Part 5 – Hardships and the Pursuit of Holiness (1:13-21)

downloadmp3-icon

In our study of 1 Peter, natuklasan nating walang anumang suffering ang naeexperience ng mga anak ng Diyos ang masasayang. Your sufferings are not meaningless. Every pain, every hurt, every tear matters. Not just in this life, but also in the life to come. Pero yung response natin sa mga sufferings na nararanasan natin – like losing someone very dear to us or the pain of sickness or the hurts cause by other people – our response also matters.

In times of difficulties, mas nagiging tempting sa atin na ikumpromiso ang pananampalatayang meron tayo, ang klase ng pamumuhay na dapat para sa mga tagasunod ni Cristo, at ang relasyon natin sa Diyos. Kung meron kang sakit o anumang problema na parang wala nang solusyon, madali kang mawalan ng pag-asa, ma-depress, umayaw na, at ang iba nga ay nagpapakamatay pa. Kapag kinuha ng Diyos ang isa sa mga mahal natin sa buhay – maybe your father, maybe your unborn child – naririnig natin ang boses ng asawa ni Job, “Sumpain mo na ang Diyos mo! Bakit nagtitiwala ka pa rin sa kanya?” Ang hirap sa ating sabihing, “The Lord gives, the Lord has taken away. Blessed be the name of the Lord!” O kung merong nakasakit sa atin, o we feel neglected and unloved, madali sa ating mag-harbor ng bitterness, anger and unforgiveness. At pumapasok tayo sa isang relasyong akala natin ay magiging solusyon para maibsan ang sakit sa puso natin – tulad ng premarital sex, sexual addiction, same-sex relationships. Pero ang inaaakala nating magiging solusyon sa problema natin sa sufferings ay natuklasan nating lalo pang nagpasama.

So, your response to sufferings matters. Hindi boses natin ang magsasabi sa atin kung ano ang dapat nating gawin. We don’t follow our heart in responding to sufferings. Hindi rin boses ng ibang tao ang dapat nating pakinggan at sundin. Hindi rin ang takbo ng mundo natin ang dapat nating sang-ayunan. Boses ng Diyos ang pinakamahalagang pakinggan natin, sang-ayunan at sundin in responding to sufferings.

Kaya dito sa 1 Peter 1:13-21, merong tatlong exhortations o responses na dapat meron tayo when life is hard. Sa first 12 verses, wala tayong nakita kahit isa man lang salita na pa-utos ang dating (imperatives). Puro statements of truths about God, yung mga plano, yung mga pangako niya, yung ginawa niyang pagliligtas. And realities about our Christian experience of joy in the midst of sufferings (indicatives). Kasi yung gospel truths na yun ang pinakamahalaga at dun dapat naka-anchor yung responses natin sa suffering.

So, anu-ano yun? How do we respond in times of suffering? O anong klase ng buhay ang dapat makita sa ating mga Cristiano na iba sa mga tao sa mundong ito when faced with difficulties? Merong tatlo dito sa teksto natin. But Peter will say more sa mga susunod pa.

Three responses when life is hard

Hope-filled life

Sabi ni Peter sa verse 13, “Set your hope fully on the grace that will be brought to you at the revelation of Jesus Christ.” Sa MBB, “…lubos na umasa sa pagpapalang tatamuhin ninyo kapag nahayag na si Jesu-Cristo.” Kung saan mo ikinakabit ang pag-asa mo ay mahalaga. Where you bank your hope matters. Kung sa pera, mawawala rin. Kung sa asawa, magbabago rin. Pero ang biyaya ng Diyos na nasa atin, hindi magbabago. Yun ang asahan natin. Yun ang naranasan na natin. “His great mercy” (v. 3). In one sense tinanggap na natin ang lahat ng pagpapala ng Diyos (Eph. 1:3). But in another sense, hinihintay pa nating matanggap ang lahat ng pagpapala ng Diyos. Yun yung future grace na tinutukoy sa “on the grace that will be brought to you at the revelation of Jesus Christ.” Yung mga sufferings ngayon nagpapaalala na this earth is not our home. That Jesus is coming back (“revelation of Jesus Christ”). We will see him face to face.

That’s our hope. Paulit-ulit na itong sinabi ni Pedro: “to a living hope” (v. 3); “to an inheritance” (v. 4); “for a salvation ready to be revealed in the last time” (v. 5); “may be found to result in praise and glory and honor at the revelation of Jesus Christ (same exact phrase!)” (v. 7); obtaining the outcome of your faith, the salvation of your souls” (v. 9). These remind us na yung best life natin ay hindi ngayon sa mundong ito; but later, in the future, when Jesus returns.

So, the way we must respond to suffering is not by dwelling on our past experiences of abuse or neglect, not by focusing our minds on our present troubles, but by looking forward with hope to our future with Jesus. The more sufferings we experience, the more na masusubok kung saan nakakabit ang pag-asa natin. May mga times na matibay ang pag-asa natin, may mga times naman na marupok. Pero sabi ng salita ng Diyos, “Set your hope fully…” Or sa King James, “hope to the end.” Bakit? Dahil ang biyayang tatanggapin natin sa araw na yun ay buung-buo, garantisado.

Holiness-pursuing life

Sabi ni Pedro sa v. 15, “But as he who called you is holy, you also be holy in all our conduct.” Kapag stressed tayo, or lonely, or hurt, bumabalik tayo sa mga default responses natin noong wala pa yung Holy Spirit sa atin, nung panahong hindi pa natin kilala si Cristo. Yung iba sa atin ang default response ay porn, o over-eating, o paninirang-puri. Kaya reminder ni Peter sa atin sa verse 14, “…huwag kayong padadala sa masasamang hilig ninyo noong hindi pa kayo nakakakilala sa Dios.” Yung “padadala” sa MBB ay “umayon”, sa ESV ay “conform” (na ginamit din sa Rom. 12:2). Ibig sabihin, wag tayong pahuhulma, o pahuhubog o babalik sa nakagawian natin noon.

Iba na tayo ngayon. Binago na. Ibinukod na tayo ng Diyos. Tinawag na tayo ng Diyos, “as he who called you is holy…” Iniligtas na tayo ng Diyos. Anak na tayo ng Diyos. “Bilang masunuring mga anak…” Kung ang Diyos natin ay banal, walang kapintasan, mapagmahal, maawain, mapagpatawad, like Father like children. Hindi lang ‘pag Sunday mukha tayong mga santo at mga santa, ke-babait, laging nakangiti. Pero pagdating sa bahay, ang salita mo ba sa asawa’t mga anak mo ay may kabanalan at pagmahahal? “Be holy in all your conduct.” Yes, we cannot be perfectly holy like God in this life. But that is our pursuit, that is our goal sa bawat bahagi ng buhay natin.

Kaya nga ginamit ni Peter yung paulit-ulit na command ng Diyos sa Leviticus: “…since it is written, “Be holy, for I am holy” (Lev. 11:44-45; 19:2; 20:7). And when you look at Leviticus, mapapansin mo na may mga utos sa kanila kung paano mamuhay na naiiba or set apart (yun naman ang primary sense ng “holy”) from the idol-worshipping nations na makakasalamuha nila pagdating nila sa promised land. At ang mga utos na ito ay may kinalaman hindi lang sa pagsamba sa Diyos, kundi pati sa relasyon sa asawa, sa sexual relations, sa pagpapalaki ng anak, sa pagtrato sa magulang, sa pagtulong sa kapwa, sa pagtatanim, sa pagpapagawa ng bahay. Holiness affects every area of our life. We are saved by God wholly for God. Tulad ng Israel, iniligtas tayo ng Diyos so that we will be God’s “holy nation” (Exod. 19:4-6; 1 Pet. 2:9-10).

So, if you compare your life now to your life then, meron ka bang nakikitang obvious transformation? O pareho lang? Oo nga’t nagkakasala pa rin tayo, pero we make progress in holiness, because we pursue holiness. Dahil ‘yan ang gusto ng Diyos at nakalulugod sa kanya.

Honor-giving life

Sabi ni Pedro sa v. 17, “Conduct yourselves with fear…” May takot. Ano’ng ibig sabihin? Totoo nga na tayong mga makasalanan ay dapat matakot sa Diyos. Bakit? Kasi we cannot make excuses sa mga ginagawa nating kasalanan. Hindi natin pwedeng sabihing, “Siya kasi. Mahirap kasi ang buhay. Pressured ako kaya ko nagawa yun.” We are responsible in living holy lives. Dapat tayong matakot kasi, sabi niya sa simula ng v. 17, “Walang pinapaboran ang Dios. Hinahatulan niya ang mga tao ayon sa gawa ng bawat isa” (ASD). Bawat isa sa atin haharap sa paghuhukom ng Diyos sa pagbabalik ni Cristo. And it will be a terrible day of judgment kung wala kang relasyon kay Cristo. O kung sinasabi mong Christian ka pero ang buong buhay mo ay nagpapatunay na di naman totoo na tinanggap mo ang kaligtasan.

Pero kung ikaw ay nakay Cristo, you don’t have to have that kind of fear. Hindi na tayo natatakot na parusahan ng Diyos. There is now no condemnation in Christ (Rom. 8:1). Pero dapat pa rin tayong matakot sa Diyos. Matakot na ano? Matakot na makagawa ng mga bagay na hindi nakalulugod sa kanya. We live our lives to give honor to our Father. Kaya ang translation sa Tagalog, “igalang n’yo siya…” Kaya kung tinatawag nʼyo siyang Ama kapag nananalangin kayo sa kanya, igalang nʼyo siya habang naninirahan pa kayo sa mundong ito.” Tinawag na niya tayong mga anak. Tinatawag natin siyang Ama: “Our Father in heaven.” This is about giving honor to God our Father. In times of suffering, yes we pray and ask God for help. Kinikilala natin siyang Ama sa mga panalangin natin. Kinikilala din dapat natin siyang Ama na ginagalang sa bawat bahagi ng buhay natin.

“Habang naninirahan pa kayo sa mundong ito.” Sa ESV, “throughout the time of our exile.” Yun ang tawag sa atin ni Pedro, “elect exiles” (v. 1). Exiles, hindi tayo tagarito. We belong to God and his kingdom. We live for God and his kingdom. Hindi pangalan natin, o gusto natin, o ambisyon natin ang mahalaga, kundi ang karangalan, kalooban at kaharian ng Diyos ang pinakamahalaga. This is why we live. Maaaring alam ng mga friends mo sa Facebook ang mga pinagdadaanan mo ngayon, pero yung mga responses mo ba ay nagbibigay ng testimony na ang tiwala mo, pagsunod mo, buong buhay mo ay para sa Diyos?

A battle of the mind

Mahirap ang buhay natin araw-araw. So, challenging din kung paano tayo magkakaroon ng hope-filled, holiness-pursuing, honor-giving lives. Kailangang paghandaan natin ‘to. Kailangang masanay tayong mabuti tungkol dito. Kailangang sandatahan natin ng tamang armas ang sarili natin para sa labang ito. Go back to verse 13, actually dito nagstart yung sinasabi niya bago pa siya magbigay ng first exhortation: “Preparing your minds for action, and being sober-minded….” Although sa Tagalog translation, it looks life as if ito yung first commands niya, sa literal ito ay hindi pautos, kundi nag-iindicate kung paano o ano ang paraan para magawa natin ang mga ipinapagawa sa atin ng Diyos.

Magkakaroon tayo ng mas matibay na pag-asa, mas makapamumuhay tayo nang may kabanalan at nagbibigay-karangalan sa Diyos kung tama ang ikinakarga o ginagasolina natin sa isip natin. Literally, yung paghahanda ng isip ay “girding up the loins of your minds” tulad sa King James. Yung figure dito ay tulad ng isang lalaki nung panahon nila na mahahabang parang saya ang suot pang-ibaba, tapos dali-daling iniaangat at tina-tuck-in sa belt yung laylayan para makagalaw nang mabilis at maayos (Expositor’s Bible Commentary). Dapat itong isip natin may motto tulad mga Boy Scouts, “Laging handa!” We must prepare our minds for battle.

Paano? By being “sober-minded.” Sa Tagalog, “mahinahon.” Yung “sober” ginagamit natin sa taong may matinong pag-iisip. Hindi lasing, hindi high sa drugs. Pwede nating punuin ang isip natin ng droga at alak ng mga kasinungalingan sa mundong ito. But it will not help us respond rightly sa suffering. Be careful what you feed your mind. Be careful what you believe. What you remember and call to mind.

Meron tayong sakit na spiritual amnesia. Alam naman na natin ang mga katotohanan ng salita ng Diyos. We already know the gospel, the grace of God in salvation. Yung ginawa ng Diyos, yung ginagawa ng Diyos at yung ipinangako pa niyang gawin. But we easily forget that in times of sufferings. Kaya bungad ni Peter sa v. 13, “Therefore…” Ibig sabihin, itong mga sinabi na niya sa verses 1-12, dito naka-angkla yung mga responses na dapat nating gawin. Because we are easily forgetful, kailangang matutunan natin yung practice of reminding ourselves and one another of the good news of the gospel.

Kailangan natin ‘tong gawin again and again and again and again. Kung nakukulitan kayo sa akin, okay lang. Because this is what we all need. Si Peter nga, kasasabi lang ng gospel sa vv. 1-12, pagdating sa vv. 18-21, ayun na naman. Bungad niya, “knowing…”, “alam naman ninyo” (ASD). Parang sinasabi niya, “Alam na ninyo ‘to. Pero kailangang ipaalala sa inyo. Kasi nakakalimutan n’yo. Kapag nawawalan ka ng pag-asa, you forget the gospel. Kapag bumabalik ka sa kasalanan, you forget the gospel. You need to feed your mind with gospel truths, ito ang ikarga mo, igasolina mo, hanggang magliyab ‘yan para sa Diyos.”

Remember your ransomed life

So, sinasabi dito ni Peter, as you suffer today, remember your ransomed life. “Alam naman ninyo kung ano ang ipinagtubos sa inyo…” (v. 18 ASD). Yung word na “ransom” o “pagtubos” ay nagpapaalala sa kanila ng image ng isang slave o kaya ay prisoner of war. Nagpapaalala ito sa atin ng dati nating kalagayan noong tayo’y nasa kasalanan pa at wala pa kay Cristo. Sa pagsulong natin sa buhay na puno ng pag-asa at kabanalan, mahalagang tandaan natin kung mula sa saan tayo tinubos o iniligtas, kung ano ang ipinangtubos sa atin at kung para saan tayo tinubos.

Ransomed from what?

“Alam naman ninyo kung ano ang ipinangtubos sa inyo mula sa walang kabuluhang pamumuhay na minana nʼyo sa mga ninuno ninyo…” (v. 18 ASD). Futile (ESV), vain, empty, useless, walang kuwenta. That is how we live then. Mayaman ka nga, pero dahil sa kasalanan, useless. Marami ka ngang achievements pero slave ka ng kasalanan, balewala lahat. Ang buhay na nakaayon sa mundong ito ay walang kabuluhan. Ito ang buhay na minana natin mula pa kina Adan at Eba, mula sa ating mga magulang. Like father, like son, Like mother, like daughter. At naranasan nating maalipin ng buhay natin noon, yung mga addictions natin sa kasalanan, yung feeling natin hanggang doon na lang tayo, wala nang magbabago, wala na tayong magagawa para makaahon sa putikan ng kasalanan. Tama ang estimate mo sa sarili mo kasi wala kang magagawa sa sarili mo. Pero kung hanggang ngayon ganun pa rin ang pag-iisip mo, you underestimate the power of the gospel. God’s grace can break the chains that bind you, heal you from the wounds of your former life, free you from habitual sins. At kung naranasan mo na na iniligtas ka ng Diyos mula sa dati mong buhay, bakit gugustuhin mo pa ring bumalik doon? If you are now free, why even go back to slavery. Para tayong mga Israelita. Iniligtas na nga ng Diyos mula sa Egipto, pero nung nahihirapan na sa paglalakbay sa disyerto, gusto nang bumalik. Nakalimutan mo na ba kung ano ang ginawa ng Diyos para palayain ka?

Ransomed by what?

“…Ang ipinangtubos sa inyoʼy hindi ang mga bagay na nawawala katulad ng ginto o pilak, kundi ang mahalagang dugo ni Cristo. Katulad siya ng isang tupa na walang dungis o kapintasan na inihandog sa Dios” (vv. 18-19 ASD). Para mapalaya ang isang alipin, kailangang meron siyang ibayad, o merong ibayad ang ibang tao. Sa pagkakaalipin natin, kahit ginto o pilak, kahit gaano pa kavaluable yun, useless pa rin in terms of saving us. No money in this world, nothing and no one can save us. Not even our own life can ransom another (Psa. 49:7-8).

Only Jesus’ life will suffice. Naparito siya para tubusin tayo (Matt. 20:28; Mark 10:45). We were ransomed “with the precious blood of Christ” (vv. 18c-19). Very costly ang ipinambayad sa iyo, napakadakila ng pag-ibig niya sa atin, bakit maghahanap ka pa ng iba, bakit babalik ka pa sa kalagayan mo dati. Meron bang mas qualified pa kaysa sa kaya? Meron bang magmamahal sa iyo nang higit pa kesa sa kanya? Siya lang ang walang kasalanan, siya lang ang matuwid, siya lang ang sapat na pambayad para sa mga kasalanan natin. “Like that of a lamb without blemish or spot.” Ipinapaalala nito ang kuwento kung paano naligtas ang mga Israelita. Merong nagbayad. Merong subsititute para sa kanila.

Sabi ng Diyos, icelebrate nila annually yung Feast of the Passover. Para ano? For remembering. Ang dami ng tupa na pinapatay para sa bawat pamilya, ang dami ng dugo na dumadanak sa buong Israel, nagpapaalala ng pagliligtas ng Diyos sa kanila. Pagdating nila sa promised lang, pagdating ng time of the judges hanggang sa mga hari, hanggang maalipin na ulit ang Israel ng Assyria, di nila ginagawa. Until na lang sa panahon ni Josiah, nang makita niya yung Book of the Law (2 Kings 23:21-23). No wonder, tumalikod sila sa Diyos, sumamba sa mga idols, sumuway sa mga utos ng Diyos. Because they forget what the Lord has done for them and why God rescued them. Na iniligtas sila para buong buhay nila ay maging para sa Diyos. Tayo rin…

Ransomed for what?

“He was foreknown before the foundation of the world but was made manifest in the last times for the sake of you who through him are believers in God, who raised him from the dead and gave him glory, so that your faith and hope are in God” (vv. 20-21). Pinili si Jesus, minahal ng Diyos, itinalagang Tagapagligtas, ipinadala sa mundo, pinatay sa krus, nabuhay na muli. The gospel is good news for us. For us who are suffering. To bring us to God. To gospel brings us to God. Even our sufferings gagamitin ng Diyos to bring us closer and closer to him.

So, don’t let suffering cause you to doubt God’s love for you. Dahil ikaw ay nakay Cristo na noon pa’y minamahal ng Diyos, his love for you is from everlasting to everlasting. Don’t let suffering make you believe that God is against you or has forsaken you. On the cross, Jesus cried out, “My God, my God, why have your forsaken me?” So that you will be accepted by God. Don’t let suffering make you doubt God’s promises. All of the promises of God are yes and amen in Christ. Don’t let suffering bring you down. Bumangong muli si Jesus mula sa mga patay, and you will rise with him. Don’t let suffering put you to shame. Jesus will return in glory so that you will receive “praise and honor and glory” (v. 7) with him. Don’t let suffering turn you away from God. Sa krus, Jesus was briefly separated from the Father that you will be reunited with the Father and spend all eternity with him.

Yan ang ipaalala mo at i-sermon mo sa puso mo in times of suffering. Don’t listen or follow your heart. Speak to it. Sabi nga ni Paul Tripp, wala nang mas makaiimpluwensya sa sarili natin maliban sa sarili din natin dahil walang kumakausap sa atin nang mas madalas pa kaysa sa sarili din natin. Kausapin mo ang sarili mo (wag ka lang magsalita nang mag-isa!). Tulad ng sumulat ng Psalm 42, kinausap niya ang sarili niya: “Why are you cast down, O my soul, and why are you in turmoil within me? Hope in God; for I shall  again praise him, my salvation and my God. My soul is cast down within me; therefore I remember you…” (Psa. 42:5-6).

Advertisements

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: