Blessed Sons of Abraham

Download mp3 | Download pdf

By Derick Parfan | January 17, 2010

Celebrating the Cross of Christ: An Exposition of Galatians

Galatians 3:6-9 (ESV)

Just as Abraham “believed God, and it was counted to him as righteousness.” Know then that it is those of faith who are the sons of Abraham. And the Scripture, foreseeing that God would justify the Gentiles by faith, preached the gospel beforehand to Abraham, saying, “In you shall all the nations be blessed.” So then, those who are of faith are blessed along with Abraham, the man of faith.

The Connection

Mahalaga sa ating mga Filipino ang koneksiyon, ito man ay sa isang business transaction, sa pulitika, sa solusyon sa krisis na hinaharap sa pamilya, o sa paghahanap ng trabaho. Sa isang kumpanya na nagpa-bidding para sa isang construction project, iyong contractor na may koneksiyon sa isa sa mga boss sa loob ang malamang na makakuha ng project. Sa pulitika, malaki ang advantage kapag ang apelyido ay Macapagal o Aquino o Roxas dahil galing sa angkan ng mga dating presidente. Kung may problema namang pinansiyal sa pamilya, malaking tulong din ang may kamag-anak na maganda ang kabuhayan sa Amerika. Sa pag-aaply sa trabaho, mas madaling matatanggap kapag may kaibigan o kakilala sa HR. Right “connections” are important for us because we derive some “benefits” or “advantages” from them.

Dapat ay sa mahalagang tao tayo konektado, hindi sa kung sinu-sino lang. Kapag mag-aaply ka sa trabaho, hindi mo puwedeng sabihin sa manager na nag-iinterview sa iyo na may kakilala kang janitor sa kumpanya. Ngunit mahalaga din na mayroon tayong tamang koneksiyon, hindi iyong guni-guni lang natin. Kung ineexpect mong tatanggap ka ng mana dahil akala mo ay anak ka ni Henry Sy, medyo dapat ka atang mahimasmasan. Mahalaga ang tamang koneksiyon sa atin.

Making Sure You are Connected

Ganoon din sa mga Judio. Mahalaga sa kanila ang koneksiyon kay Abraham dahil sa pangakong binitiwan ng Diyos sa kanya. Iniisip nila na dahil sila ay galing sa lipi ni Abraham ay nasa kanila na ang pagpapalang kaligtasan galing sa Diyos dahil sila ang bayang pinili ng Diyos. Kaya naman ang mga Judaizers sa mga iglesia sa Galacia ay itinuturo sa mga Cristiano roon na kailangan din nilang maging Judio sa pamamagitan ng pagtutuli at pagsunod sa iba pang seremonya ng mga Judio upang maging tunay silang mga anak ni Abraham.

Sa Galatians 3:6-9, may kinalaman dito ang nais bigyang linaw ni Pablo. Totoo ngang mahalaga si Abraham sa kasaysayan ng pagtupad ng Diyos sa kanyang pangakong ililigtas ang mga taong makasalanan. Ngunit mahalaga na matiyak nila na may koneksiyon nga sila. Kaya itinuturo ni Pablo sa mga talatang ito na ang pagtanggap sa mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay nakasalalay hindi sa pagiging Judio kundi sa pagiging mga tunay na anak ni Abraham sa pamamagitan ng pananampalataya. Receiving God’s promise of blessings to Abraham depends not on being a Jew but on being sons of Abraham through faith. Ito ang konklusyon ni Pablo sa mga talata mula sa Kasulatan tungkol sa pangako ng Diyos kay Abraham at kung paano niya ito tinanggap. Pagkatapos banggitin sa verse 6 ang sinasabi sa Genesis 15:6 (Abraham “believed God and it was counted to him as righteousness”), sabi niya sa verse 7, “Know then that it is those of faith who are sons of Abraham.” Pagkatapos niyang banggitin naman sa verse 8 ang pangako ng Diyos sa Genesis 12:3 (“In you shall all the nations be blessed.”), sabi niya sa verse 9, “So then, those who are of faith are blessed along with Abraham, the man of faith.” It is not being a Jew by birth or by religious ceremonies. It is by faith, and by faith alone.

Shaped by God’s Word

Ang mga talatang ito ay pagpapatuloy ng pagtatanggol ni Pablo sa doktrina ng “justification by faith alone in Christ alone” na sinimulan niya sa 2:16, “a person is not justified by works of the law but through faith in Jesus Christ.” Sa 3:1-5, pinatunayan niya ito sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila na ito mismo ang naranasan nila. Ito ang kahulugan ng kamatayan ni Cristo. Ito ang paraan ng pagtanggap nila sa Espiritu at pagpapatuloy nila sa kanilang espiritwal na buhay. At sa pamamagitan din nito kaya nila nararanasan ang kapangyarihan ng Diyos. Paul called them “foolish” if they will deny these experiences, like a man who will deny that a woman is his wife after watching the video of their wedding ceremony.

Alam ni Pablo na hindi sapat na banggitin lang ang kanilang mga karanasan para patunayan na ang isang makasalanan ay tatanggapin ng Diyos na matuwid sa harapan niya sa pamamagitan ng pananampalataya lang kay Cristo. Kaya simula verse 6 hanggang chapter 4 ay patutunayan ito ni Pablo sa pamamagitan ng sinasabi ng Kasulatan (Old Testament ngayon). Kaya sinimulan ang verse 6 sa ganitong paraan: “Just as Abraham…” (sa NIV, “Consider Abraham). Ginawa niyang halimbawa si Abraham dito. Magandang makita din natin dito ang ginagawa ni Pablo. Nais niyang balikan ang ipinahayag na ng Diyos sa simula pa upang patunayan ang kanyang itinuturo ay totoo. Sa atin ba, ang pangunahin bang humuhubog sa paniniwala natin ay ang Salita ng Diyos o baka pangunahin sa atin ang karanasanan natin o ang sinasabi ng iba o nakikita natin sa iba?

“Justification by Faith Alone”

Paul, an apostle of Christ, teaches that we are justified by faith alone in Christ alone. Bago natin talakayin ang sinasabi ni Pablo sa teksto natin ngayon, mainam na magbigay muna ako ng ilang mga dahilan kung bakit natin ito pinaglalaanan ng mahabang panahon.

  1. Ito ang pinakamalaking dahilan ng paghihiwalay natin sa mga Romano Katoliko. “Justification by faith alone in Christ alone” was the cry of the 16th century Reformation kung saan ay naging isa sa prominenteng karakter ay ang dating paring monghe na si Martin Luther sa Germany. Sa pag-aaral niya ng Romans at Galatians ay ito ang maliwanag na nakita niya na taliwas naman sa itinuturo ng Simbahang Katoliko na ang kaligtasan ay sa pamamagitan ng pananampalataya at gawa. Mahalaga ito sa atin ngayon upang maunawaan natin bakit hiwalay tayo sa kanila at ibabahagi natin ang mabuting balita sa mga kaibigan nating Romano Katoliko.
  2. Kung mauunawaan natin ito, malalaman natin kung bakit tayo dapat mamuhay na sumusunod sa Diyos at gumagawa ng mabuti. Isa sa objection ng mga Katoliko sa doktrinang ito ay kung sapat na ang pananampalataya lang ay ibig sabihin na tayong mga Cristiano ay hindi na susunod sa kautusan at sa gayo’y magiging imoral ang pamumuhay. Sagot ni Pablo? “What then? Are we to sin because we are not under law but under grace? By no means” (Rom. 6:15; cf. 6:1; Gal. 2:17)! Ang paggawa ng mabuti ay hindi upang maging katanggap-tanggap sa Diyos. Ito ay dahil tinanggap na tayo ng Diyos at mayroon nang bagong buhay. Ang tunay na pananampalataya ay nagbubunga ng mabuting gawa (cf. Gal. 2:20; 5:6; Eph. 2:8-10).
  3. Kung mauunawaan natin ito, maiiwasan natin ang pagkatali sa kautusan (“Gawin mo ‘to, gawin mo ‘yun”) at mararanasan ang tunay na kalayaan kay Cristo. Karaniwan nating pagkakamaling mga Cristiano ay ang akalaing ang buhay Cristiano, pagkatapos sumampalataya kay Cristo, ay ipamumuhay sa pamamagitan pa rin ng gawa natin. Hindi! Ito ay pananampalataya mula simula hanggang wakas. “For freedom Christ has set us free; stand firm therefore, and do not submit again to a yoke of slavery” (Gal. 5:1).

Luther was right that “justification by faith” is the doctrine “where the church (and the individual Christian) stands or falls.” Ang iba ay maaari itong ituring na kaunting kaibahan lang o maliit na pagkakamali kung hindi natin panghahawakan. Ngunit gaano ba kahalaga na ayusin ang nakikitang bitak sa isang poste ng gusali na kung hindi aayusin ay maaaring maging sanhi ng pagguho nito? Hindi ba’t napakalaking disgrasya ang sasapitin ng isang naglalakad sa gilid ng bangin kung hindi siya mag-iingat at magsimulang madulas paibaba?

Why is being sons of Abraham important?

Uulitin ko na ang pangunahing itinuturo dito ni Pablo sa Galatians 3:6-9 ay ito: ang pagtanggap sa mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay nakasalalay hindi sa pagiging Judio kundi sa pagiging mga tunay na anak ni Abraham sa pamamagitan ng pananampalataya. Ano ngayon ang kahalagahan ng pagiging mga anak ni Abraham? Ano ba’ng pakialam nating mga Pilipino diyan? Baka sa mga Judio lang mahalaga ‘yan. Hindi! Sa mga taga-Galacia din. Sa atin din.

Our Need for Salvation. Ang pagiging anak ni Abraham ay may kinalaman sa pangangailangan natin upang tanggapin ng isang banal na Diyos. Paul went back to Genesis to prove that even before it was God’s plan that even Gentiles would be justified. Verse 8, “And the Scripture, foreseeing that God would justify the Gentiles by faith, preached the gospel beforehand to Abraham.” Kailangang marinig ni Abraham ang mabuting balita bago siya maging katanggap-tanggap sa Diyos. Kung kailangan niyang marinig ito, kailangan din natin.

Akala n’yo ba’y pinili ng Diyos si Abraham dahil mas mabuti siya kaysa iba? Hindi! Sa katunayan, sumasamba siya sa ibang mga diyos bago siya tawagin ng tunay na Diyos na si Yahweh. Sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Joshua, “Long ago, your fathers lived beyond the Euphrates, Terah, the father of Abraham and of Nahor; and they served other gods. Then I took your father Abraham from beyond the River and led him through all the land of Canaan, and made his offspring many. I gave him Isaac” (Jos. 24:2-3). Kung si Abraham ay nangangailangan ng kapatawaran at habag ng Diyos, tayo pa kaya na mga rebelde at hindi sumusunod sa kanyang mga utos. Kung kailangang ibilang na matuwid si Abraham sa harapan ng Diyos dahil siya’y isang makasalanan, tayo rin. Being a son of Abraham concerns our need of salvation.

The Way of Salvation. Kung tayo man ay tatanggapin ng Diyos, ito ay sa paraang katulad din ng kay Abraham. Kaya’t kailangan nating malaman kung paano si Abraham tinanggap ng Diyos. Paul quotes from Genesis 15:6, “Abraham believed God and it was counted to him as righteousness” (v. 6). Oo, kailangan ng kapatawaran sa kasalanan ni Abraham, at tayo rin. Ngunit ang pinag-uusapan natin dito ay “justification.” Justification is more than just the removal of the guilt of our sins. We need more than that. God requires perfect righteousness, not just “neutral” standing with him. Iyan ang ginawa ni Cristo. Ang kabayaran ng kasalanan natin ay dinala ni Cristo sa krus. Ang katuwiran ni Cristo ay isinalin sa atin nang tayo ay sumampalataya sa kanya. “For our sake he [God] made him [Christ] to be sin who knew no sin, so that in him we might become the righteousness of God” (2 Cor. 5:21). Ang salitang “counted as righteousness” ay maaaring ihalintulad sa listahan ng utang na binura ngunit hindi lamang binura ang utang, nilagyan pa ng hulog sa bank account.

Makikita sa verse 6 ang isa sa malinaw na kahulugan ng “justified by faith”: believing God and because of that, we are counted righteous although we are not. Halimbawa, pinapupunta ka sa US ng tatay mong Amerikano na matagal nang nahiwalay sa iyo. Gustung-gusto mong pumunta. Ngunit hindi ka makaalis dahil may utang kang isang milyon sa bangko. Dahil gusto mong makapunta pinilit mong unti-unting bayaran. Naubos na ang pera mo kakabayad at nawalan ka na ng trabaho. Nakademanda ka na at makukulong na kung hindi ka makakabayad. Sinabi mo ang sitwasyon mo sa tatay mo. Ano’ng ginawa ng tatay mo? Sinabi niya, “Anak, ipinadala ko na ang pambayad sa utang mo sa bangko.” That’s forgiveness. Binayaran at binura na ang listahan ng ating kasalanan. Pero may isa pang problema. Paano ka ngayon makakapunta sa Amerika? Bayad nga ang utang mo wala ka namang pambili ng tiket papunta doon. Ano’ng ginawa ng tatay mo? Tumawag sa iyo at sinabing, “Anak, ipinadala ko na ang pambili mo ng tiket.” That’s what being “counted as righteous” means. That’s justification.

Si Abraham ba ay tinanggap ng Diyos dahil siya ay matuwid o dahil siya ay ibinilang na matuwid muna bago naging matuwid? Kung tayo’y tatanggapin ng Diyos, sa ganoong paraan din. Ang kaligtasan sa Lumang Tipan ay sa biyaya pa rin ng Diyos at hindi sa gawa. So, being a son of Abraham is important because it also concerns the way of salvation for us.

The Blessings of Salvation. Kung tayo ay magiging anak ni Abraham, nangangahulugan itong tatanggapin din natin (o mamanahin natin) ang biyayang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos. Being a son of Abraham means receiving also the blessing that God promised him. “Those who are of faith are blessed along with Abraham, the man of faith” (v. 9). This is an inference from the verse 8 which Paul cited from Genesis 12:3 where God said to Abraham, “In you shall all the nations (‘families of the earth’) be blessed.”

What is that blessing? Totoo ngang ang pangako ng Diyos kay Abraham ay maraming anak, isang lupang pangako, isang magandang pangalan dahil siya ay magiging ama ng maraming bansa. Ngunit higit pa doon ang biyayang pinag-uusapan dito. Malinaw sa konteksto ng sinasabi ni Pablo na ang binabanggit dito ay ang “pagtanggap” ng Diyos sa ating mga makasalanan, ang “justification.” But why is that a blessing? Dahil ba para mawala na ang guilt natin, ang takot na maparusahan, ang kalungkutan, ang pangamba at mapalitan ng kapayapaan, kagalakan, patawad sa kasalanan? Dahil ba hindi na tayo magdurusa sa impiyerno at magsasaya na sa langit? Totoo ngang biyaya ang mga iyan. But that’s not the main point! The greatest blessing is God himself. The good news of the gospel is God. God is the Gospel ang pamagat ng isang aklat ni John Piper. Ito ang dahilan kung bakit namatay si Cristo, upang ibigay sa atin ang Diyos. “For Christ also suffered once for sins, the righteous for the unrighteous, that he might bring us to God” (1 Pet. 3:18). Ang makamtan si Cristo ang pinakamataas na pangarap ni Pablo, ipagpapalit niya ito sa anumang bagay sa mundo (Phil. 3:8-9). Bago ulitin ng Diyos kay Abraham ang kanyang pangako, ito ang sinabi niya, “Do not be afraid, Abram. I am your shield, your very great reward” (Gen. 15:1 NIV). Being a son of Abraham is important because it concerns the greatest blessing of all, namely, God himself.

Who are the sons of Abraham?

Ngayong nakita na natin ang kahalagan ng pagiging anak ni Abraham, tama lang na alamin natin kung sinu-sino ang mga anak ni Abraham. Napakalaking kalugihan para sa atin kung hindi tayo mapapabilang sa kanyang mga anak. Ngunit paano iyon, hindi naman tayo galing sa lipi niya? Sinu-sino nga ba ang mga anak ni Abraham?

Not necessarily those who are Jewish by birth. Ang mga anak ni Abraham ay hindi lang iyong mga nanggaling sa kanyang lipi. Hindi lang physical o biological connection ang pinag-uusapan dito. This is clear from our text. Sinasabi din ito sa Romans 9:7, “Not all are children of Abraham because they are his offspring.” Ganito din ang sinabi ni John the Baptist sa mga Judiong naghahambog na sila’y mga anak ni Abraham, “And do not presume to say to yourselves, ‘We have Abraham as our father,’ for I tell you, God is able from these stones to raise up children for Abraham.” Hindi nila nakita na ang tinutukoy sa pangako ng Diyos ay hindi lamang para sa isang bansa ngunit para sa marami kaya nga ang Abram ay ginawang Abraham dahil sinabi ng Diyos sa kanya, “I have made you the father of a multitude of nations” (Gen. 17:4-5). Maari kang isang Judio mula pa ng ipanganak ngunit hindi naman tunay na anak ni Abraham, at sa gayo’y hiwalay sa pangako ng Diyos na kaligtasan. The connection to Abraham must be spiritual. But it is not about keeping the law.

Not certainly those Gentiles who keep Jewish law. Ang mga anak ni Abraham ay lalo nang hindi iyong mga Hentil na sumusunod sa ginagawa ng mga Judio upang maligtas. Totoong ang pangako ay para sa lahat ng mga bansa ngunit hindi ito sa pamamagitan ng gawa, “And the Scripture, foreseeing that God would justify the Gentiles (by works? no!) by faith” (v. 8). We’ll see next week why the “law” or our good works cannot justify us before God.

Only those who trusted in God’s promise in Jesus Christ, whether Jews or Gentiles. Ang mga anak ni Abraham, sa espirituwal na salita, ay iyon lamang mga nananalig sa pangako ng Diyos kay Cristo. Verse 7, “Know then that it is those of faith who are the sons of Abraham.” Verse 8, “God would justify the Gentiles by faith.” Verse 9, “So then, those who are of faith are blessed along with Abraham, the man of faith.” Tinanggap si Abraham ng Diyos na matuwid hindi dahil sa sarili niyang katuwiran o mabuting gawa, ito ay dahil sa kanyang pananalig sa pangako ng Diyos. Hindi nakadepende sa lahing pinanggalingan, kundi sa pananampalataya sa Diyos. Mabuting balita ito para sa ating mga Pilipino.

Kung si Abraham ay nagtiwala sa Diyos at hindi sa kanyang sarili, dapat ang kanyang mga anak ay ganoon din. Like father, like son. Ganito ang argumento ni Cristo sa mga Judio sa John 8:39, “They answered him, ‘Abraham is our father.” Jesus said to them, ‘If you were Abraham’s children, you would be doing what Abraham did.” Abraham was justified even before he was circumcised, even before becoming righteous. Gusto ninyong maging mga anak ni Abraham, gawin ninyo ang ginawa niya, nagtiwala sa pangako ng Diyos at gagawin ng Diyos kahit pa hindi kayang ipaliwanag ng isip ng tao.

Mahalaga ang koneksiyon natin kay Abraham hindi dahil kay Abraham kundi dahil sa pinakamahalagang “anak” ni Abraham. Sino iyon? Matthew begins his Gospel, “The book of the genealogy of Jesus Christ, the son of David, the son of Abraham” (1:1). Ang pananampalataya ang nag-uugnay sa atin kay Cristo, ang Tagapagligtas. Hindi si Abraham ang magliligtas sa atin. Si Cristo ang katuparan ng pangako ng Diyos kay Abraham. Being a son of Abraham through faith is important because it connects us with Christ, the Son of God.

The Crucial Question: “Whose son are you?”

Sa totoo lang, hindi ito tungkol kay Abraham o sa pagiging anak ni Abraham. Ito ay tungkol sa kaugnayan natin kay Cristo. At kung tayo ay sumasampalataya kay Cristo, hindi lamang tayo anak ni Abraham kundi tayo’y mga anak ng Diyos. That is why the crucial question is: Whose son are you?

Maaaring narito ka ngayon at walang pakialam kung anak ka ba ni Abraham o hindi. Kung ikaw ay hindi anak ni Abraham kaninong anak ka? Sabi ni Jesus sa mga Judiong nagmamalaking anak sila ni Abraham ngunit sa katunayan ay hindi, “You are doing what your father did (not Abraham)…You are of your father the devil” (John 8:41, 44). Maaaring ang kumpiyansa mo ay ang koneksiyon mo sa mga magulang mong Cristiano. Ngunit ibig sabihin bang lumaki ka sa simbahan ay Cristiano ka na rin? Kaya nga isang beses ay nakausap ko ang isang kabataan dito sa church na hanggang ngayon ay hindi pa nababautismuhan samantalang ipinanganak siyang Cristiano na ang kanyang mga magulang. Sinabi ko sa kanyang dumalo ng “Following Jesus” class natin at magpabautismo pagkatapos. Pinaalalahanan ko siyang huwag isiping Cristiano siya dahil Cristiano na ang kanyang mga magulang. Maybe some of you are connected in some ways to this church, but are you really connected with Christ?

Maaari namang nawawalan ka ng pag-asa kasi ang tatay mo ay hindi katulad ng mga tatay dito na Cristiano na. Maaaring nag-iisa ka lang dito sa pamilya mo. Katulad nga ng isang kapatid natin na nasa kulungan ang tatay. Maaaring tingnan niyang wala siyang pag-asa kung ganoon ang kalagayan ng kanilang pamilya. Oo nga’t hindi maganda ang koneksiyon mo sa tatay mo, ngunit mas mahalaga ay ang koneksiyon mo kay Cristo. Iyan ang tiyakin mong mayroon ka at higit sa pagpapalang materyal ang maaasahan mo. “In Christ Jesus you are all sons of God through faith” (Gal. 3:26). Have you now realized what being sons of God means?

Hindi man maganda ang pamilyang kinalakihan mo, o maganda man ang koneksiyon mo sa mga magulang mo, ang mahalaga ay ang koneksiyon mo kay Cristo. Ngunit paano mo malalamang tunay kang nananalig sa kanya? Do you hold on to God’s promise even if you are not yet seeing it, trusting that he who promised is faithful, just like Abraham? Do you love Christ (John 8:42, “If God were your Father, you would love me.”) Do you desire what God desires? Do you desire to do the will of God like David (“I delight to do thy will.”)? If you do, then you have real faith. Then, you are a son of Abraham. Then, you are in Christ, united to him by faith. Then, you are a child of God. Then, all of God’s blessings are yours. Because of his grace, because of what Christ has done. Not what you have done.

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s