Part 3 – Our Suffering and the Risen Christ (1:6-9)

downloadmp3-icon

In a way, thankful ako sa Panginoon kasi merong Holy Week. Though misguided yung iba sa mga traditions na ginagawa pag Semana Santa, nakakatulong din ito sa maraming Christians, maraming mga churches to re-focus, to remember the gospel, to preach the cross and resurrection of Jesus. At siyempre, for our church, we don’t wait for Holy Week to do that. We have the Lord’s Supper, a visible demonstration of the gospel. We also have the preaching of the Word, the proclamation of the gospel.

As we resume our series on 1 Peter, dapat nating alalahanin na ito ay isinulat for the church na dumaranas ng iba’t ibang mga sufferings. Throughout this letter, ipinapaalala niya sa kanila na kung paanong si Jesus ay dumanas ng iba’t ibang mga paghihirap – rejected, betrayed, denied, wrongfully accused, sentenced to death, mocked, spit upon, scorched, nailed to a wooden cross, died – tayo rin na mga tagasunod niya ay daraan sa daang nilakaran niya (as we have seen last week sa Mark 8-10). Peter was reminding the suffering church of the gospel story. Kapag kasi nakafocus lang tayo sa mapait na bahagi ng kuwento ng buhay natin, we forget why Good Friday is “good.”

During that time, nalungkot siyempre ang mga disciples niya. Kasi nawala sa kanila si Jesus. Imagine yung sakit sa puso nila nang makita nila ang paghihirap ng kanilang Panginoon. AT baka parang mga nawalan nang pag-asa ang mga ‘yan nang mamatay ang inaasahan nila. Okay lang naman malungkot, umiyak, masaktan. Kaya sabi ni Peter sa verse 6, “You have been grieved by various trials.” Pero hindi tayo nawawalan ng pag-asa na para bang katapusan na ng mundo. Hindi tayo tulad ng mga tao sa mundong ito na sa mga sufferings na nararanasan nila, ang iba nagpapakamatay na, ang iba naglalasing at nagdodroga to escape their sufferings, ang iba parang kapit-linta sa isang maling relasyon.

Rejoicing in Suffering

Sa kabila ng maraming mga sufferings natin, we find reasons to rejoice. Because we really have reasons to rejoice. Verse 3, “Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ!” Praise is an expression of joy. Verse 6, “In this you rejoice…” Anong dahilan? Marami na siyang nabanggit sa first 5 verses pa lang. If you are a Christian, pinili ka ng Diyos (v. 1), minahal ka ng Diyos, tinubos ka ni Cristo, at pinababanal ka ng Espiritu (v. 2). Naranasan natin ang malaking awa ng Diyos, mula sa kamatayan, nagkaroon tayo ng bagong buhay (“born again,” v. 3), ibinigay sa atin ang buhay na pag-asa na balang-araw, meron tayong siguradong tatanggaping malaking mana (“inheritance,” v. 4), at iniingatan ng Diyos tayo ng Diyos para matiyak ‘yan (v. 5).

Dahil diyan kaya sinabi pa niya sa werse 9, “you…rejoice with joy that is inexpressible and filled with glory.” Ibang klaseng kagalakan ‘to. And he’s not talking about some future joy, though we will surely experience that. Hindi rin joy pag natapos na ang mga paghihirap natin (as if naman it will end in this life). He’s talking about joy in the here and now. Yes, sorrows will be turned into joy when we meet Jesus face to face. But our present sorrows can also be turned to present joys. Now. Kaya ang good news ng gospel ay hindi lang nakaraan na, hindi lang sa hinaharap, kundi good news para sa ngayon.

Here in vv. 6 and 9, Peter is not commanding us to rejoice. Tulad ni Paul, “Rejoice in the Lord” sa Philippians. It is a declaration of truth. Nagagalak kayo. Nararanasan n’yo ‘yan. Hindi natin pinipilit ang sarili natin o ang ibang tao to rejoice in sufferings. It happens to us. If you are a Christian, of course. Dahil ang tunay na kagalakan sa kabila ng mga paghihirap sa buhay ay mararanasan lang ng mga tunay na nakay Cristo.

Paano yun nangyayari? Kapag ang kuwento ng buhay mo ay nakapaloob sa Kuwento ng Diyos. Dito sa verses 3-9, merong dalawang bookends sa Story. Ang isa ay sa verse 3, “the resurrection of Jesus Christ.” Kung paanong si Jesus ay muling nabuhay, tayo rin ay nagkaroon ng bagong buhay, spiritually speaking, through the work of the Spirit in our new birth. Black Saturday is not the end of the Story. There is light because of Easter Sunday. We died with him, we rose to new life with him.

Ang isang bookend ng Story ay nasa v. 7, “the revelation of Jesus Christ.” Sa Greek ito ay apokalupsis, ibig sabihin, unveiling or disclosure. Tumutukoy ito sa pagbabalik ni Jesus, makikita natin siya nang mukhaan, physically. At kung paano siyang nabuhay muli bodily during the first Easter morning, tayo rin ay tiyak na muling mabubuhay physically. Our suffering now, and our death eventually, is not the end of our story.

So, we need to see the story of our Christian life with all its sufferings in light of God’s bigger Story. Paano ngayon tayo magkakaroon ng ganyang malinaw na pagtingin o pananaw? Tingnan natin ang tatlong aspeto ng buhay natin ayon sa Kuwentong patuloy na isinusulat ng Diyos.

I. Our Suffering (v. 6)

Ang unang aspeto ay makikita natin sa verse 6, at ito ay may kinalaman sa tamang pananaw sa sufferings natin. “In this you rejoice, though now for a little while, if necessary, you have been grieved by various trials…” Dapat nating makita nang malinaw na may magandang disenyo ang Diyos sa mga paghihirap na nararanasan natin ngayon. 

At bago mo makita kung ano yun, dapat mo munang ibukas ang mata mo sa realidad ng sufferings na nararanasan mo ngayon. Wag mong sabihing, “Wala naman akong sufferings ngayon. Pero kailangan ko pa ring pakinggan ‘yan to prepare me to face future sufferings.” Totoo namang gagamitin ni Lord ang mensaheng ito to prepare you. Pero tandaan mong this is also good news to you now, because you are suffering now. Huwag mong i-deny yung mga abuses or injustices na nararanasan mo. Huwag mo ring ismolin o i-minimize yung suffering mo kasi hindi naman cancer, hindi naman tulad ng nararanasan ng iba na grabe talaga.

Your suffering is real. Acknowledge it. Face it. Tulad ng sinasabi ni Pedro, “…though now for a little while, if necessary, you have been grieved by various trials.” Nararanasan mo kasi ngayon. Masakit. Malungkot. Lalo na kung hindi lang isa o dalawa kundi marami, sunud-sunod, parang hindi matatapos. It’s okay to cry. It’s okay na sabihin mong, “Hindi ko na kaya…” kaysa naman magtapang-tapangan ka o magpaka-martyr o magpaka-Superman/Wonderwoman.

Your suffering is not wasted. “…though now for a little while…” Sandali lang? Bakit ang tagal na, wala pa rin kaming anak? Bakit ang tagal na, hindi pa rin naaayos ang relasyon naming mag-asawa? Bakit ang tagal na, maysakit pa rin ang anak ko? Sandali lang kung ikukumpara ang 20 taon sa 20 bilyong taon at higit pa sa buhay na walang hanggang inilaan na ng Diyos para sa atin. Peter was not minimizing your suffering. Hindi niya sinasabi parang dadaan lang ‘to, parang commercial break lang, parang balewala lang. Kasi sabi niya kasunod, “though now, for a little while, if necessary…” Ang nararanasan natin sa buhay na ito ay may kinalaman sa buhay na darating for eternity. Kailangang mangyari. God is writing your story, and your cancer is a chapter in it, and also your troubled marriage, your scammed investments, and every suffering big or small.

Your suffering is not wasted. Meron itong mahalagang bahagi sa magandang plano ng Diyos para sa iyo. Kaya ang tawag dito ay “trials.” Sa Greek peirasmos. Dalawa ang pwedeng translations dito. Pwedeng temptations o mga tukso. From Satan’s perspective, tukso talaga ‘yan, tukso para ibagsak ang pananampalataya natin sa Diyos. But from God’s perspective, pagsubok, testing. Para patatagin, patibayin, panatilihin ang pananampalataya natin sa kanya. Yan ang disenyo ng Diyos na dapat nating makita. God is more concerned about your faith in him, than in your comfort, or in giving you a prosperous, successful, trouble free life.

Kailangan nating matutong maghintay sa gagawin pa ng Diyos. Kailangan nating matutong lalo pang magtiwala na meron nang ginagawa ang Diyos. Kailangan nating matutong magpasakop sa karunungan niya na alam niya ang kanyang ginagawa. Though we may not understand everything that is happening to us.

Sa susunod na aspeto, makikita natin kung ano ang ginagawa ng Diyos sa ating pananampalataya through our many sufferings.

II. Our Faith (v. 7)

Dapat nating makita nang malinaw na ang mga paghihirap na nararanasan natin ngayon ay dinisenyo ng Diyos para mahayag ang ating pananampalataya. “…so that the tested genuineness of your faith– more precious than gold that perishes though it is tested by fire– may be found to result in praise and glory and honor at the revelation of Jesus Christ.” Anu-ano ang ipinapahayag ng mga sufferings natin tungkol sa pananampalatayang meron tayo?

Sufferings reveal the genuineness of your faith. “so that the tested genuineness of your faith.” Marami kasing Cristiano lang sa nguso. O pang-Holy Week lang. O kung kumportable lang. Pero kapag mahirap na, when the going gets tough, ayan na, magkakaalaman na kung sino ang tunay at kung sino ang peke. Tulad ng sa parable of the soils ni Jesus. Yung isang lupa na nahagisan ng seed (Word of God) ay rocky ground. Tumubo nang kaunti. Pero nang mainitan na, nalanta na agad. Tulad ng mga taong nagsasabing disciples na sila, sabik na tinanggap ang Word of God, nagpabaptize din, nagpatuloy sa umpisa, pero nung dumating na ang mga pagsubok, wala na (Mark 4:16-17). Sa panahon ng pagsubok, malalaman mo kung ang panampalataya mo ay tunay.

Tulad ni Daddy noon. Nalugi ang business niya noon. Sinasabihan siya ng father niya na dahil nagpa-convert siya kaya nangyari yun. Pero hanggang ngayon, nananatili ang pananampalataya ni Daddy. Ganun din si Marvin. A week after his baptism, may bumangga sa sasakyan niya na nakamotor. Namatay. Na-detain pa siya. Nagbayad pa siya sa pamilya. Malaking pagsubok. Pero nananatili pa rin siya hanggang ngayon.

Sufferings reveal the preciousness of your faith. “more precious than gold that perishes though it is tested by fire.” Minsan kasi akala natin yung faith natin parang add-on lang sa buhay natin. Sasabihin natin, meron akong faith, meron din akong bahay, meron akong kotse, meron akong education, achievements at awards. Pero ang lahat ng meron tayo, lahat ng ipinagmamalaki natin sa mundong ito, mawawala. Parang ipa, kapag dinaanan ng apoy, tupok agad. Maglalaho. Pero ang ginto? Mas nakikita ang halaga kung dumadaan sa apoy. At sinabi ni Pedro na ang faith natin hindi tulad ng ginto, but more precious than gold. Dahil ang ginto at anumang yaman sa mundong ito ay maglalaho, pero ang pananampalatayang meron tayo ay mananatili. In times of sufferings, marerealize natin na yung mga bagay na pinahahalagahan natin ay di pala maipapantay sa pananampalatayang meron tayo.

Sufferings reveal the superior reward of your faith. “may be found to result in praise and glory and honor at the revelation of Jesus Christ.” Di man natin matanggap ang reward ng faith natin in this life (tulad ng heroes of faith sa Hebrews 11), but it will surely come. Yung praise and glory and honor na tinutukoy dito ay, I believe, hindi tumutukoy kay Cristo. Bagamat totoo namang sa pagbabalik niya, he will receive that. Para naman talaga sa kanya yun. Pero ang good news, we share in his praise, glory and honor. Pararangalan ka, papupurihan ka. Ibig sabihin, yung rejection na nararanasan mo ngayon, papalitan ng praise for all eternity. Yung abuses or shame or injustices ngayon, papalitan ng glory and honor for you for all eternity.

“So we do not lose heart. Though our outer self is wasting away, our inner self is being renewed day by day. For this light momentary affliction is preparing for us an eternal weight of glory beyond all comparison” (2 Cor. 4:16-17).

Dito sa pinag-uusapan natin about our “faith” mahalagang linawin na hindi ito tulad ng akala ng ilan na basta “think positive”: Gagaling ako, magiging successful ako, magiging okay din ang lahat. This is not just hoping for better days. Yun bang sasabihin mo, “Kapit ka lang, bes.” Kapit saan? Kapit kanino? Kahit kasi mga non-Christians merong ganyang klaseng faith. But for us Christians, hindi lang basta faith, but faith in Christ. Kay Cristo nakakapit, naka-angkla ang ating pananampalataya.

III. Jesus (vv. 8-9)

Ito ang pangatlo at pinakamahalagang aspeto na dapat nating makita nang malinaw. Dapat nating makita nang malinaw na sa panahon ng kahirapan, kawalan, at kalungkutan, walang makapapantay na anuman sa kayamanan, kasapatan, at kagalakang meron tayo kay Cristo. “Though you have not seen him, you love him. Though you do not now see him, you believe in him and rejoice with joy that is inexpressible and filled with glory, obtaining the outcome of your faith, the salvation of your souls.”

Hindi mo naman nakikita si Cristo. But you love him. Bakit? Because Jesus is lovely and more lovelier than all your earthly loves. Kapag nawalan ka ng isang mahal sa buhay, namatay o kaya’y iniwanan ka, siyempre malungkot, siyempre iiyak ka. Pero panandalian lang yun, kasi mapapalitan ng kagalakan kung maaalala mong ang pag-ibig ni Cristo ay higit pa sa pag-ibig ng asawa mo, ng magulang mo o ng anak mo sa iyo. At ito lang ang pagmamahal na mananatili. Forever.

Hindi mo naman nakikita si Cristo. But you trust him. Bakit? Because Jesus is trustworthy and more trustworthy than all your earthly hopes. Kapag nasunugan ka ng bahay, nawalan ka ng pera, nalugi ang negosyo, o na-scam sa investment, siyempre malungkot, siyempre nakakapanghina nang loob. Pero pananadalian lang yun, kung maaalala mo na yung security at kayamanan na meron ka kay Cristo ay higit pa sa maibibigay ng mundong ito. In him, you are secured forever.

Hindi mo naman nakikita si Cristo. But you rejoice with joy that is inexpressible and filled with glory. Masaya ka. At kapag tatanungin ka ng mga kumare mo, “Sis, bakit masaya ka pa rin sa kabila ng nangyari sa pamilya mo?” Hindi nila maintindihan. Kahit ikaw di mo rin maipaliwanag kung paanong nangyari yun. Ang dami mo nang dahilan to mag-quit, umayaw na, and just give up on God, pero you find more reasons to rejoice. Or, not reasons na plural, but Reason na singular. Your Reason is a Person. His name is Jesus. Kaya di maipaliwanag ang nararamdaman mo because Jesus is beyond comparison, beyond description. Mawala na ang lahat. Basta si Cristo ang meron ka, sapat na at higit pa.

Siya yung tinutukoy sa verse 9, “obtaining the outcome of your faith, the salvation of your souls.” Siya ang nasa atin na at makakamtan natin sa kanyang pagbabalik. He is the outcome, the telos, the goal, the end of our life. Wag mo siyang gawing means to an end. He is the End. He is the goal of our salvation. Hindi forgiveness, hindi heaven, hindi suffering-free life. Our soul, our heart, our life, lahat ‘yan ay nilikha para sa kanya. “You have made us for yourself, O Lord, and our heart is restless until it rests in you” (Augustine).

Conclusion

We need to see the story of our Christian life with all its sufferings in light of God’s bigger Story. Na itong mga sufferings na na-eexperience natin ay hindi aksidente, hindi rin hadlang sa katuparan ng layunin ng Diyos sa atin. In fact, they are God’s means to bring us to the goal of our salvation. Kung sa pamamagitan ng kalugihan o kawalan o kahirapan ay mas makikita natin si Cristo, at mas mapapalapit tayo sa kanya, walang sayang sa mga sufferings natin.

And yes, one day masisilayan natin ang ending ng Story. And sufferings in our story will also end. At the revelation of Jesus Christ (v. 7). The risen Christ will be the returning Christ. Ngayon we have not yet seen him. Pero on that day, you will see him face to face. You will see him face to face. Kung ngayon pa lang, “inexpressible and filled with glory” na yung joy natin sa kabila ng libu-libong mga sufferings na nararanasan natin, how much more that day! Multiply that joy a billion times. Can’t wait for that day, huh?

Advertisements

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: