Justification by Faith Alone in Christ Alone

By Derick Parfan | December 20, 2009

Series: Celebrating the Cross of Christ

Galatians 2:15-21 (ESV)

We ourselves are Jews by birth and not Gentile sinners; yet we know that a person is not justified by works of the law but through faith in Jesus Christ, so we also have believed in Christ Jesus, in order to be justified by faith in Christ and not by works of the law, because by works of the law no one will be justified. But if, in our endeavor to be justified in Christ, we too were found to be sinners, is Christ then a servant of sin? Certainly not! For if I rebuild what I tore down, I prove myself to be a transgressor. For through the law I died to the law, so that I might live to God. I have been crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me. And the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me. I do not nullify the grace of God, for if righteousness were through the law, then Christ died for no purpose.

Christ Came and Died with a Purpose

Nasa bus ako pauwi nang may umakyat na dalawang babae na sinabi sa mga pasahero na sila ay mga workers ng isang church at nais umawit ng mga awiting pamasko para sa amin. Habang ang isa ay kumakanta ang isa naman ay nagpapamigay ng sobre na may nakasulat na “Merry Chrismas and a Happy New Year! – From Jesus.” Sa tingin ba ninyo’y iyan ang nais sabihin sa atin ni Cristo ngayon? Sa tingin niyo ba’y natutuwa ang Diyos sa kung paanong hindi nagiging sentro sa pagdiriwang natin si Cristo, at napapalitan ng kung anu-anong kasiyahan na nakasentro sa mga materyal na bagay. Hindi naparito si Jesus upang ipagdiwang natin ang kapaskuhan. Ipinagdiriwang natin ang Pasko dahil sa kanyang pagparito. Huwag natin itong pagbabaligtarin.

At bakit naparito ang Diyos at namuhay na kasama ng mga taong makasalanan? Upang si Cristo ay mamuhay nang matuwid sa harapan ng Diyos, at sa kanyang kamatayan ay bayaran ang malaking utang ng taong makasalanan at pawiin ang galit ng Diyos dahil dito. Ito ang Mabuting Balita. Ito ang tunay na kahulugan ng Pasko. Ito ang tunay na layunin ng pagparito ni Jesus. “But when the fullness of time had come, God sent forth his Son, born of woman, born under the law, to redeem those who were under the law, so that we might receive adoption as sons” (4:4-5).

Hindi lang Pasko ang pinag-uusapan natin dito. Ang pinag-uusapan natin dito ay ang buhay, buhay na nasa sentro ay si Cristo, pinanghahawakan ang krus ni Cristo, at ipinamumuhay ang kahulugan nito. May we confess Jesus, by our lips and by our life, as the “Son of God, who loved me and gave himself for me” (v. 20). The only ground, and there is no other, of God’s acceptance of us is the cross of Christ. “On Christ the solid rock I stand, all other ground is sinking sand.” That’s the good news of the gospel.

“I Do not Nullify the Grace of God”

Kung kinakailangang pumarito pa ang Anak ng Diyos para bayaran ang kasalanan natin, nangangahulugan itong walang magagawa ang tao upang bayaran ito – kahit sa paggawa ng mabuti, kahit sa pagsunod sa ritwal ng kinalakihang relihiyon, o kahit anupang paraan ng pagbabayad ng kasalanan. Ganoon po kalaki ang problema ng tao. Isang napakalaking pagkakamali na sabihing kinikilala mo si Cristo at ang kanyang kamatayan kung ikaw naman ay maniniwala, mamumuhay, o lalo pa’t kung magtuturo na ang pagsunod sa kautusan at ang gawa ng tao ay isang basehan ng Diyos sa pagtanggap sa atin. That’s not the gospel.

Ito ang naging pagkakamali ng mga taga-Galacia, kaya’t sumulat si Pablo sa kanila: “I am astonished that you are so quickly deserting him who called you in the grace of Christ and are turning to a different gospel” (1:6). Ito ang napakalaking pagkakamali ng mga Judaizers, na nagtuturo na kailangang gawing Judio muna ang mga Hentil bago sila maligtas: “If anyone is preaching to you a gospel contrary to the one you received, let him be accursed” (1:9). Iyan ang naging malaking pagkakamali ni Pedro, ni Bernabe, at ng mga Cristianong Judio sa Antioch nang sila ay lumayo sa pakikisama sa pagkain ng mga Hentil: “I saw that their conduct was not in step with the truth of the gospel” (2:14). Sa pamamagitan ng ibang “ebanghelyo” na pinaniniwalaan, ipinangangaral at ipinamumuhay, nawawalang-halaga ang biyaya ng Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ni Cristo. Nagiging tanyag ang gawa ng tao, hindi ang gawa ng Diyos.

Hindi ito hahayaang mangyari ni Pablo. Sisikapin niyang ipagtanggol ang ebanghelyo. Kaya pagkatapos niyang ipagtanggol ang kanyang pagiging apostol, dito sa 2:15-21 ay sisimulan niyang ipaliwanag ang mensahe ng ebanghelyong ito. Kaiba sa mga taga-Galacia, mga Judaizers at maging sa hindi magandang halimbawang ipinakita ni Pedro, sinabi niya, “I do not nullify the grace of God, for if righteousness were through the law, then Christ died for no purpose” (v. 21). To “nullify” something is to act and live in such a way that denies the truthfulness of something that is already found to be true. Tulad ng isang lalaki na may asawa na ngunit namumuhay at ipinamamalita sa kaibigan na siya ay binata pa. Alam na natin ang biyaya ng Diyos, kaya nga namatay si Cristo para sa atin. Ngunit bakit hindi natin inilalagay sa sentro ng ating doktrina, pananampalataya, relasyon sa Diyos, at pamumuhay ang krus ni Cristo? Kung titingnan ng Diyos ang buhay natin ngayon, makikita ba niyang pinahahalagahan natin ang kamatayan ni Cristo, ang kanyang pagparito? O para itong balewala na lang?

If you don’t get the message of Galatians, nothing else in the Bible will make sense to you. If you don’t get it, nothing else in life and family and ministry will make sense. The cross of Christ is the only foundation where our life and our church stands. Kaya nga ilang linggo pa ang paglalaanan natin upang matutunan ito. Tulad ng isang engineer na inaayos munang mabuti ang pundasyon bago maitayo ang mataas na gusali. At the heart of that good news is the message that because of the cross of Christ, we are justified by faith alone in Christ alone, and not by our own works.

Galatians 2:15-21 is like a summary of chapters 3-6. Verses 15-16 is about justification by faith, na ipapaliwanag niya sa chapters 3-4. Verses 17-21 is about the implication of justification by faith in our life, living the freedom we have in Christ, na ipapaliwanag naman sa chapters 5-6.

We are Justified by Faith, Not by Works

Ang pangunahing doctrina ng iglesia ay isinalaysay ni Pablo sa verses 15-16. Dito ay tatlong beses niyang binanggit ang tungkol sa “justification by faith” na nagpapakita kung gaano kahalaga para kay Pablo ang pagtuturo nito sa mga Cristiano sa Galatia.

What is “justification”? Ito ay galing sa salitang Griyego na dikaioō (39 times in the NT, 25 in Paul’s letters, 15 in Romans, and 8 in Galatians) na ginamit ng 3 beses sa verse 16, isang beses sa verse 17. Ang noun form nito ay ginamit ng isang beses sa verse 21. Ito ay isinalin na “pinawalang-sala” sa MBB at “inaring-ganap” sa Ang Biblia. Sa literal na salin, ito ay “ibinilang na matuwid” o “counted righteous.” Ito ay salitang ginagamit sa hukuman kung saan ipinapahayag ng hukom na ang isang taong napatunayang nagkasala (hindi lang naakusahan na nagkasala) ay ibinibilang na na walang kasalanan at matuwid ayon sa batas. Justification – ibinilang na matuwid. Bago pa man tayo gawing matuwid (sanctification) ng Diyos, ibinilang muna niya tayong matuwid. Minsanang ibinilang na matuwid (justification), ngunit pagkatapos ay patuloy at araw-araw na binabago na at ginagawang matuwid (sanctification).

Ito ay kabaligtaran ng condemnation o paggawad ng parusa sa taong nagkasala. Sa hukuman ng Diyos ang “justification” ay ang paggagawad ng Diyos ng estado ng pagiging matuwid sa isang makasalanang nahatulan na ng kamatayan. Hindi lang ito pagpapatawad ng kasalanan, ngunit pagpapahayag rin na ang isang makasalanan ay tinitingnan na ng Diyos bilang matuwid na para bang hindi siya nagkasala. Nakamamanghang gagawin ito ng Diyos sa kabila nang tayo’y mga rebeldeng hindi karapat-dapat tumanggap ng katayuan bilang mga anak sa kaharian ng Diyos. Ito ay dahil lamang sa ginawa ni Cristo sa krus kaya’t natanggap natin ang kaligtasan.

Halimbawa, isang araw ay sinabi ng tatay sa kanyang anak na ipapasyal siya sa SM at manonood ng sine. Ang kondisyon, kailangan munang makita ng tatay na malinis na ang kuwarto ng bata na napakagulo. Dahil sa tuwa ng bata, nangako siya, “Sige po, pagbalik ninyo tiyak malinis na iyan.” Nalibang ang bata at nakipaglaro sa mga kapitbahay. Pag-uwi ng tatay naratnan niyang marumi pa rin ang kuwarto. Ang ginawa niya, siya na mismo ang naglinis. Pagdating ng bata, sinabi ng tatay, “Tara sa SM, heto ang ticket mo.” At naalala ng bata na kailangang malinis muna ang kuwarto. “Naku, hindi ko po nalinis ang kuwarto.” Sabi ng tatay, “Malinis na, ginawa ko na.” Tinanggap ng bata ang ticket at nagpasalamat sa tatay niya.

That’s justification. Ang Diyos mismo ang nagbayad ng kasalanan natin upang tayo ay maibilang na matuwid sa kanyang harapan. Hindi niya sinabing kailangan munang ayusin natin ang buhay natin bago niya tayo tanggapin. Ang tinatanggap niya ay ang makasalanang nagsisisi at nagtitiwala kay Cristo. “And to the one who does not work but believes in him who justifies the ungodly, his faith is counted as righteousness” (Rom. 4:25). Ang isang hindi matuwid ay ibinilang na matuwid dahil sa ginawa ni Cristo. That’s the great exchange. Our sin for his righteousness. “For our sake he made him to be sin who knew no sin, so that in him we might become the righteousness of God” (2 Cor. 5:21).

Sa verses 15-16, may ilang mga katotohanan tungkol sa “justification” na makikita tayo. Una, kailangan ito upang ang isang makasalanan ay maging katanggap-tanggap sa isang banal at matuwid na Diyos. Kaya sinabi ni Pablo, “We ourselves are Jews by birth and not Gentile sinners, yet we know that a person is not justified by works of the law but through faith in Jesus Christ.” Kahit na sina Pablo at si Pedro ay mga ipinanganak na mga Judio na tinanggap ang kautusan ng Diyos at marami pang pribilehiyong kasama nito, sila’y kailangang ibilang na matuwid bago sila magkaroon ng kaligtasan; hindi lamang ang mga itinuturing nilang “makasalanan” dahil walang kautusang katulad nila. At ang mga Hentil ay hindi kailangang maging Judio at magpatuli at sumunod sa mga ritwal ng relihiyong Judaismo. Ang kailangan ay “justification.”Justification is a necessary condition before all sinners are to be accepted by a holy God.

Ikalawa, ang “justification” ay hindi sa pamamagitan ng gawa ng tao.  “We know that a person is not justified by works of the law but through faith in Jesus Christ, so we also have believed in Christ Jesus, in order to be justified by faith in Christ and not by works of the law, because by works of the law no one will be justified.” Tatlong beses binigyang diin na hindi sa pamamagitan ng paggawa o pagsisikap ng tao. Napakalinaw nito ngunit bakit marami pa ring tao ang hindi naiintindihan ito. Ang problema ng tao ay hindi ang kanyang mga ginagawa kundi ang kanyang puso, na marumi sa harapan ng Diyos. Sikapin man niyang sundin ang kautusan at lumabag siya sa isa man lang, para na rin sinuway niya ang lahat. No one loves God with all his heart all the time! At masunod man niya ang lahat, kung ang puso naman niya ay hindi ayon sa pamantayan ng Diyos, siya ay nasa ilalim pa rin ng hatol ng kasalanan.

Kung hindi sa pamamagitan ng gawa, sa pamamagitan ng ano? Ikatlo, ang “justification” ay matatamo sa pamamagitan lamang ng pananampalataya o pananalig kay Cristo. Hindi ito paggawa ng tao, kundi pagtanggap ng ginawa na ni Cristo sa krus. “We know that a person is not justified by works of the law but through faith in Jesus Christ, so we also have believed in Christ Jesus, in order to be justified by faith in Christ and not by works of the law, because by works of the law no one will be justified” (v. 16). Tatlong beses ding binigyang diin na sa pamamagitan lamang ito ng pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang nag-uugnay sa atin kay Cristo, kaya ang kanyang ginawa sa krus ay mapapasaatin. Kung hindi natin tatalikuran ang kasalanan at tatanggapin ang biyaya ng Diyos, hindi tayo maibibilang na matuwid sa kanyang harapan. Ang pananampalataya ay ang bukas-kamay na pagtanggap sa regalo ng Diyos. Ang pananampalataya ay ang tubo na dinadaluyan ng tubig ng katuwiran ni Cristo na nanggagaling sa bukal ng kanyang ginawa sa krus.

Justification is necessary because we are all under sin, and it is not by works but only by grace through faith in Christ. Nakikilala mo ba ang sarili mo na nangangailangan ng katuwiran ni Cristo o tingin mo ay matuwid ka na sa harapan ng Diyos? Paano mo sinisikap na makalapit sa Diyos? Sa pamamagitan ba ng iyong sariling lakas at mga mabubuting gawang iaalay sa kanya, o sa pamamagitan ng pananalig sa ginawa na ni Cristo?

The Objection

Ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, kung saan ay ibibilang na matuwid bagamat wala pa tayong ginagawang kabutihan upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Ito po ay taliwas sa likas na kaisipan ng tao. Kaya nga alam ni Pablo ang maaaring objection o protesta ng mga tao sa ganitong doktrina na para bang napakadaling matamo ang kaligtasan. Verse 17, “But if, in our endeavor to be justified in Christ, we too were found to be sinners, is Christ then a servant of sin?” Ang problema, sasabihin ng ilan, ay kung ang isang tao ay ibinilang na matuwid bagamat siya’y makasalanan pa, e di hindi na niya pagsisikapang sumunod sa kautusan. At kung hindi siya susunod sa kautusan, siya’y magpapatuloy sa kasalanan. At kung siya ay magpapatuloy sa kasalanan, si Cristo ngayo’y “lingkod” ng kasalanan, na ayos lang sa kanya na tayo ay magpatuloy sa kasalanan. Parang ganito rin ang objection sa Romans 6:1, “What shall we say then? Are we to continue in sin that grace may abound?”

Ano’ng sagot niya? Sa verse 17 at sa Romans 6:2 ay pareho ang sagot niya, me genoito, “Certainly not!” o “By no means!” Ito ay isang pinaka-intense na di-pagsang-ayon. Hindi lang “hindi” kundi “hinding hindi.” Ito ang sagot sa mga taong nagbibigay ng maling konklusyon sa katotohanang itinuturo ni Pablo. At isasagot ni Pablo sa mga susunod na talata na tayo’y ibinilang na matuwid hindi upang magkaroon ng kalayaang magkasala kundi upang magpanimula ang bagong buhay na ipinamumuhay sa pamamagitan ng pang-araw-araw na pananalig kay Cristo.

We Live by Faith, but not without Works

Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo tayo ay ibinilang na matuwid. Kahit tayo’y mga ibinilang na na matuwid, alam nating makasalanan pa rin tayo at nagkakasala araw-araw. What guarantees this new life?

Ang isang makasalanang ibinilang na matuwid ay namatay na sa kanyang dating pagkatao, kaya’t imposibleng bumalik pa siya dito. “For if I rebuild what I tore down, I prove myself to be a transgressor” (v. 18). Isang kahangalan namang ibalik pa ni Pablo ang bagay na naging daan upang malayo siya sa Diyos. Sinira na niya ito sa pamamagitan ng pagsisisi sa kasalanan. Paano nasira ang dating pamumuhay na ito ni Pablo? “For through the law I died to the law, so that I might live to God. I have been crucified with Christ” (v. 19). Sa pamamagitan din ng kanyang pagtitiwala sa sariling katuwiran nakita niya na hinding-hindi niya masusunod nang buo ang kautusan ng Diyos. Nang nakita niya si Cristo na nakapako sa krus para sa kanyang kasalanan, siya’y namatay na kasama ni Cristo. Wala na ang dating Saulo, ngayon ay ang bagong si Pablo na.

Gayon din naman noong tayo ay sumampalataya kay Cristo. Nangangahulugan na ito ng pasimula ng bagong buhay. Bakit sa tingin ninyo maniniwala ang tao sa ipinapangaral nating mabuting balita na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kung tayo’y bumabalik naman sa dati nating gawi at pamumuhay, at hindi nakikita sa atin na pinahahalagahan natin ang mga utos ng Diyos? Ayon nga kay Martin Luther, “We are justified by faith alone, but not by faith that is alone.” Ang bunga ng pananampalatayang ito ay isang bagong buhay. “Therefore, if anyone is in Christ, he is a new creation. The old has passed away; behold, the new has come” (2 Cor. 5:17). What is this new life?

Ang isang makasalanan na ibinilang na matuwid ay namumuhay araw-araw sa pamamagitan ng patuloy na pananalig kay Cristo. “I have been crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me. And the life I now live in the flesh I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me” (v. 20). Ang pananampalataya ay hindi minsanan lang, ito ay nagpapatuloy. Hindi nanatiling patay si Cristo, siya’y nabuhay na muli upang pagtagumpayan ang kasalanan at kamatayan. Ang ating dating pagkatao ay namatay na. Ngunit ang bagong pagkatao ngayon ay buhay dahil kay Cristo na nasa atin. Ang ebidensiya ng bagong buhay na ito ay ang araw-araw na pagtitiwala kay Cristo, na siyang namatay para sa ating mga kasalanan. “The righteous shall live by faith” (Gal. 3:11). We are justified by faith, we will continue to live by faith. No turning back, no turning back. We will follow Jesus all the way.

Ibinilang na tayong matuwid sa harapan ng Diyos bago pa man tayo maging matuwid. Ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya hindi ng gawa. Ngunit hindi ito nangangahulugang may lisensiya na tayong gawin ang lahat ng gusto nating gawin dahil tayo’y pinatawad na at matuwid na sa harapan ng Diyos. Hindi! Ang kalayaan na mayroon tayo ay kalayaang mamuhay para sa Diyos, sa ilalim ng kalooban ng Diyos, at hindi mga alipin ng kasalanan at sariling kagustuhan. At sa ating pamumuhay at pagsunod sa mga utos ng Diyos, ito ay gagawin natin sa pamamagitan ng patuloy na pananampalataya natin kay Cristo. Huwag na huwag isipin ng bawat isa na dahil sa pagsunod natin kaya tayo nagiging katanggap-tanggap sa Diyos. Tinanggap tayo ng Diyos dahil tinanggap niya ang sakripisyong ginawa ng kanyang Anak sa krus ng kalbaryo.

Christmas is about Receiving and Giving

Sa talamak na materyalismo ng mga Pilipino tuwing Pasko, ipakita natin sa Diyos na ang kanyang mga anak ay iba – pinahahalagahan ang tunay na layunin ng pagparito ni Jesus. Kayong mga magulang, ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Ano ang nakikita sa inyong mga magulang ng inyong mga anak na pinakamahalaga sa Pasko, sa buhay ng tao? Nakikita ba sa inyo ng inyong mga anak na kailangang matanggap nila ang ginawa ni Jesus sa krus nang higit sa anumang bagay dito sa mundo?

Totoo ngang Christmas is about giving. Pero unang-una ito ay receiving. Kung mayroon sa inyo na hanggang ngayon ay sa sariling gawa nagtitiwala, hinding-hindi mo matatanggap ang regalong kaligtasan ng Diyos hangga’t hindi mo bibitawan ang nasa iyong mga kamay. Nais niyang ilagak mo sa kanya anumang dalahin ng bigat ng iyong kasalanan, dahil pinasan na niya ito nang mamatay siya sa krus. Lumapit kang bukas ang kamay at ipagkakaloob sa iyo ang katuwirang kailangan mo upang makalapit sa banal na Diyos.

Kung ano man ang tinanggap natin, iyon din ang ibibigay natin bilang regalo. Napakalaking kagalakan na marinig ang kuwento ng mga kapatid nating sinamantala ang pagkakataong binigay ng Diyos upang maibahagi sa iba ang tunay na kahulugan ng pagparito ni Cristo. Mayroong isang kabataan na na-assign na magduty sa isang rehab at sinamantala ang pagtitipon kasama ang mga katrabaho upang mapag-aralan ang Salita ng Diyos. May isang nanay na teacher din na nabigyan ng pagkakataong umawit sa harap ng mahigit 200 teachers sa kanilang Christmas Party. Sinamantala ding ibahagi ang tunay na kahulugan ng ginawa ni Cristo sa krus. Gayundin ang isa sa mga elders natin na nag-Emcee naman sa Christmas Party nila at naibahagi din sa mga kaopisina ang tunay na layunin ng pagsilang ni Cristo.

Kaya’t ngayong mga araw na ito, alalahanin natin ang biyaya ng Diyos na tayo’y ibinilang niyang matuwid kahit na tayo’y mga makasalanan pa, at unti-unting binabago ayon sa wangis ni Cristo hindi sa pamamagitan ng anumang ginawa natin kundi sa pamamagitan ng pananalig natin kay Cristo. Marami pang pagkakataong ibibigay sa atin ang Diyos para ibalita sa mga kamag-anak at kaibigan natin – na karamiha’y nagsasabing Cristiano sila ngunit ang pagtitiwala naman ay sa mabuting gawa para sa kaligtasan – ang mabuting balita ni Cristo.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s