Part 8 – Fighting Well

istock_000011553872small

Sa sermon series natin na #MayForever, pinag-uusapan natin ang tungkol sa relasyon. At siyempre, madalas napag-uusapan ang tungkol sa relasyong mag-asawa. Tama lang, dahil ito ang pinakamalalim na relasyon sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Sa mga tulad ko na may asawa, this sermon is especially for you. O kung single ka, para rin ito sa ‘yo para mapaghandaan mo kung loobin ng Diyos na mag-asawa ka. Makakatulong din ito para maipagpray mo at matulungan ang mga magulang mo o ang mga kasama natin sa church na married couples.

Siyempre, ang text na babalik-balikan natin ay ang Ephesians 5:22-33. At malinaw sa text na yan na ang asawang babae ay dapat na magpasakop sa pangunguna ng kanyang asawang lalaki. “Wives, submit to your own husbands…wives should submit in everything to their husbads” (vv. 22, 24). At ang mga lalaki naman ang dapat na maging tagapanguna sa kanyang asawa, with humble, loving, and sacrificial leadership. “The husband is the head of the wife” (v. 23). Hindi ito abusive at domineering leadership. It is characterized by love. Kaya tatlong beses inulit yan sa text na yan. Mga lalaki, isaksak natin sa isip natin ‘to: “Husbands, love your wives…husbands should love their wives…let each one of you love his wife…” (vv. 25, 28, 33). Kailangan ng asawa natin na maramdamang tunay ang pagmamahal natin sa kanila. Tayo namang mga lalaki, it is very important for us na tratuhin tayo with respect ng ating asawa. Kaya sabi sa mga babae, “…let the wife see that she respects her husband” (v. 33; cf. 1 Pet. 3:2).

Submission and leadership. Love and respect. Yan ang mga dapat na nakikita sa relasyon ng mga mag-asawang nakay Cristo. For marriage is a mirror or a reflection of the relationship of “Christ and the church” (v. 32).  Kaya paulit-ulit ding binibigyang-diin ni Paul sa text na ‘to na “Christlikeness” should characterize our marriage. Paano dapat magpasakop ang babae sa kanyang asawa? “Gaya ng pagpapasakop n’yo sa Panginoon…kung paanong nagpapasakop ang iglesya kay Cristo” (vv. 22, 24). Paano dapat manguna ang asawang lalaki? “Tulad ni Cristo na ulo ng iglesya” (v. 23). Paano tayo dapat magmahal sa ating asawa? “Tulad ng pagmamahal ni Cristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya” (v. 25). Paano natin dapat tratuhin ang ating asawa? “Tulad ng ginagawa ni Cristo sa iglesya” (v. 29 MBB). Ganyan ba ang masasabi natin sa relasyon natin sa ating asawa?

Mahirap. I get it. Kasi makasalanan ang asawa mo, mahirap mahalin, mahirap magpasakop sa kanya. Mahirap dahil makasalanan ka rin. Marriage is a union of two sinners, selfish sinners. So, conflicts are inevitable. Kung single ka, i-expect mo na ‘yan. Kapag nakikita mong nag-aaway ang parents mo, don’t say, “Kapag ako nag-asawa, di ko gagawin ‘yan.” Di maiiwasan ang pag-aaway, pagtatalo, di pagkakasundo. Pero maging ang mga ‘yan ay ginagamit ng Diyos to sanctify us in marriage. Marriage is a great sanctifier. Of course, it is the Spirit who is at work to sanctify us. Ito rin naman ang purpose ng Panginoon para sa iglesya, para sa kanyang asawa, para sa ating lahat na nakay Cristo, “that he might sanctify her…that she might be holy…” (vv. 26-27).

Noong bago akong pastor, kapag may mag-asawa na lalapit sa akin at magsasabi ng problema ng relasyon nila, lalo na kung paulit-ulit, nalulungkot ako. Pero ngayon, I rejoice with them at sinasabi ko yun sa kanila. I rejoice kasi alam ko na kapag may problema ang mag-asawa sa relasyon at lumapit sila sa akin for counseling, ibig sabihin inaamin nilang kailangan nila ng tulong, kailangan nila ang Diyos sa relasyon nila. Conflicts are a good opportunity to make us grow more and more to be like Christ. Kaya kung nakakabalita kayo ng mga problema ng mag-asawa, wag kayong matatakot mag-asawa. Mas makikilala mo nga ang sarili mo nang mas mabuti kung ikaw ay married. You will see the sins remaining in your heart that you have to deal with.

Remaining Sins

Alam mong nakay Cristo ka na, at dapat mamuhay na tulad ni Cristo. Pero sa relasyon mo sa asawa mo, ipapamukha sa iyo ng Diyos how far you still are in being like Christ. Oh, that was a painful realization for me. Na makita ko sa puso ko na malayung-malayo pa sa pagiging tulad ni Cristo. Pero alam ko na I’m in the right direction. Merong progress. Kaya ang paalala ni Paul sa mga Christians sa Ephesus at sa atin ding lahat ngayon, “…you must no longer walk as the Gentiles do…” (4:17). We are to “put off the old self” and “put on the new self” (vv. 22, 24).  We are “to be renewed…created after the likeness of God” (vv. 23-24). Ito ang tinatawag na “sanctification” sa buhay Cristiano. Iniligtas tayo ni Cristo hindi lang para patawarin ang mga kasalanan natin at dalhin tayo sa piling niya sa langit. Iniligtas tayo para isa-isang patayin ang mga natitira pang kasalanan sa puso natin at hubugin tayong maging tulad ni Cristo. Unti-unti. Araw-araw.

Kaya dapat, nakakakitaan ng kabanalan ang relasyon natin sa ating asawa. Last week, naging focus natin ang sexual intimacy at sexual purity. Pero kung kabanalan ang pinag-uusapan, wag n’yong isiping this is just about our attitude toward sex. No! Totoong tinalakay din ‘yan ni Pablo sa 5:3-5. Na talikuran ang anumang kasalanang sekswal “dahil mga banal kayo” (v. 3). Because it is not “proper among the saints.” Sinners yes. But also saints. At di mo pwedeng sabihin na you are already holy dahil napagtagumpayan mo na ang mga sexual sins. Lahat ng uri ng kasalanan ang pinag-uusapan dito. At iisa-isahin natin ‘yan sa sinulat ni Pablo sa 4:25 hanggang 5:2. Titingnan natin kung anong kasalanan ang dapat nating hubarin at ano namang katangian ang dapat nating isuot. And also how the gospel motivates us or empowers us in this fight.

As we talk about this, remember: Kapag may away kayong mag-asawa, tandaan mong hindi ang asawa mo ang kaaway mo. Hindi siya ang dapat mong labanan. Your enemy is your sinful self. Kahit pa nasasaktan ka ng asawa mo, tandaan mong ang kasalanan sa puso mo ang dapat mong labanan at patayin. You will learn how to fight well when you learn how to fight against your real enemy. Sa halip na kayo ang mag-away, magtutulong kayong labanan ang natitira pang kasalanan sa puso n’yo. When you remember that, it will make a lot of difference in your marriage, and in all relationships for that matter.

Lying (4:25)

Verse 25, “Kaya huwag na kayong magsisinungaling (o “itakwil ang kasinungalingan.” Ang isang lalaki nagsisinungaling sa kanyang asawa dahil natatakot siyang harapin ang consequences ng kanyang kasalanan, o malaman ng asawa niya ang totoong kalagayan ng puso niya. Di man magsinungaling, ayaw namang sabihin kung ano ang totoo. Tatahimik lang.

Ituloy natin ang verse 25, “Ang bawat isaʼy magsabi ng katotohanan sa kanyang mga kapatid kay Cristo…” Nasasabi mo ba sa asawa mo kung ano ang totoo? O natatakot ka?

Ano’ng gospel motivation ang bigay ni Pablo? Actually sa verses 20-21 meron na, “Natutunan n’yo ang tungkol kay Cristo. Hindi ba’t alam na ninyo ang tungkol kay Jesus? At bilang mga mananampalataya niya, hindi baʼt naturuan na kayo ng katotohanang nasa kanya?” Jesus is the truth. We are in Jesus. So we speak the truth in love to one another (v. 15). We speak Jesus to one another.

Dito sa v. 25, may binanggit pa siyang dahilan, “…dahil kabilang tayong lahat sa iisang katawan.” Ang asawa mo, kung Christian siya, she is your sister. Kabilang kayo sa isang katawan. Show family love by confessing your sins. Show family love by rebuking her sins. Show love by speaking the gospel to each other. Di na kailangang magpanggap, malaya na tayong magpakatotoo. We show love and acceptance, not condemnation..

In my case, meron akong nailihim sa asawa ko na nagawa ko noong single pa lang ako. Nagdadahilan pa ako na baka mas masaktan lang siya, o baka mawala ang tiwala niya sa akin. Pero ang totoo, takot kasi ako na mareject. I need her acceptance. Pero God confronted me with the truth of the gospel. Ano man ang maging response ng asawa ko, I am fully accepted by God. Sinabi ko ang totoo. At sa response niya nakita ko ang pagmamahal at pagtanggap sa akin ng Diyos. Dahil secured ako sa pag-ibig ng Diyos, through the love of my wife, I can be honest din sa kanya pag may babae na nagtext sa akin at nagpaparamdam. Honesty, truth-telling guards our relationship. Pag ang ginawa mo o ginagawa mo ay nililihim mo sa asawa mo, ibig sabihin may mali kang ginawa o ginagawa. It is already a warning sign, pakinggan mo.

Anger (4:26-27)

V. 26, “Kung magalit man kayo, huwag kayong magkasala. At huwag nʼyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo.” Merong galit na hindi kasalanan, tulad ng galit ng Diyos. He is righteous and just. Pero aminin natin, much of our anger is unrighteous. Nagagalit ka sa asawa mo pag may ginawa siya na inaasahan mong di niya gagawin o pag may di siya ginawa na inaasahan mong gagawin niya. Kung isang beses lang, mapapalampas pa, pero kung paulit-ulit…ibang usapan na ‘yan. Ang galit ay natural na reaksyon sa kasalanan. Ok lang sana kung out of concern sa kalagayan ng asawa mo. But much of our anger is because we love ourselves too much.

You have to deal with your anger as soon as possible. Di dapat magtagal. Bakit? V. 27, “Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas.” Nagkakaroon ng lugar o espasyo ang diyablo para ikaw, ang asawa mo, at ang relasyon n’yo ay sirain niya. Naalala n’yo si Cain? Nagalit siya sa kapatid niya at sa Diyos. Sabi ng Diyos sa kanya, “Ang kasalana’y tulad ng mabangis na hayop na laging nag-aabang upang lapain ka. Nais nitong pagharian ka. Kaya’t kailangang mapaglabanan mo ito” (Gen. 4:7 MBB).

Kapag pinagtagal mo ang galit mo sa asawa mo, parang itinuturing mo na siyang kaaway. Tandaan mo, diyablo ang kaaway n’yo, kasalanan sa puso n’yo ang kaaway n’yo. Yan ang labanan n’yo, hindi ang isa’t isa. Narealize ‘yan ng isang babae na nagsabi sa akin tungkol sa kasalanan ng asawa niya. Sabi niya sa akin, “Pinaparealize sa akin ni Lord na si Satan ang kalaban ko, hindi ang asawa ko.”

Corrupting talk (4:29)

Kapag galit ka, at kaaway ang tingin mo sa asawa mo, gagamit ka ng panlaban. Wala ka mang kutsilyo o baril, pero nasa ‘yo ang armas na mas deadly pa kesa sa anumang physical weapon. Your tongue is deadly. Your word is powerful. It has the power to destroy your marriage. Sabi sa v. 29 (laktawan natin ang v. 28), “Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear.” Ang “masamang salita” na binabanggit dito ay “rotten, useless, corrupt” words. Parang nabubulok na basura, dahil sa baho ayaw mong maamoy, tinatakpan mo ang ilong mo. Merong mga salita na masakit pakinggan at gusto mo na lang na takpan ang tenga mo.

Masakit pakinggan ang katotohanan. Tama lang na yun ang sabihin mo sa asawa mo. Kung ano ang nagawa niyang kasalanan, sabihin mo. You will not help him by being quiet. Pero kung sa pagsasalita mo, nagsisimula ka nang atakihin siya, “Ganyan ka kasi, wala kang kuwenta, hayop ka, babaero ka, wala ka nang pakialam sa amin,” you are not helping him, you are destroying him. Pero kung ganito ang sasabihin mo, your words are communicating your desire to help him: “Nasaktan ako sa ginawa mong kasalanan. Pero mahal pa rin kita. Concern ako sa relasyon mo sa Diyos, sa marriage natin, sa family natin. Pagtulungan natin ‘to.”

Sasabihin ng ibang tao, your husband doesn’t deserve that. Yes, that is why it is called grace. “That it may give grace to those who hear.” Your received grace. You give grace. Grace will transform the way you speak to each other.

Grieving the Holy Spirit of God (4:30)

Nasaktan ka ng asawa mo. Sa loob-loob mo gusto mong gumanti. Para masaktan din siya. Pero kung sa pagsasalita mo, sinaktan mo ang asawa mo, hindi naman siya lang ang sinasaktan mo. Sinasaktan mo rin ang kalooban ng Espiritu ng Diyos na nasa ‘yo at nasa asawa mo. V. 30, “At huwag ninyong bigyan ng kalungkutan (sa MBB “saktan”) ang Banal na Espiritu ng Dios. Sapagkat ang Banal na Espiritu ang siyang tanda na kayoʼy sa Dios, at siya ang katiyakan ng kaligtasan nʼyo pagdating ng araw.”

Ang Espiritu na nasa ‘yo at nasa asawa mo (kung nakay Cristo kayo pareho) ang tanda na kayo’y pag-aari ng Diyos. You belong to God. She belongs to God. Kapag inaatake mo, sinasaktan mo, di mo pinapahalagahan ang asawa, ibig sabihin, kinakalaban mo rin ang Diyos. Tandaan mo, ang security mo, ang kinabukasan mo nakasalalay sa Diyos at hindi sa asawa mo. So you are now free to help each other, prepare each other for that day na makakasama n’yo ang Diyos sa kanyang kalangitan. Sinner siya, sinner ka, kailangan n’yo ang tulong ng isa’t isa, kailangan n’yo ang tulong ng Holy Spirit. Kaya nga bago yung section about marriage, sabi ni Paul, “Be filled with the Spirit” (5:18).

Bitterness, anger, etc (4:31-32)

Kailangan natin ang Espiritu para malabanan ang lahat ng natitira pang kasalanan sa atin. Lahat. Hindi tayo titigil hangga’t may natitira pang kahit isa. You cannot stay complacent sa marriage n’yo and just assume na everything is ok. Hangga’t may natitira pa ng kasalanan sa puso mo, the fight is not over. V. 31, “Let all bitterness and wrath and anger and clamor and slander be put away from you, along with all malice.” Be put away, na parang basura na umaalingasaw sa loob ng bahay at dapat itapon sa basuran at huwag nang ibalik pa.

Anu-ano ang itatapon? Bitterness, yun bang nakangiti ka nga, napapakisamahan mo siya, pero meron ka namang sama ng loob. Wrath , eto yung sama ng loob na sumabog na, lumabas na, kitang-kita na. Anger, uncontrolled na, gusto mo nang maghiganti, manakit. Clamor, sumisigaw ka na, nambubulyaw, masakit na sa tenga ang mga lumalabas sa bibig mo. Slander, galitang sa salitang tulad ng “blasphemy,” abusive na ang salita mo, ang sinasabi mo ay hindi na tungkol sa ginawa niya kundi sa buong pagkatao niya. Malice, yun bang wala ka ngang kibo pero sa puso mo nagbabalak ka o ang desire mo ay ang mapasama ang asawa mo.

Ano dapat ang papasukin sa bahay at hayaang humalimuyak sa relasyon n’yong mag-asawa? V. 32, “Be kind to one another, tenderhearted, forgiving one another, as God in Christ forgave you.” Kindness, a desire to do good and not bad to the other. Kahit may kasalanan sa iyo, pinagtitimpla mo pa rin ng kape. Tenderhearted, compassionate and merciful. This is from the heart, and you cannot fake it. Ito ay resulta o bunga ng Espiritu sa puso ng isang nakay Cristo. Forgiveness, it is an act of grace, a cancellation of debt, that you are no longer requiring payment or punishment. Na anumang kasalanan, kaano man kabigat, gaano man karami, ay hindi mo na sisingilin sa asawa mo, hindi mo na hahayaang humadlang sa relasyon nyo.

Your spouse doesn’t deserve it. Yes, that is why it is called grace. And grace is our motivation, “as God in Christ forgave you.” You deserve God’s wrath and anger. You got his kindness. Because of Jesus. You don’t deserve that. But God gave it to you. Ang pagtrato sa iyo ng Diyos ay hindi nakadepende kung ano ang deserving para sa iyo, kundi kung ano ang ginawa ni Cristo para sa iyo. Kaya ang pagtrato mo sa asawa mo ay hindi nakadepende kung ano ang ginawa niya o hindi niya ginagawa para sa iyo, kundi kung ano ang ginawa ni Cristo para sa iyo.

Walk in Love (5:1-2)

Kaya ang sukat ng pagmamahal mo sa asawa mo ay hindi rin nakadepende sa naisusukli niyang pagmamahal sa iyo. Kapag ganoon, we make our marriage a business contract, not a covenant. Kaya sabi ni Paul, “Therefore be imitators of God, as beloved children. And walk in love, as Christ loved us and gave himself up for us, a fragrant offering and sacrifice to God” (5:1-2). Nakadepende ang pagmamahal natin sa asawa natin sa pagmamahal ng Diyos sa atin. Siya ang sukatan, hindi ang asawa. Siya ang dapat nating tularan (4:24). There are times we feel like loving our spouse. May mga times naman na di natin feel. But love doesn’t depend on our feelings, or sa mood swings ninyo, o sa sitwasyon n’yo sa marriage. “Walk in love,” it is a lifestyle. Nagpapatuloy, hindi natatapos, hindi umaayaw. Kasi ganyan nagmahal ang Diyos sa atin. Itinuring niya tayong kanyang sariling anak at minahal nang lubos kahit na tayo’y mga nagrebelde sa kanya. Maging sarili niyang Anak na si Jesus ibinigay niya para sa atin. Inialay ang kanyang buhay bilang isang mabango at katanggap-tanggap na handog sa Diyos para sa atin na umaalingasaw sa baho dahil sa ating mga kasalanan.

We relate with our spouse and with other people out of our new identity. Nakadepende ang relasyon mo sa asawa mo kung saan nakatali ang identity mo. Kung sa pera ito nakatali, magiging overwork ka at wala nang panahon sa pamilya mo. Kung sa pagkakaroon ng anak ito nakatali, aawayin mo ang asawa mo at sisihin kung bakit wala pa rin kayong anak. Kung sa mga anak nakatali, mag-aaway kayo kung may isa o dalawa kayong anak na hindi napalaki nang maayos. Kung sa good image in front of other people, magkakaroon ka ng bitterness sa asawa mo dahil para kang nagiging tanga o walang kwentang asawa sa harap ng ibang tao. Kung sa mapait na karanasan noong bata ka, tingin mo sa asawa mo parang nanay mo o parang tatay mo, and you will fail to love each other as husband and wife.

Pero ang good news, hindi diyan nakatali ang identity mo. Ito ay nakatali sa Diyos – Ama, Anak, at Espiritu. Sa Diyos Espiritu, you are sealed. You belong to God, not to this world. It doesn’t matter kung ano ang meron ka o wala sa iyo, kung sino ang pumapansin at nagbibigay halaga sa iyo. Ang mahalaga ang Diyos ang nagmamay-ari at nagpapahalaga sa iyo. Sa Diyos Ama, we are God’s beloved children. Naabuso ka siguro o iniwanan ng tatay mo nung bata ka. But that is not your identity now. You are forever loved by your loving Father in heaven. Sa Diyos Anak, Christ loved us and gave himself for us. He gave his life, so that we may live a life fully pleasing to God. It doesn’t depend on the love you’re getting from your husband. You are first married to Christ.  Ang pag-ibig na kailangan mo para mahalin ang mga taong nagkulang ng pagmamahal sa iyo ay nanggagaling kay Cristo na kahit kailan ay di nagkulang ng pagmamahal sa iyo.

Gal. 2:20: I” have been crucified with Christ. It is no longer I who live, but Christ who lives in me…” It matters little whether you are single or married, happily married or unhappily married, still married or now separated. Ang mahalaga you are in Christ and nothing can separate you from his love. “…And the life I now live in the flesh [my married or single life] I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me.” Walang sinuman na magmamahal sa iyo at magbibigay ng kanyang sarili sa iyo na katulad ni Cristo. Yan ang asahan mo, hindi ang asawa mo o ang pangarap mong asawa.


Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s