Part 11 – Good Words for Bad People (3:8-17)

download mp3

Sa last three sermons natin dito sa series sa 1 Peter: Grace When Life is Hard, heto na ang natututunan natin, at tinuturo ni Lord sa atin:

Ngayon naman sa text na pag-aaralan natin ganito: Continue speaking good words even when other people speak badly of you (3:8-17). Magpatuloy sa pagsasalita ng mabuti kahit sa mga taong masasama ang sinasabi sa ‘yo o tungkol sa ‘yo. Life is hard na nga, parang sobrang “hard” pa rin nitong mga iniuutos ni Lord na gawin natin. Haay… But we have to remember na ang mga commands ni God ay hindi burdensome: “For this is the love of God, that we keep his commandments. And his commandments are not burdensome” (1 John 5:3). Kahit gaano magreact pa tayo negatively sa mga utos na ‘to, kahit na mag-object pa tayo, kahit na we make excuses, kahit na sabihin nating ang case natin ay exception to the rule, we have to remember na si Lord ang authority dito, hindi tayo. Our response is to trust and obey, and we leave the consequences or results of our obedience sa kamay ng Panginoon.

I’m amazed, and I did not expect, at what happened last Sunday. Nagspend tayo ng time praying for couples, for singles, for separated, for widows/widowers, for those married sa unbeliever. At nasense ko na ito ang church, as we show love to one another, anuman ang katayuan sa buhay, anuman ang kinakaharap, showing the love of Christ para sa bawat isa. And aside from that, we spent much time praying for each other kasi we sense naman na itong mga ipinapagawa ng Diyos ay imposible sa atin. These exhortations are just way beyond what we, left to ourselves, are capable of doing. Only the gospel, applied by the Spirit in our hearts, is powerful enough to transform us to be the kind of people who will keep on doing good even when others around us keep on doing bad. 

Kaya naman as we listen sa mga gustong ipagawa sa atin ni Lord, hindi yun ang focus natin. Ang focus natin, at paulit-ulit nating ipreach sa heart natin ay kung ano ang ginawa ng Diyos para sa atin. Bakit? Tingnan n’yo kung ano ang gustong ipagawa ni Lord sa atin dito sa passage na ‘to.

Mabuting salita (v. 9)

Dapat tayong magpatuloy sa pagsasalita nang mabuti kahit na masasama ang sinasabi ng ibang tao sa atin o tungkol sa atin. Imposible ito sa atin kasi hindi ito natural sa atin. Kaya sabi ni Pedro, “Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo” (v. 9 MBB). Yun kasi ang natural sa atin. Ang masama gagantihan ng masama. Ang masamang salita, gagantihan ng masamang salita. Kapag siniraan ka, siraan mo rin. Kapag minura ka, murahin mo rin. Maybe not verbally, pero sa loob-loob natin, minumura natin sila. Yun ang natural sa atin. And no one needs to teach us that. Kayang kaya natin ‘yan sa sarili natin. Kahit mga bata, kayang-kaya ‘yan.

So, our hearts must be trained, must be led, must be transformed. Kaya tinuloy niya sa v. 9, “…sa halip…” Do what is un-natural for you. Iba na ang gagawin mo because you now have a different identity, you are now a Christian, you are now in Christ. If anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come (2 Cor. 5:17). Ano yung bago na yun? “Sa halip, pagpalain n’yo sila…” “Bless” them. Sa Greek eulogeo, dun galing yung eulogy na karaniwan nating ginagawa para sa patay, when we speak good words about the dead. Dito, speak good words sa mga buhay, kahit sa mga buhay na parang gusto mong patayin. Yung mga tao na gusto mong sumpain, speak words of blessing sa kanila. Tulad ng sinasabi rin sa verses 10-11. Hindi lang basta pipigilan natin ang dila natin na magsalita ng masama o kasinungalingan sa taong yun, o iiwas sa paggawa ng masama. Gagawin natin kung ano ang tama, ano ang mabuti sa taong yun. “…do good…seek peace…and pursue it…” Ito ang salita ng Diyos, utos ng Diyos. “Love your enemies and pray for those who persecute you” (Matt. 5:44). Sa halip na sabihin nating “Amen”!, mas gusto nating sabihing “Wag na lang!”

That’s not just un-natural. It is supernatural. It will take a powerful work of the Spirit para magawa natin. Sa asawa man, sa anak, sa katrabaho, sa kaklase, sa kapitbahay, sa kasama sa church, o sa presidente. Paano natin magagawa ‘yan? Ano ang mga dapat nating panghawakan, alalahanin, paniwalaan to motivate and empower us to speak words of blessing sa mga taong sa pakiramdam natin ay undeserving?

Mabuting relasyon (v. 8)

Ang mabuting salita ay marka o katangian ng isang good relationship, na unang-unang dapat makita sa loob ng church. “Sa aking pagtatapos, magkaisa kayo at magdamayan, magmahalan bilang magkakapatid at maging maunawain at mapagpakumbabá” (v. 8 MBB). “Pagtatapos” ito hindi ng letter niya kundi at least nung section na nagbibigay siya ng series of exhortations how we relate with difficult people. At dito sa verse 8, he reiterated kung gaano kahalaga ang magandang relasyon sa loob ng church. Paano nga naman we can have good relationship with unbelievers, paano nga naman makakapagsalita tayo ng mabuti sa mga taong nagsasalita ng masama sa atin kung we are not practicing good relationships sa loob ng church? 

“Magkaisa kayo”, have “unity of mind” (ESV). Although marami tayong differences, preferences, personalities, backgrounds, we are bonded or united by the gospel. Sabi ni JD Greear, bagong president ng pinakamalaking denomination sa US, The Southern Baptist Convention, na dapat ireinforce and identity natin “as a gospel people, putting the gospel above all. We do not find our unity in worship styles or in views on eschatology or in political positions. We find our unity in the gospel. Whatever preferences we have must be secondary to this unifying standard.”

“Magdamayan”, “sympathy” (ESV). Nararamdaman natin ang pangangailangan o dinaranas na sufferings ng iba. We are not self-focused. Yes, you need the gospel. Pero ang ibang kasama natin sa church, they also need the gospel. We all need the gospel. “Magmahalan bilang magkakapatid,” “brotherly love” (ESV). Isang pamilya tayo, ang pag-ibig ng Ama para sa atin ang nagbubuklod sa atin at tumutulong sa atin para mahalin ang bawat isa. “Maging maunawain”, “a tender heart” (ESV). Yun bang deep inside our hearts, we don’t just love, we have strong feelings or affections for one another. This is just impossible for us self-centered beings, pero posible because we are born again by the Spirit, and he himself dwells inside our hearts, transforming us to love like Christ and to be humble like Christ. “Mapagpakumbaba,” “a humble mind” (ESV). Itinuturing natin na ang sarili natin ay mas mababa kaysa sa iba, willing to sacrifice our own interest alang-alan sa iba. Tulad ng ginawa ni Cristo (Phil. 2:5-8).

Do you have this kind of relationship dito sa church? Paano mo mapapractice ang salita mo sa mga outside the church kung di mo naman ginagamit ang salita mo to express unity dito sa church, to meet the needs of others, to encourage them, to love them, to pray for them, to serve them?

Mabuting hinaharap (v. 9)

Nagsasalita tayo nang mabuti dahil pinanghahawakan natin ang good future na ipinangako ng Diyos para sa atin. “Huwag ninyong gantihan ng masama ang gumagawa sa inyo ng masama. Huwag ninyong sumpain ang sumusumpa sa inyo. Sa halip, pagpalain ninyo sila dahil pinili kayo (o tinawag kayo) upang tumanggap ng pagpapala ng Diyos” (v. 9). Speaking bad words or thinking bad thoughts about others is anti-gospel. Bakit? Just think about this. Pinili ka ng Diyos, tinawag ka ng Diyos. He has called you to himself when you heard the gospel. And you got saved, when you believe that, when you put your trust in Jesus. Before that, you are under a curse. Pero ngayon, you received God’s word of blessing, you are accepted, you are forgiven. There is now no condemnation in Christ.

At sa pagbabalik niya, sasabihin niya sa ‘yo, “Well done, good and faithful servant.” When we persevere in trusting Jesus, na nakikita sa paggawa natin ng mabuti sa iba. Sa ESV, “that you may obtain a blessing.” Yung blessing na yun ay yung word of blessing ni God for us. And that is our inheritance, yun ang mamanahin natin in the future. So we look forward to that. Akala kasi natin by speaking bad to others or about others, we are securing a good future for us. Hindi na natin kailangang gawin yun. Our hope is in the security we have in Jesus. We look forward dun sa inheritance na yun na “imperishable, undefiled, unfading, kept in heaven for you” (1:4), yung “praise and glory and honor at the revelation of Jesus Christ” (1:7) – kahit siraan pa tayo o ipahiya ng ibang tao.

We worry so much kung ano ang mangyayari bukas, we forget that our billions of years of eternity with God is already secured for us by Jesus. By saying that, hindi ko sinasabing hindi na mahalaga ang buhay natin ngayon. In fact God is also concerned (and more concerned than us) with our life here and now. 

Mabuting buhay (vv. 10-14)

Nagsasalita tayo nang mabuti dahil nais nating patuloy na maranasan yung good life na nais ibigay at siguraduhin ng Diyos para sa atin. Dito sa verses 10-12, Peter cited from Psalm 34. Actually sa 2:3, dito rin galing yung “taste and see that the Lord is good.” Dito naman, verses 12-16 ginamit niya from Psalm 34. Tingnan n’yo yung verse 10, “Ayon sa nasusulat, ‘Ang mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay, dila nila’y pigilan sa paghabi ng kasamaan. Ang anumang panlilinlang at madayang pananalita sa kanyang mga labi ay di dapat lumabas.'” Si David ang sumulat nito. Ito yung mga panahong hinahabol siya ni Saul. Marami siyang kaaway, maraming nagsasalita nang masama laban sa kanya. But he keeps trusting the Lord kung paano magrespond. 

Practically rin naman, kaya nagsasalita pa rin siya ng mabuti kahit kay Saul na nagsasalita nang masama para sa kanya, ay para din naman for his own good. “Mga nagnanais ng payapa at saganang pamumuhay.” Kung gusto mo lalo ng maraming kaaway, sige gantihan mo ng masama ang masama. And if we are not careful sa salita natin, tulad ng iba, ikapapahamak natin. Yung iba nakukulong, yung iba pinapatay. Ideally, when we keep doing good, maganda ang magiging resulta. Ideally. But we live in a fallen world. Even if we keep on being faithful to God, tulad ni David, tulad ng mga prophets, posible na lalo pa tayong mapasama. So bakit ko nasabing “good life” ang magiging result nun?

We have to define kung ano talaga yung good life. Not in terms of how other people will treat us, but in terms of how God will treat us, kahit ano pa ang trato ng mga tao sa atin. Verses 11-12, “Ang masama’y iwasan na, at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa. Ang mga mata ng Panginoon, sa matuwid nakatuon, sa kanilang pagdaing, siya’y nakikinig, ngunit sa mga masasama, siya’y tumatalikod!” We have God’s undivided attention, nakatingin siya sa atin. Di tulad ng CCTV, di nakukuhanan lahat ng anggulo, meron pa ring nakakalusot na masasamang tao. Pero bawat anggulo ng buhay natin, protektado ng Diyos. Bawat panalangin natin, dinidinig niya. He provides for everything we need.

So, wala tayong dapat ikatakot. Sinasabi ng Diyos sa atin, “I got you.” Verses 13, “At sino naman ang gagawa sa inyo ng masama kung wala kayong hinahangad kundi pawang kabutihan?” Oo, maaari pa rin tayong gawan ng masama at masaktan, but nothing or no one can ultimately harm us. If God is for us, who can be against us (Rom. 8:31)?

Verse 14, “At sakali mang usigin kayo dahil sa paggawa ng mabuti, mapalad pa rin kayo! Huwag ninyong katakutan ang kanilang kinatatakutan at huwag kayong padadala sa kanila.” Mapalad pa rin kayo, blessed. Ngayon kasi, ang #blessed ginagamit kapag may bagong sapatos, bagong iPhone, bagong napasyalan na lugar, bagong kotse. But here, ang pagiging blessed ay hindi nakadepende sa material possessions, or sa relationship sa ibang tao o sa good reputation. Blessedness is being happy in the Lord. KJV, “Happy are ye.” Dahil ang joy natin ay nakadepende sa relasyon sa Diyos, sa atensyon ng Diyos at sa pangako ng Diyos para sa atin. That’s the good life. That’s the blessed life. Tulad mismo ng sabi ng Panginoong Jesus:

“Mapalad ang mga inuusig nang dahil sa kanilang pagsunod sa kalooban ng Diyos, sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng langit. “Mapalad ang mga nilalait at inuusig ng mga tao, at pinaparatangan ng lahat ng uri ng kasamaan na pawang kasinungalingan nang dahil sa akin. Magsaya kayo at magalak sapagkat malaki ang inyong gantimpala sa langit. Gayundin ang ginawa ng mga tao sa mga propetang nauna sa inyo” (Mateo 5:10-12 MBB).

Mabuting Balita (vv. 15-16)

Nagsasalita tayo nang mabuti dahil dala-dala natin ang Good News of the gospel para sa mga taong hindi pa kumikilala kay Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Verse 15, “Igalang ninyo si Cristo mula sa inyong puso at sambahin ninyo siya bilang Panginoon…” Si Cristo ang Panginoon natin. Siya ang pinaglilingkuran natin. Sa ESV, “honor Christ the Lord as holy.” Literally, ito ay “sanctify Christ.” Yun din ang word na ginagamit sa “be holy” or “make holy.” Pero siyempre we don’t make Christ holy, he is already perfectly holy. Ang meaning nito ay “set apart.” Na sa puso natin, nakabukod na si Cristo, walang ibang nakaupo sa trono maliban sa kanya. He alone is our Lord. In our life, lalo na in the way we speak, we represent him. In our speech, we are his ambassadors. Kaya…

“…Lagi kayong maging handang magpaliwanag sa sinumang magtatanong sa inyo tungkol sa pag-asa na nasa inyo…” Sa ESV, “always being prepared to make a defense…” Yung defense ay galing sa word na apologia. It doesn’t mean “apology” like saying “sorry.” Kundi parang nasa korte, making an argument for a case, to convince someone na maniwala. Ito ang proof-text na karaniwang ginagamit ng nasa ministry ng “apologetics.” Ang goal nito ay i-persuade ang mga di naniniwala sa Diyos, di naniniwala sa Bible o sinumang may mga intellectual objections sa Christian faith. The goal is to help them believe by using logical arguments to help people believe the gospel. In some instances kailangan ng ganitong “apologetics” para sa evangelism.

Pero dito sa context, don’t think of apologetics na para lang sa mga nag-aral sa seminary, o magaling sa Bible o mga mahusay magpaliwanag, o handang makipagdebate. No. This is for all of us. Na in times of suffering, dapat laging handa tayo na magpaliwanag, magpaliwanag tungkol sa pag-asa na meron tayo kay Cristo. Kaya mo bang ipaliwanag sa mga non-believers, kahit sa mga umaaway sa iyo, why you hope in Jesus, in his word, in eternal life?

Sa kakapaliwanag natin, instead of making a defense for our faith, nagiging offensive na tayo, naiinis na, umaatake na sa iba kung di sila maniwala: Ano ba naman? Di mo ba maintindihan? Hindi dapat ganun. “…Ngunit maging mahinahon at magalang kayo sa inyong pagpapaliwanag.” How will they believe na good news ang gospel kung hindi tayo mahinahon, magalang, at matiyaga sa pagpapaliwanag sa kanila?

We cannot please everybody. But we have to stay true to our calling, and be faithful witnesses for the gospel. Verse 16, “Bilang mga lingkod ni Cristo, panatilihin ninyong malinis ang inyong budhi upang mapahiya ang mga nanlalait at humahamak sa inyong magandang pag-uugali.” Ang goal natin ay para mapaliwanagan sila, hindi para ipahiya sila. Pero mangyayari yun kung mapatutunayan nilang mali ang sinasabi nila tungkol sa atin. Ganito rin ang sabi ni Pedro sa 2:12, 15. The goal is for unbelievers to realize their mistake, to repent of their sin, to be believe the gospel and be saved. Our words, our witness can be powerful instruments for their salvation. Be wise in how you speak. “Walk in wisdom toward outsiders, making the best use of the time. Let your speech always be gracious, seasoned with salt, so that you may know how you ought to answer each person” (Col. 4:5–6).

Mabuting kalagayan (v. 17)

Magpapatuloy tayo sa pagsasalita nang mabuti kasi nasa atin na ang mabuting relasyon, mabuting hinaharap, mabuting buhay, Mabuting Balita. In sum, nasa atin na ang mabuting kalagayan. Dahil ang kalagayan o status natin, with all the sufferings we experience, ay way way better than non-Christians. Verse 17, “Higit na mainam (better! not just good) ang kayo’y magdusa dahil sa paggawa ng mabuti, sakali mang ito’y ipahintulot ng Diyos, kaysa magdusa kayo dahil sa paggawa ng masama.” Mayaman sila, maganda ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanila, kumportable ang buhay nila. Sa ngayon. But they are also suffering. At kung hindi man masyado ngayon, they will suffer for all eternity. But our suffering now is not worth comparing with the glory that will be revealed to us (Rom. 8:18).

Hindi pa ba ito sapat na dahilan for you to use your words for the glory of God and for the good of other people? Tandaan mo, words are powerful. They can build others up or destroy them. They can make peace or make war. They can encourage or discourage. They can lead others to Christ or turn them away. They can bring us happiness or misery. God has entrusted you with a powerful weapon at your disposal. Use it for his glory, for your own good and that of others, and for the sake of the advance of the gospel to all nations.

Advertisements

One thought on “Part 11 – Good Words for Bad People (3:8-17)

Add yours

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: