pangako.

Lumipas ang ilang taon, wala pa ring anak ang mag-asawang Abram at Sarai. Nagtanong si Abram sa Dios, ”Ano po ang halaga ng gantimpala n’yo sa akin dahil hanggang ngayon ay wala pa po akong anak. Tumatanda na ako at ang magiging tagapagmana ko ay isa sa mga alipin ko.” Pero tugon ng Dios, “Hindi siya ang magmamana ng mga ari-arian mo kundi ang sarili mong anak.” Pagkatapos dinala siya ng Dios sa labas at sinabi, “Masdan mo ang mga bituin sa langit, bilangin mo kung makakaya mo. Magiging ganyan din karami ang lahi mo.” (Gen. 15:2-5). Nanalig si Abram sa Dios at sa kanyang pangako, at dahil dito, itinuring siyang matuwid ng Dios.

Lumipas pa ang maraming taon at nainip na si Sarai dahil di pa siya nagkakaanak. Nagplano siyang ibigay si Hagar, ang alipin nilang galing Egipto, para magkaanak para sa kanya. Pumayag naman si Abram dito. Nabuntis si Hagar at nanganak ng isang lalaki na ang pangalan ay Ishmael. Di naging maganda ang relasyon ng mag-inang ito sa pamilya ni Abram kaya di lumaon ay pinalayas sila.

Nang 99 taon na si Abram, muling nagpakita sa kanya ang Dios at sinabi, “Ako ang Dios na Makapangyarihan. Palagi kang maging matapat sa akin at mamuhay nang matuwid. Tutuparin ko ang kasunduan ko sa iyo; pararamihin ko ang mga lahi mo. Papalitan ko ang pangalan mo at gagawin kong Abraham, na ang ibig sabihin ay ‘ama ng maraming bansa.’ Si Sarai naman ay gagawin kong Sarah, na ang ibig sabihin ay ‘ina ng maraming bansa.’ Tandaan mo ito…patuloy akong magiging Dios ninyo. Ang kasunduang ito ay magpapatuloy magpakailanman. Ang asawa mo’y manganganak ng lalaki at papangalanan mo siyang Isaac. ” (Gen. 17:1-7, 15-16, 19).

Parehong natawa ang mag-asawa at nagduda sa ipinangako ng Dios. Nagtaka si Abraham, “Magkakaanak pa ba ako na nasa 100 taong gulang na? At si Sarah, mabubuntis pa kaya siya na nasa 90 taong gulang na?” Si Sarah naman, sa isip-isip niya, “Magkakaanak pa ba ako ngayong matanda na ako, at mas matanda pa ang asawa ko?” (Gen. 17:17; 18:12-13).

Nagtanong si Abraham sa Dios, “Puwede po bang kay Ishmael n’yo na lang ipasa ang pagpapalang pinangako n’yo?” Pero sabi ng Dios, “Bakit kayo natawa? May bagay ba na hindi ko kayang gawin? Isang taon mula ngayon, magkakaroon ka ng anak na lalaki. At sa kanya ko ipapasa ang pagpapalang ipinangako ko sa iyo – hindi kay Ishmael.”

Totoo nga, paglipas ng isang taon – eksakto ayon sa sinabi ng Dios – ipinanganak kay Sarah ang kanyang unang anak na lalaki, at pinangalanang Isaac, na ang ibig sabihi’y “tawa.” Ang pagsilang kay Isaac ang pasimula ng pagtupad ng Dios sa pangako niya kay Abraham. Nais ng Dios sa lahi ni Abraham na sila’y maging isang bagong bayan, pamilya ng Dios, na magpapakita sa buong mundo kung paano mamuhay ayon sa kalooban ng Dios.

God Calls Us to Faith

Nakita na nating nangako ang Dios kay Noe na di na niya ulit wawasakin ang lahat ng buhay sa mundo – tinawag na tipan, pinakamatibay na kasunduan sa pagitan ng dalawang tao, pero sa kasong ito ay sa Dios at sa tao. Pero dito naman sa eksenang ito, ang tipan ng Dios ay sa isang tao, si Abraham. Nakapaloob dito ang apat na pangako. Una, pamilya. Magkakaroon siya ng mga anak na pagmumulan ng isang bansa. Kaugnay ito sa isa sa layunin ng Dios sa tao: reproduce. Pangalawa, lupa. Magkakaroon siya ng lupa kung saan ang pamilya niya ay titira at paghaharian nila ito. Alinsunod din sa nais ng Dios sa tao: reign. Pangatlo, pagpapala, saganang buhay, sa materyal man o espirituwal, malapit na relasyon sa Dios: receive God’s grace. Pang-apat, pagpapala sa buong mundo sa pamamagitan niya, reflect God’s image.

Ito ang plano ng Dios para ibalik tayo sa malapit na relasyon sa kanya at sa isa’t isa na na-eenjoy nila Adan at Eba noon sa Garden of Eden. Nagbitaw siya ng pangako, na di naman niya obligasyon na gawin. Pero ginawa niya. At ang nais niya ay magtiwala tayo sa pangakong iyon. Si Abraham, nagtiwala sa Dios, at ibinilang siyang matuwid ng Dios. Di tayo ang magtatrabaho para mabalik ang relasyon natin sa Dios, siya ang nangakong siya ang gagawa. Dahil mabagal tayong maniwala at madalas tayong nagdududa sa Dios, at pinipiling paniwalaan ang sinasabi ng sariling isip natin o ng ibang tao, kailangang ulit-ulitin ang pangako ng Dios para maitanim sa isip natin. Ganito ang ginawa niya kay Abraham. Oo, naniwala siya. Pero noong naiinip na, medyo nagdududa na. Pero pinakita ng Dios, na kapag siya ang nangako, kahit kailan hindi napapako. Ang paghihintay ay bahagi ng pagtitiwala sa kanya, para subukin tayo.

The Son of Abraham

Hindi kayo maniniwala sa sumunod na nangyari. Nang magbibinata na si Isaac, sinubukan ng Dios ang pananampalataya ni Abraham. Tinawag siya ng Dios, “Abraham!” “Opo, nakikinig po ako!” tugon naman niya. Sabi ng Dios, “Dalhin mo ang kaisa-isa at pinakamamahal mong anak na si Isaac. Umakyat kayo sa bundok na ituturo ko sa iyo at ialay mo siya sa akin bilang handog na sinusunog” (Gen. 22:1-2).

Kinabukasan din, bumangon nang maagang-maaga si Abraham, nagsibak ng ilang kahoy para sa paghahandog, at isinakay ito sa asno. Pagkagayak lahat, isinama niya si Isaac at ang dalawa sa kanyang mga alipin at nagsimulang pumunta sa bundok na sinasabi ng Dios. Pagkaraan ng tatlong araw na paglalakbay nila, nakita na nila ang bundok. At sinabi ni Abraham sa kanyang mga alipin, “Dito muna kayo, dahil aakyat kami roon ni Isaac para sumamba sa Dios. Babalik din kami agad.” Ipinapasan ni Abraham kay Isaac ang mga kahoy na gagamitin sa paghahandog, at siya ang nagdala ng itak at sulo.

Habang naglalakad sila papunta sa bundok, nagtaka si Isaac at nagtanong, “Tatay, may dala po tayong sulo at paggatong pero nasaan po ang tupa na ihahandog?” Sumagot si Abraham, “Anak, ang Dios ang magbibigay sa atin ng tupang ihahandog.”

Pagdating nila sa taas ng bundok, gumawa sila ng altar at inilagay ang mga kahoy sa ibabaw. Pagkatapos, iginapos niya si Isaac at inihiga sa ibabaw ng altar. Pagkatapos, kinuha niya ang itak, itinaas at papatayin na ang kanyang anak para ihandog sa Dios. Sa oras ding iyon, sumigaw ang Anghel ng Dios mula sa langit, “Abraham! Abraham!” “Opo, nakikinig po ako!” sagot naman niya. Sabi ng Anghel, “Ibaba mo na ang itak. ‘Wag mo nang saktan ang anak mo. Ngayon, napatunayan ko na na nagtitiwala ka sa akin dahil hindi mo ipinagkait ang kaisa-isa mong anak.” Paglingon ni Abraham, may nakita siyang isang tupa na ang sungay ay nasabi sa mga sanga ng kahoy. Kaya kinuha ito ni Abraham at inihandog bilang handog sa Dios kapalit ng kanyang anak. Tinawag ni Abraham ang lugar na iyon na “Ang Dios ang Naglalaan.”

Pagkatapos noon, sinabi ng Dios kay Abraham, “Sumusumpa ako sa sarili ko na pagpapalain kita dahil hindi mo ipinagkait sa akin ang kaisa-isa mong anak. Lalaki nang lalaki ang pamilya mo – magiging singdami ng mga bituin sa langit at ng buhangin sa dalampasigan. Sa pamamagitan ng iyong lahi pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa mundo, dahil pinili mong sumunod sa akin” (Gen. 22:16-18). Pagkatapos nito, bumaba na sila ng bundok, binalikan ang kasama nilang alipin, at umuwi na sa kanila.

God Tests Our Faith

God makes a promise. He tests his children’s faith. Mahirap ang pinapagawa ng Dios kay Abraham. Ilang taon na siyang nasisiyahan sa anak na bigay ng Dios. Ngayon gusto ng Dios na ialay sa kanya? “Teka lang, Lord. Bakit ganoon?” Pwede sanang sabihin ni Abraham, pero di niya sinabi. Sumunod siya agad. Di siya nag-alinlangan sa Dios. Sumunod siya kahit parang “walang sense” ang pinapagawa ng Dios” kasi nagtitiwala siya na kung ito ang pangako ng Dios, kaya niya ring buhayin muli ang kanyang anak, sabi ni Pablo sa sulat niya sa Roma.
Obedience to his command is an indication that we truly believe in him. Even when his commands does not make sense to us. Tulad ng pag-alis sa isang trabaho, pagpili ng mas mababang suweldo, pagbigay ng malaking halaga para sa missions o sa mahihirap, o pagtanggap sa asawang matagal ka nang iniwan. Sa pagsunod mo sa utos ng Dios, gaano man ito kabigat, o parang walang sense sa ibang tao, magpapakita ito kung nagtitiwala ka talaga sa Dios na nangako sa iyong pagpapalain ka.

The Fear of Jacob

Tulad ng ipinangako ng Dios kay Abraham, ang pagpapala ay ipinasa sa kanyang anak na si Isaac. Napangasawa ni Isaac si Rebeka, at dahil baog ito, hiniling niya sa Dios na magkaanak ito. Tinugon ng Dios ang dalangin niya kaya nagbuntis siya at nanganak ng kambal – si Esau ang panganay, at sumunod si Jacob. Sinabi ng Dios, “Ang isa’y magiging makapangyarihan kaysa sa isa. Ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata niyang kapatid” (Gen. 25:23).

Hindi naging maganda ang relasyon ng magkapatid na ito. Dahil lang sa pagkain ipinagpalit ni Esau ang karapatan niya bilang panganay at inilipat kay Jacob. Nang matanda na ang kanilang tatay na si Isaac at nakahanda nang ipasa ang pagpapala kay Esau (sa halip na kay Jacob dapat), nagsabwatan si Rebekah at si Jacob para lokohin si Isaac. Dahil dito, kay Jacob napunta ang basbas ng pagpapala ni Isaac, na galing din sa pagpapala ng kanyang lolong si Abraham.

Dahil dito, galit na galit si Esau sa kanyang kapatid. Nagbanta pa siyang hihintayin lang niyang mamatay ang kanilang ama at pagkatapos ay papatayin niya si Jacob. Kaya pinapunta ni Rebeka si Jacob sa kaniyang tiyuhing si Laban, para matakasan ang banta ni Esau. Bago siya umalis, binasbasan ulit siya ni Isaac, “Nawa’y pagpalain ka ng Makapangyarihang Dios at ibigay din sa iyo at sa mga lahi mo ang pagpapalang ibinigay niya kay Abraham” (Gen. 28:3).

Sa kalagitnaan ng paglalakbay ni Jacob, nanaginip siya habang natutulog. Nakita niya ang isang hagdan na abot hanggang langit at ang mga anghel ay manhik-manaog sa hagdang iyon. Nagsalita ang Dios at inulit kay Jacob ang ipinangako din niya kay Abraham at Isaac at ibinilin niya, “Alalahanin mo palagi na kasama mo ako at iingatan kita sa lupaing ito at hindi kita pababayaan hanggang sa matupad ko ang aking ipinangako sa iyo” (Gen. 28:15). Dahil sa nakita niyang nandoon ang presensiya ng Dios, tinawag n’ya itong Betel, na ang ibig sabihin ay “tirahan ng Dios.” At nangako siya sa Dios, “Kung sasamahan po ninyo ako at iingatan, kikilalanin ko po kayong aking Dios” (Gen. 28:20-21).

Totoo ngang sinamahan, pinagpala at iningatan siya ng Dios. Pagdating niya sa bayan ng kanyang ina, napangasawa niya ang dalawang anak ng kanyang tiyuhing si Laban, at nagkaanak siya ng 12 lalaki – at sa kanila nagmula ang 12 lipi ng bansang Israel. Sa loob ng 20 taong pamamalagi niya roon, pinagyaman siya ng Dios at nagkaroon ng maraming tauhan at mga ari-arian. Si Laban din ay pinagpala ng Dios dahil sa kanya.

Pagkatapos sinabi ng Dios sa kanya, “Bumalik ka na sa lupain ng iyong mga ninuno, at makakasama mo ako” (Gen. 31:3). Kaya naghanda nang bumalik si Jacob kasama ang kanyang buong pamilya, mga tauhan at mga pag-aari. Habang pabalik na siya ay nabalitaan niyang sasalubungin siya ng kanyang kuyang si Esau kasama ang 400 tauhan nito. Takot na takot si Jacob. Kaya lumapit siya sa Dios, “Kayo po ang nagsabing bumalik ako at nangakong pagpapalain ako at pararamihin ang lahi ko, kahit na hindi ako karapat-dapat na tumanggap ng inyong kabutihan. Natatakot po ako sa aking kapatid, kaya hinihiling ko po sa inyong iligtas n’yo ako at ang aking pamilya” (Gen. 32:9-12).

Narinig ng Dios ang panalangin ni Jacob. Kaya nang gabi ding iyon, may dumating na isang lalaki at nakipagbuno kay Jacob, hanggang mag-uumaga na. At sinabi ng lalaking ito na bitiwan na siya, pero ang sabi ni Jacob, “Hindi kita bibitiwan hangga’t hindi mo ako binabasbasan.” Sagot ng lalaki, “Simula ngayon, hindi na Jacob ang itatawag sa iyo kundi Israel, dahil nakipagtagisan ka sa Dios at sa tao nagtagumpay.” Sa lugar na iyon, binasbasan siya ng Dios, at tinawag niya itong Peniel, na ibig sabihi’y “mukha ng Dios” dahil nakita ni Jacob ang mukha ng Dios na nagpapakitang kakampi niya ang Dios. (Gen. 32:22-30)

Nang umaga ring iyon, nang magkita na silang magkapatid, tumakbo si Esau para salubungin siya. Niyakap siya nito nang mahigpit at umiyak silang dalawa. Sinabi ni Jacob sa kuya niya, “Nakita ko ang mukha ng Dios sa iyo, ngayong pinatawad mo na ako” (Gen. 33:10). Pagkatapos nito’y naghiwalay na ulit ng landas ang magkapatid.

Nang madaan ulit si Jacob sa Betel, sumamba siya sa Dios at sinabi naman ng Dios sa kanya, “Ako ang Makapangyarihang Dios. Magkaroon ka ng maraming anak. Magiging ama ka ng isang bansa at marami pang bansa, at magiging hari ang iba mong mga lahi. Ang lupain na ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac ay ibibigay ko rin sa iyo at sa mga lahi mo” (Gen. 35:11-12).

God Strengthens Our Faith

God makes a promise. He strengthens his children’s faith. Ang pangako naipasa kay Isaac, naipasa din kay Jacob. Ni hindi naman siya karapat-dapat noong una, mandaraya, makasarili, ni hindi pa nagtitiwala sa Dios. Actually, buong pamilya nga, gulu-gulo. Di lang si Jacob pati ang kapatid niyang si Esau, pati ang magulang nilang si Rebeka at Isaac. Pero pinagpala pa rin sila. Itinuloy ng Dios ang pangako niya kay Jacob, pinagpala siya nang sobra-sobra. Pinakita niyang siya ang Dios na pinagmumulan ng pagpapala. At dahil itong si Jacob mahina ang loob, takot sa kanyang kapatid, pinalakas ng Dios ang loob niya. Sinamahan siya. Iningatan. Ganyan naman din ang ginagawa ng Dios sa atin, di ba? Kapag nanghihina at natatakot, pinalalakas.

Believing God

Nangako ang Dios kay Abraham na pagpapalain siya at ang kanyang pamilya. Tayo rin, we can claim God’s promised blessing to Abraham through Jesus Christ. Si Jesus ang “anak ni Abraham” (Matt. 1:1) at sa pamamagitan niya pagpapalain lahat ng bansa. Galacia 3:6-9, “Ang mga sumasampalataya sa Dios (kay Cristo) ang siyang mga tunay na anak ni Abraham…Sumampalataya si Abraham sa Dios at pinagpala siya. Kaya lahat ng sumasampalataya sa Dios ay pinagpapala rin tulad ni Abraham.” Gusto niya magtiwala tayo at sumunod, pero nagdududa tayo sa kanya, natatakot tayo sa ibang tao o sa mga pwedeng mangyari. Mahina ang pananampalataya natin, nag-aalinlangan tayong sumunod. Eto ang solusyon ng Dios…

Pinapakita niya sa ating the God of Abraham, Isaac and Jacob is our God. He doesn’t change. Sa panahong nagdududa tayo sa Dios at sa kanyang pangako, kaya humihina ang ating pananampalataya, ipinapakilala niya kung sino siya. Makikita ito sa dalawang pangalang ginamit sa Dios sa kuwentong ito. El-Shaddai, “God Almighty.” Sinabi kay Abraham (Gen. 17:1-2). Binanggit ni Isaac sa basbas niya kay Jacob (28:3). Sinabi ng Dios kay Jacob (35:11-12). Kung siya ang makapangyarihang Dios, na sa isang salita lang ay nabuo ang langit at lupa, anong dahilan para pagdudahan natin ang magagawa ng Dios? May mahirap ba sa kanya? May imposible ba? Wala. Sa panahong di tayo nagtitiwala sa kanya, para na rin nating sinasabing, “Ang Dios ko ay mahina, hindi makapangyarihan.” That’s not true. Yahweh-Yireh, “God will Provide.” Ito ang pangalan ng Dios na natutunan ni Abraham pagkatapos magbigay ang Dios ng kapalit na ihahandog sa halip na si Isaac, sa Gen. 22:14. Hindi tayo nakakasunod kasi nandun ang duda natin sa Dios na baka hindi niya ibigay ang kailangan natin. Pero ang Dios ang magkakaloob ng lahat ng kailangan natin – karunungan at lakas – para magawa natin kung ano ang nais niya. Mabuti ang Dios; siya ang maglalaan ng kailangan natin. Di tayo dapat magduda. Hindi niya sinasabi sa ating, “Bahala ka,” sa halip sabi niya, “Akong bahala.” Kaya di tayo dapat mabahala.

Sa mga panahong natatakot tayo, na nagiging hadlang para lubos tayong makasunod sa kanya, ipinapakita niya kung ano ang nais niya para sa atin. Makikita ito sa dalawang pangalan ng lugar kung saan nakita ni Jacob ang Dios. Bethel, “House of God.” Pangalang ibinigay ni Jacob sa lugar kung saan nakita niya ang Dios at kinausap siya. Ito ang nais ng Dios, makasama natin siya, maranasan natin ang presensiya niya. Di tayo dapat matakot. Nasa bahay tayo ng Dios, nasa isang pamilya. Malaking pribilehiyo iyon. Ang Dios mismo ang bumaba mula sa langit para makasama tayo. Peniel, “The Face of God.” Lugar na pinangalanan ni Jacob kung saan siya nakipagbuno sa Dios at nakita niya nang mukhaan ang Dios (Gen. 32:30). Takot siya kay Esau, pero ang solusyon ng Dios ay ipakita sa kanyang kakampi mo ako, wala kang dapat ikatakot. Hawak ko lahat ng bagay. Ako ang bahala sa iyo.

In Christ, God is mighty to save. In Christ, God will provide. In Christ, we belong to God’s family. In Christ, we see God’s face. Dahil dito, masasabi nating tulad ni Pablo, “panig sa atin ang Dios (o kakampi natin ang Dios), at dahil dito, walang magtatagumpay laban sa atin. Kung ang sarili niyang Anak (ang Panginoong Jesus) ay hindi niya ipinagkait kundi ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay” (Rom. 8:31-32). Tiyak iyon. Kaya sa halip na magduda at matakot, tayo’y magtiwala at sumunod sa kanya.

3 thoughts on “God Makes a Promise

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s