Hoping in God from Generation to Generation

January 3, 2010 | By Derick Parfan |  Scripture: Psalm 78:1-8

Downloads: sermon notesaudio

Whatever Happened to the Family?

Ang pamilya na itinatag at dinisenyo ng Diyos ayon sa kanyang layunin ay sinisira ng ating lipunan. Isa sa mga masasayang nangyayari tuwing magtatapos ang taon ay ang mga family reunions. Masayang makita na ang mga magkakamag-anak ay nagkakasama-sama. Ngunit napakalaking kalungkutan ang ibinigay nito sa akin. Bakit? Dahil nakita ko muli at naririnig ko ang hindi magagandang bagay na nangyayari sa pamilya. May mga nagsasama na hindi naman kasal, at aprubado naman ng mga magulang. May ikinakasal nga ngunit may laman na ang tiyan. May mga mag-asawang naghiwalay, at bawat isa ay may kinakasama nang iba. May mga batang lumalaki na wala ang pagsubaybay ng magulang kasi ang isa o pareho sa kanila ay nasa ibang bansa.

Mas higit pa sa kahirapan ang problema ng mga pamilya. Ito ay ang unti-unting pagkawala ng takot sa Diyos ng mga magulang at ng kanilang mga anak dahil na rin sa kapabayaan ng mga magulang. Hindi lang ito totoo sa mga kamag-anak namin, ito ang pangkaraniwan nang eksena sa bansa natin. Nakakalungkot na ang pagkatakot sa Diyos ay nawawala na. Katulad ng nangyari sa panahon ng mga Hukom sa Lumang Tipan: “In those days there was no king in Israel. Everyone did what was right in his own eyes” (Judg. 21:25). Kung ganito ang kalagayan ng bansa at ng mga magulang, ganoon din ang kahihinatnan ng mga anak.

Ang ganitong kalagayan ng mga pamilya ay tulad din ng nangyari sa Israel, ang bayang pinili ng Diyos. Ang Awit 78 ay isinulat ni Asaph, isang Levita na naglilingkod sa panahon ni Haring David. Ito ay isang awit na nakalulungkot din kung maaalala nila ang nangyari sa Israel mula sa paglabas nila sa Ehipto hanggang sa kaharian ni David. Sa kabila ng mga kamangha-manghang pagpapakita ng kapangyarihan at kabutihan ng Diyos, ang iginanti ng mga Israelita ay ang pagtalikod sa kanya, pagsuway sa kanyang mga utos, at pagbaling sa mga diyus-diyosan. Verse 32, “In spite of all this, they still sinned; despite his wonders, they did not believe.”

Kung ganito ang kalagayan ng bansang Israel sa kanilang relasyon sa Diyos, nasaan ang pag-asa sa hinaharap? Ang pag-asa lang nila ay kung babalik sila sa Diyos, na siyang tanging pag-asa nila. Ang pag-asa nila ay kung pakikinggan nilang mabuti ang Salita ng Diyos: “Give ear, O my people, to my teaching; incline your ears to the words of my mouth!” (v. 1). Ang pag-asa nila ay kung ang kanilang mga anak ay hindi uulitin ang malaking pagkakamali ng kanilang mga magulang. History must not repeat itself.

Ang mga nangyayari po sa mga pamilya sa lipunan natin ay nangyayari din sa ibang mga pamilya dito sa ating iglesia. Nakakalungkot, ngunit huwag tayong mawalan ng pag-asa. Ngayong bagong taon ay panghawakan natin ang panibagong pag-asa. Ito ay isang panawagan na tayo’y magtiwala sa Diyos na siyang kikilos sa ating iglesia at sa ating mga pamilya. Ang kaibahan ng Cristianong pamilya ay ang Panginoong Jesu-Cristo na naghahari sa atin. Kung wala si Cristo, anong mga pagbabago ang aasahan nating mangyayari sa ating pamilya? Dahil nasa atin si Cristo, mga salita niya ang kailangang panghawakan natin at maging pundasyon ng buhay at pamilya natin.

Kaya ngayon ay titingnan natin ang Psalm 78:1-8 at ang itinuturo nito sa nais ng Diyos sa mga pamilya sa ating iglesia, at sa pagpapalaki at ministeryo natin sa mga bata. Pagkatapos nito’y titingnan naman natin kung ano ang mga implikasyon nito sa mga magulang at sa mga ministeryo natin sa mga bata sa ating iglesia.

God’s Demand for the Family and the Church

Ang nais ng Diyos para sa bawat pamilya at sa iglesia bilang pamilya ng Diyos ay mamuhay nang naaayon sa kanyang mga salita. Ito ang nais niya sa Israel kung bakit niya iniligtas sila sa pagkakaalipin sa bansang Ehipto. Verse 5, “He established a testimony in Jacob and appointed a law in Israel…” Pagkatapos na ilabas ng Diyos mula sa Ehipto ang mga Israelita, ibinigay niya sa kanila ang Sampung Utos (Ex. 20) upang kanilang sundin bilang pagbibigay karangalan sa Diyos na nagligtas sa kanila. “I am the Lord your God, who brought you out of the land of Egypt, out of the house of slavery” (Ex. 20:2). Dahil sa kanilang pagsuway sa Diyos at kawalan ng tiwala sa kanya, hinayaan niyang 40 taong nag-iikut-ikot sa disyerto ang mga Israelita bago makapasok sa lupang ipinangako ng Diyos. Bagong henerasyon ang papasok sa lupain, kaya muli niyang ibinigay ang utos sa kanila sa pamamagitan ni Moises:

Now this is the commandment, the statutes and the rules that the Lord your God commanded me to teach you, that you may do them in the land to which you are going over, to possess it, that you may fear the Lord your God, you and your son and your son’s son, by keeping all his statutes and his commandments, which I command you, all the days of your life, and that your days may be long. Hear therefore, O Israel, and be careful to do them, that it may go well with you, and that you may multiply greatly, as the Lord, the God of your fathers, has promised you, in a land flowing with milk and honey. (Deut. 6:1-3)

Hindi lang ito para sa mga matatanda kundi pati sa mga bata (“you and your son and your son’s son”). Kung nais niya na ang bawat pamilya ay susunod sa kanyang mga utos, nangangahulugan itong nais din niya na ang mga bata ay maturuan din ng kanilang mga magulang na mamuhay nang naaayon sa kanyang mga salita. Verse 5, “He established a testimony in Jacob and appointed a law in Israel, which he commanded our fathers to teach to their children.” Ang pagtalima sa kautusan ng Diyos ay nais niyang magpatuloy mula sa isang henerasyon, hanggang sa mga susunod na salinlahi. He wants to show his “love to a thousand generations of those who love [him] and keep [his] commandments” (Ex. 20:6 NIV).

Nais ng Diyos na siya ang magtatayo ng ating mga tahanan. “Unless the Lord builds the house, those who build it labor in vain” (Psa. 127:1). Nais niyang hindi sariling diskarte natin ang pagpapalaki sa mga bata. Nais niyang hindi ang TV o Internet ang huhubog sa ating mga anak, kundi ang kanyang mga salitang totoo sa lahat ng panahon at kapaki-pakinabang sa lahat ng sumusunod sa mga nakasulat dito. “Everyone then who hears these words of mine and does them will be like a wise man who built his house on the rock. And the rain fell, and the floods came, and the winds blew and beat on that house, but it did not fall, because it had been founded on the rock” (Matt. 7:24-25). Kung itatayo natin ang ating mga pamilya sa matibay na pundasyon ng pagsunod sa mga salita ni Cristo, anumang nangyayari sa paligid natin at sa ibang pamilya ay hindi makasisira sa ating mga anak.

God’s Dream for Our Children

Ngayon, bakit nais ng Diyos na pati ang mga bata ay maturuan ng mga salita ng Diyos? Ano ang nais ng Diyos para sa mga bata? Ano ang pangarap niya para sa ating mga anak? Mahalaga itong sagutin kasi kung mayroong pangarap na mas mainam na matupad para sa ating mga anak, hindi ito dapat pangarap ng bata o pangarap ng magulang. Pangarap ng Diyos dahil siya ang mas nakakaalam kung ano ang mas mabuti para sa mga bata. Ano ngayon ito?

…that the next generation might know them, the children yet unborn, and arise and tell them to their children, so that they should set their hope in God and not forget the works of God, but keep his commandments; and that they should not be like their fathers, a stubborn and rebellious generation, a generation whose heart was not steadfast, whose spirit was not faithful to God. (Psalm 78:6-8)

Pangarap ng Diyos malaman ng mga bata ang kanyang mga salita at mga gawa. Verse 6, “that the next generation might know them (the words of God), the children yet unborn, and arise and tell them to their children.” Dinadala natin ang mga bata sa eskuwelahan kasi gusto nating matuto silang magbasa at ng Math o Science. Ngunit higit ang nais ng Diyos na ang matutunan ng mga bata ay ang mga salita niya. Mas magiging marunong ang mga bata kung salita ng Diyos ang alam nila kaysa sa anumang aklat sa paaralan, kung kasaysayan ng pagliligtas niya sa mga taong makasalanan ang alam nila kaysa sa kasaysayan ng Pilipinas. “The law of the Lord is perfect, reviving the soul; the testimony of the Lord is sure, making wise the simple” (Psa. 19:7). “I have more understanding than all my teachers, for your testimonies are my meditation. I understand more than the aged, for I keep your precepts” (119:99-100). Paano magiging marunong sa buhay ang mga bata kung hahayaan lang natin silang maging expert sa mga computer games!

Ngunit hindi lamang basta malaman ang mga salita at gawa ng Diyos sa isip lang. Pangarap ng Diyos na ang mga bata ay magtiwala sa kanya at sumunod sa kanyang mga utos. Verse 7, “so that they should set their hope in God and not forget the works of God, but keep his commandments.” Ang mga salita ng Diyos ay dapat nilang malaman upang sa paglaki nila’y ang tiwala nila at pag-asa nila ay sa Diyos lamang, hindi sa anumang bagay sa mundong ito. Na makilala nila si Cristo at sa kanya magtiwala hindi sa sarili nilang kabutihan. Na hindi nila isiping ligtas na sila kasi Cristiano ang mga magulang nila. Na sa pakikiharap nila sa mga kaibigan ay hindi ikompromiso ang pananampalataya. Na sa magiging desisyon nila sa trabaho at sa pag-aasawa ay salita ng Diyos ang magiging gabay nila at susundin. Na hindi sila masilaw sa pera at tumalikod na sa paglilingkod sa Diyos. Na hindi nila makalimutan ang laki ng ginawa ng Diyos sa krus ng kalbaryo at ito ang maging sentro ng kanilang pamumuhay.

Ang pagtitiwala at pagsunod na nais ng Diyos sa kanila ay hindi lamang sa isang yugto ng kanilang buhay kundi hanggang sa kanilang kamatayan. Pangarap ng Diyos sa mga bata na sila ay mananatiling tapat sa kanya hanggang sa kanilang pagtanda. Verse 8, “and that they should not be like their fathers, a stubborn and rebellious generation, a generation whose heart was not steadfast, whose spirit was not faithful to God.” Ayaw ng Diyos na ulitin ng mga anak ang pagkakasala ng kanilang mga magulang. Ang mga nakaraang henerasyon ng mga Israelita ay hindi naging tapat sa Diyos. Sa simula ay mangangako silang susunod sa Diyos at walang sasambahing ibang diyos. Ngunit hinayaan nilang maimpluwensiyahan sila ng ibang mga bansa na hindi kumikilala sa Diyos. Kaya nga ang higpit ng babala ng Diyos na huwag silang mag-aasawa ng ibang lahi dahil aakitin sila ng mga itong lumayo sa Diyos (Deut. 7:3-4). Napakaraming himala ang ginawa ng Diyos sa kalagitnaan nila ngunit ano ang naging tugon nila?

In spite of all this, they still sinned; despite his wonders, they did not believe. So he made their days vanish like a breath, and their years in terror. When he killed them, they sought him; they repented and sought God earnestly. They remembered that God was their rock, the Most High God their redeemer. But they flattered him with their mouths; they lied to him with their tongues. Their heart was not steadfast toward him; they were not faithful to his covenant. (78:32-37)

Kapag binigyan sila ng parusa ng Diyos, magsisisi sila at mangangako na namang susunod sa Diyos. Pagkalipas ng ilang mga panahon lalayo na naman. This becomes an endless cycle of sin, judgment, repentance, blessing, and sin again. Sa Book of Judges ganito ang makikita natin. Nais ng Diyos na magtapat ang mga anak at hindi tumulad sa pagkakasala ng kanilang mga magulang. Hindi lamang aral sa Salita ng Diyos, kundi nagtitiwala at sumusunod sa kanya hanggang sa sila’y makatapos na ng pag-aaral, makapagtrabaho, at magkaroon ng sariling pamilya na ang kanilang mga anak ay tuturuan naman nilang “ibigin ang Diyos ng buong puso, buong lakas, at buong kaluluwa” (Deut. 6:4-5).

This is God’s dream for each child. This must be our dream also for our children, for all the children in the church, and for all the children of the world. This is a call for us not to be shortsighted in our vision for our children. God’s vision reaches far beyond our own children. Iniisip na niya ang magiging anak ng mga anak ng ating mga anak (“the children yet unborn”).

Our Duty to Our Children

Maliwanag sa verses 5 to 8 na kung ang nais at pangarap ng Diyos para sa mga bata ay makilala nila ang Diyos, magtiwala sila sa Diyos, at manatili silang tapat sa kanya hanggang wakas, nangangahulugan itong dapat nating ipasa sa kanila ang mga katotohanan ng Salita ng Diyos at turuan silang sumunod dito. Sa awit ni Asaph maliwanag na ang itinuturo niya ay ang mga natutunan din niya sa kanyang ama at mga ninuno, na siya namang ituturo niya sa iba.

Give ear, O my people, to my teaching; incline your ears to the words of my mouth! I will open my mouth in a parable; I will utter dark sayings from of old, things that we have heard and known, that our fathers have told us. We will not hide them from their children, but tell to the coming generation the glorious deeds of the Lord, and his might, and the wonders that he has done. (Psalm 78:1-4)

All of us – parents, pastors, Sunday School teachers, and even singles – have a responsibility for the next generation. May responsibilidad nga tayong lahat ngunit nais bigyang diin ng Salita ng Diyos na ang pangunahing responsibilidad ay nakaatang sa balikat ng mga magulang. Maliwanag na sinasabi ni Asaph na ang ituturo niya ay iyon ding mga bagay na itinuro ng kanilang mga magulang (“things that we have heard and know, that our fathers have told us”). Charles Spurgeon comments on this verse, “The receipt of truth from the lips of others laid the instructed believer under solemn obligation to pass on the truth to the next generation. Blessed be God, we have now the less mutable testimony of written revelation, but this by no means lessens our obligation to instruct our children in divine truth by word of mouth. Ministers and Sabbath-school teachers were never meant to be substitutes for mothers’ tears and fathers’ prayers.” Both the Old Testament and the New Testament speak of this parental duty:

Hear, O Israel: The Lord our God, the Lord is one. You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your might. And these words that I command you today shall be on your heart. You shall teach them diligently to your children, and shall talk of them when you sit in your house, and when you walk by the way, and when you lie down, and when you rise. You shall bind them as a sign on your hand, and they shall be as frontlets between your eyes. You shall write them on the doorposts of your house and on your gates. (Deut. 6:4-9)

Fathers, do not provoke your children to anger, but bring them up in the discipline and instruction of the Lord. (Eph. 6:4)

Ano ang ituturo? Siyempre ituturo natin kung ano ang mga utos ng Diyos. Ngunit hindi lang yun, sasabihin natin kung ano ang dahilan kung bakit tayo dapat sumunod sa Diyos. Sasabihin natin kung sino ang Diyos at kung ano ang kanyang ginawa para sa atin. Verse 4, “We will not hide them from their children, but tell to the coming generation the glorious deeds of the Lord, and his might, and the wonders that he has done.” Malinaw na may koneksiyon ang pag-aalala sa kadakilaan ng mga gawa ng Diyos at pagsunod sa kanya. Sinabi ni Asaph tungkol sa mga taga-Ephraim, “They did not keep God’s covenant, but refused to walk according to his law. They forgot his works and the wonders that he had shown them” (78:10-11). Sinabi din ng Diyos bago ang mga Israelita ay pumasok sa lupang ipinangako sa kanila ng Diyos:

When your son asks you in time to come, “What is the meaning of the testimonies and the statutes and the rules that the Lord our God has commanded you?” then you shall say to your son, “We were Pharaoh’s slaves in Egypt. And the Lord brought us out of Egypt with a mighty hand. And the Lord showed signs and wonders, great and grievous, against Egypt and against Pharaoh and all his household, before our eyes. And he brought us out from there, that he might bring us in and give us the land that he swore to give to our fathers. And the Lord commanded us to do all these statutes, to fear the Lord our God, for our good always, that he might preserve us alive, as we are this day. And it will be righteousness for us, if we are careful to do all this commandment before the Lord our God, as he has commanded us.” (Deut. 6:20-25)

Totoo ngang ang may pinakamalaking pananagutan sa pagtuturo sa bata tungkol sa Diyos ay ang mga magulang. Ngunit sa responsibilidad na ito ay nakasuporta ang komunidad ng iglesia, ang pamilya ng Diyos. Ang Awit 78 ay isang paraan na ginamit ni Asaph upang maturuan ang mga magulang tungkol sa kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak. Sinabi din ni Asaph sa verse 4 na “ang mga iyon sa kanilang mga anak ay hindi namin ikukubli” na nagpapakita ng kanyang pananagutan sa anak din ng iba. Ito ay dahil kabilang tayo sa isang komunidad ng mga taong tinawag ng Diyos. Kaya mayroon tayong Sunday School, kaya gusto nating isinasama ng mga magulang ang kanilang mga anak sa church. Kaya natin pinag-aaralan ang awit na ito ay dahil ipinapakita sa atin ng Diyos na ang pagtuturo sa mga bata ay isang BBCC community project.

What Does It Imply for Our Church?

Nakita natin sa Awit 78 na: (1) Ang nais ng Diyos sa buong iglesia at sa lahat ng pamilya ay ang buong pusong pagsunod sa kanya bilang ating Panginoon at ating Ama; (2) Pangarap ng Diyos na ang mga bata ay lumaki na nagtitiwala sa kanya; at (3) May malaking pananagutan ang mga magulang at ang iglesia sa Diyos sa pagtuturo sa mga bata. Anu-ano ngayon ang implikasyon nito sa ating iglesia?

  1. Partnership. Pag-ibayuhin natin ang magandang partnership ng iglesia sa mga magulang sa pagpapalaki sa kanilang mga anak. Mga magulang, hindi po dapat ipasa sa church lang sa Sunday School ang pagtuturo sa mga anak tungkol sa Diyos. Pag-usapan ninyo ito sa bahay. Sa part naman ng mga leaders ng church, ang responsibilidad namin ay tulungan kayong maging mga epektibong “disciple-maker” ng inyong mga anak. The Great Commission must be fulfilled first in the home. Tutulungan namin kayo na makita ang kadakilaan ng Diyos dito sa iglesia upang makita naman ito ng inyong mga anak sa inyo. We will teach you to love God. For how can parents teach their children to love God kung hindi naman ito nakikita sa kanila?
  2. Participation. Dapat tayong magkaroon ng mga adjustments sa pagsamba natin at iba pang programa sa church upang makita ang participation ng mga bata sa buhay ng iglesia. Hindi ba’t napakasayang makita na ang buong pamilya, kasama ang mga bata, ay kasama sa pagsamba at hindi nakahiwalay sa Sunday School. Ginawa natin ito noong Christmas Eve service. Ganito din ang ginawa natin ngayon. Ipanalangin natin ang adjustments sa Sunday School kung paano sa mga susunod. Noong Wednesday sa prayer meeting may tatlong bata na sinama ng nanay nila. Nagkaroon kami ng prayer group na nanalangin ang mga bata. Batiin natin, kausapin natin, at kilalanin natin ang mga bata dito sa church. They are not outsiders. Sinabi ni Jesus, “Let the children come to me…”
  3. Prayers. Huwag na huwag nating kalilimutang ipanalangin ang mga bata. May puso din sila na makasalanan at patay na nangangailangang baguhin at buhayin ng Diyos. Anumang sikap natin ay balewala kung hindi kikilos ang Diyos sa puso nila. Kaya kailangan natin silang ipanalangin. Pray for them by name. Kung may mga inaanak kayo dito sa church ipanalangin ninyo. Sa susunod na prayer meeting natin mga bata ang prayer focus natin. Ipanalangin din ninyo ang outreach ministry natin sa mga bata sa paligid natin na magsisimula mamayang hapon.
  4. Perseverance. Developing children to love the Lord with all their hearts needs more than one year. It needs a life-time commitment to help children grown in their faith in the Lord. Hindi dahil ginawa na natin ang lahat ng dapat gawin ay sigurado nang magiging maayos ang lahat. Dapat maging matiyaga tayo. Marami pa rin tayong didisiplinahing mga kabataan dahil sa pagsuway nila sa Diyos. Marami pa tayong luhang iiiyak para sa kanila ngunit hindi tayo magsasawa. May gagawin ang Diyos. Katulad ng ginawa niya kay St. Augustine (354-430 AD), isang babaero dati, sa walang sawang panalangin ng kanyang ina, na ang asawa ay hindi rin nagtapat sa kanya. Isinulat niya sa Confessions na isang panalangin sa Diyos:

And Thou sentest Thine hand from above, and drewest my soul out of that profound darkness, my mother, Thy faithful one, weeping to Thee for me, more than mothers weep the bodily deaths of their children. For she, by that faith and spirit which she had from Thee, discerned the death wherein I lay, and Thou heardest her, O Lord; Thou heardest her, and despisedst not her tears, when streaming down, they watered the ground under her eyes in every place where she prayed; yea Thou heardest her. (III,11)

Walang sawang paalala, panalangin, at pagtitiwala sa Diyos ang gagamitin ng Diyos upang hubugin ang pamilya ayon sa kanyang plano. Sa Diyos lang ang ating pag-asa, wala nang iba.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s