Violation and Confrontation (Nehemiah 13)

Preached by Ptr. Derick Parfan on May 5, 2019 at Baliwag Bible Christian Church

The Word Confronts Us (13:1-3)

Last week sa sermon natin sa Nehemiah 11-12, magandang-maganda ang nangyari. Wala naman tayong nakitang negative. All is well with God’s people. Mukhang okay naman. Okay naman ang pagsunod nila, okay naman ang pagsamba nila, okay naman ang paglilingkod nila. Happy ending na sana. Endgame na. Pero may chapter 13 pa. Hindi pa pala tapos. 

So here we are, sa end ng sermon series natin sa Ezra-Nehemiah. Mahalagang maintindihan natin kung bakit ang subtitle nito ay “Restoration, Renewal, Reformation.” Kasi naman ang kuwentong ito ay tungkol sa pagpapanumbalik ng mga tao pabalik hindi lang sa Jerusalem mula sa Babylon, kundi pabalik sa Diyos, palapit ulit sa Diyos. Tungkol din ito hindi lang sa rebuilding ng temple (Ezra 1-6), ng walls at ng city (Nehemiah 1-6), but the renewal of the hearts of God’s people. Kaya may Ezra 7-10, saka Nehemiah 7-13. Kinukumpronta ang mga kasalanan nila sa pamamagitan ng Salita ng Diyos. At magkakaroon lang ng true and genuine reformation kung magiging central ang Word of God. Kung yun ang papakinggan, kung yun ang paniniwalaan, kung yun ang susundin. 

That is why we maximize our exposure sa Word of God – sa personal Bible reading, sa discipleship groups, sa mga small group gatherings, sa equipping classes, at ngayon sa preaching. We don’t rush. We pay attention. We listen carefully. Tulad nitong mga tao sa bungad ng chapter 13. “Nang araw na binasa sa harap ng mga tao ang Kautusan ni Moises…” Nakarating sila sa Deut. 23:3-5. “…natuklasan nila roon na mahigpit na ipinagbabawal sa mga Israelita ang makihalubilo sa mga Ammonita o Moabita” (Neh. 13:1 MBB). Hindi lang ito isyu ng pag-aasawa. Kasali yun. Pero mas higit pa dun, they must not have anything to do with them. No relationship whatsoever. Bawal sila sa bayan ng Diyos. Ang dahilan? May kuwento ‘yan.

“Ipinagbawal ito, sapagkat hindi sila binigyan ng pagkain at inumin ng mga Ammonita at Moabita nang dumaan ang mga Israelita sa lupain ng mga ito noong lumabas sila sa Egipto. Sa halip, inupahan pa ng mga ito si Balaam upang sumpain ang Israel, subalit ang sumpang iyon ay ginawa ng Diyos natin na isang pagpapala” (v. 2). Nakasulat ito sa Num. 22:1-6.

Ang kasaysayan ng Israel ay kasaysayan ng pagpapala ng Diyos. Pangako ito ng Diyos kay Abraham (Gen. 12:1-3). They received God’s blessing, kahit na curse ang dapat sa kanila for disobeying the law. Biyaya ng Diyos ‘yan. Ito namang mga Ammonita at Moabita (na galing sa lahi ni Lot na nephew ni Abraham) sa kanila ang sumpa ng Diyos dahil sa mistreatment nila sa lahi ni Abraham. Pero may exception. May kilala ba kayong Moabite na naging kabilang din sa bayan ng Diyos? Ruth! Na daughter-in-law ni Naomi, and eventually napangasawa ni Boaz, na tatay ni Jesse, na tatay ni Haring David, na pinanggalingang lahi ng Panginoong Jesus. No one is beyond the reach of God’s redemptive grace. Inako ni Jesus ang sumpa sa krus para mailapit tayo sa Diyos. If we repent and believe in Jesus, we can be restored to God.

At isang bunga ng restoration na yun ay ang pagsunod sa salita ng Diyos. At ito ang epekto sa kanila ng salita ng Diyos dito sa last chapter ng Nehemiah. Nakikita nila ang pagsuway nila. And ito marahil ang dahilan kaya marami ang ayaw magbasa ng Bibliya. Not because it is boring. Not because it is hard to understand. Kundi dahil para itong salamin na gusto mo sanang makita kung gaano ka kaganda, kundi ipinamumukha nito sa ‘yo ang dumi sa mukha mo. Ano’ng gagawin mo ‘pag nakita mo ang dumi mo? Pwede mong i-deny. Pwede mong di pansinin. Or better, you submit yourself to God’s correction.

Yun naman ang purpose and benefit ng Word sa atin – for teaching, for rebuking, for correcting, and for training in righteousness (2 Tim. 3:17). Wala ka namang mapapala kung makikinig ka lang, kahit maghapo’t magdamag ka pang magbabad sa Salita ng Diyos (like in Neh. 8). You will benefit from the Word if you will obey (Luke 11:28; Rev. 1:3; Matt. 7:24-27; Jas. 1:22-25). Tulad ng ginawang obedience nila sa Neh. 13:3, “Nang ito’y marinig ng mga tao, pinaalis nila ang mga dayuhan.”

The Word confronts us, our sinful hearts. Kapag nangyari ‘to, aminin mo ang kasalanan mo, humingi ka ng tawad sa Diyos, kapitan mo ang kasapatan ng ginawa ni Jesus sa krus para sa ‘yo, at magtiwala ka sa kapangyarihan ng Espiritu na tutulong sa ‘yo para makasunod sa mga utos niya. Ganyan sana lagi ang response natin sa Word of God. Pero hindi laging nangyayari. Matigas ang ulo natin. Matigas ang puso natin. Pero di tayo pababayaan ng Diyos sa katigasan natin. He will use other people to confront us. At gagamitin din tayo ng Diyos to confront others sa kanilang kasalanan. Tulad ng ginawa ni Nehemiah.

Confronting Neglect of the Temple (13:4-9)

Remember na sa 10:30-39 naglista sila ng mga specific commitments nila sa pagsunod sa Kautusan. Sa chaps. 11-12 and sa first three verses ng chap. 13, nakita natin kung paano sila sumunod. Pero mula v. 4 hanggang sa dulo, makikita natin kung paanong sinuway nila yung mga specific commitments na yun. Showing that apart from the grace of God, apart from the work of the Spirit, ang obedience natin short-lived lang, selective lang, external lang, o superficial lang. Pero ang will ni God for us is genuine, complete, from-the-inside-out, and long-lasting obedience.

Sa 10:39, nangako sila na dadalhin nila yung mga malilikom na contributions for the temple ministry sa isang bodega (chamber/storeroom) sa templo. Dito rin nakatira ang mga priests, gatekeepers at mga singers. At sinabi nilang, “We will not neglect the house of our God.” Pero dito sa 13:4-7, nagpabaya sila. Sa paanong paraan? Wala kasi noon si Nehemiah. After about 12 years ng paglilingkod niya bilang governor ng Judah, sa 32nd year ni King Artaxerxes (20th year siya nagsimula), bumalik siya sa hari. Pero after maybe a few months or more than a year, nagpaalam na naman siya sa hari para bumalik sa Jerusalem (vv. 6-7). Kapag wala ang pusa, nagkakagulo ang daga!

Kasi naman, noong wala siya, itong si Eliashib na high priest that time, at siya rin ang OIC ng bodega, ginawa niya ng isang kuwarto roon si Tobiah (vv. 4-5). Hindi naman siya priest, hindi naman siya Levite. Isa pa siyang Ammonite (2:10). Di ba’t dito sa v. 2 natuklasan nilang bawal ang Ammonite sa kanila! Siya rin kasama si Sanballat ay mortal enemy numbers 1 and 2 ni Nehemiah sa simula’t simula pa ng rebuilding project. E kamag-anak pala niya ang high priest. So ayun may special favor sa kanya. Yung high priest pa, yun pa sanang tagapanguna sa pagsunod sa Kautusan ang naging pasimuno sa pagsuway! Wag na wag mong ipipilit kung ano ang bawal sa Diyos.

Nabalitaan ni Nehemiah (v. 7). Anong reaksyon niya? Galit na galit siya. Itinapon niya palabas ang lahat ng gamit nitong si Tobiah (v. 8). Tapos iniutos niya na linisin, to purify, to cleanse that room. Kasi nga defiled dahil pinatira ang bawal tumira dun. Then ibinalik kung ano yung mga gamit na dapat nandun. That’s the goal of Nehemiah’s confrontation. Alisin ang dapat alisin. Ibalik kung ano ang dapat ibalik. Grabe yung passion niya for the temple. May naaalala ba kayong ganyan din ang “zeal for the house of God”? Jesus! Ganyan ang ginawa niya sa John chapter 2. Itinaboy niya ang mga taong binababoy ang bahay ng Panginoon. Because zeal for God’s house is consuming him. And that zeal led him to suffer and die on the cross for the glory of the Father. Kaya tayo na nakay Cristo, we must be zealous for the worship of God and the holiness of God among his people. Labanan ang kasalanan. Mamuhay nang may kabanalan.

Confronting Neglect of the Levites (13:10-14)

Sa 10:32-38, nangako sila na magbibigay sila ng mga contributions at offerings para sa mga sacrifices na at anumang kailangan para sa temple and also to provide for the priests and the Levites. Kaso dito sa 13:10, nabalitaan ni Nehemiah na yung mga Levites at mga singers ay hindi na nakatatanggap ng mga offerings. Kaya ayun, umuwi na sila sa kani-kanilang bayan para asikasuhin ang bukirin nila at makapag-provide sa needs ng family nila. Kaya naman kinumpronta niya yung mga officials (v. 11). Sabi niya, “Why is the house of God forsaken?” Same word itong “forsaken” ng “neglect” sa promise nila sa 10:39. Nangako kayong di n’yo pababayaan ang templo at ang mga naglilingkod dito, pero bakit ngayon pinababayaan n’yo? Hindi naman siya naghihintay na magpaliwanag sila o mag-justify ng actions nila. This is a confrontation, a rebuke. Para i-highlight ang kasalanan nila, ang pagsira nila sa pangakong binitiwan nila. 

Positive naman yung response ng mga tao (vv. 12-13). Nag-ikapu na ulit sila. Ten percent ng ani nila ibinibigay nila for the temple. Nilalagay sa bodega. Although hindi naman required sa atin ang ten percent giving, pero it is a good practice. Kung tutuusin mas malaki pa nga dapat, dahil sa higit na mas malaki ang tinanggap nating pagpapala sa Diyos. Tapos nag-appoint si Nehemiah ng finance chairman at finance committee na mga priests at mga Levites na magsu-supervise sa sa mga offerings. Ano’ng reason? Kung sino ang kapamilya? Kung sino ang mayaman? No! Yung mga “considered reliable or trustworthy” (v. 13). Para hindi natin mapabayaan ang ministry ng church, we need leaders and workers na mapagkakatiwalaan na gagawin kung ano ang dapat gawin. At kung meron man tayong mga miyembro na nagpapabaya sa paglilingkod at sa pagbibigay ng kanilang oras, lakas, at kayamanan para sa ministry, pagsasabihan din natin. Yung katabi mo ngayon, kailangan mo bang pagsabihan?

Mahirap ang confrontation. Buti kung magrespond ng positive. Paano kung hindi? Discouraging. Pero we find encouragement na anuman yung response ng iba, hindi mawawalan ng kabuluhan anumang efforts natin to confront sin. Kaya prayer ni Nehemiah sa v. 14, “Alalahanin po ninyo, Diyos ko, ang mga ginawa kong ito para sa Templo at sa pananambahan doon” (MBB). Ganito na rin ang prayer niya sa 5:19 regarding his good deeds in helping the poor and the oppressed. Ang prayer niya ay nag-eexpress ng confidence na kahit balewalain ng iba ang efforts niya, pero ang Diyos hindi. Di man mapansin o makalimutan man ng iba, pero ang Diyos papansinin ka at di niya makakalimutan. 

Yung “good deeds” dito ay hesed na karaniwang inaapply sa covenant love and faithfulness ni God. Here, Nehemiah was reflecting that image of God’s character. Good prayer ‘to kasi para sa kanya okay lang na di mapansin ng ibang tao. Basta si Lord ang ma-please. Walang masasayang sa anumang gawa nating mabuti para sa Panginoon (1 Cor. 15:58; Gal. 6:9). Hindi parang sinisingil natin si Lord na ibigay ang suweldo natin sa pagtatrabaho sa kanya. Ang expectation natin ay wala sa human approval, material prosperity or even ministry success. But we look forward to his promise of future eternal rewards.

Confronting Sabbath Violations (13:15-22)

Sa 10:31 naman nangako silang hindi bibili o magtitinda, hindi magnenegosyo, hindi magtatrabaho sa araw ng Sabbath. That day is a holy day, a time of rest and of worship, para sa Diyos. Kaso dito sa 13:15-16, nabalitaan naman ni Nehemiah na nagnenegosyo sila sa araw ng Sabbath. (vv. 15-16). Nagbigay na ng warning si Nehemiah sa kanila (v. 15). Ayaw naman makinig nung iba. “Dahil dito, pinagalitan ko ang mga namumuno sa Juda” (v. 17). Mga leaders na naman ang pasimuno. No exemption. Ang kasalanan ay kasalanan. Hindi natakot si Nehemiah na ma-offend sila. Sabi niya, “Masama ang ginagawa n’yo. Nilalapastangan n’yo ang Sabbath” (v. 17). Walang masamang magtrabaho. Mabuti yun. Pero kung ang trabaho o anumang ginagawa mo ay pagsuway sa kalooban ng Diyos at nakahahadlang sa relasyon mo at pagsamba mo sa kanya, nagiging masama, nagiging idol, nagiging paglapastangan sa Diyos. 

Ang kasalanan ay kasalanan. And with serious consequences. We must be like Nehemiah in warning people of the serious consequences of our sins. “Ito mismo ang dahilan kaya pinarusahan ng Diyos ang inyong mga ninuno at winasak ang lunsod na ito. Lalo ninyong ginagalit ang Diyos sa ginagawa ninyong paglapastangan sa Sabbath” (v. 18)! Masama ang ginawa mo, masama ang kahihinatnan. Di ka na natuto. Experience is the greatest teacher, no? Kasi maraming hindi natututo. Look back, yes. But also look forward. Merong mas mabigat na consequences, “bringing more wrath.” Ang iba kasi na “Christian” kapag naconfront, tapos ayaw magsisi, sasabihin pang, “Ligtas naman ako, sa langit naman ako pupunta, kasi tinanggap ko na si Jesus noon pa.” Pero paano kung hindi ka repentant? Baka wala ka naman talagang faith sa simula pa, baka hindi ka talaga saved.

Paalalahanan natin ang iba hindi lang sa temporal consequences of sin, kundi lalo na sa eternal consequences nito. We must be bold and loving enough to say, “Kung magpapatuloy ka sa kasalanan, you are going to hell.” Kahit yung mga nagpapabaya sa worship gathering ng church. Kasi kung wala kang desire to worship God with your church family, then you probably don’t want to be with Jesus in heaven either.

Seryosong usapan ‘to. Kaya si Nehemiah gumawa siya ng paraan para bantayan ang kasagraduhan ng Sabbath. Sobrang passionate na nga siya dito (vv. 19-20). Sabi niya sa mga matigas ang ulo, “Kapag umulit pa kayo, makakatikim kayo sa ‘kin” (v. 21). Positive kaya ‘to o baka sumobra naman init ng ulo niya? Pero effective naman, kasi di na sila umulit. Tapos sinabihan niya ang mga Levites na linisin ang sarili nila ceremonially, then bantayan yung mga gates, “to keep the Sabbath day holy” (v. 22). Holy, kasi ang sa Diyos ay dapat ibigay para sa Diyos. Ang templo ay holy kasi para sa Diyos. Ang mga Levites and priests holy kasi para sa Diyos. Ang araw ng Sabbath holy kasi para sa Diyos.

Then, andun na naman yung prayer niya, “Alalahanin po ninyo ako O Diyos, sa ginawa kong ito at huwag ninyo akong parusahan sapagkat dakila ang iyong pag-ibig” (v. 22 MBB). Tulad din ito ng v. 14. Pero ito ang focus niya ay hindi dun sa mabuti niyang mga ginagawa. Hindi naman kasi siya perfect. Siguro napansin niya na meron nang mga kasalanan sa puso niya na nagiging evident sa mga confrontations niya. Kaya sabi niya, “Wag n’yo akong parusahan.” He appealed not to his own goodness (hesed sa v. 14), kundi sa “greatness of your steadfast love.” Hesed din. Binanggit din sa Ezra 3:11; 7:28; 9:9; Neh. 1:5; 9:17, 32. Covenant love. Covenant faithfulness. Hindi tulad ng covenant unfaithfulness nila. Love that is greater than all. Whenever we confront sin, our own sin or that of others, don’t look to your own goodness but to the mercy, love and grace of God for sinners.

Confronting Intermarriage (13:23-29)

Yun lang naman ang pag-asa natin lalo pa’t paulit-ulit ang kasalanan. Sa 10:30, nangako silang hindi sila mag-aasawa ng dayuhan o ibibigay ang anak nila sa mga dayuhan. Pero dito sa 13:23-24 na merong mga nag-asawa ng mga taga-Ashdod, Ammon, at Moab. Ang resulta? Kalahati ng mga anak nila di na sanay ng language nila. E yung Bible nila sa Hebrew nakasulat. E di di na nila maiintindihan. ‘Yan ang epekto kung mag-aasawa ng mga unbelievers. We will lose our religious heritage. For the sake of the next generation, wag kang mag-asawa ng unbelievers. Wag mong sabihing gagawin mo naman siyang Christian. It is not your responsibility. Ang sa ‘yo, to be faithful sa utos ng Diyos.

Again, “I confronted them…” (v. 25). Kanina pa niya ginagawa ‘yan. Pero ibang level na dito. “Pinagalitan ko ang mga kalalakihan, isinumpa sila, pinalo at sinabunutan.” Merong ibang interpreters na sinasabing justified naman yung actions ni Nehemiah dito, within the bounds ng punishment sa violators of the law. Pero ibang-iba ‘to kay Ezra sa Ezra 9:3. Nang mabalitaan niya ang ganito ring problema noon, sinabunutan niya ang sarili niya. Pero si Nehemiah yung iba ang sinabunutan niya (baka ubos na buhok niya?). Maybe Nehemiah was being stretched to the limit. Like Moses, na sobrang nagalit na noon dahil sa katigasan ng ulo ng mga Israelita. Kanina yung mga actions niya Christ-like, reflecting God’s love and compassion and discipline. Pero ito? We don’t reflect the wrath of God, yes dapat tayong magalit sa kasalanan, pero we don’t take matters into our own hands and be violent sa confrontation. Unless we are part of a civil authority. Like Nehemiah perhaps. 

Positive man o negative actions ni Nehemiah dito, we can learn na dapat maging violent tayo sa pakikipaglaban sa sarili nating kasalanan. We must not take sin lightly in our hearts and with other Christians. We fight seriously. Kaya si Jesus violent din ang language sa paglaban sa kasalanan. Kung ang kamay mo ang dahilan ng pagkakasala mo, putulin mo. Kung mata mo, dukutin mo. Violent ‘yan. But no amount of external force can change our wayward hearts. Kahit pinilit pa sila ni Nehemiah na manumpa ulit. Pero maganda naman yung kasunod niyang sinabi about yung negative example ni Solomon (vv. 26). Sa kabila ng pagmamahal at biyaya ng Diyos sa kanya, nakuha pa niyang mag-asawa ng mga dayuhan. Hindi lang isa, kundi sangkaterba, na naging dahilan ng marami niyang pagkakasala sa Diyos. Kaya ang pag-aasawa ng unbelievers at idol-worshipers ay isang “great evil” at pagtataksil sa Diyos na sobrang faithful sa pagmamahal sa atin (v. 27).

Walang sinabi dito kung ano ang response nila. Meron sigurong sumunod. Pero dito sa v. 28 binanggit niya yung case ng anak ng high priest na si Eliashib na nag-asawa ng kamag-anak ni Sanballat, na kasama ni Tobiah na laging kumokontra kay Nehemiah. Pinalayas sila. Walang favoritism at special treatment kahit sa family ng high priest. Sa kasalanan, walang favoritism. Lahat tayo accountable to God and to one another. Kaya sabi ni Paul kay Timothy na sawayin din kahit mga elders or pastors na nagpapatuloy sa kasalanan. At yung mga persisting in sin, rebuke in the presence of all (1 Tim. 5:19-20). Ayon sa Matthew 18:15-17, kapag may nagkasala, kausapin nang sarilinan (private confrontation). Kung di makinig, magsama ng isa o dalawa pa, like leaders ng church siguro (small group confrontation). Kung ayaw pa rin, sa buong church na (public confrontation). Kung manatiling matigas at unrepentant, excommunication na. Ipaubaya na sa Diyos. 

Tulad ng prayer ni Nehemiah sa v. 29, “Alalahanin po ninyo, O aking Diyos, ang paglapastangan nila sa tungkulin ng pagiging pari at sa kasunduang ginawa ninyo sa mga pari at sa mga Levita.” Ang prayer niya hindi na para sa kanya tulad ng kanina. Para sa mga nagkakasala. Yes, we pray na magrepent sila, na baguhin ni Lord ang puso nila, na magbalik-loob sila. Pero kung hindi, we pray na tingnan ng Diyos ang kasalanan nila at hayaang ang Diyos ang maggawad ng bigat ng kanyang parusa. This is a prayer passionate for the holiness of God, for the glory of God, for the worship of God, for the purposes of God.

The End…But Not the End (13:30-31)

The story of Nehemiah and the whole Old Testament closes sa vv. 30-31 tungkol sa summary ng mga ginawa ni Nehemiah tungkol sa mga issues related sa temple service, sa mga priests and Levites, pati sa intermarriage. Then fittingly, it ends with his prayer, “Alalahanin ninyo, O aking Diyos, ang lahat ng ito at ako po’y pagpalain ninyo.” Hindi pa tapos ang kuwento. Yung chapter 13 ay nagpapaalala sa atin, gaano man kaganda ang mga nangyari sa Ezra and Nehemiah, merong malalim na brokenness sa puso ng mga tao na hindi kayang ayusin ni Ezra at Nehemiah. Maaayos lang sa pagdating ng Messiah. Gaano man kaganda ang mga examples nila, imperfect pa rin. Obvious sa story ngayon. Nandun yung longing for a perfect Leader, a perfect Teacher, a perfect Redeemer. Ang pagdating ng Panginoong Jesus ang sagot ng Diyos sa lahat ng prayers ni Nehemiah, the fulfillment of the longing of God’s people. 

Kung nakay Cristo tayo, ayos na ang relasyon natin sa Diyos. Through the gospel dun lang tayo magkakaroon ng restoration, renewal at reformation. Kaya may mga magagandang nangyayari sa buhay natin, sa church natin, sa mundo natin. But often times, yung mga good news na yun ay may kasunod na bad news. Every time we fall sa temptation, every time may failures sa ministry, every time may bad news sa bansa natin. How we long for the return of our Lord and Savior!

Darating siya, pero hangga’t hindi pa, ang response natin sa mga bad news sa buhay natin at sa church natin ay hindi passive resignation: “Ayoko na. Ganyan na talaga ‘yan. Wala nang mangyayari dyan.” Dapat active confrontation. Meron bang kasalanan sa puso mo na dapat kumprontahin? Wag mo nang hintaying may kumausap sa ‘yo. Ikaw na mismo ang lumapit sa iba, mag-expose ng kasalanan mo, humingi ng tawad sa Diyos, muling magtiwala kay Cristo, at gumawa ng hakbang para muling makasunod sa Diyos. Meron ka bang alam na kasalanan ng ibang kapatid natin kay Cristo na dapat kumprontahin mo? Wag mo nang patagalin, wag mo nang hintaying it’s too late. Puntahan mo na, kausapin mo at tulungang magbalik-loob sa Diyos.

Anuman ang maging response niya, look to God. Kung yung mga ginagawa nating mabuti, baka hindi napapansin ng mga tao. Pero hindi ‘yan babalewalain ng Diyos. O baka yung mga maling gawa natin ang palaging napapansin at isinusumbat sa atin? Dahil kay Cristo, burado na ang mga kasalanan natin at hindi na isusumbat ng Diyos sa atin. O baka hirap ka naman sa mga masasamang gawa ng iba laban sa ‘yo? Ipaubaya mo sa kamay ng Diyos ang lahat. Siya ang tatapos ng sinimulan niya. ‘Yan ang kuwento ng Ezra at Nehemiah.

Advertisements

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: