A Radically Different Story (1 Peter 3:18-22)

download mp3

Isinulat ni Pedro ang 1 Peter to suffering Christians during his time. This is God’s word to them then. This is also God’s word to us now. Yes, iba ang mga sufferings na kinakaharap natin. But we have the same opportunity to give witness to unbelievers through our sufferings at kung paano tayo magrespond sa suffering. We Christians tell the world a different story. We tell that story sa mga ordinary conversations natin with them, sa mga postings or comments natin sa social media, and sa ways we respond sa attack sa Christian faith natin.

Like lately, yung tungkol sa speech ni Pres. Duterte tungkol sa story of Creation, tungkol sa original sin at sa pagtawag niyang “stupid” sa Diyos. Ang mga Christians, mga pastors divided sa issue na ‘yan, iba-iba din ang responses. Yung iba positive, yung iba negative. Pero ano ba ang itinuturo sa atin ng pag-aaral natin ng Word of God sa 1 Peter? Paano magrespond when our faith is attacked? Sabi sa 3:15-16, regard Christ the Lord as holy, be prepared to make a defense, with gentleness and respect. It is not just how we speak about what we believe, but how we say it and how we live our lives as Christians.

Sa nakaraang four sermons sa series natin, ang exhortation sa atin ay “not to repay evil for evil” (3:9), but…

Difficult ‘yan, kaya kailangan natin ng motivations, superior power to obey. Do good when suffering unjustly? Remember the story of Jesus. “For to this you have been called, because Christ also suffered for you…” (2:21). The gospel is the story of Jesus. And if you are a Christian, you, your suffering, and your response to suffering are also part of that story. We have a story to tell the world of unbelievers – with our words we proclaim this story, and with our lives we demonstrate this story.

Ganito rin ang ginagawa ni Pedro sa text natin ngayon sa 3:18-22. Nagsimula ito sa, “For…” (“Sapagkat…”). Nagbibigay siya ng rason, ng pundasyon, ng motibasyon para panghawakan ang katotohanan na it is “better to suffer for doing good…than for doing evil” (v. 17). Basahin natin:

Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay (o nagdusa) nang minsan para sa inyo na mga makasalanan, upang iharap kayo (o tayo) sa Diyos. Siya’y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa espiritu. 19Sa kalagayang ito, nagpunta siya at nangaral sa mga espiritung nakabilanggo. 20Sila ang mga espiritung ayaw sumunod nang sila’y matiyagang hinihintay ng Diyos noong panahon ni Noe, samantalang ginagawa nito ang malaking barko. Iilang tao, walo lamang, ang nakaligtas sa baha. 21Ang tubig ay larawan ng bautismong nagliligtas sa inyo ngayon. Ang bautismo ay hindi paglilinis ng dumi ng katawan kundi isang pangako sa Diyos buhat sa isang malinis na budhi. Inililigtas kayo ng bautismo sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo, 22na umakyat sa langit at ngayo’y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit.

Ang kuwento ng buhay natin ay nakapaloob sa kuwento ng ginawa ni Cristo para sa atin at ito rin ang kuwento na kailangang marinig at makita ng iba sa atin.

Interpretive difficulties

Before we dive into that story, tingnan muna natin kung ano ang ibig sabihin nitong “spirits in prison” sa v. 19. We’re not sure exactly kung ano ibig sabihin nito, maraming debate tungkol diyan. Yung Greek term na pneuma (“spirit”), singular man o plural, ay maaring tumukoy sa human spirits or angels, depende sa context (cf. Num. 16:22; 27:16; Acts 7:59; Heb. 12:23; etc.). Heto yung tatlong most common na interpretations, ayon sa ESV Study Bible notes. Pero yung unang dalawa lang dito ang best fit sa itinuturo ng Bibliya at sa “historic orthodox Christian doctrine.”

(1) Yung unang interpretation, ibig sabihin ng “spirits” (Gk. pneumasin, plural) ay yung mga unbelievers sa panahon ni Noah. Nangaral si Cristo “in the spirit” (v. 18), “in the days of Noah” (v. 20), sa pamamagitan ni Noah. Yung mga unbelievers na yun, “ayaw sumunod” (v. 20), at dahil doon they are now suffering judgment (“spirits in prison,” v. 19). Heto ang mga support for this view:

  • (a) Tinawag ni Pedro si Noah na “herald/preacher (same root word sa “proclaim,” v. 19) of righteousness” (2 Pet. 2:5).
  • (b) Sinabi din ni Pedro na ang “Spirit of Christ” ay nagsasalita through the OT prophets (1:11).
  • (c) Ayon sa context, si Noah ay persecuted minority, iniligtas siya ng Diyos, tulad ng sitwasyon ng mga believers sa time ni Pedro. Si Cristo man ay nagsasalita through Peter and his readers to a persecuted minority and God will save them as well.

(2) In the second interpretation, yung mga spirits ay mga fallen angels na itinapon sa impyerno at naghihintay ng final judgment. Heto ang support nila:

  • (a) Yung “sons of God” sa Gen. 6:2–4 ay mga anghel na nagkasala dahil kinuha nilang asawa ang mga babae sa panahon ni Noah: “when God’s patience waited in the days of Noah” (1 Pet. 3:20).
  • (b) Yung “spirits” (plural) kasi sa NT ay laging tumutukoy sa mga supernatural beings at hindi sa mga tao.
  • (c) The word “prison” is not used elsewhere in Scripture as a place of punishment after death for human beings, while it is used for Satan (Rev. 20:7) and other fallen angels (2 Pet. 2:4; Jude 6). In this case the message that Christ proclaimed is almost certainly one of triumph, after having been “put to death in the flesh but made alive in the spirit” (1 Pet. 3:18).

(3) In a third view, sinasabi naman nilang nag-offer daw si Cristo ng second chance of salvation to those in hell. Kaya lang, kontra ito sa ibang part ng Scripture (cf. Luke 16:26; Heb. 9:27) and with the rest of 1 Peter and therefore must be rejected on biblical and theological grounds, leaving either of the first two views as the most likely interpretation. At mas pabor ako sa una kasi sinabi din naman ni Jesus na hindi nag-aasawa ang mga anghel.

Whatever the case, kailangang iklaro natin kung ano ang punto dito ni Pedro sa paggamit ng kuwento ni Noah sa gusto niyang iparating sa mga nagbabasa. “These verses encourage Christians to stand for righteousness and try to influence their contemporaries for the gospel in spite of the suffering that may come to them. All who identify with them and their Savior will be saved from the coming judgment, just as in Noah’s day” (Contable’s Notes).

Noah and the Flood

Ano ba ang nangyari sa panahon ni Noah? Parami na nang parami ang mga tao noon. Pero pasama nang masama ang kalagayan ng puso ng mga tao. Ikinalungkot ng Diyos ang nangyayari kaya nagpasya siyang parusahan ang lahat ng tao sa pamamagitan ng isang malawakang baha na papatay sa lahat ng kanyang nilikha, mga tao man o mga hayop. Pero merong isang tao, si Noah, na tiningnan ng Diyos at itinuring na matuwid. Initusan niyang gumawa siya ng isang arko at doon sila sasakay kasama ang kanyang asawa, mga anak at mga manugang, walo sila lahat. Pati rin tig-isang pares ng mga hayop. Ginawa nga ito ni Noah. Dumatin ang malakas na ulan. Ilang araw itong tumagal. Bumaha hanggang matabunan ang lahat ng may buhay at nalunod at namatay. Si Noah lang pati ang mga kasama niya sa loob ng arko ang naligtas (Gen. 6:5-8; 7:1, 23).

Our Story

Rebellion. Tulad sa kuwentong ‘yan, ganyan din naman ang kuwento ng buhay natin. Grabe din naman ang kasamaan sa puso natin, grabe din naman ang mga masasamang iniisip natin (Gen. 6:5). Grabe din naman ang pagsuway at pagrerebelde natin sa Diyos. Our hearts were “corrupt…and filled with violence” (v. 11-12). Before we are to be comforted with the good news that Christ “suffered for sins” (1 Pet. 3:18), we must first be confronted with the heinousness of our own sins. Si Jesus ang “righteous” one, ikaw ang “unrighteous” one. Don’t think of yourself as the righteous, tapos yung ibang tao sa labas ng church, o kahit ang ating presidente, na sila ang “unrighteous.” “There is no one righteous, no, not one…for all have sinned and fall short of the glory of God” (Rom. 3:10, 23). Kasali ka ba dyan? Siyempre naman! Hindi lang ang mga tao sa panahon ni Noah, o ang mga fallen angels, ang naging disobedient, you also “did not obey” God (1 Pet. 3:20).

Condemnation. Dahil tayo rin ay mga “sons of disobedience” (Eph. 2:2), we “were by nature children of wrath, like the rest of mankind” (v. 3). Hindi lang mga tao sa panahon ni Noah, or fallen angels, ang “the spirits in prison” (1 Pet. 3:19), tayo rin. Tayo rin, guilty as charged, ay marapat lang na hatulan ng Diyos, ikulong, parusahan, at patayin. Before you say words of condemnation, or pronounce judgment to other people as guilty of blasphemy or rebellion against God, alalahanin mo na you also were under the same condemnation. You also deserve the wrath of God’s justice.

Salvation. Buti na lang hindi dun nagtatapos ang kuwento natin. Tulad ni Noah, he “found favor in the eyes of God…a righteous man, blameless in his generation. Noah walked with God” (Gen. 6:8-9; also 7:1). Biyaya ‘yan ng Diyos, hindi dahil sa gawa ni Noah. Biyaya rin ng Diyos kung paano naligtas ang pamilya ni Noah: “…when God’s patience waited in the days of Noah, while the ark was being prepared in which a few, that is, eight persons, were brought safely through water” (1 Pet. 3:20; cf. Gen. 7:23). Ang tubig na pumatay sa lahat ay siya ring nagligtas naman sa kanila. Kaya ginamit ni Pedro ang kuwentong ito as a picture of baptism: Baptism, which corresponds (Gk. antitupon, a type, a picture, an example) to this, now saves you” (v. 21).

“Baptism…now saves you.” Kaya ang sabi ng official doctrine ng Roman Catholic Church: “The Lord himself affirms that baptism is necessary for salvation [John 3:5]…Baptism is necessary for salvation for those to whom the Gospel has been proclaimed and who have had the possibility of asking for this sacrament [Mark 16:16]” (Catechism of the Catholic Church, 1257).

Dapat linawin natin ‘to. Salvation is by grace alone through faith alone in Christ alone. Yung ark sa panahon ni Noah at yung baptism sa panahon natin ngayon parehong picture of salvation. Bakit? In both cases, “believers are saved through the waters of judgment” (ESV Study Bible). Si Jesus ang pinarusahan para sa atin. Yung act of baptism, hindi yun ang nakapagliligtas. Kasi sabi agad ni Pedro kasunod nun, “not as a removal of dirt from the body,” hindi malilinis ng tubig ng bautismo ang sinuman. In a sense, inililigtas tayo ng bautismo (outward expression) dahil ito ang nagrerepresent sa inward faith na meron tayo. The ground of our salvation, the only ground is the death and resurrection of Jesus Christ.

Jesus’ Story

We are saved not by the waters of baptism, but by what Jesus accomplished in his death and resurrection as signified in baptism. Sa bautismo, naaalala natin kung paanong ang kuwento natin ay nakapaloob na sa kuwento ng ginawa ni Cristo para sa atin.

Passion. Yung word na “passion” ay galing sa Latin na ibig sabihin ay suffering, at tumutukoy ito sa dinanas na sufferings ni Jesus hanggang sa maipako siya at mamatay sa krus. Yung verse 18 ay probably one of the most significant single verse (or half-verse!) summary of the gospel message: “For Christ also suffered (in other manuscripts, “died”) once for sins, the righteous for the unrighteous, that he might bring us to God…” In theological terms, ang ginawa ni Jesus sa krus ay penal substitutionary atonement. Penal – inako ni Jesus ang parusa na nararapat para sa ating mga kasalanan. Substitutionary – the righteous for the unrighteous, in our place, siya ang naging kapalit natin. Atonement – para mailapit tayo, para maibalik tayo sa Diyos. Nangyari ito nang “minsan” lang (once). Unrepeatable ang sacrifice na ginawa ni Jesus.

Yes, we follow in his steps when we suffer for doing good (2:21), but no amount ng suffering natin ang makapambabayad sa kasalanan natin o kasalanan ng ibang tao. Only Jesus (the Righteous) is qualified. Only his work on the cross is sufficient. Anumang kabutihan o pagsunod o paglilingkod na ginagawa mo ngayon, gaano man ka-sacrificial, ay hindi pambayad-utang, o panukli man lang sa ginawa ng Diyos para sa ‘yo. It is about accepting, trusting, leaning on what he has already done for you.

Resurrection. And this is why the gospel is good news for us who are suffering. Kasi hindi nanatiling patay si Cristo. Second half ng v. 18, “being put to death in the flesh, but made alive in the spirit.” Totoong namatay siya para sa ating mga kasalanan, totoong nabuhay rin siya at nagtagumpay sa kapangyarihan ng Espiritu. Kung nanatili siyang patay, there will be no salvation for us. Kaya yung baptism din, not just a picture of the death and burial of Christ, but also his resurrection. “Baptism…saves you…through the resurrection of Jesus” (v. 21). This is good news kasi it reminds us na hindi yung sangkatutak na suffering natin ngayon, not even death, is the final word or the final chapter in our story. We will also share in the triumph of the resurrection story of Jesus.

Ascension. Pagkatapos na siya’y muling nabuhay, 40 days siyang nagpakita pa sa mga disciples niya at tinuruan sila. He gave them the Great Commission to go and preach the gospel, make disciples of all nations through the gospel, baptize them in the name of the Father, of the Son and of the Spirit, and teach them to obey everything, kasama yung utos na magpatuloy na gumawa nang mabuti kahit mahirap (Acts 1:8; Matt. 28:18-20). Pagkatapos, umakyat na siya sa langit. Nakatingin ang mga disciples niya, at natakpan na siya ng mga ulap. Nagpakita ang dalawang anghel at sinabi, “Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya” (Acts 1:9-11).

Session. Pero bago siya bumalik? “Pagkatapos magsalita ni Jesus sa kanila, iniakyat siya sa langit at umupo sa kanan ng Dios” (Mark 16:19 ASD). Ito rin ang nakasulat sa v. 22 ng text natin, “…[si Cristo] na umakyat sa langit at ngayo’y nasa kanan ng Diyos. Naghahari siya roon sa mga anghel at sa mga kapangyarihan sa langit” (MBB). Sa Acts 2:33 sa sermon ni Pedro ganun din ang sabi niya. Ito ang tinatawag sa theology na “session.” At ito ang pinakaimportanteng session sa lahat, mas importante kaysa sa session ng kongreso o senado. Dahil siya’y nakaupo sa kanan ng Diyos at namamagitan para sa atin (Rom. 8:34), ang kumpiyansa natin ay nasa kanya. And we look to him, hindi sa mga nangyayari sa paligid natin (Col. 3:1).

He is Lord over all the rulers of the earth. No earthly leader sits over Him, and His law alone is absolute. No one is worthy of higher allegiance than Christ, and where His law conflicts with the laws of lesser authorities, we must obey Christ rather than men. Christians are called to be good citizens who pay their taxes and pray for their political leaders (tulad ng napag-aralan din natin sa 1 Peter 2:13-17). But only One deserves unquestioned allegiance—Jesus Christ. Let us resolve in our hearts now that we will serve Him as Lord of all so that we will be prepared to stand if we must ever suffer for our faith (https://www.ligonier.org/learn/devotionals/ascension-and-session/).

In your heart, regard Christ the Lord as holy, as King of kings and Lord of lords (3:15). Dahil nakaupo siya sa trono, sa kanang kamay ng Diyos, siya rin ang nakaupo sa trono ng puso ng bawat isa sa atin. Is he?

Restoration. Hindi pa siya ang kinikilalang hari ng Pangulo, hindi pa siya ang kinikilalang Hari ng bawat Filipino, hindi pa rin sa lahat ng lahi sa buong mundo. One day, babalik siya, “At darating ang wakas, kapag naibigay na ni Cristo ang kaharian sa Diyos Ama, pagkatapos niyang malupig ang lahat ng paghahari, pamahalaan at kapangyarihan” (1 Cor. 15:24). Ngayon, tayong mga Cristiano ay sinasaktan, inaapi, inaalipusta, pero sa pagbabalk niya maghahari tayong kasama niya. And then, we will spend all eternity with God. God is the goal, always the goal, the ultimate goal of the gospel. Balik tayo sa verse 18, bakit namatay si Jesus? “…that he might bring us to God.” All of history, all of our life story finds its beginning in God, and will end with God. He is the point of everything. The goal is not a comfortable, suffering free life; not forgiveness of sins, not good relationships, not a happy marriage, not health and prosperity. They are all good things. But they are not God, and nothing compared to God.

Intersection of Our Story and Jesus’ Story

Dahil sa ginawa ni Jesus (his passion, crucifixion and resurrection) at sa ginagawa niya ngayon (ascension, session, and intercession) at sa gagawin pa niya (restoration), we find out story intersecting his story. Inako na niya ang condemnation na parusa para sa ating rebellion laban sa Diyos. Because of him we have salvation – itinuring na tayong matuwid (justification), ginagawang matuwid (sanctification), at gagawing perpektong matuwid (glorification). Believers and unbelievers parehong may sufferings. But we have a different story – we tell this story (gospel proclamation) and we reenact this story (gospel demonstration).

Tulad ni Jesus, he preached the gospel to unbelievers, through Noah, and through Peter, and through the believers during his time. Gospel means good news. We are bearers of God’s Good News. Yan dapat ang lumalabas sa bibig natin. Instead of complaining sa sitwasyon sa trabaho, o sa bumababang ekonomiya, o lumalalang political situation, o sa pangit na pagtrato sa atin ng gobyerno. Yes, we speak and call out what is evil. Pero hindi dapat puro condemnation ang maririnig sa atin. For the law and our words of condemnation cannot change anybody – presidente natin, o boss ninyo sa trabaho o asawa ninyo, anak ninyo, kapitbahay ninyo. Only the gospel can. Only the gospel is the power of God for salvation.

Yun ang nakalulungkot sa mga nakikita ngayon sa mga posts sa social media ng mga nagsasabing Christians sila. Todo react sa pulitika o anumang isyu, pero wala namang gospel of salvation. Whatever happened to Christians being gospel people? Yun naman ang unang ipinahayag natin noong mabaptize tayo. Sinabi nating, we believe in Christ our Savior and Lord. We are one in his death and resurrection. Hindi lang sa “proclamation” kundi pati sa “demonstration”. Yun naman ang ibig sabihin din ng baptism, a pledge, a commitment to live a new life. Yung “good conscience” – nilinis tayo sa kasalanan, nilalabanan natin ang kasalanan, at namumuhay ayon sa kanyang kalooban. Yun din ang point ni Paul sa Romans 6:3-6. Kung bautismado ka, bakit ka naman magpapatuloy pa sa pagkakasala?

Kung ang pangulo nagsalita nang masama laban sa Diyos, pero tayo naman nagsalita rin ng masama laban sa kanya bilang awtoridad na established by God, and we honor God with our lips pero we dishonor God with the way we use our money or our body, ano ang pinagkaiba mo sa kanya? Kung ang asawa mo pinagsalitaan ka ng masama, tapos ginantihan mo rin ng masamang salita, sinasabi mong Cristiano ka, pero ano ang pinagkaiba naman ng ginawa mo sa ginawa niya? So, the point of this whole section, from 2:11 hanggang dito sa text natin ngayon ay ipaalala sa atin na the way we respond to bad situations and bad people must be different. Because we have a different story, we embrace Jesus story, at ito ang ikukuwento din natin sa iba.

Mga kapatid, let us continue to be good news people in a bad news world. Our unbelieving president, your unbelieving spouse, your unbelieving friends desperately need this good news.

Advertisements

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: