The Shepherd and the Flock (1 Peter 5:1-7)

Preached by Derick Parfan on Aug. 5, 2018 at Baliwag Bible Christian Church

Suffering and the Life of the Church

Sinabi ko last time na nandito na tayo sa bandang dulo ng 1 Peter, at ang focus dito mula 4:12 hanggang 5:14 ay para hikayatin tayong magpatuloy hanggang katapusan. Kaya sabi ko sa last part ng sermon last week

Kahit patuloy ang sufferings natin, walang atrasan, walang liliko sa kaliwa o sa kanan, walang aayaw…magpapatuloy tayo hanggang sa katapusan.

We suffer together as a church family. Magpapatuloy tayo, together din ‘yan. Oo nga’t meron tayong kanya-kanyang sufferings, iba-iba, kanya-kanya. Pero yung mga exhortations ni Peter was addressed not just to us individually, but to us corporately as a church family. Evident ‘yan sa mga pronouns na ginamit niya…kayo…kayo…kayo… Kung Cristiano ka, hindi ka nag-iisa sa suffering mo. Suffering is a shared experience. We “share Christ’s sufferings” (4:13).

Koinonia, fellowship, kay Cristo at sa isa’t isa. Maraming nagkakasakit, maraming dumaranas ng marital difficulties, maraming kailangang i-deal in terms of discipline dahil sa kasalanan, maraming mga nagiging conflicts. But instead of those difficulties na makapaglayo sa atin sa isa’t isa sa church, dinisenyo pa nga ‘yan ni Lord na magpatibay ng bond natin as a church family. As we suffer together, we grow deeper into the gospel together.

Responsibility to One Another

Kaya dito sa next na passage natin sa 1 Peter 5:1-7, the apostle will address kung ano ang basic at primary responsibilities natin sa isa’t isa – so that we will persevere to the end together, kahit ano pang sufferings ang dumating sa atin individually and as a church. Sa verses 1-4, kausap niya ang mga elders (verse 1, Gk. presbuteros). Hindi lang ito yung matatanda literally, o kaya ay spiritually mas mature, kundi yung office of pastors sa isang local church. Kaya sa verse 2, ginamit yung word na “shepherd” (poimanos) na primary image na nagdedefine sa responsibility ng isang pastor (also Acts 20:28). Kaya nga pastor ang tawag. Pastol, shepherd. Ito yung “shepherds (or pastors,poimen) and teachers” na tinutukoy sa Eph. 4:11. Same din ito sa “overseer” or “bishop” (Gk.episkopos) na tinutukoy sa Titus 3:7 at 1 Timothy 3:1, at yung verb form ay ginamit sa v. 2 ng text natin (exercising oversight,episkopeo). Pastor, elder, bishop – bagamat sa panahon ngayon tumutukoy sa iba’t ibang “office” pero sa New Testament, isa lang ‘yan. Kaya ako na pastor n’yo ay isa din sa mga elders. At yung mga elders natin tinatawag din nating pastor. Pwede ring “bishop” kung gusto n’yo. Pwede ring “kuya” kung gusto n’yo. It doesn’t matter to us. Ang mahalaga alam namin dapat kung ano ang responsibilidad na ginagampanan and we are doing it faithfully.

At kayo rin, dapat alam n’yo kung ano ang dapat n’yong gampanang tungkulin. Yun naman ang nasa first half ng verse 5. “You who are younger.” Itong “younger” ay yung mga pinangungunahan ng mga elders. The same as “the flock of God” (v. 2) na inaalagaan ng mga pastor. And then from there hanggang verse 7, our responsibility sa isa’t isa, “toward one another” (v. 5). Yes, meron tayong kanya-kanyang mga pinagdadaanan sa buhay, pero hindi ‘yan excuse para hindi na natin gampanan ang mga pananagutan natin sa bawat isa. Rather, the difficulties each one face should motivate us more para gawin ang tungkulin natin sa bawat isa dito sa church. Hindi kanya-kanya, kundi bilang isang pamilya.

Shepherding

Una at mas mahaba ang instructions sa mga elders. Dapat lang, kasi mas malaki ang pananagutan namin sa Diyos. Kahit hindi ka official na “pastor”, basta you are leading a grace community or a ministry team or discipling other believers, pakinggan mo rin ang mga instructions na ‘to. In a way naman kasi, para ka ring nagpapastor. And for the rest of you, pakinggan n’yo ‘to para alam n’yo paano kami ipagpray and how to hold us accountable to God.

Pero bago pag-usapan ang responsibility, inuna muna ni Pedro yung tungkol sapastoral identity. Verse 1, “So I exhort the elders among you, as a fellow elder and a witness of the sufferings of Christ, as well as a partaker in the glory that is going to be revealed…” Although identity ni Pedro ang tinutukoy niya dito, identity rin ito ng mga elders kasi sabi niya siya ay isang “fellow elder.” Nag-iindicate ito ng pambihirang humility and concern niya sa ibang elders. Apostol siya, kung tutuusin, mas mataas ang authority niya, kasi foundational ang role ng mga apostles sa simula ng church. Pero sinabi niya ituring siyang kapantay lang nila. Hindi siya nagmamataas. Hindi siya nagsasalita as one who has a higher authority na dapat pakinggan at sundin. He was speaking as one of the elders. At sinasabi niyang, “Kasama n’yo ako dito. Magkakasama tayo sa pagpapastor.” Fellow elders, fellow pastors, salamat sa Panginoon at hindi ako nag-iisa, hindi ka nag-iisa, magkakasama tayo dito.

We are brothers, and we all need the gospel, we all need the grace of God everyday. Siya rin ay “a witness of the sufferings of Christ.” Yung witness galing sa Gk. martus, where we get the word “martyr.” Hindi lang ito nag-iindicate ng misyon ni Pedro to give testimony to the gospel. But also his need of the gospel. Bakit? Naalala n’yo kung ano ang ginawa n’ya nung makita niya ang mga sufferings ng Panginoon? Naalala n’yo kung paanong nung naaresto na si Jesus, kung paano siya nagtago kasama ng ibang mga disciples. Noong may nagtanong sa kanya kung kilala niya si Jesus, Peter denied Jesus. Not once. Not twice. Tatlong beses! Apostol siya, pastor siya hindi dahil deserving or qualified siya. But only because of risen Christ’s restoring mercy. After he rose from the dead, tinanong niya si Pedro, not once, not twice, tatlong beses din! – “Do you love me?” Sagot ni Pedro, “Yes, Lord, you know that I love you.” Sabi ni Jesus, “Alagaan mo ang aking mga tupa.”

Ang calling at identity nating mga pastor ay hindi dahil we are better kasya sa ibang mga tupa. It is only because of the grace of Jesus. At kung naging tapat tayo sa tungkulin nating mga pastor, generous and gracious din ang reward sa atin. Tulad ni Pedro na sinabing ito rin ang identity niya: “as well as a partaker in the glory that is going to be revealed.” But he will say more about that future reward, future glory sa verse 4.

Pagkatapos nitong pastoral identity, dito ngayon nagfoflow yung ating pastoral responsibility. Verse 2, “So I exhort the elders among you…shepherd the flock of God that is among you, exercising oversight…” Tayong mga elders ay merong specific responsibility. Saan? Kanino? Sa mga miyembro ng Baliwag Bible Christian Church. We are not responsible and accountable sa members ng ibang church, but this local church is our primary responsibility. Hindi ito sa atin. Diyos ang may-ari nito. We are not owners. We are stewards (4:10). Sa Diyos din tayo mananagot if we are unfaithful in carrying out our responsibilities.

Anong responsibility? Shepherding and overseeing. Magkasama ‘yan. Ganun din sabi ni Pablo sa mga elders ng Ephesus Bible Christian Church, “Keep watch over yourselves and all the flock of which the Holy Spirit has made you overseers (episkopos). Be shepherds (poimaino) of the church of God, which he bought with his own blood” (Acts 20:28 NIV). Napakalawak ng isang salitang “shepherd” para isalarawan ang responsibility ng mga elders. Tulad ng pag-aalaga sa mga tupa, ganun din alagaan natin ang mga miyembro ng ating iglesiya. Mula pa sa pagsilang at pagkabata, painumin natin sila ng purong gatas ng Salita ng Diyos, para maging malusog at malakas, that they may grow up to salvation (2:2).

Kapag meron silang sakit, bisitahin natin, paalalahanan ng mga pangako ng Diyos at ipanalangin. Kapag meron silang sugat sa kanilang puso, pakinggan natin, remind them of the gospel, weep with them, walk with them in their pain. Let us help them bind up their wounds and point them to Jesus our Healer. Kapag merong nalilihis ng landas, let us confront them of their sin, lead them to repentance and bring them back to intimacy with Jesus. Kapag merong nanghihina, palakasin natin ang loob. Kapag merong nadadapa, ibangon natin. Kapag merong panganib dahil sa Kaaway, remind them of the biblical doctrine of the gospel and pray for God to protect them from the evil one.

Hindi natin sila maaalagaang mabuti kung hindi natin sila titingnang mabuti, “exercising oversight.” Hindi natin sila matitingnang mabuti, kung hindi natin sila kikilalaning mabuti. There’s a good reason bakit hindi lang ako ang pastor-elder sa halos 200 miyembrong bumubuo sa ating iglesiya. Tulung-tulong tayo na bisitahin sila, kumustahin sila, kausapin sila, kilalanin sila, at alagaan sila. Let us spend time with our flock. 

That’s our responsibility. Pero hindi lang duty ang pinag-uusapan dito, kundi pastoral integrity. Mahalaga ang puso o motivation o dahilan kung bakit natin ginagawa ang mga ginagawa natin. We can do all the right things for all the wrong reasons. Kaya paalala ni Pedro sa verses 2-3 na gawin natin ang mga ito na, “not under compulsion, but willingly, as God would have you.” Hindi lang dahil nasa posisyon ka, o ibinoto ka, o wala nang ibang gaganap ng tungkulin mo. Kundi dahil gusto mo, dahil nasasabik kang maglingkod. Kasi alam mong tinawag ka ng Panginoon. Hindi ka pinilit. Pinili ka ng Diyos at ninais mo rin na maglingkod. Masaya ka ba sa ginagawa mong paglilingkod ngayon o baka napipilitan ka na lang?

“…not for shameful gain, but eagerly…” Karaniwang tinutukoy dito tungkol sa pera. Hindi naman masamang suportahan financially ang mga pastors/elders. Dapat lang (1 Tim. 5:17-18). Pero ang iba pera na ang nagiging motivation sa ministry, ginagawang negosyo, ginagawang “contacts” o network ang mga members para pagkakitaan. You know na hindi kami ganyan sa inyo. I can choose to work outside this church para mas malaki ang kita. One time I decided to take a 20% cut sa support n’yo sa akin. At ang ibang mga elders, sila pa nga ang gumagastos for their own ministry. Pero meron din kaming ibang “profit” na temptation. Yung desire for your approval, yung mapalakpakan at mapuri ng mga tao. That is also “shameful gain.” Fellow pastors, are we doing this to gain human approval? O secure na tayo sa identity natin kay Cristo that is why we are serving “eagerly”?

“…not domineering over those in your charge, but being examples to the flock.” Wag nating abusuhin ang awtoridad na bigay sa atin ng Diyos. Let us not use our ministry, our teaching position to manipulate them to do kung ano ang gusto nating gawin nila. Dapat tayong maging mabuting halimbawa. Gusto natin silang mag-evangelize, but are we sharing the gospel to unbelievers? Gusto natin silang maging sabik sa pagsamba, but are we eager to come early at nakikita rin ba sa atin yung passion na yun when we worship every Sunday? Kung tutularan nila ang generosity natin sa pagbibigay, lalaki kaya ang offerings natin? Kung tutularan nila ang relasyon natin sa asawa natin, okay ba sa atin yun? Kung tutularan nila yung commitment natin sa gospel ambition natin to plant churches and make disciples, will they also be on fire? Masasabi rin kaya natin sa mga members natin tulad ng author ng Hebrews, “Remember [us] your leaders, those who spoke to you the word of God. Consider the outcome of their [our] way of life, and imitate their [our] faith” (Heb. 13:7)?

Submission

Ganito naman ang responsibility ng mga members, na gayahin, tularan, sundin at magpasakop sa mga elders. “Obey your leaders and submit to them, for they are keeping watch over your souls, as those who will have to give an account. Let them do this with joy and not with groaning, for that would be of no advantage to you” (Heb. 13:17). May pananagutan kami sa Diyos as elders. May pananagutan din kayo sa Diyos as members. Kaya sabi ni Pedro sa verse 5, “Likewise, you who are younger, be subject to the elders.” Kilalanin n’yo ang spiritual authority na meron kami sa buhay ninyo, hindi dahil binoto n’yo kami, o dahil aprubado kami sa inyo, o nagugustuhan ninyo ang pamamalakad namin sa church, kundi dahil sa Diyos nanggaling ang spiritual authority na ‘to.  

Hindi na kailangang magbigay pa si Pedro ng motivations to submit to the leadership ng church. Kasi sinabi na niya ‘yan na tayong mga Christians ay magsubmit sa authorities sa government, kahit non-Christians sila and they’re doing bad to us (2:13); na magsubmit ang mga Christian slaves sa kanilang unbelieving masters, kahit na cruel pa sila (2:18); na magsubmit ang mga Christian wives sa kanilang asawa, kahit na non-Christians sila (3:1, 5). How much more kayo na mga Christian members (siyempre dapat Christian!) ng church na magsubmit sa mga Christian leaders (siyempre dapat Christian!) ng church. Bakit ang isang tupa ay tatanggi kapag pinapakain siya ng pastor, bakit mo idudura ang pinapakain sa ‘yo kung ito ay para sa ikalulusog mo? Bakit mo tatanggihan ang gamot na ibinibigay sa sugat mo, kahit na painful ito? Bakit mo tatanggihan, bakit ka magpupumiglas kapag merong nagtutuwid sa ‘yo at gusto kang maibalik sa Panginoon? Bakit di ka magpapasakop sa mga pastor ng church kung ang ginagawa namin ay para sa ikabubuti mo? Bakit di mo tutularan ang halimbawa namin kung ang tinutularan naman namin ay ang halimbawa ni Cristo (1 Cor. 11:1)?

Humility

Siyempre, we leaders still need to grow para maging tulad ni Cristo. Tulad din ninyo. Especially kung humility ang pag-uusapan. Hirap tayong magsubmit sa mga leaders, to follow their lead, kasi we are not humble enough. Kami din na mga leaders, hirap kami alagaan kayo faithfully, kasi we are not humble enough. Kaya ang final exhortation ni Peter sa passage natin ngayon ay para sa ating lahat, kung ano ang responsibility natin o character na dapat meron tayo sa relasyon natin sa isa’t isa. Verse 5, “Clothe yourselves, all of you, with humility toward one another…”

Itong “humility” daw ang damit na dapat suut-suot natin palagi. Yung word na ginamit dito for “clothe yourselves” ay rare word sa New Testament, dito lang ginamit sa 1 Peter. Parang combo package, di pwedeng ala-carte, di pwedeng paghiwalayin ang pagiging Cristiano sa pagiging humble. To be a prideful Christian is an oxymoron. Ang humility ay parang damit na nakakabit, nakatali na sa ‘yo. 24/7. Ito yun bang tinitingnan mo ang sarili mo na mas mababa kaysa sa iba, na kailangan mo ang iba, na hindi ka self-sufficient, na hindi ka more righteous kaysa sa iba.

Halimbawa, kung Christian ka at member ka ng church, tapos systemic at bisyo na ang pag-absent mo at non-involvement sa mga gatherings and ministry ng church – ano’ng sinasabi mo sa iba? Na you are too busy for others, too busy to care for others, na hindi mo kailangan ang iba, at hindi mo gagamitin ang gifts mo to serve others. That’s not just busyness or unavailability. That’s arrogance. But in humility we say to others, “Kailangan kita. At narito ako at gagamitin ko ang mga gifts na bigay sa akin ni Lord to serve you.”

Bakit dapat nakakabit sa atin ang humility? Ginamit niya sa verse 5 yung Prov. 3:34, “…for ‘God opposes the proud but gives grace to the humble.'” Sa gobyerno natin may opposition party, e wala na talagang ginawa kundi mag-oppose. Ganun ang Diyos sa mga mayayabang, always in opposition, resistant, at tinuturing na kaaway ang mga mayayabang. God will not have any peace treaty sa mga unrepentant and prideful in heart. Ang parusa niya sa impiyerno ang katunayang ang mga umaaawit ng “I did it my way” ay hinding-hindi makatutuntong sa kanyang kaharian. Yun ang warning. Yung promise naman, he “gives grace to the humble.” Yung mga tao na kinikilala na kailangan nila ang Diyos, na sila ay makasalanan in need of his grace, they will get grace, and more of his grace. 

Ito ang problema natin kung bakit di tayo humble toward one another, because we are not humble toward God. Kaya sabi niya sa verse 6, “Humble yourselves therefore under the mighty hand of God…” Yung problem natin horizontally (human relationships) sa humility, ang ugat ay yung problem natin vertically (relationship with God) sa humility. Unbelief of pride is our problem. So ang solution ay to cultivate faith in God. Na aminin sa sarili natin na ang Diyos ay powerful, we are not. Ang Diyos ay Creator, we are not. Ang Diyos ay perfectly good Father, we are not. We need him. So we fight the sin of pride – sa leadership sa church, sa membership sa church, at sa kahit anong relationship – we fight pride by faith, by believing God.

By believing in God’s future grace. Heto sabi niyang purpose sa verse 6 kung bakit dapat na ngayon ay ibaba natin ang sarili natin: “so that at the proper time (kairos) he may exalt you.” Kelan yung kairos na yun? Yung God’s appointed time na itataas tayo? sa verse 4 malinaw kung kelan, dito rin sinabi ni Pedro kung ano yung inaasahan naming mga pastor na future reward. “And when the chief Shepherd (Jesus) appears, you (pastors/elders who are faithful) will receive the unfading crown of glory.” Pinagsisikapan nating maging faithful na elders and members, to lead and submit in humility – not for present earthly rewards, hindi para mapapurihan ng tao, but for future heavenly glory.

Tulad din ni Pedro, we are all “[partakers] in the glory that is going to be revealed” (v. 1). Future ‘yan glory na ‘yan, sa pagbabalik ni Jesus. Yung “partaker” ay koinonos, o sharer, tulad din ng pagiging sharer natin sa suffering ni Jesus (4:13). As we share in his sufferings now, we share in his glory later. Parang sa stocks, kapag may shares ka, kapartner ka. Kapag kumikita ang company, may share ka rin. Kapag lugi, lugi ka rin. And because Christ is now victorious, and will be reigning in glory, siguradong kasama ka. Anumang pagtitiis at pagpapakababa mo ngayon, walang lugi kay Cristo.

By believing in God’s present grace. Sinabi ni Pedro sa verse 7 kung paano natin madedevelop ang humility, by “casting all your anxieties on him, because he cares for you.” Anumang ipinag-aalala mo ngayon, ikinababalisa mo, ang ugat ay dahil you believe na you are in control. At ‘yan din naman ang ugat ng pride. So, you vanquish pride, you develop humility by believing na ang Diyos ang may control sa buhay mo, siya ang gumagabay sa bawat araw mo, at sinasabi sa ‘yong, “I care for you even now. Cast your burdens upon me and I will give you rest.” He doesn’t just care about your future, he cares about you now. Do you believe that?

By believing in God’s past grace. This is the gospel. Nakasisigurado tayo sa future grace and present grace dahil lahat ito ay nakatali sa ginawa ni Cristo para sa atin. We go back sa verse 1. Nung sinabi ni Pedro na siya ay “witness of the sufferings of Christ,” pinaalala nito sa kanya hindi lang ang laki ng kasalanan niya kay Cristo, kundi ang laki ng biyayang tinanggap niya dahil inako na ni Cristo ang lahat ng kanyang kasalanan sa krus. So, sa ministry nating mga pastors-elders, ang pinakamahalaga ay hindi yung sakripisyong ginagawa natin para sa church. This is not about us, our story, and our glory. This is about Jesus, his story and his glory. Kaya nga ang tawag sa kanya “Chief Shepherd.” We are mere undershepherds at mga tupa rin na nasa kanyang pangangalaga. When we do good as pastors, when we become “shepherds after God’s own heart” (Jer. 3:15), the glory belongs to Jesus as we reflect his image.

Kung kami  naman ay nagkukulang, tulad ng mga “shepherds” ng Israel (Ezek. 34:2-8), and we will fail and disappoint you…ipinapaalala nito na tayong lahat ay titingin hindi sa mga leaders ng church o kaninuman. Kundi kay Jesus, siya ang ating “Good Shepherd” and “Great Shepherd” na nag-alay ng kanyang buhay para sa atin at patuloy na nagmamahal sa atin (John 10:11, 14, 16; Heb. 13:20). He will never fail us. He will never disappoint us.

Inaalala natin ang ginawa ni Jesus para sa atin, pinanghahawakan ang ginagawa niya para sa atin ngayon, at kinasasabikan ang gagawin pa niya sa kanyang muling pagbabalik. Ganito rin ang ginagawa natin as we celebrate the Lord’s Supper together as a church family. Sa preaching, proclamation of the gospel. Sa Lord’s Supper, demonstration of the gospel. Inaalala natin ang kanyang kamatayan, kumakain at umiinom bilang tanda na pinanghahawakan natin at tinatanggap ang kanyang biyaya para sa atin, and we proclaim the Lord’s death until he comes (1 Cor. 11:26).

Advertisements

7 thoughts on “The Shepherd and the Flock (1 Peter 5:1-7)

Add yours

  1. Dear Pastor Derick,

    Tanong ko lang po kung bakit po ayaw magprint itong outline? Paano po kaya makakuha ng copy nito?

    Salamat po…God bless po.

    Like

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: