Identity and Ministry (1 Cor. 3:1-17)

“Do you not know…?”

Hindi natin masyadong pinag-iisipan kung bakit natin ginagawa ang mga ginagawa natin. Hindi rin natin masyadong isinasaalang-alang ang kahihinatnan ng mga ginagawa natin. Dapat nating alalahanin ang ugat at ang bunga nga mga ginagawa natin. Kailangan ding may magpapaalala sa atin. 

Tulad ng nanay mo na nalamang ginagastos mo ang perang bigay sa ‘yo sa luho o walang kabuluhang bagay, o kaya ay nagbubulakbol ka sa pag-aaral. Sasabihan ka niya, “Hindi mo ba alam…” (ask parents in the congregation). O ng kaibigan mo na nalamang may karelasyon kang non-Christian o kaya naman ay hindi healthy ang relationship mo sa boyfriend mo kahit na Christian siya. Sasabihan ka niya, “Hindi mo ba alam…” (ask congregation). O ng asawa mo na napansing hindi ka nagiging involved sa buhay ng mga anak mo dahil sa sobrang kaabalahan. Sasabihan ka niya, “Hindi mo ba alam…” (ask congregation).

Ganun din si Apostol Pablo sa mga taga-Corinto. Dito sa text natin ngayon sa 3:1-17, first time niyang gagamitin yung rhetorical question na ganito ang simula, “Hindi n’yo ba alam…” (v. 16) Paulit-ulit niyang gagamitin ‘yang ganyang pagtatanong throughout his letter (also 5:6; 6:2, 3, 6, 15, 16, 19; 9:13, 24) para i-address yung mga problems na related sa conflicts, paghahati-hati, pagdedemandahan, sexual immoralities at iba bang ministry issues. Yung mga questions na ‘to ay nagseserve to help them reflect, para alalahanin nila yung alam na naman nila. Not because they are ignorant, but because they have amnesia. Nakakalimutan nila ang ugat, yung identity nila, kung sino sila, kung kanino sila. Nakakalimutan din nila yung bunga, kung ano ang consequences ng mga actions nila, kung gaano kaseryoso itong pursuit of holiness sa buhay Cristiano. 

Identity crisis (3:1-4)

Mula chapter 1 hanggang chapter 4, ang problemang ina-address niya ay related sa pag-aaway-away at pagkakampi-kampihan nila. May divisions, merong lack of unity sa church. Kasi nakakalimutan nila yung identity nila, hindi dahil may memory gap na sila, but it is a moral problem, a heart problem. They are failing to believe fully the gospel of the Lord Jesus Christ. Kaya ayun, sarili nilang karunungan at accomplishments, o sa ibang tao ang ipinagmamalaki nila, ang ipinagpaparangalan nila. 

Pero di ba Christians na tayo? Di ba dapat iba tayo? Yun nga yung distinctions na ipinakita niya sa 2:14-16. Merong natural person, mga unbelievers yun, wala sa kanila ang Holy Spirit. Tayo, believers na, Christians na, nasa atin na ang Holy Spirit, hindi na tayo natural, but supernatural, spiritual person. Tulad ng mga Corinthians, nakakalimutan din natin ang distinct identity na meron tayo dahil kay Cristo. Kaya heto si Pablo, nagpapaalala, “Mga kapatid…” (3:1, ganyan din ang style niya sa naunang mga sinabi niya (1:10, 11, 26; 2:1). May problema tayo, pag-usapan natin, tutal isang pamilya naman tayo, sino pa ba ang magtutulungan dito kundi tayo, kaya pakialaman na natin ang bawat isa, paalalahanan natin.

Heto ang problema sabi ni Pablo, “Mga kapatid, hindi ko kayo makausap bilang mga taong nagtataglay ng Espiritu (ESV, as spiritual people). Kailangang kausapin ko kayo bilang mga taong namumuhay pa ayon sa laman (ESV, as people of the flesh; ASD, bilang mga taong makamundo) at mga sanggol pa sa pananampalataya kay Cristo” (3:1 MBB). Spirit-filled na kayo, pero di naman kayo namumuhay na parang ginagabayan niya, hindi kayo sa karunungan at kapangyarihan ng Diyos nagtitiwala, kundi sa karunungan at kapangyarihan ng tao. Inconsistent kayo sa totoo n’yong identity. Para kayong non-Christians kung umasta. You are still immature. You need to grow up more. Okay lang naman kung bago ka pa lang na Christian, pero kung matagal na, tapos parang baby ka pa rin, malaking problema. Ganyan ang mga taga-Corinto.

Maraming taon na rin ang lumipas, dapat sana mature na sila. Noong una, expected naman ni Paul, kung bagong Christians pa lang, baby pa lang, immature pa. Kaya sabi niya, “Gatas ang ibinigay ko sa inyo noon at hindi matigas na pagkain, sapagkat hindi ninyo kaya iyon. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ninyo kaya” (v. 2). Aba, aba, aba. Dapat sana young adults na kayo, adults na kayo sa pag-iisip n’yo, sa pag-uugali n’yo. Pero bakit parang bata pa rin? Nakakafrustrate ‘yan sa isang pastor or leader, yun bang 5 years or ten years mo nang tinuturuan, pero di pa rin natututo. Dapat maturing na in Christ-likeness, dapat sana aktibo na sa ministry, dapat sana teacher na, leader na rin, pero bakit parang bagong believer pa rin? 

In a way, lahat naman tayo, meron pa ring traces of immaturity. Meron tayong dual nature, spiritual and fleshly, yung sinful nature nandun pa rin, yung selfishness nandun pa rin. Yun ang tension sa Galatians 5, flesh vs Spirit. Pero as we mature sa Christian life, mas nakikita natin ang bunga ng Espiritu. Kaya kailangan natin i-evaluate din ang sinasabi ni Pablo, anu-anong bahagi ng buhay natin ang nananaig pa rin ang sinful nature natin, selfish pa rin, immature pa rin? Tulad ng evaluation sa kanila ni Paul, “…sapagkat nananaig pa sa inyo ang laman. Ang inyong pag-iinggitan at pag-aaway-away ay palatandaan na makasanlibutan pa kayo at namumuhay ayon sa laman. Kapag sinasabi ng isa, ‘Ako’y kay Pablo,’ at ng iba, ‘Ako’y kay Apolos,’ hindi ba’t palatandaan iyan na kayo’y namumuhay pa ayon sa laman” (3:3-4 MBB). 

Tinalakay na ni Pablo ‘yan sa 1:10-12. Pero dito ang emphasis niya ay para i-point out na ang problem nila ay hindi lang behavioral, “Huy umayus-ayos naman kayo, ayusin n’yo naman ang ugali n’yo.” No, their problem is identity amnesia, unbelief sa gospel identity na meron na sila. They were acting in a way na inconsistent sa identity nila kay Cristo. Lahat tayo may signs of immaturity, at ang ugat nito ay failure to believe our new identity. Ano ngayon ang solusyon? Alalahanin mo kung sino ka, kung kanino ka bilang isang Cristiano, bilang miyembro ng tunay na iglesiya ni Cristo. Yun naman ang ginawa ni Pablo sa vv. 5-9.

True Identity (3:5-9)

Ang identity natin nakakabit kay Cristo, hindi sa ibang tao, kahit na gaano sila ka-instrumental sa pagtuturo sa atin ng Salita ng Diyos. Si Pablo kilala niya kung sino siya, dapat itong mga taga-Corinto tama din ang pagtingin sa kanila. “Sino ba si Apolos at sino si Pablo? Kami’y mga lingkod lamang ng Diyos na kinasangkapan niya upang akayin kayo sa pananampalataya kay Cristo” (v. 5).

Tama namang dapat mataas ang pagtingin natin, o pagpapahalaga o respeto sa mga apostol, sa mga evangelists, sa mga church planters, sa mga missionaries, sa mga pastor, sa mga nagdidisciple sa atin, sa mga nagtuturo sa atin ng salita ng Diyos. And I appreciate how you honor and respect us as your leaders. Pero hindi dapat kapantay ni Cristo, hindi naman dapat higit kay Cristo. Wag n’yong itatali ang identity ninyo sa aming mga pastor, don’t be proud of us, don’t look to us. Look to Jesus. Siya ang object of faith natin. Si Pablo, at kaming mga pastor, instrumento lang, servants lang, tagapaglingkod, para tulungang matugunan kung ano ang kailangan n’yo, kung sino ang kailangan n’yo. Hindi kami, kundi si Cristo. 

And please avoid comparing us with one another. Dun ako, mas magaling yun, mas masarap pakinggan. Sabi pa ni Pablo sa v. 5, “…Ginawa lamang ng bawat isa sa amin ang tungkuling ibinigay ng Panginoon.” Evaluate us, yes, but on using the standard set by you or other people. Evaluate us kung faithful ba kami sa ipinapagawa ng Panginoon. Kasi iba-iba naman tayo ng ministry, iba-iba ng gifts, iba-iba ng lawak ng influence, iba-iba ang resulta. 

Tuloy ni Pablo sa v. 6, “Ako ang nagtanim, si Apolos ang nagdilig…” Ginamit niyang larawan dito ang agriculture. Siya ang naghasik ng binhi ng gospel sa Corinth, nasimulan ang church sa pamamagitan niya bilang church planter. Si Apollos naman, at iba pang mga pastors/preachers ang nagdilig, nagpatuloy sa pagtuturo ng Salita ng Diyos para ang tumubong pananampalataya ay lumago. Ngayon, sino ang mas mahalaga sa kanila? Yung nagsimula o yung nagpatuloy? No! Kung sino ang nagpatubo at nagpalago. Hindi si Pablo, hindi si Apollo, hindi kung sinumang tao, “subalit ang Diyos ang nagpatubo at nagpalago. Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago” (vv. 6-7). God gives the growth (ESV). Siya ang mahalaga, siya ang dapat pahalagahan. 

Yes, pahalagahan natin ang mga taong ginagamit ni Lord para mas mag-mature tayo sa faith natin, pero yung tamang pagpapahalaga lang, “Ang nagtatanim at ang nagdidilig ay parehong manggagawa lamang (literally, iisa lang), at bawat isa’y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap (pag-usapan natin ‘to maya-maya lang)” (v. 8). Dahil kung sa tao tayo titingin that’s a sign of immaturity. We become mature if we fix our identity in Christ. Tulad ni Pablo na may tamang pagtingin sa sarili niya, tamang pagtingin sa mga kapatid niya kay Cristo. “Kami’y kapwa manggagawa ng Diyos at kayo ang kanyang bukirin” (v. 9). 

Tayong lahat ay pagmamay-ari ng Diyos. Kilalanin mo kung sino ka, kilalanin mo kung sino ang mga taong inilagay ng Diyos sa buhay mo para pangunahan ka, para gabayan ka. Pero higit sa lahat, kilalanin mo kung sino ang Diyos. Siya ang may-ari ng buhay mo, siya ang nagbigay-buhay sa ‘yo, siya ang nagbigay ng talento sa ‘yo, sa pamamagitan ng pagkilos niya kaya nagkakaroon ng resulta ang ministry natin. Ang tiwala natin dapat wala sa sarili natin, wala sa ibang tao, kundi sa Diyos lang. Oo, magtrabaho tayong mabuti, preach the gospel with faithfulness, gawin ang lahat ng dapat gawin, then leave the results to God. Kasi ang calling natin hindi para maging successful, o maging popular, kundi maging faithful. Mahalagang alalahanin kung ano ang identity natin na nakatali kay Cristo, mahalaga ring maging tama ang puso natin sa ministry na nakatali pa rin kay Cristo. Yun naman ang tatalakain niya sa susunod, vv. 10-15.

Ministry (3:10-15)

Sa verse 9, merong mixed images ang ginamit niya, una ay agriculture, sumunod naman ay sa building construction. “You are God’s field, God’s building.” “Kayo ang kanyang bukirin. Kayo rin ay gusali ng Diyos.” Ang Diyos ang may-ari, hindi ang tao. Siya ang masusunod, hindi tayo. Ang ministry natin ay dapat na overflow ng tamang pagkilala sa identity natin kay Cristo. At nagsisimula ito sa pagkilala na anumang ministry roles and responsibilities meron tayo, hindi dahil we are qualified o dahil sa potential natin o dahil mas magaling tayo sa iba. Ito ay dahil lang sa biyaya ng Diyos. 

Kaya yung sumunod na sinabi ni Pablo, bago niya sabihin kung ano ang ginawa niya, nakakabit muna ito sa gawa ng Diyos para sa kanya, “Ayon sa kagandahang-loob ng Diyos sa akin…” (3:10). Ganun din sabi niya sa 15:10, na lahat sa buhay at ministeryo niya dahil lang sa biyaya ng Diyos. Ano ang ginawa niya sa minitry? “…inilagay ko ang pundasyon, tulad ng isang mahusay na tagapagtayo…” Para daw siyang “skilled master-builder”, sa Greek arkitekton, dun galing ang “architect” na siyang master-planner or designer ng building. Siya ang nagsimula, pero merong mga nagtayo, merong mga builders, tulad nina Apollos. “Iba naman ang nagpapatuloy sa pagtatayo ng gusali.” He is making the same point na sinabi na niya rin earlier. Meron tayong kanya-kanyang roles sa ministry, na ie-elaborate pa niya further sa chapter 12. 

Pero dito meron siyang gustong i-emphasize sa ministry. Sabi pa niya sa v. 10, “Ngunit dapat maging maingat ang bawat nagtatayo.” He’s talking about Christian ministry. Lahat tayo ganito ang roles natin. Wala na sa atin ang tulad ni Apostol Pablo na naglatag ng pundasyon (Eph. 2:20). We already have the gospel written in the Scripture, the Old and New Testaments. Di na natin dapat dagdagan yun. Meron nang pundasyon. Wala tayong karapatang i-modify yun, o i-improve yun. Perfect na yun, strong and sure foundation na yun, “sapagkat wala nang ibang pundasyong maaaring ilagay maliban sa nailagay na, walang iba kundi si Jesu-Cristo” (v. 11). Wala nang iba kundi si Cristo. Wala nang ibang kapangyarihan at karunungan para mailapit ang tao sa Diyos maliban sa ebanghelyo ni Cristo (1:18). Wala tayong karapatang baguhin ang pundasyon. Ang ministeryo natin ay dapat nating ituntong sa nag-iisang pundasyon, si Cristo.

Kaya sabi ni Pablo, dapat maging maingat tayo sa ministry natin (3:10). Hindi basta gawa lang ng gawa. Dapat nag-iisip. Dapat ineevaluate natin ang ginagawa natin. Are we doing the ministry na nakatali kay Cristo, na si Cristo ang nasa sentro, na hinuhubog ng Mabuting Balita ni Cristo? Ang ginagawa ba natin ay nakadepende sa kapangyarihan ng Espiritu Santo, nagtitiwala sa kasapatan ng Salita ng Diyos sa Bibliya? Ang ginagawa ba natin ay nakakapagpatibay ng pananampalataya ng mga Cristiano at nakakatulong sa kanila para lalo pang titigan si Cristo? Ang ginagawa ba natin ay nagdudulot ng ibayong karangalan sa Diyos? 

Kung oo, yang mga ganyan ang tinutukoy niya sa unang bahagi ng v. 12, “May nagtatayo na gumagamit ng ginto, pilak, o mahahalagang bato…” Tulad ‘yan ng mga materyales na ginamit sa templo noong panahon ni Solomon. Sa mga materyales na ‘yan nakasalalay ang tibay, at hindi lang ang tibay, pati na rin ang halaga ng itinayong gusali ng templo. 

Pero yung ikalawang bahagi naman ng v. 12, “mayroon namang gumagamit ng kahoy, damo, o dayami.” Materyales din naman yun, pwedeng palamuti, pwedeng pampaganda, pwedeng pangsuporta, pero hindi yun ang pinakamahalaga. Walang binanggit na specific si Paul kung ano ang tinutukoy niya. Pero base sa kontekso ng sulat niya, maaaring tinutukoy niya dito ay yung mga istilo sa ministeryo na nakabase sa galing ng pananalita ng isang mangangaral o sa husay ng skills ng isang worker o sa anumang katuruan o istratehiya sa ministeryo na magagawa ayon sa karunungan at kakayahan ng tao.

Sa panahon natin ngayon, maaaring ito yung mga ministries na nakafocus sa mga pampaganda lang ng church, yung mga attractive sa mga tao, yung nakadisenyo para ma-aattract ang mga tao, o yung tumutulong ka nga sa physical needs ng mga tao without connecting them to the saving power of the gospel. Sa unang tingin, wala namang masama. Pero hindi yun ang pinakamahalaga. And in the end, kung hindi nakasentro kay Cristo, kung hindi nakaugnay sa gospel, kung hindi for the glory of God, balewala rin, maglalaho rin na parang bula.

A judgment day is coming. Yung nakikita kasi natin ngayon mga externals lang. Pero sa araw na yun, the intentions of our heart in ministry will be exposed. “Makikilala ang uri ng gawa ng bawat isa sa Araw ng Paghuhukom sapagkat mahahayag sa pamamagitan ng apoy kung anong uri ang ginawa ng bawat isa” (v. 13). Paalala ito sa akin na huwag tumingin sa kung gaano kaliit o kalaki ang ginagawa ko, kung maganda o pangit ang sasabihin ng ibang tao tungkol sa ginagawa ko, kung may immediate results or success ba ang ginagawa ko o wala.

This reminds me to look beyond what is here and now, to look forward to the future. Yung araw na yun ang mas mahalaga, yung evaluation ng Diyos hindi ng tao ang mahalaga. And the Lord will evaluate each of our work hindi sa kung gaano ito kalaki o kaliit, hindi kung successful ba ito o hindi, hindi kung mas maraming naattract na tao o mas kaunti. No. Ang titingnan ng Diyos ay hindi kung ano ang ginawa ko, kundi kung paano ko ginawa ang pinapagawa niya. Ang tingin ng tao sa panlabas lang, ang tingin ng Diyos nasa puso natin. Yun ang pagtuunan natin ng pansin.

Kasi anumang ginawa natin motivated by the gospel and for the glory of God hindi masasayang. Yun na yung sinabi niya sa v. 8, “bawat isa’y tatanggap ng gantimpala ayon sa kanyang pagsisikap.” Hindi ibig sabihing parang business transaction ang ministry. The focus is not on us deserving it, but on God being generous and gracious in rewarding us. Ganun din ang point niya sa v. 14, “Kung ang itinayo sa ibabaw ng pundasyon ay hindi masunog (yung ginto, pilak at mahahalagang bato sa v. 12), tatanggap ng gantimpala ang nagtayo noon.” Wala namang masama na tumingin sa reward. Si Jesus nga ginagamit din ito na motivation sa pagsunod sa Diyos.

Ang masama ay tumingin o mag-expect ng maling klase ng reward like yung nag-eexpect ng material wealth or physical health bilang kapalit ng faithfulness sa ministry, na itinuturo ng prosperity gospel. Merong future reward, pero hindi yun guaranteed in this life. Pagdating pa ni Cristo yung reward na yun. HIndi natin alam for sure yung exact nature ng reward na yun, pero for sure, it will be for our greater joy and greater satisfaction. Something na dapat nating kasabikan, hindi yung panandalian lang na reward of our labor dito sa mundo, mula sa ibang tao. 

Pero kung yun lang ang gusto mo, it is your loss. Kaya sabi ni Paul sa v. 15, “Ngunit kung masunog naman (yung kahoy, damo, dayami sa v. 12), mawawalan siya ng gantimpala (“he will suffer loss”). Gayunman, maliligtas siya, kaya lang ay para siyang nagdaan sa apoy.” Hindi pagkawala ng “salvation” ang tinutukoy dito. Salvation is by grace alone through faith alone in Christ alone. Not our own merits, or work, or hard work sa ministry. Ang masusunog naman dito hindi tayo, kundi yung gawa natin na hindi ginawa ayon sa kalooban ng Diyos. Ang buhay Cristiano naman kasi ay hindi lang about going to heaven when you die, it is making the most of what God has given us and what God is offering us. 

Mahalaga ang lahat ng bagay na ginagawa natin ngayon. Pag-isipan nating mabuti ang eternal consequences nito. Mahalaga lalo na ang ginagawa natin sa ministeryo sa church. Mahalaga, kasi ang church mahalaga – napakahalaga – sa paningin ng Diyos. Yun naman ang point niya sa vv. 16-17. And this serves as a serious warning.

The Church Matters to God (3:16-17)

Sabi niya, “Hindi ba ninyo alam…” heto na yung tinutukoy ko kanina. Alam n’yo naman ‘to, kaso nakakalimutan n’yo, ipinapaalala ko sa inyo, isaksak n’yo sa kukote n’yo, hanggang mabaon sa puso n’yo at paniwalaan n’yo ng lubusan. Ano yun? “…na kayo’y templo ng Diyos at naninirahan sa inyo ang kanyang Espiritu? Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan” (vv. 16-17). Buong church ang tinutukoy niyang templo dito. Sa 6:19, sasabihin niyang ang katawan ng bawat isang believer ay “temple of the Holy Spirit.” Pero dito ang iglesya, bilang Katawan ni Cristo, ang temple of the Holy Spirit.

Pinananahanan ng Diyos, banal, bukod tangi, napakahalaga para sa Diyos. If something is very precious to you, tulad ng asawa mo, tapos binastos, ano ang mararamdaman mo? Kung ang bahay mo, sinunog ano ang gagawin mo? Ang Diyos naman lalo na, perfect in holiness, perfect in justice, hindi niya hahayaang sinuman ang sumira sa kanyang iglesya na walang matinding kaparusahan. Ito ang warning dito. 

For sure, yung mga unrepentant persecutors ng church hahatulan ng Diyos, yung mga nagtuturo ng heresy, false gospels, hahatulan ng Diyos (Gal. 1:8-9). They will be destroyed in the ultimate, eternal sense. Pero paano yung mga Corinthians, mga Christians sila, saved sila, tulad din natin, na sa iba’t ibang paraan ay nakakasama at nakakasira sa church ang ginagawa natin?

Hindi naman mawawala ang kaligtasan natin, pero this is a call for us to evaluate honestly kung ang ginagawa ba natin ay nakakatulong for the building up, o nagcocontribute para sa ikasisira ng gawain ng Panginoon. Kung naibabaling ba natin ang attention natin from the gospel tungo sa achievements and approval ng mundong ito, tulad ng Corinthians. Kung nagiging way ba tayo para magkaroon ng disunity sa church. Kung hindi na tayo sa gospel nakafocus, kundi dun na sa mga peripheral issues. Kung superficial conversions lang ang hanap natin at mga wonderful programs, kung entertaining people lang ang habol natin. Kung nandun ang tsismis, prayerlessness, bitterness, di pagbabasa ng Bibliya, self-promotion, materialism (Don Carson, The Cross and Christian Ministry). 

We all have to evaluate how we do ministry. Kasi mahalaga na tama ang pagkakilala natin sa sarili natin bilang Christians, sa mga leaders natin bilang mga lingkod at katiwala ng Diyos, at sa church natin bilang “God’s field, God’s building, God’s temple” – pag-aari ng Diyos. Mahalaga kung ano ang puso natin sa ministry. Mahalaga kasi mahalaga ang Diyos – Ama, Anak at Espiritu. Mahalaga ang Salita niya. Mahalaga ang Magandang Balita. Mahalaga ang biyaya niya. Mahalaga ang gantimpalang galing sa kanya. Mahalaga ang parusang naghihintay sa mga nagbabalewala sa kanyang Salita.

Advertisements

One thought on “Identity and Ministry (1 Cor. 3:1-17)

Add yours

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: