For Freedom Christ has Set Us Free

Bookmark and Share
Download mp3 | Download pdf

Celebrating the Cross of Christ: An Exposition of Galatians

By Derick Parfan | April 11, 2010

Galatians 5:1-12 (ESV)

For freedom Christ has set us free; stand firm therefore, and do not submit again to a yoke of slavery. Look: I, Paul, say to you that if you accept circumcision, Christ will be of no advantage to you. I testify again to every man who accepts circumcision that he is obligated to keep the whole law. You are severed from Christ, you who would be justified by the law; you have fallen away from grace. For through the Spirit, by faith, we ourselves eagerly wait for the hope of righteousness. For in Christ Jesus neither circumcision nor uncircumcision counts for anything, but only faith working through love. You were running well. Who hindered you from obeying the truth? This persuasion is not from him who calls you. A little leaven leavens the whole lump. I have confidence in the Lord that you will take no other view than mine, and the one who is troubling you will bear the penalty, whoever he is. But if I, brothers, still preach circumcision, why am I still being persecuted? In that case the offense of the cross has been removed. I wish those who unsettle you would emasculate themselves!

True Freedom

Ano ba ang kalayaan? Sabi ng mga bayani natin noong tayo ay sakop pa ng mga dayuhan, “Ito ang karapatan at kapangyarihang pamahalaan ang sarili nating bansa, na hindi pinakikialaman ng ibang bansa.” Sabi naman ng mga teenager ngayon, “Ito ‘yung gawin mo ‘yung gusto mo na hindi ka pagagalitan ng magulang mo.” Sabi naman ng ilang tao, “Ito ‘yung nagagawa mo ‘yung mga bagay na gusto mong gawin kahit ano pa ang sabihin o reaksiyon ng ibang tao.” Ito ba ang tunay na kalayaan? Ito ba ang pagkakaunawa nating mga Cristiano sa kalayaan na mayroon tayo? Hindi. Nagdurusa ang napakaraming tao dahil akala nila ay malaya sila ngunit sa totoo lang ay mga alipin ng kasalanan, ng sarili nilang kagustuhan, ng pagkamakasarili at pagrerebelde sa mga awtoridad. We are not just talking here about political, economic, personal, worldly freedom; we are talking about spiritual freedom, freedom to have a relationship with God.

Tayo’y mga Cristiano na. Hindi na tayo tulad ng maraming tao sa sanlibutan. Akala nila malaya sila. Ngunit alam nating tayo ang may tunay na kalayaan. Hindi na tayo tulad ng mga taong may gustong bilhin na kailangan nila ngunit hindi mabili dahil baon sa utang at hindi pa nga makabayad. Mayroon na tayong kakayahang bilhin ang kailangan natin kasi bayad na ang utang natin sa Diyos. Bukod doon, binigyan pa tayong pambili. At ang mga bagay na bibilhin natin ay hindi mga bagay na makasasama sa atin. Ito ‘yung mga bagay na hindi natin pagsisisihan. Ito ang tunay na kalayaan. Makikita natin sa Galatians 5:1-12 na tayong mga Cristiano ay mayroon nang tunay na kalayaan at dapat na mamuhay araw-araw ayon sa kalayaang mayroon na tayo dahil sa ginawa ni Cristo sa krus para sa atin.

Living the Freedom We Have in Christ (5:1)

Ang pangunahing talata dito (at masasabi nating sa buong Galatians) ay ang verse 1, “For freedom Christ has set us free…” Paano tayo naging malaya? Hindi dahil sa ginawa natin, kundi dahil sa ginawa ni Cristo “na nagbigay ng kanyang sarili dahil sa (o “para sa”) ating mga kasalanan, upang tayo’y kanyang mailigtas…ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama” (1:4). “Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan nang siya’y naging sumpa para sa atin” (3:13). Malaya ka na dahil sa natapos nang ginawa ni Cristo sa krus, ni wala kang naiambag para matamo ang kalayaang iyan.

Magpasalamat ka sa Diyos dahil hindi sa iyo nakadepende ang kaligtasan, kundi kay Cristo na nagmahal sa atin at nagbigay ng kanyang sarili para sa atin (2:20). Kung sa iyo ito nakadepende, sa tingin mo nasaan ka na ngayon? Wala kang patutunguhan kundi ang bagsik ng parusa at galit ng Diyos! ‘Wag kang umasa na may maganda kang kahihinatnan kung sa sarili mo lang ikaw umaasa. Kaya nga pagkatapos ipagtanggol na siya’y tunay na apostol ni Cristo (chapters 1-2), naglaan si Pablo ng panahong ipaliwanag (chapters 3-4) sa kanila na walang sinuman ang maliligtas o ibibilang na matuwid sa harapan ng Diyos o magiging katanggap-tanggap sa Diyos maliban sa pananalig kay Cristo. Hindi ito sa mga sistema ng relihiyon ng tao o sa anumang gawa nating mabuti. Kay Cristo lang wala nang iba.

Kung nananalig ka kay Cristo, ang mabuting balita ay malaya ka na! Hindi ka na alipin ng iyong mga kasalanan at ng pagsisikap na sundin ang kautusan upang maging kalugud-lugod sa Diyos. Ginawa na ito ni Cristo para sa iyo. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay iisipin natin, “Pinatawad na ni Cristo ang kasalanan ko. Ligtas na ako. Kaya ayos lang na hindi na ako gumawa ng mabuti o sumunod sa utos ng Diyos. Puwede ko nang gawin ang gusto kong gawin.” Hangal ka ba? Ganyan ba ang ibig sabihin ng tunay na kalayaan? Hindi ba’t iyan ang sanhi ng pagkaalipin natin? Hindi ba’t ang layunin ng kamatayan ni Cristo ay upang maranasan natin sa araw-araw hanggang sa pagbabalik niya ang tunay na kalayaan? “For freedom (not for slavery) Christ has set us free.”

Ganito din ang binigyang diin niya sa verse 13, “Tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa’t isa sa diwa ng pag-ibig.” Nais ng Diyos na ipamuhay natin ang kalayaan, ang tunay na kalayaan, na nasa atin na dahil sa ginawa ni Cristo. Ito ang nais ni Pablong bigyang diin sa chapters 5-6.

Stand Firm (5:1)

Ang layunin ng ginawa ni Cristo ay upang maranasan natin ang tunay na kalayaan. Ang katotohanang ito ang batayan ng kanyang utos sa atin sa verse 1, “Stand firm therefore, and do not submit again to a yoke of slavery.” Sinasabi dito ni Pablo na magpakatatag tayo sa kalayaang mayroon na tayo. Dalawang paraan niya sinabi ito. Sa positibong paraan sinabi niya, “Stand firm…” Ito ay ang patuloy na paninindigan o pagtayo na hindi natitinag anuman ang gawin ng kaaway na ibagsak tayo o agawin ang kalayaang iyan. Palaging nag-aabang ang kaaway upang ibagsak tayo, kaya kailangang palagi tayong nakabantay. Tulad ng isang kawayang anumang hampas ng hangin o bagyo ay hindi mabubuwal o mababali, iyan ang nais ng Diyos para sa isang Cristiano. Christ has given us the strength through the Spirit so we can stand firm. We who are weak will live by the power of the Spirit (5:22-25).

Sa negatibong paraan sinabi niya, “Do not submit again to a yoke of slavery.” Ang “yoke” o “pamatok” ay isang instrumentong ginagamit upang kontrolin ang isang hayop (BDAG, 429). Ang “pamatok ng pagkaalipin” ay ang bigat na dinadala natin dati na hindi natin malagpasan dahil sa kontrolado tayo nito. Wala tayong ibang ginagawa dati maliban sa gumawa ayon sa sarili nating lakas. Malaya na tayo dahil kay Cristo. Sinasabi ni Pablo na huwag na kayo ulit magpasailalim sa mga regulasyon o tradisyon o relihiyon ng tao. Huwag tumulad sa mga Israelitang matapos iligtas mula sa Ehipto ay gugustuhing bumalik doon dahil sa hirap ng buhay. Ang pamatok natin ngayon ay ang “pamatok” ni Cristo. Hindi ito pagkaalipin dahil nasa pamamahala tayo ni Cristo na nagsabi, “Take my yoke upon you, and learn from me, for I am gentle and lowly in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy, and my burden is light” (Matt. 11:29-30) (Boice, Galatians, 486).

Standing Firm for True Faith (5:2-6)

Bakit pursigido si Pablong ipaalala sa kanila ang mga bagay na ito? Kinakailangan tayong magpakatatag dahil alam niyang may mga kalabang sinusubukang alisin ang kalayaang nasa atin na at ibalik tayo sa pagkaalipin. Ang unang kalaban ay ang sarili nating pusong makasalanan na gustong magtiwala sa sarili upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Likas na ito sa tao. Kahit mga Cristiano na tayo ay nariyan pa rin ang tendency natin na unahin at itaas ang sarili. Kaya nga sa verses 2-6 ay ipapakita ni Pablo sa atin na walang patutunguhan ang pagtitiwala sa sariling gawa at ang tunay na pagtitiwala lamang kay Cristo ang pag-asa natin. Malakas ang tukso na tayong mga nagtitiwala na kay Cristo ay bumalik sa pagtitiwala sa sarili natin. Nangyayari ‘yan araw-araw sa tuwing sarili natin ang sinusunod at hindi ang Diyos.

Paano natin panlalaban ang tuksong ito na magtiwala sa sarili at sa gayo’y makapagpatuloy na maipamuhay ang tunay na pananampalataya? Una, alalahanin nating ang pagtitiwala sa gawa ng tao gaano man ito kabuti ay makapaghihiwalay sa atin mula sa mga biyayang nakay Cristo. Ang tunay na Cristiano ay siyang nagtitiwala kay Cristo at nagpapatuloy na magtiwala sa kanya hanggang kamatayan. Gusto niyang magpatuloy sila sa maganda na nilang simula (verse 7, “You were running well.”). Seryoso ang kinahaharap nila ngayon kaya nga sinabi niya sa verse 2, “Makinig kayo! Akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo na kung kayo’y patutuli…” Nagbibigay siya ng babala sa kanila. Kaya binanggit ni Pablo ang pangalan niya ay upang ipaalala sa kanila na siya ay nagsasalita bilang isang dating relihiyosong buung-buo ang tiwala sa kanyang relihiyon para maligtas. Ngunit nagkamali siya. Ayaw din niyang sila’y magkamali.

“Kung kayo’y patutuli,” nangangahulugang hindi pa nila tinatanggap ang pagtutuli ngunit iniisip na nila dahil sa impluwensiya nitong mga Judaizers na nagsasabing malibang sila’y tuliin ay hindi sila makakabilang sa ligtas (tingnan ang Acts 15:1). Mahalaga ang pagtutuli sa mga Judio bilang simbolo na sila’y kabilang sa bayang pinili ng Diyos, sa tipan ng Diyos. Ngunit hindi nila ito dapat gawin basehan ng kaligtasan, lalo pa para sa mga Hentil na gaya ng mga taga-Galacia. Hindi lang pagtutuli ang isyu dito. Kaya sabi niya sa verse 3, “At muli kong pinatotohanan sa bawat taong nagpatuli na siya’y may pananagutang tumupad sa buong kautusan.” Sinabi na niya ito dati (tingnan ang 3:10) at ngayo’y inuulit niya dahil sa bigat ng isyu na ito. Kung gusto mong maligtas sa pamamagitan ng kautusan, kailangan mong sundin lahat. Hindi lang pagtutuli kundi lahat! Kung hindi mo masunod ang lahat, parusa ng Diyos ang dapat sa iyo dahil “perfect obedience” ang requirement ng Diyos upang tayo’y maging katanggap-tanggap sa kanyang kabanalan. Gusto ninyong ganyan ang basehan ng kaligtasan? It’s your choice! Tingnan lang natin kung may pag-asa kayo diyan! Maaaring hindi “circumcision” ang isyu natin, kundi baka bautismo o anumang gawaing espirituwal na akala ninyo’y paraan upang maging ganap ang inyong kaligtasan o espirituwalidad. Mag-ingat tayo.

May babala dito si Pablo sa sinumang “nagnanais ariing-ganap sa pamamagitan ng kautusan” (v. 4). Verse 2, “Si Cristo ay hindi magiging pakinabang sa inyo.” Verse 4, “Kayo’y hiwalay kay Cristo…nahulog kayo mula sa biyaya.” Hindi po itinuturo nito na ang kaligtasan ay nawawala tulad ng inaakala ng ilan. Ito ay isang babala sa sinumang ang tingin ay Cristiano sila at kahati sa mga pagpapalang dulot ng ginawa ni Cristo sa krus. Pero paano kung matagpuan ng Diyos sa puso ninyo na wala kayong tunay na relasyon sa kanya? Tulad ng isang taong akala niya ay mayroon siyang “share” sa kita ng isang kumpanya dahil akala niya ay isa siyang partner ngunit hindi naman pala siya talaga nakapirma sa kontrata. Nagkakamali siya. Wala siyang magiging porsyento kahit singko. Gayundin sa sinumang nag-aakalang ligtas siya ngunit ang tiwala ay sa relihiyon hindi kay Cristo lang.

It’s all of Christ or it’s nothing! Hindi puwedeng magtiwala kay Cristo at sa sariling gawa. Dapat kang mamili. Susunod ka ba sa sarili mong kagustuhan at hindi mararanasan ang tunay na biyaya ng Diyos o susunod ka sa pagtitiwala kay Cristo at makakaranas ng buhay na walang hanggan? Hindi puwedeng nakaapak ang paa natin sa dalawang bangkang magkasalungat na lugar ang pupuntahan. If you want to receive all the blessings that Christ purchased on the cross, you need to be united with him by faith, not by works. Are you?

Ikalawang dapat nating tandaan upang malabanan natin ang kalikasan nating gustong sa sarili nagtitiwala: ang tunay na pananampalataya ay naghihintay sa gagawin pa ng Diyos habang kumikilos nang may pag-ibig. Verse 5, “Sapagkat sa pamamagitan ng Espiritu, sa pananampalataya ay naghihintay tayo sa pag-asa ng katuwiran.” Nagbibigay siya dito ng dahilan (“Sapagkat…”) kung bakit hindi kailanman natin mararanasan ang pagpapala ng Diyos sa pamamagitan ng sariling sikap. Ito’y sa “pamamagitan ng Espiritu.” Living by faith is living by the Spirit (v. 16), not by our own will or power but by another. Sa pamamagitan ng Espiritung nasa atin, tayo ay matiyaga at may kasabikang “naghihintay…sa pag-asa ng katuwiran.” Totoo ngang matuwid na tayo sa harapan ng Diyos dahil kay Cristo, ngunit patuloy pa rin tayong binabago upang maging tunay na matuwid hanggang sa araw na dumating si Cristo at tayo’y tuluyang maging kawangis niya. Faith waits for it. Hindi tayo ang gumagawa para dito. Hinihintay natin ang gagawin pa ng Diyos. Iyan ang tunay na pananampalatayang nakapagliligtas. Tulad ng paghihintay na ginawa ko sa pagdating ng ESV Study Bible na binili ng asawa ko at kailangan ko lang hintayin para ideliver. Sabik akong naghihintay dahil alam kong darating. Wala na akong dapat gawin dahil ang asawa ko na ang nagbayad.

Tinalakay niya ang pagtutuli ngunit hindi ito ang pinakaisyu. Verse 6, “Sapagkat kay Cristo Jesus, ang pagtutuli o di-pagtutuli ay walang kabuluhan, kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pag-ibig.” E ano kung tuli ang isang Judio (tulad ng ginawa ni Pablo kay Timoteo, Acts 16:3), e ano kung hindi tuli ang mga Hentil (tulad ng pagpigil ni Pablo na tuliin si Tito, Gal. 2:3). Ang mahalaga ay ikaw ay “kay Cristo Jesus.” Hindi tatanungin dito kung nabaustimuhan ka o member ka ng church. Ikaw ba ay “kay Cristo”? Ngunit hindi ibig sabihin nito na ang pananampalataya ay walang ginagawa at naghihintay lang. Hindi! “Faith works through love.” Ito ang mahalaga, tunay na pananampalataya. Ito ang tunay na Cristiano. Hindi lang ang nagsasabing may “faith” sila. Ito ang mga Cristianong nakikita ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng pag-ibig (5:13-15). Faith waits for God and works through love. The question is not what we do, but why we do it.

Standing Firm against the Foes of Our Faith (5:7-11)

Ang unang kalabang nakita natin sa verses 2-6 ay ang sarili nating pusong natutukso upang magtiwala sa sarili sa halip na kay Cristo. Bukod sa panloob na kalaban ay mayroon ding panlabas. Sa kaso ng mga taga-Galacia, ito ang mga bulaang guro na nagtatangkang siraan si Pablo at akitin ang mga Cristiano roon na akapin ang mga ritwal ng Judaismo at ang kautusan ni Moises upang maligtas. Kaya kinakailangang sila ay magpakatatag sa kalayaang pinanghahawakan nila ay dahil may mga kaaway na nagtatangkang agawin ang kalayaan nila kay Cristo. Malakas ang tuksong makinig sa sinasabi ng tao sa halip na sa katotohanan ng Salita ng Diyos. Dapat nating malaman at isapuso kung ano ang totoo at itakwil kung ano ang mga kasinungalingan na makapagpapahamak sa ating kaluluwa.

Bakit nila kinakailangang manindigan at huwag makinig sa mga maling katuruan? Una, dahil kahit maliit na masamang impluwensiya ay maaaring maging dahilan ng ating pagbagsak. Sabi nga nila, huwag ismolin (don’t belittle) ang kaaway. “Kayo ay tumatakbo noon ng mabuti, sino ang humadlang sa inyo sa pagsunod sa katotohanan? Ang paghikayat na iyon ay hindi nagmula sa tumatawag sa inyo. Ang kaunting lebadura ay nagpapaalsa sa buong masa” (5:7-9). Naroon na ang kanilang “pagsunod sa katotohanan” ng ebanghelyo. Alam na nila ang tamang daang dapat nilang lakaran. Ang buhay Cristiano ay madalas inihahalintulad sa isang takbuhin (1 Cor. 9:24; Heb. 12:1). “You were running well,” sabi ni Pablo sa kanila.

Sa kabila noon, may “humahadlang.” Ito ay galing sa salitang Griyegong ginagamit ng mga militar upang maglagay ng isang barikada o harang sa kalsada (Boice, Galatians, 489). Ang mga harang o barikadang ito ay ang mga itinuturo ng mga Judaizers. Sila ay “hindi nagmula sa tumatawag sa inyo,” sabi ni Pablo. Hindi ito galing sa Diyos. Anumang hadlang sa ating pagsunod kay Cristo at salungat sa tunay na ebanghelyo ay imposibleng maging galing sa Diyos. Anumang bagay sa buhay ninyo ngayon na nakapagpaparumi ng inyong pag-iisip, nakahahadlang sa inyong relasyon kay Cristo, nagiging daan ng inyong panghihinang espirituwal ay hindi galing sa Diyos.

Kung gayon, gaano man ito kaliit sa tingin natin o sa tingin ng iba, kailangan nating labanan, itakwil at talikuran. “Ang kaunting lebadura ay nagpapaalsa sa buong masa” (v. 9). Ang lebadura o yeast ay ang ginagamit upang umalsa ang tinapay. Kaunti lang ang kailangan para makita ang epekto nito. Kahit isang tao na nakahahadlang sa kanilang pagsunod ay dapat nilang palayasin. Ganito din ang mga salitang ginamit niya sa mga taga-Corinto sa 1 Corinthians 5:6 tungkol sa isang lalaking kinakasama ang asawa ng kanyang ama. Hindi nila ito dapat hayaang magparumi sa kanilang iglesia. Ganito din ang paalala ni Jesus sa mga disipulo niya tungkol sa katuruan ng mga Pharisees (Matt. 16:12). Anumang maliit na bagay sa buhay natin na nagiging dahilan ng ating paglayo sa Diyos ay dapat nating itakwil. Huwag na natin itong yakapin. Huwag tayong maniwala sa sinasabi ng Kaaway na, “Okay lang ‘yan. Maliit na bagay ‘yan.” Sinungaling! Hindi ba’t ang maliit na posporo ang maaaring maging dahilan ng pagkasunog ng bahay?

Ikalawang dahilan kung bakit dapat manindigan laban sa mga kaaway na maaaring sumira ng ating pananalig kay Cristo: dahil mas mainam pa na dumanas ng hirap sa pagiging tapat sa ebanghelyo kaysa tanggapin ang parusa ng Diyos kung tatalikod dito. May nag-iimpluwensiya nga sa kanila na maniwala sa ibang katuruan ngunit ang kumpiyansa ni Pablo ay nasa Panginoon na hindi hahayaang ang kanyang mga anak ay magapi ng kaaway, “Ako’y nagtitiwala sa Panginoon, na hindi kayo mag-iisip ng iba pa. Subalit sinuman siyang nanggugulo sa inyo ay tatanggap ng parusa.” Hindi niya binanggit kung sino ang nanggugulo sa kanila. Basta dapat nilang malaman na ang mga ito ay nanggugulo at binubulabog ang maganda na nilang simula. Bakit nila sila hahayaang hadlangan sila at hahayaang maimpluwensiyahan sila kung alam naman nilang kung susunod sila sa turo nila ay tatanggap din sila ng parusa na galing sa Diyos tulad ng mga gurong ito?

Sa tindi ng galit ni Pablo sa mga nanggugulo ay sinabi niya sa verse 12 na kung puwede lang sana ay putulan na sila at hindi lang magpatuli! So much is at stake. Hindi puwedeng pa-easy-easy lang sila dito. Sobra ang passion dito ni Paul para sa kanila kasi nakasalalay nga dito ay ang kanilang pag-asa at kalayaan kay Cristo. Hindi niya hahayaang agawin ito ninuman.

Maaaring nagpapatangay sila sa impluwensiya ng mga Judaizers dahil ayaw nilang usigin sila ng mga Judio. Ngunit hindi ba’t kasama sa buhay Cristiano ang paghihirap at pagpasan ng krus natin araw-araw? Dapat tayong tumulad kay Pablo na hindi hahayaang ang mga taong ito – kahit pa awayin siya, siraan siya, itakwil siya – na magtagumpay. “Ngunit ako, mga kapatid, kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, bakit pa ako inuusig? Kung gayon, ang katitisuran ng krus ay inalis na” (v. 12). Ayaw ng tao ang mensahe ng krus dahil panawagan itong talikuran ang sarili natin, magpakumbaba, at akapin ang ginawa ni Cristo para sa atin. Panawagan itong iwanan ang sarili at sumunod nang tuluyan kay Cristo. Maging tapat tayo sa ebanghelyong ito kahit na paghihirap ang kapalit nito dahil alam nating kay Cristo lang ang tunay na kalayaan.

Be on Guard Daily for Our Enemies Never Sleep

Balik tayo sa verse 1, “For freedom Christ has set us free; stand firm therefore and do not submit again to a yoke of slavery.” Panawagan ito sa ating manindigan sa kinatatayuan nating kalayaan. Hindi aalis sa puwesto kahit anupang gawin ng mga kaaway natin. Tulad ng isang security guard na kahit hatinggabi na ay naka-duty at gising na gising kahit ang lahat ay tulog na. Anumang oras ay maaaring may magnanakaw na pumasok at nakawin ang pinakamamahaling pag-aari natin sa bahay. Our freedom in Christ is precious beyond comparison. Dapat natin itong ingatan.

Ang puso nating natutuksong magtiwala sa sarili natin at magkasala sa Diyos ay dapat nating bantayan 24 hours a day, 7 days a week. Dapat din tayong maging alerto sa sinuman o anumang bagay na maaaring makahadlang sa patuloy nating pagsunod at pagtitiwala kay Cristo. We are at war against our own sinful self, against the world and against Satan. We must fight daily for we have enemies that never sleep. Huwag matakot at panghinaan ng loob dahil nasa atin ang Espiritu upang bigyan tayo ng lakas. Nariyan din ang mga kapatid natin kay Cristo na magiging kaagapay natin sa mga atake ng kaaway upang ibagsak tayo.

Bookmark and Share

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s