Part 3 – Alone with God in Prayer

Series: Prayer Rocks the World

June 7, 2009

Matthew 6:5-6 (ESV)

And when you pray, you must not be like the hypocrites. For they love to stand and pray in the synagogues and at the street corners, that they may be seen by others. Truly, I say to you, they have received their reward. But when you pray, go into your room and shut the door and pray to your Father who is in secret. And your Father who sees in secret will reward you.

Introduction

Prayer is not a way to display ourselves. Prayer is a way to display God. Kagabi ay naimbitahan ako ni Gladys na mag-opening prayer sa recital ng Baliuag School of Music. Maraming tao. Pormal pa ang suot ng marami. Nasa harap ako at nasa itaas ng stage. May spotlight na nakatapat sa ‘kin. I prayed. I think I prayed well. Kasi magandang pakinggan. Ngunit naitanong ko sa sarili ko, Sino ba ang kinausap ko sa panalangin? Ang mga tao ba o ang Diyos? Did I really pray or did I just perform as part of the program? God rebuked me. I confessed. I learned that God desires our relationship with him more than our performance.

Katulad ko at ng ibang involved sa public ministry, we have a tendency to measure our spirituality by what we show to others. Mas gusto natin na maganda ang magiging comment sa ‘tin ng mga tao. Na makita nila na we are godly or religious. Paano kung mag-isa na lang tayo at wala nang nakakakita? Are we still godly, spiritual and prayerful? We forget that true spirituality is who we are when we are alone with God.

Ngayon ay nais ipaalala sa atin ni Jesus na nais ng Diyos na magkaroon tayo ng tunay at malapit na relasyon sa kanya sa pamamagitan ng panalangin. God desires that we have a sincere and intimate relationship with him in prayer. Ito ang itinuturo ng ating teksto sa Matthew 6:5-6:

At kapag kayo ay nananalangin, huwag kayong maging tulad sa mga mapagkunwari; sapagkat ibig nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga lansangan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala. Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at pagkasara mo ng iyong pinto ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakakita ng mga lihim na bagay ay gagantimpalaan ka.

Ang talatang ito ay bahagi ng katuruan ni Cristo kung paano dapat sila manalangin (6:5-15). Ito ay bahagi ng pagtuturo ni Jesus sa maraming tao nang sila ay umakyat sa bundok, The Sermon on the Mount (Chap. 5-6). Ang panalangin ay isa sa mga gawain ng mga relihiyosong hipokrito noong panahon ni Jesus na karaniwang ginagawa nang may pagpapanggap lamang. Ang nauna niyang nabanggit ay ang tungkol sa pagbibigay sa nangangailangan (6:1-4). Ang sumunod niyang banggitin pagkatapos nito ay ang tungkol sa pag-aayuno (6:16-18). Dito sa vv. 5-6 ipinapakita ni Jesus na nais ng Diyos na tayo’y manalangin at kung tayo’y mananalangin, ito ay dapat maging tunay at maging paraan upang tayo’y maging malapit sa kanya. God desires that we have a sincere and intimate relationship with him in prayer.

Prayer: The Great Expectation

God desires that we pray. Kung itinuturing natin na tayo’y mga anak na ng Diyos dahil sa pagtanggap natin kay Cristo sa ating mga puso (John 1:12), prayer is expected of us. Walang exemptions dito. Bago ituro ni Cristo ang maling paraan ng panalangin, sinabi niya, “At kapag kayo ay nananalangin…” Ipinalalagay niya na sila ay nananalangin na. Mas naging personal pa siya sa sumunod na talata nang kanyang sabihin na, “Ngunit kapag ikaw ay mananalangin…” Hindi niya iniutos dito na manalangin. Ang itinuro niya ay kung paano mananalangin. Ipinalalagay niyang sila’y nananalangin na. Ngunit maaaring mali ang kanilang puso sa pananalangin. At ‘yan ang nais itama ni Jesus.

God desires that you come to him in prayer. Do you approach prayer with anticipation and excitement? O tingin mo ito ang pinakaboring na gawain ng church? Maaaring ang iba sa inyo ay hindi nananalangin maliban kung kakain o makatanggap ng malaking blessing o makaexperience ng mabigat na trahedya sa buhay. Paano natin sinusukat ang ating paglago sa buhay Kristiyano? Sa dami ba ng gawain na sinasamahan natin? Sa dami ba ng oras na inuubos natin sa church? O sa laki at kalidad ng oras na binubuhos natin sa panalangin?

Maaaring ang iba sa atin ay pangkaraniwan nang gawain ang panalangin. Ngunit dapat nating maunawaan na may mali at tamang paraan ng pananalangin. Hindi po ito nakukuha sa dami ng oras o sa mga salitang sinasabi natin. Nakikita ito ng Diyos sa laman ng puso natin sa panalangin.

The Wrong Way to Pray

What is the wrong way to pray? The wrong way to pray is prayer that is directed to others. Paalala ito sa atin na huwag manalangin na parang nagpapanggap lamang. God desires sincerity in prayer.Hindi tayo nananalangin na parang nagpapakitang tao lamang. Dapat may sincerity. Ito ang itinuro ni Cristo sa v. 5, “At kapag kayo ay nananalangin, huwag kayong maging tulad sa mga mapagkunwari; sapagkat ibig nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga lansangan upang makita sila ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.”

Walang lugar ang pagkukunwari sa panalangin. “At kapag kayo ay nananalangin, huwag kayong maging tulad sa mga mapagkunwari…” Ganito rin ang sinabi niya patungkol sa pagbibigay sa iba (v. 2) at sa pag-aayuno (v. 16). Tinawag ni Jesus ang mga eskriba at mga Pariseo na mga mapagkunwari o hypocrites sa 15:7, “Kayong mga mapagpakunwari…” Bakit? Dahil sa salitang lumalabas sa kanilang bibig ay animong paggalang sa Diyos ngunit malayo naman ang puso sa Diyos. Dahil dito’y nawawalang kabuluhan ang kanilang pagsamba (15:8-9). Ang pagpapakunwari ay pagpapakita sa labas nang wala naman sa puso. Ang ilang artista ay magandang tingnan sa TV ngunit pagdating sa totoong buhay hindi pala ganun. Yung iba maganda yung ginagampanang role ngunit sa personal masama pala ang ugali. Sa pananalangin baka ang iba sa atin ay parang artista lang. Ito ay pagpapakita sa ibang tao na ikaw ay espirituwal ngunit sa totoo lang ay hindi naman. Sabi ni MacArthur, “Hypocrisy robs prayer of its ultimate purpose – to glorify God.”

Walang lugar sa panalangin ang pagtatanghal ng sarili sa ibang tao. Ito ang dahilan kung bakit ayaw ni Cristo na tumulad tayo sa mga hypocrites, “…sapagkat ibig nilang tumayo at manalangin sa mga sinagoga at sa mga panulukan ng mga lansangan upang makita sila ng mga tao.” Karaniwang postura sa panalangin nila ang nakatayo. Gustong-gusto nila ito dahil mas nakikita sila ng tao. Sa sinagoga maraming tao ang nagtitipon para sumamba. Mas gusto nilang manalangin dito dahil maraming tao ang makakakita sa kanila. Sa mga sulok ng lansangan madalas nagkakatagpo-tagpo ang mga tao. Gusto rin nila ditong manalangin dahil mas natatanghal ang sarili nila. Ang panalangin ay hindi pagtatanghal sa sarili! Ito ay pagtatanghal sa Diyos. Kung sa iyong panalangin ay mas iniisip mo kung ano ang sasabihin o iisipin ng tao sa iyo, hindi ‘yan kinalulugdan ng Diyos.

Dahil hindi ito nakalulugod sa Diyos, wala nang gantimpalang nakalaan sa mga mapagpakunwari sa panalangin. “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.” May gantimpala pa rin? Oo! Ito lang ang bayad sa kanila. Tinanggap na nila. Wala na silang tatanggapin pang iba. Anong gantimpala? Gusto nilang makilala ng ibang tao, yan ang tatanggapin nila at wala nang higit pa. Gusto nilang  maganda ang sabihin sa kanila ng ibang tao at masabing sila ay mga relihiyoso, yan ang tatanggapin nila at wala nang higit pa. Kung yan lang ang gusto mong matanggap sa buhay na ito, ipakita mo sa tao na espirituwal ka. Ngunit wag kang umaasa na may gantimpala ka pang tatanggapin na higit sa pagkakilala ng tao. Wala na.

Ibig sabihin ba nito na hindi na tayo dapat manalangin in public o kaya’y magsama-sama sa panalangin? Siyempre hindi. Maging si Jesus ay nananalangin na nakikita ng kanyang mga alagad. Ang unang iglesia sa sama-samang ding nananalangin (e.g. Acts 1:14). Ito ay paalala sa atin na kapag mananalangin maging totoo at hindi nagpapanggap lang. Our corporate prayer life must flow from a private prayer life.

At para naman sa iba na hindi naman talaga nakikita ng ibang tao ang inyong spirituality o pagiging relihiyoso dahil hindi naman talaga kayo dumadalo sa ibang mga gawain natin ng panalangin, may panawagan din sa inyo si Jesus. Simulan ninyo sa tama ang relasyon ninyo sa kanya. Hindi nga mali ang panalangin ninyo kasi hindi naman kayo nananalangin. Start with the right way to pray.

The Right Way to Pray

The right way to pray is prayer that is directed to God alone. God desires intimacy in prayer, hindi lamang sincerity. Makatotohanang panalangin at panalanging malapit sa Diyos. Siya lamang ang dapat kausap natin kapag nananalangin. Kaiba sa mga hipokrito, ganito ang itinuturo ni Cristo sa atin sa v. 6, “Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid, at pagkasara mo ng iyong pinto ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim, at ang iyong Ama na nakakakita ng mga lihim na bagay ay gagantimpalaan ka.” Ano ang tamang paraan ng pananalangin? Ano ang panalangin na nakalulugod sa Diyos?

Ito ay panalanging personal. “Ngunit kapag ikaw ay mananalangin, pumasok ka sa iyong silid…” Ang silid na tinutukoy dito ay ang pribadong lugar kung saan personal na makikipagniig tayo sa Diyos. Personal communion with him ang gusto ng Diyos. Hindi lang po lugar ang pinag-uusapan dito. It is the state of the heart more than the place. Katulad noong nagpunta kami sa Prayer Mountain. Pumasok ako sa isa sa prayer cells. Mag-isa lang ako. Sarado ang pinto ngunit may struggle sa pagsimula ng panalangin. So hindi lang po lugar ang pinag-uusapan dito. Ngunit mahalaga din na may nakalaan tayong oras sa umaga at lugar kung saan tayo mananalangin. Walang ibang pwedeng umistorbo sa tin sa mga oras na ito.

Ito ay panalanging nakatuon ang atensyon sa Diyos. “…at pagkasara mo ng iyong pinto…” Hindi dapat bukas ang pinto dahil maaaring kung sinu-sino ang papasok at mang-iistorbo.  Katulad ng mag-asawa, hanggat maaari nakalock talaga ang pinto ng kwarto para walang makaistorbo. You want to spend intimate time with each other. You don’t want anyone to distract you. Ganun din sa panalangin. Ano ang mga bagay na nakasasagabal sa iyo upang makapaglaan ng oras sa Diyos sa panalangin? Paano mo aayusin ito? At kung ikaw ay nananalangin na, anong mga bagay ang nakakadistract sa yo para maituon ang focus mo sa Diyos?

Ito ay panalangin ng isang anak sa kanyang Ama. “…ay manalangin ka sa iyong Ama na nasa lihim…” Mahirap kausapin ang isang taong hindi mo nakikita? Hindi naman di ba? Nagtetext nga tayo, tumatawag sa phone o nagchachat sa internet. Kahit hindi nakikita ang Diyos alam natin andito siya malapit sa atin. Kahit saan pa tayo pumunta. Sa panalangin minsan ay salungat ang theology natin sa ginagawa natin. Alam nating nasa tabi lang natin ang Diyos, ngunit hindi man lang natin pinapansin. Siya ang ating Ama. He wants us to spend quality time with him. Do we want the same thing? Ano kaya ang mararamdaman ng tatay mo sa Fathers Day sa June 21 kung maghapon kasama mo siya sa bahay tapos di mo man lang kinausap? Nung kinausap mo sinabi mo lang, “Tay paabot nga ng baso.” What kind of relationship is that? With God, everyday is a Father’s Day. Everyday is his day. He wants to spend time with us 24/7. Simula sa Quiet Time mo sa umaga hanggang sa pagpasok mo sa trabaho hanggang sa pag-uwi mo galing ng opisina hanggang sa pagtulog mo sa gabi hanggang paggising mo kinaumagahan.

Dahil ito ay panalanging nakalulugod sa Diyos, siguradong may gantimpalang nakalaan dito. “…at ang iyong Ama na nakakakita ng mga lihim na bagay ay gagantimpalaan ka.” Hindi binanggit ni Jesus kung anong gantimpala ito ngunit nakatitiyak tayo na meron. It may be the reward of answered prayers, the reward of knowing God more, the reward of hearing God’s voice, the reward of the Holy Spirit, the reward of eternity with him. Hindi niya binanggit kung ano ngunit ang reward na yun ay siguradong dapat nating abangan.

God expects his children to pray. Kasi gusto ng Diyos ang malapit na relasyon natin sa kanya sa pamamagitan ng panalangin. Ngunit hindi basta-basta makapagpray lang. Hindi dapat mapagkunwari sa panalangin. Hindi plastic kundi sincere dapat. Hindi lang basta nakikipag-usap sa kanya kundi patuloy na lumalapit ang relasyon sa kanya. May intimacy. ‘Yan ang nais ng ating Ama sa langit. God desires that we have a sincere and intimate relationship with him in prayer. Tandaan natin: Prayer is not a way to display ourselves. Prayer is a way to display God.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s