Soli Deo Gloria Part 3 – All Nations for God’s Glory

Gospel Ambition: Deeper+Wider. Yan ang theme ng iDisciple Youth Leadership Camp na dadaluhan ng 30 youth natin sa Dec. 26-29 sa Baguio. I will also give one plenary message. Pray for us na itong mga kabataan natin ay mdfagkaroon ng mas mataas na ambition na nakasentro sa gospel, hindi sa pag-aaral, hindi sa relasyon, hindi sa sports, hindi sa kung ano pang hilig o pangarap nila. An ambition to grow deeper into the gospel and wider in the world. Actually hindi lang naman ‘yan para sa mga youth, even for adults, for all Christ-followers. Yan din naman ang sabi ni Paul sa Romans 15:20, “And thus I make it my ambition to preach the gospel…” (ESV). “Ang tanging nais koʼy maipangaral ang Magandang Balita…” (ASD).

1024px-Solid_color_You_Tube_logoGoogle-Drive-Download-Button

Lahat naman ng tao may ambisyon sa buhay. Kahit yung mga nagsasabing wala silang ambisyon, may ambisyon pa rin yun. Sa ating mga Cristiano, hindi pera, hindi pamilya, hindi posisyon sa trabaho, hindi kung ano o sino pa ang ambisyon natin. Dahil si Cristo at ang ginawa niya para sa atin ang pinakamahalaga para sa atin, ang lahat-lahat para sa atin, ang ambisyon natin ay ang makilala siya nang mas malalim pa at maipakilala siya nang mas malawak pa. Habang mas lumalalim tayo sa gospel, mas nakikita nating the gospel is the power of God not just for our salvation but for the salvation of many other people also.

Pero hindi ito automatic na nangyayari sa lahat ng Cristiano. Maaaring ito ang ambisyon ng church ninyo, o ng pastor ninyo, o ng magulang ninyo. Pero ito ba ang ambisyon mo? Masasabi mo rin ba tulad ni Pablo, “This is my ambition!” Hindi lang ito basta pangarap, hindi lang ito basta isang vision o pangitain sa nakikita mong mangyayari sa hinaharap. Hindi lang ito wishful thinking kung ano ang gusto mong mangyari in the future. This is not just a desire, but a strong desire na nagdadrive sa lahat ng ginagawa mo sa araw-araw. You consider it great joy and great honor to do everything, to exert every effort, to use your time, money, and all the resources you have to making it happen. Kahit na ibig sabihi’y magsakripisyo ka nang malaki, even if it means losing your life for it.

Motivation: The Gospel of the Glory of God

A great man of God died recently for this gospel ambition. Si RC Sproul. Maraming taon ang ginugol niya sa pag-aaral at pagtuturo ng salita ng Diyos na nakasentro sa kabanalan at kadakilaan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo. Para sa kanya ang gospel ay hindi lang mensaheng ating ituturo sa iba, ito rin ang motivation natin sa misyon natin sa buhay at sa iglesiya. Not to make more converts. Not to fill our churches with attenders. Not just to de-populate hell and populate heaven. We do everything in the presence of God and for the glory of God. The gospel is “the gospel of the glory of the blessed God” (1 Tim. 1:11); “the gospel of the glory of Christ, who is the image of God” (2 Cor. 4:4).

Ang heartbeat ni RC Sproul ay tulad din ng heartbeat ni Paul sa Romans 11:36, “For from him and through him and to him are all things. To him be glory forever. Amen.” Napag-aralan natin the last two Sundays na lahat ng ginawa ng Diyos sa kanyang paglikha at pagliligtas ay para lang sa karangalan ng kanyang pangalan, soli Deo gloria. At kung itong gospel of salvation ay nakabaon ng malalim sa puso natin, ang hangarin natin para sa karangalan ng Diyos ay lumalago. That is how we are being changed. Kung ang isip natin, ang puso natin ay nababago at nakikita na nating all of our life must be lived for the glory of God, this is our spiritual worship (Rom. 12:1-2), not just every Sunday morning.

Sabi ni RC Sproul: “We do not segment our lives, giving some time to God, some to our business or schooling, while keeping parts to ourselves. The idea is to live all of our lives in the presence of God, under the authority of God, and for the honor and glory of God. That is what the Christian life is all about.”

Every Christian then must have a gospel ambition for the glory of God. We proclaim the gospel for the glory of God. Because the gospel is for the glory of God. Ang pagparito ni Cristo ay para sa karangalan ng Diyos.

Dito sa iglesiya sa Roma, magkahalo ang mga Judio at mga Hentil. So difficult ang relationships sa loob ng Diyos. Kaya nagturo si Pablo sa kanila to “live in harmony with one another.” Para ano? To “glorify God” (Rom. 15:5-6). Na tanggapin ang isa’t isa tulad ng pagtanggap sa atin ng Panginoon. Para ano? “For the glory of God” (v. 7). Sa v. 8, sinabi niya kung ano ang ugat ng lahat ng ito: ang pagparito ni Jesus for the glory of God. “For I tell you that Christ became a servant to the circumcised to show God’s truthfulness, in order to confirm the promises given to the patriarchs.”

Ang Pasko, ang pagparito ni Cristo, ay para sa karangalan ng Diyos. Nagpakababa siya para maitaas ang pangalan ng Diyos. Para ipakilala na siya ang Diyos na totoo at tapat sa kanyang mga pangako kina Abraham, Isaac at Jacob. Nang mangako ang Diyos kay Abraham, “I will bless you” (Gen. 12:2), ang blessing na yun ay hindi material prosperity (bagamat kasama yun) tulad ng gamit natin sa word na blessing ngayon. Poverty or lack of stuffs hindi yan ang pinakamalaking problema natin, but broken relationship with God. Ang blessing na yan ay ang naibalik na relasyon sa Diyos, ang mailapit tayo muli sa Diyos. Jesus came that he might bring us back to God (1 Pet. 3:18). God is the gospel. Every Christian must have a gospel ambition for the glory of God because Jesus came and saved us for the glory of God. Salvation is for the glory of God, that is why our ambition is for the glory of God.

Gospel for “All the Nations”

But Paul is saying more than that. Tingnan n’yo ang verse 9, merong second purpose ang pagparito ni Cristo. “And in order that the Gentiles might glorify God for his mercy.” Glory of God pa rin. But not just for the Jews. Pati rin sa mga non-Jews, that is for the nations. Lahat ng lahi sa buong mundo ay nilikha ng Diyos para sa karangalan niya. Mula rin sa lahat ng lahi ay meron siyang ililigtas na marami para sa karangalan niya. Ang Pasko ay hindi lamang para sa mga Judio (in fact, they are not celebrating Christmas or worshipping Christ). Ito rin ay para sa mga Filipino at sa lahat ng lahi sa buong mundo. Dumating ang mga wise men from the east (Gentiles!) para sumamba kay Jesus (Matt. 2:1-2, 10-11). Sinabi ng anghel sa mga pastol na ang kapanganakan ni Jesus ay “good news of great joy that will be for all the people” (Luke 2:10). Pagkatapos merong angelic choir na nag-aawitan: “Glory to God in the highest, and on earth peace among those with whom he is pleased” (v. 14). Nakita ni Simeon ang sanggol na si Jesus na dinedicate ng kanyang magulang sa templo. Sabi niya sa prayer niya, “My eyes have seen your salvation that you have prepared in the presence of all peoples, a light for revelation to the Gentiles…” (vv. 30-32).

The gospel is for the nations kasi ang promise ng Diyos kay Abraham ay hindi lang “I will bless you,” kundi, “I will bless you…so that you will be a blessing…in you all the families of the earth shall be blessed” (Gen. 12:2-3). Iniligtas tayo ng Diyos hindi lang para magtipon sa lugar na ito sa pagsamba sa kanya at mamuhay para sa kapurihan niya. Iniligtas tayo para maging blessing sa iba, para dalhin ang Magandang Balita ng kaligtasan sa ibang mga tao, maging sa ibang mga lahi para sila rin ay lumapit at sumamba sa Diyos. “The gospel is the power of God for salvation…to the Jew first and also to the Greek (representing all other nations)” (Rom. 1:16). Our mission is not to make disciples but to “make disciples of all nations” (Matt. 28:19). Tinawag tayo ng Diyos na maging witnesses niya hindi lang sa Jerusalem at Judea (o sa lugar at kalahi natin), kundi hanggang sa Samaria (o sa ibang kultura na nasa bansa rin natin), and to the ends of the earth (Acts 1:8).

If our gospel is a message of salvation for all the nations, then our gospel ambition must be for the glory of God among all the nations. Sabi ni Steve Timmis, “Any gospel ambition has to be global.”

If you are embracing the five solas without active involvement in reaching the nations in various ways, you are not really being faithful to the spirit of the Reformation. Sa mga churches na hindi doctrinally sound, dapat ituro talaga itong five solas. Meron namang mga churches na doctrinally sound, Reformed in their theology, pero exclusive, sila-sila lang, and not reaching out to other churches, not reaching out to the lost, especially to unreached people groups. The five solas are not meant to produce big heads, but big heart for God, for the church, for the lost and for the nations.

Listen to how Paul introduced his letter in Romans 1:1-5 and how he talked about the gospel. “The gospel of God” (v. 1), from God, through God and to God. “which he promised beforehand through his prophets in the holy Scriptures (sola Scriptura), 3 concerning his Son, who was descended from David according to the flesh 4 and was declared to be the Son of God in power according to the Spirit of holiness by his resurrection from the dead, Jesus Christ our Lord (solus Christus), 5 through whom we have received grace (sola gratia) and apostleship to bring about the obedience of faith (sola fide) for the sake of his name (soli Deo gloria) among all the nations.”

God’s Plan for All the Nations

The glory of God among all the nations. Ito naman kasi ang plano ng Diyos sa simula’t simula pa. Kaya nagbigay si Paul ng four supporting Scriptures sa Old Testament. Yung verse 9 galing sa 2 Sam. 22:50 or Psa. 18:49, “As it is written, ‘Therefore I will praise you among the Gentiles, and sing to your name.'” Awit ‘yan ni David nang iligtas siya ng Diyos mula kay Saul. Ang pagliligtas ng Diyos aawitin niya to all the nations. Ang salvation para sa kanya hindi lang personal or local or national, but global!

Yung verse 10 naman galing sa Deut. 32:43, “And again it is said, ‘Rejoice, O Gentiles, with his people.'” Awit naman ito ni Moises para sa Israel, bago siya mamatay, at bago sila pumasok sa promised lang. Invitation ito not just for the nation Israel to rejoice. But for the other nations to rejoice in the Lord.

At hindi lang ilan sa mga bansa. But all the nations. Yun naman sa verse 11 galing sa Psa. 117:1, “And again, ‘Praise the Lord, all you Gentiles,and let all the peoples extol him.'” Pinakamaikling awit pero ang laki ng sakop ng call to worship. All you Gentiles! All the nations! This psalm is a small song with a big heart for all the nations.

Jesus came for all nations. He deserves the worship of all nations. Yan naman yung verse 12 na galing sa Isa. 11:10, “Sinabi naman ni Isaias, ‘Magmumula sa lahi ni Jesse ang isang mamumuno sa mga hindi Judio, at aasa sila sa kanya'” (ASD). Si Cristo ang nararapat sambahin ng bawat lahi dahil siya lang ang pag-asa ng bawat lahi.

Verses mula sa historical books, the law, the writings (Psalms), and the prophets ang ginamit ni Paul. Na para bang sinasabi niyang ang pagsamba sa Diyos ng lahat ng lahi sa buong mundo ang plano niya sa pagliligtas (redemptive history) sa simula’t simula pa. Kung ito ang plano ng Diyos sa simula’t simula pa, ito rin ang dapat na layunin ng buhay natin, ang misyon ng bawat iglesiya, ang ambisyon ng bawat Cristiano. “The ultimate purpose for mission is the glory of God, so that his name will be magnified among all peoples” (Tom Schreiner, New Testament Theology, 144). “Missions is not the goal of the church. Worship is. Missions exists because worship doesn’t” (John Piper, opening sentences of his book Let the Nations Be Glad).

Kung ito ang nasa puso ng Diyos sa simula’t simula pa, the worship of his name among all the nations, dapat ito rin ang nasa puso mo. If you have a gospel ambition for the glory of God among all the nations, magbabago na ang mga hangarin mo sa buhay. Hindi na ang yumaman o magkaroon ng maginhawang buhay, kundi ang mas makilala siya at maipakilala siya sa iba. Magbabago ang layunin mo sa pag-aasawa at pagpapalaki ng anak. Hindi lang para lumigaya at maging significant, kundi para ipakilala siya sa pamilya mo at mahubog sila para maipakilala din si Jesus sa iba. Magbabago rin ang attitude mo sa pag-aaral at trabaho. Hindi lang para kumita ng pera at masabing successful ka, kundi para maipakilala si Jesus to all the nations. Magbabago rin ang prayer life mo. You will pray more for the worship of God among all nations. Magbabago rin ang approach natin sa ministry sa church. We worship here so that the nations will worship. We make disciples locally so that we can make disciples globally. We plant churches among our own people so that we can plant churches to unreached people groups. We give our offerings faithfully and generously para ang ibinibigay natin ay magamit in making disciples of all nations.

Fuels for Gospel Ambition for the Glory of God among All Nations

Sana yan ang nasa puso nating lahat. At kung yan ang nasa puso na natin, we need fuel to keep that fire burning in your heart. Para kay Paul, we can identify at least three. Ang primary diyan ay ito:

The Worship of God. Worship is not just the goal but also the fuel for missions. Kumpletuhin na natin yung Romans 15:20, “I make it my ambition to preach the gospel, [where?] not where Christ has already been named.” Sa mga lugar na hindi pa naipapangaral si Cristo (ASD). O sa mga lugar na hindi pa sinasamba ang pangalan niya. Yan ang ambisyon niya because he is so passionate to magnify the name of Christ among all peoples. If your heart is burning in worship, your fire will bring the light of the gospel to the darkest places on earth. You cannot be a missionary or a “world Christian” if you are not a worshipper of Christ. Ang turing niya sa ministry niya ay not just work or task, but worship. Tingnan n’yo yung v. 16, hitik sa worship terminologies. Ang tingin niya sa sarili niya, “A minister (leiturgos) of Christ Jesus to the Gentiles.” Minister, diyan galing ang salita nating “liturgy” or order of worship service. Ang paglilingkod niya sa mga tao ay pagsamba sa Diyos. “In the priestly service of the gospel of God.” Tulad ng isang pari na inihahandog ang mga Gentiles as an offering. Yung buhay nila na nakasuko na kay Cristo ay handog na katanggap-tanggap sa Diyos. Ang pagmimisyon at pagsuporta sa mga nagmimisyon ay overflow ng isang pusong sumasamba sa Diyos. It is not a mere project or event or task. It is worship. If they are not worshipping God, it means they are worshipping something else. So nagmomotivate din kay Paul ay ito:

A world in need of God. Nagpupunta siya sa mga lugar na di pa naipapangaral si Cristo dahil alam niya sa puso niya na ang mga taong ito ay mapapahamak at walang ibang pag-asa maliban kay Cristo. Kaya ang priority niya, and this must be the priority of the church today, ay yung mga lugar kung saan di pa kilala si Cristo o wala man lang makapagpapakilala sa kanila. Ang tawag sa kanila ay “unreached people groups” (UPGs). Pagdating sa missions, begin thinking not in terms of countries like Philippines or Thailand, but in terms of people groups (or ethne, “nations”, “lahi”) like Tagalog, T’boli, Maguindanao sa Philippines and Isan sa Thailand or Khmer sa Cambodia. Ayon sa peoplegroups.org, merong 11,744 people groups in the world (sa joshuaproject.net 16,833 dahil may duplication ang isang people group in different places). Merong 7,039 unreached, technically less than 2% ang Christians o wala pang viable na church na may kakayahang i-evangelize ang sarili nilang people groups). Sa mga unreached, merong 3,176 unengaged, meaning, walang evangelical group na nagpupursue sa kanila para abutin sila. Ibig sabihin, hundreds of millions ang mga taong going to hell, without God, without hope, without joy, at wala man lang opportunity to hear the gospel of salvation!

At ano ang acceptable excuse na meron ang church ngayon? Wala! Kung merong 550 million evangelical Christians around the world (Operation World 2015), ibig sabihin merong 78,000 Christians in 900 churches ang available para magtulung-tulong to reach isa man lang dun sa mga unreached na yun. Sa Pilipinas pa lang, 12 million evangelicals na, merong 66,000 churches. Nananatiling nasa kadiliman ang maraming mga tao dahil maraming mga Cristiano ang nananatiling makamundo at makasarili ang ambisyon. Oh, may the worship of God and a world in desperate need of God fuel our heart to have a gospel ambition for the glory of God among all the nations!

Hindi pa tapos ang misyon. But this is finishable. Kaya nga sa mga napuntahang lugar ni Paul sinabi niyang “I have fulfilled the ministry of the gospel of Christ” (v. 19). “Natapos ko na ang mga gawain ko rito” (v. 23). Hindi ibig sabihing na-evangelize na lahat. Pero meron nang naitanim na iglesiya na merong mga leaders at mga nasanay na mga Christians para ipagpatuloy ang gawain. So we need to make sure na yung natitirang 7,000 UPGs ay ganun din ang mangyari. Nasaan ang garantiya na matatapos ‘yan? May gagawin tayo, oo. But our confidence is in…

The Word of God. Sabi ni Paul sa verse 21, “Sinasabi sa Kasulatan (galing sa Isa. 52:15), ‘Makikilala siya ng mga hindi pa nasasabihan ng tungkol sa kanya. Makakaunawa ang mga hindi pa nakakarinig.'” God is faithful to his Word, and he is powerful to complete it. Siguradong mangyayari iyan. Darating ang araw na lahat ng dako ng mundo ay makakarinig sa pangalan niya at sasamba sa kanya, “Sapagkat magiging laganap sa buong mundo ang pagkilala sa Panginoon katulad ng karagatan na puno ng tubig” (Isa. 11:9; also Hab. 2:14). Nagiging laganap na nga! Ang bilis ng pagdami ng mga Christians sa Nepal. Ang bilis ng church-planting movement sa China. Thousands of Muslims in the Middle East are turning to Christ everyday! Sabi ni Jesus, “And this gospel of the kingdom (that we are justified by grace alone through faith alone in Christ alone for the glory of God alone) will be proclaimed throughout the whole world as a testimony to all nations, and then the end will come” (Matt. 24:14). The end will come kung patuloy tayong mananalangin, magbibigay, hahayo at magpapadala ng mga misyonero hanggang sa dulo ng mundo, if more Christians and more churches will have a gospel ambition for the glory of God among all the nations. At sa pagbabalik ni Cristo, makikita natin (makakasama natin!)

ang napakaraming tao na hindi mabilang sa dami. Nagmula sila sa lahat ng bansa, angkan, lahi at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Tupa. Silang lahat ay nakadamit ng puti at may mga hawak na palaspas. Sumisigaw sila nang malakas, “Purihin ang Dios na nakaupo sa trono, at purihin din ang Tupa dahil iniligtas nila kami sa kaparusahan!” Tumayo ang mga anghel sa palibot ng trono, ng mga namumuno, at ng apat na buhay na nilalang. At lumuhod sila sa harap ng trono at sumamba sa Dios. Sinabi nila, “Amen! Ang Dios natin ay dapat purihin, sambahin, pasalamatan at parangalan. Nalalaman niya ang lahat, at nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan at kalakasan. Purihin siya magpakailanman! Amen” (Rev. 7:9-12)!

Soli Deo gloria!

 

Advertisements

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: