Walking Straight in the Gospel

mp3 | pdf

By Derick Parfan | December 13, 2009

Series: Celebrating the Cross of Christ

Galatians 2:11-14 (ESV)

But when Cephas came to Antioch, I opposed him to his face, because he stood condemned. For before certain men came from James, he was eating with the Gentiles; but when they came he drew back and separated himself, fearing the circumcision party. And the rest of the Jews acted hypocritically along with him, so that even Barnabas was led astray by their hypocrisy. But when I saw that their conduct was not in step with the truth of the gospel, I said to Cephas before them all, “If you, though a Jew, live like a Gentile and not like a Jew, how can you force the Gentiles to live like Jews?”

Gospel Walk, Not Just Gospel Talk

Ipinapakita sa mga talatang ito ang isang confrontation sa pagitan ni Pablo at ni Pedro. Ano ang dahilan? Sinabi ni Pablo sa verse 14, “I saw that their conduct was not in step with the truth of the gospel.” Ang salitang “their conduct was in step” (“acting in line”; “walking straightforward”; “lumalakad nang matuwid”) ay galing sa salitang orthopodeo, na literal na ibig sabihin ay “tuwid na paa.” Ang ginawa ni Pedro at ng ilang mga Judio ay baluktot at taliwas sa daan na dapat lakaran ng isang taong naniniwala sa ebanghelyo.

Ipinapakita dito na ang “ebanghelyo” ay hindi lamang katotohanang dapat paniwalaan, o “Statement of Faith” na dapat pirmahan at sabihing ito ang pinaniniwalaan mo. Dapat itong makita sa buhay natin. Madalas inihahalintulad ni Pablo ang buhay Cristiano sa isang “paglakad.” “Walk by faith” (2 Cor 5:7). “Walk by the Spirit” (Gal 5:16, 25). “Walk in love” (Eph 5:2). “Walk in a manner worthy of the Lord” (Col 1:10). At dito sa Galatians 2:11-14 ipinapakita niya na ang buhay Cristiano ay isang araw-araw na paglakad nang naaayon sa ebanghelyong ating pinaniniwalaan. It would be best for us to ask ourselves, “Am I living in such a way that the gospel of Christ is reflected in my life?” “Are there areas in my life that needs to be corrected so that I may continue to walk straight in the gospel?”

Listening to Paul is Listening to God

Nagsimula ang verse 11 sa salitang “ngunit.” Ang mga sumusunod na salaysay ay kaiba sa una niyang sinabi tungkol sa pakikiisa ng mga apostol sa kanyang misyon sa mga Hentil. Sa verses 6-10, pinatunayan niyang hindi iba ang mensahe niya at ng mga apostol sa Jerusalem dahil sila Pedro, Santiago, at Juan mismo ang nagbigay sa kanila ni Bernabe ng kanilang “right hand of fellowship” bilang patunay ng kanilang partnership sa misyong ipangaral ito sa mga Judio at maging sa mga Hentil. Ngunit ibang-iba ito sa nangyari sa Antioch kung saan nakita ni Pablong si Pedro mismo ay gumawa ng hindi sang-ayon sa mensaheng ito ng kalayaan sa pamamagitan ni Cristo. The contrast in Paul’s relationship with Peter in the cooperation scenario in Jerusalem and the confrontation scenario in Antioch is very evident.

Ano ang layunin ni Pablo sa pagsasalaysay nito? Ang pangunahing layunin niya ay patunayan na siya ay isang “full apostle in his own right” (Boice, Galatians). Dapat nating tingnan ang salita ni Pablo sa Bibliya bilang salita ng Diyos. Tulad ng mga Cristiano sa Tesalonica na ang laki ng pasasalamat ni Pablo dahil tinanggap nila ang kanyang katuruan bilang mga katotohanang galing mismo sa Diyos (1 Thess 2:13). Gayundin dapat ang gawin ng mga taga-Galacia at ng mga Cristiano ngayon. How are you treating Paul’s words in the Bible? Do you see it as God’s Word? Do you read it? Do you study it as God’s Word? Do you listen to it and apply it? Kaya naman ilang linggo ang ginugugol natin dito ay upang makita natin na ang mga ito ay tunay na Salita ng Diyos, at dapat nating bigyang pansin ang mga susunod pang sasabihin ni Pablo.

Tracing the Events

Tingnan natin ngayon ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari na nagtulak kay Pablo na pagsabihan nang harapan si Pedro, na isa ring kinikilalang apostol.

Scene 1: Ang Pakikisalo ni Pedro sa mga Cristianong Hentil

“Dumating si Cefas (Pedro) sa Antioquia” (v. 11). Ang iglesiang ito ay resulta ng pangangaral ng mga nagkalat na mananampalataya dahil sa pag-uusig. Sa simula pa lamang ay magkahalo na ang mga Judio at Hentil dito (Acts 11:19-21). Sa Antioch unang tinawag na Cristiano ang mga mananampalataya (11:26). Si Bernabe ay isinugo ng iglesia sa Jerusalem upang pangunahan ito (11:22). Inaya naman niya si Pablo upang makatulong niya sa pagtuturo ng mga Cristiano roon (11:25-26). Ito ang iglesia na nagsugo sa kanila sa kanilang first missionary journey (13:2-3).

Bakit kaya pumunta si Pedro sa Antioch? Kung ito ay nangyari pagkatapos ng Jerusalem Council sa Acts 15 o kahit bago pa ito, maaaring pumunta siya roon para tingnan ang nangyayari sa iglesia roon na kinabibilangan ng mga Judio at mga Hentil. Bilang isang pinuno, gusto niyang malaman ang kalagayan ng iglesia roon.

“Dati na siyang nakikisalo” (“he was eating,” imperfect tense) sa mga Hentil. Ipinapakita dito na hindi lamang minsanan ang pangyayaring ito, kundi “frequent” o “habitual.” Ito ay isang paninindigan kay Pedro na hindi na bawal sa isang Judio na pumasok sa bahay ng mga Hentil at makisalo sa kanilang pagkain. Pinagbabawalan ang mga Israelita na kumain ng mga pagkain ng ibang bansa dahil ayaw ng Diyos na sila’y makisalo sa kanila at maimpluwensiyahan na lumayo sa iisang Diyos at sumamba sa mga diyus-diyusan ng mga Hentil. Matatag itong pinanghahawakan ng maraming mga Israelita sa kasaysayan, katulad ni Daniel. Maging ang mga Fariseo ay nainsulto sa nakita nilang ginagawa ni Jesus na nakikisalo sa mga “makasalanan” (Lk 15:2). Ngunit ito ay dapat na magbago na dahil sa ginawang sakripisyo ni Jesus sa krus. Christ fulfilled the law.

Ano ang nagbunsod kay Pedro na makisalo gayong bawal sa mga Judio na kumain kasama ang mga Hentil, ni pumasok nga sa bahay nila? Alam ng mga mananampalataya ang tagubilin sa kanila ni Cristo na ipangaral ang mabuting balita sa lahat, Judio man o Hentil (Mt 28:19; Acts 1:8). Sa simula ay hindi pa kumportable ang mga mananampalataya na ibahagi ito sa mga Hentil. Kaya kailangan ang isang pangitain mula sa Diyos (Acts 10:1–11:18). Ipinakita ito kay Pedro habang siya ay nasa bubungan ng kanyang bahay at nananalangin sa tanghaling tapat. Ganito ang nangyari:

[Peter] saw the heavens opened and something like a great sheet descending, being let down by its four corners upon the earth. In it were all kinds of animals and reptiles and birds of the air. And there came a voice to him: “Rise, Peter; kill and eat.” But Peter said, “By no means, Lord; for I have never eaten anything that is common or unclean.” And the voice came to him again a second time, “What God has made clean, do not call common.” This happened three times, and the thing was taken up at once to heaven” (10:11-16).

Noong una ay hindi niya naiintindihan nito. Ngunit nalaman niyang ito ay may kinalaman sa nais ng Diyos na iligtas ang isang Hentil na nagngangalang Cornelio, kasama ang kanyang sambahayan, sa pamamagitan ng pangangaral ng mabuting balita ni Cristo. Sinabi niya sa kanila, “You yourselves know how unlawful it is for a Jew to associate with or to visit anyone of another nation, but God has shown me that I should not call any person common or unclean” (10:28). Ipinangaral ni Pedro ang ebanghelyo sa kanila at tinanggap nila ito at nakita nila na dumating ang Espiritu sa kanila. Ano’ng reaksiyon ng mga Cristianong Judio? They “were amazed because the gift of the Holy Spirit was poured out even on the Gentiles” (10:45). Nang ibalita niya ito sa Jerusalem, nagtaka ang mga “Judaizers” at nagtanong kung bakit siya pumunta sa mga hindi tuli at kumaing kasama nila (11:2-3). Ngunit sinabi niya sa kanila na ito ang kagustuhan ng Diyos at sino ba si Pedro para hadlangan ang nais ng Diyos. At nagkaisa ang mga mananampalataya sa Jerusalem na nagsabi, “Then to the Gentiles also God has granted repentance that leads to life” (11:18).

Maganda ang nangyayari dito sa Antioch, sa ipinakitang halimbawa na rin ni Pedro sa simula. Mga Judio at mga Hentil ay magkasalo sa isang hapag-kainan bilang pagdiriwang ng parehong kaligtasang tinanggap nila sa Diyos, kaligtasang hindi nakadepende sa pagiging Judio kundi sa biyaya ni Cristo sa pamamagitan lamang ng pananampalataya. Ang ginagawa ni Pedro ay isang kapuri-puring bagay at naaayon sa plano ng Diyos hindi lamang sa mga Judio kundi pati sa mga Hentil (Eph 3:6).

Scene 2: Ang Pagdating ng mga Nagpapanggap na Cristianong Judio

Mga ilang araw siguro ang lumipas ay hindi nagtagal ang pakikisamang ito ni Pedro kasalo ang mga Hentil. Ano ang nangyari? May mga dumating na mula kay Santiago. Ang Santiago na tinutukoy dito ay siyang kinikilalang pinuno sa iglesia sa Jerusalem, kapatid ni Cristo (1:19). Hindi ito si Santiago na isa sa labindalawang apostol dahil pinatay na siya (Acts 12:1-2). Hindi sinabing sila ay ipinadala ni Santiago. Maaaring sinasabi nilang sila ay binigyan ng awtoridad ni Santiago, ngunit maaari din namang inabuso nila ito. Sa pangunguna mismo ni Santiago nagpalabas ng sulat ang mga apostol sa mga iglesia: “We have heard that some persons have gone out from us and troubled you with words, unsettling your minds, although we gave them no instructions” (Acts 15:24).

Ang mga taong ito ay kilala na natin ngayon sa pangalang “Judaizers” (base sa salitang ginamit sa v. 14, “to Judaize” or “to make Jewish”). Sila ay galing sa pangkat ng pagtutuli. Marahil ito rin ang grupo na tumuligsa noong una kay Pedro (Acts 11:2-3), pumipilit na ipatuli si Tito (Gal 2:3), at ngayon ay nanggugulo sa mga iglesia sa Galacia at nais baluktutin ang ebanghelyo (1:7). Ayon kay Pablo, sila ay hindi mga tunay na Cristiano kundi nagpapanggap lang, “mga huwad na kapatid na lihim na ipinasok, na pumasok upang tiktikan ang kalayaan na taglay namin kay Cristo Jesus” (2:4).

Scene 3: Ang Paghiwalay ni Pedro sa mga Cristianong Hentil

Ano’ng sumunod na nangyari pagdating ng mga “Judaizers”? Si Pedro ay umurong at humiwalay. “He drew back and separated himself…” Parehong imperfect tense na maaaring ang ginawa niya ay dahan-dahan upang hindi masyadong mahalata. Tulad ito ng isang sundalo na dahil nakita niya ang mga kaaway at nakita niyang parang wala siyang laban ay unti-unting umurong upang hindi makita at mapatay. Si Pedro na dati-rati’y masayang nakikisalo sa mga Hentil ay unti-unti nang lumayo sa kanila. Isipin ninyo kung ano ang nararamdaman ngayon ng mga Hentil sa aksiyong ito ni Pedro, at kung ano’ng malinaw at malakas na mensahe ang ipinararating nito sa kanila.

Bakit ito ginawa ni Pedro? Ito ay dahil siya ay “natatakot sa pangkat ng pagtutuli.” Isa sa mga pangunahing lider si Pedro at napakahirap isipin na katatakutan niya ang isang grupo sa loob ng iglesia, gayong ang mga umuusig sa mga Cristiano ay hindi niya kinatatakutan. Maaaring dahilan nito ay ang kanyang pag-iingat sa iglesia din sa Jerusalem, o dahil sa kanyang pag-iingat din sa kanyang pangalan bilang lider. Hindi sinabi ang dahilan ng kanyang pagkatakot. Ngunit maaaring ganito rin ang nangyari sa kanya noong kasama pa niya si Jesus. Pagkatapos na buong tapang niyang sabihing hanggang kamatayan ay hindi niya iiwan ang kanyang Panginoon, ipinagkaila naman niya si Jesus nang tanungin siya. Dahil din ito sa takot sa tao.

Sa kabila ng ipinahayag ng Diyos sa kanya tungkol sa mga Hentil, napangunahan si Pedro ng takot sa tao.

Scene 4: Ang Paghiwalay ng mga Cristianong Judio sa mga Cristianong Hentil

Ang ginawang ito ni Pedro ay nakaimpluwensiya din sa iba, sa negatibong paraan. Dahil siya ang lider at kinikilala ng mga Judio, hindi man niya sila sinabihang sumunod sa ginawa niya, ito ang nangyari. “At ang ibang mga Judio ay nakisama sa kanya sa ganitong pagkukunwari, kaya’t maging si Bernabe ay natangay ng kanilang pagkukunwari.” Ang dating magkakasama sa fellowship ngayon ay magkahiwalay na. Sa isang iglesia magkahiwalay sila. Hindi lamang pagkain ang pinag-uusapan dito kundi pagbubukud-bukod. Lahat sila ay napangunahan ng takot sa tao.

Ang “pagkukunwari” ay paggawa ng isang bagay na salungat sa pinaniniwalaan o pinaninindigan ng isang tao. Ito ay “hypocrisy” na galing sa salitang Griyego na hupocrisis na ang kahulugan ay  “to create a public impression that is at odds with one’s real purposes or motivations, play-acting, pretense, outward show, dissembling” (BDAG, 1038). The word “comes from the world of the theater, where it refers to the act of wearing a mask or playing a part in a drama. By negative transference it came to mean pretense, insincerity, acting in a fashion that belies one’s true convictions” (George, 177). Parang artista, pakitang-tao lang, ito ang ginawa ng mga Judio nang ipakita nila sa mga “Judaizers” ang salungat naman sa pinaniniwalaan nila.

Ang inaasahan ni Pablo na si Bernabe na unang pastor ng iglesia dito ay natangay ng kanilang pagkukunwari. Ang natangay (“led astray”) ay isang pangyayari kung saan ang isang tao, dahil nakita niyang ang isang bagay bagamat hindi mabuti ay marami ang gumagawa, ay gumaya na rin sa kanila bagamat sa una ay hindi ito ang pinaninindigan niya. Si Bernabe ay pinangunahan din ng takot sa tao, o laki ng impluwensiya ng maraming tao. Ikinalulungkot ni Pablo na ang taong dapat ay siyang unang manindigan sa katotohanan at ipaglaban ang katotohanan ng ebanghelyo at gumawa para ipagkaisa ang iglesia ay natangay din.

Scene 5: Ang Pagsaway ni Pablo kay Pedro

Ngunit nang makita ko na hindi sila lumalakad nang matuwid sa katotohanan ng ebanghelyo. Nakita ni Pablo na ang ginawa ni Pedro at ng ibang mga Judio ay hindi nakaayon sa ebanghelyong kanilang pinaniniwalaan . Si Pedro, dahil sa kanyang ginawa ay nahatulang nagkasala (“he stood condemned”). Ito ang dahilan kung bakit ginawa ni Pablo ang gayon kay Pedro (sumalungat ako sa kanya nang mukhaan). Hindi talikuran ang ginawa ni Pablo, tulad ng mga Judiong pinararatangan siya nang talikuran. This is a face-to-face confrontation. Ang dahilan? Dahil si Pedro, kasama ang mga Judio, ay “hindi lumalakad nang matuwid.” Sa Griyego ito ay orthopodeo (dito lang ginamit sa Bagong Tipan; pinanggalingan ng medical term na orthopedic), na nangangahulugan na lumakad na tuwid ang paa. Ang kanilang paglakad ay hindi naging tuwid dahil sila ay lumiko sa landas na dapat nilang daanan.

Bakit kailangang sabihan ni Pablo si Pedro sa harapan ng lahat? Kahit na hindi lamang si Pedro ang may kasalanan, pati na rin si Bernabe at ang mga Judio, siya ang pinagsabihan ni Pablo dahil siya ang mas nakakaalam ng katotohanan dahil sa kanya mismo ipinahayag ng Diyos ang pangitain (Acts 10). “He should have known better!” (George, 177).

Sa sinabi ni Pablo kay Pedro (“bakit mo pinipilit ang mga Hentil na mamuhay na gaya ng mga Judio” [Gk. ioudaizō, dito galing ang tawag sa mga “Judaizers”]?), ibig sabihin ba’y isa si Pedro sa mga Judaizers? Hindi, ipinapakita lang nito na ang ginawa ni Pedro ay higit pa sa pagsasalita. Action speaks louder than words. Ipinamumukha dito ni Pablo ang isang katotohanang alam na alam naman ni Pedro ngunit sa isang sandali ay hindi nakita sa ginawa niya. Ito ang katotohanan na hindi na mahalaga kung Judio o Hentil, ang mahalaga ay ang pagkakaisa ng lahat ng mga mananampalataya kay Cristo. “There is neither Jew nor Greek, there is neither slave nor free, there is neither male nor female, for you are all one in Christ Jesus” (3:28).

Maintaining a Straight Walk

Sa nakita natin sa ginawa ni Pablo (positibo) at ni Pedro (negatibo), ano ang makikita nating dapat nating gawin upang matiyak na tayo’y namumuhay nang ayon sa katotohanan ng ebanghelyo?

1. Ipamuhay natin ang ebanghelyo; huwag lamang natin itong paniwalaan. Alam ni Pedro kung ano ang ibig sabihin ng kaligtasan at kalayaan sa pamamagitan lamang ng biyaya ng Diyos at hindi sa anumang ginagawa ng tao. Alam natin ito. Ngunit dapat itong makita sa lahat ng aspeto ng pamumuhay natin. Hindi na pamumuhay bilang Judio o Hentil (v. 14) o pagsunod sa kautusan (v. 16) ang mahalaga kundi ang pamumuhay sa pamamagitan ng pananampalataya sa Anak ng Diyos na sa atin ay nagmahal sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanyang buhay para sa atin (v. 20).

2. Bantayan natin ang ating pamumuhay; huwag isiping matibay na tayo. Anumang paglihis natin ay maaaring gamitin ng kaaway upang ibagsak tayo o sa pamamagitan ng ginawa natin ay masira ang pananampalataya ng iba. Kaya kailangan tayong mag-ingat. Kahit ang pinakamataas na pinuno sa iglesia ay maaaring mahulog sa kasalanan. Ang ipinakita ni Pedro ay isang halimbawa na walang perpektong lider. Matapang si Pedro at ilang beses pa nga siyang nakulong dahil sa pangangaral ng ebanghelyo. Ngunit may mga panahong pinanghihinaan din at hindi nakakapanindigan. Dumarating ang tukso na lumayo tayo sa ebanghelyo ni Cristo. Huwag nating isiping matibay na tayo at kaya na nating pagtagumpayan ang lahat. Kailangan pa rin ang palagiang pagbabantay sa pamamagitan ng pananalangin at pakikinig sa Diyos upang hindi tayo matangay ng kaaway upang mamuhay nang hindi naaayon sa paniniwala natin tungkol sa biyaya ng Diyos. “Kaya’t ang nag-aakalang siya’y nakatayo ay mag-ingat na baka siya’y mabuwal” (1 Cor 10:12).

3. Manindigan sa katotohanan; huwag matakot sa mga taong sumasalungat dito. Bagamat alam ni Pedro ang totoo at hindi dapat paghiwalayin ang mga Judio at mga Hentil, lumayo siya sa mga Hentil dahil sa takot. Umurong siya at naduwag. Dapat tayong manindigan at huwag hayaang manaig ang takot na usigin. Katulad ng sinabi ni Pablo kay Timoteo, “God gave us a spirit not of fear but of power and love and self-control. Therefore do not be ashamed of the testimony about our Lord, nor of me his prisoner, but share in suffering for the gospel by the power of God” (2 Tim 1:7-8). Ito rin ang nais ni Pablo para sa mga taga-Galacia. Oo nga’t iginagalang nila si Pedro, ngunit sa pagkakataong ito hindi dapat tularan ang kanyang kaduwagan kundi ang katapangan ni Pablo. “For freedom Christ has set us free; stand firm therefore, and do not submit again to a yoke of slavery” (5:1). Solomon’s counsel is worth noting, “The fear of man lays a snare, but whoever trusts in the Lord is safe” (Prov 29:25).

4. Ituwid natin ang mga kapatid nating nalilihis; huwag manahimik lang. Si Pedro ay isang kinikilalang apostol. Ngunit hindi nag-atubili o nag-alinlangan si Pablong pagsabihan siya. Hindi lamang relasyon nila ang nakasalalay dito. Kaya niyang isakripisyo iyon kasi alam niyang nakasalalay dito ang mensahe ng ebanghelyo na hindi kailangang ikompromiso. Si Pablo lamang ang nangahas na sawayin si Pedro. “Brothers, if anyone is caught in any transgression, you who are spiritual should restore him in a spirit of gentleness” (Gal 6:1; cf. 1 Tim 5:20). Walking straight in the gospel is not just an individual effort; it is a community project. Sama-sama tayo dito. Tulungan. Walang iwanan.

Kung gagawin natin ang mga ito, sa tulong ng Espiritu Santo at hindi sa pamamagitan ng sarili nating lakas, matitiyak nating tayo ay lumalakad ayon sa nais ng Diyos at ayon sa kanyang mga salita. “Let your manner of life be worthy of the gospel of Christ” (Phil 1:27).

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s