Kulang sa Prayer? (Col. 1:9-14)

spiritual-drynessKulang tayo sa panalangin. Hindi lang ito sa mga bagong Christians, kundi sa marami sa atin na matagal na sa buhay Cristiano. Sabi nga ni Philip Yancey na pagdating sa prayer, “we are all beginners.” If we are honest, there is not much prayer going on in our lives.

Hindi natin masyadong naiisip ang ibang tao, hindi palaging sumasagi sa isip natin ang makinig sa Dios at kausapin siya. We would rather spend much time in front of the TV, checking our Facebook, surfing the Internet, playing games, working, sleeping, talking to others than pray.

At kung magpray man tayo, kadalasan ang prayer natin para sa sarili lang natin, para ibless ni Lord ang buhay natin, ang health natin, ang family natin, ang business natin. At kung magpray man tayo para sa iba, our prayers are not that biblical and God-centered. Kulang tayo sa panalangin, kaya nga ang least popular na activity sa church ay ang Prayer Meeting.

Heart Problem

Bakit ganoon? Dahil ba sobrang busy talaga ng buhay at wala tayong magawa para maiadjust ang schedule natin? Dahil ba we find it really boring at hindi kasing exciting ng ibang activities? Dahil ba hindi ka sanay at walang nagtuturo sa iyo? I believe na ang problema natin ay hindi schedule, hindi rin skills or experience. Ang problema natin ay ang puso natin. Kapag hindi tayo nananalangin, lalo na para sa ibang tao, nagpapakita ito ng…

1. Unbelief. May kinalaman ito sa attitude ng puso natin sa Dios. Di tayo naniniwalang sabik siyang makipag-usap sa atin. Di tayo naniniwalang kaya niya at gusto niyang baguhin ang puso ng sinumang pinagpepray natin. Di tayo naniniwala sa kabutihan, pag-ibig at kapangyarihan ng Dios na sumasagot sa panalangin. Ang tiwala natin nasa sarili natin o nasa ibang tao.

2. Pride/self-centeredness. Feeling natin kayang-kaya nating patakbuhin ang buhay natin. Konting pagsisikap lang at tiyaga mairaraos natin ang buhay natin. Bilib tayo sa sarili natin. At kung hindi man sa sarili, sa ibang tao tayo hihingi ng tulong sa halip na sa Dios. We don’t pray because we love ourselves too much.

3. Lack of love. Kung magpray man tayo para sa sarili lang natin. Kulang na kulang ang panahon at effort na inilalaan natin praying for others. Bakit? Kasi feeling natin mas importante ang pangangailangan natin kaysa sa iba. We don’t feel any concern sa kahirapan at mga struggles na pinagdadaanan ng mga kasama natin sa church. We become unloving kapag sinasabi nating wala naman tayong responsibility para sa ibang tao. So we don’t pray for others.

Kung mabalitaan man natin ang mga prayer concerns ng ibang tao, nakita mo siguro sa Facebook, o naitext sa iyo, o sumagi sa isip mo, tapos di ka man lang naglaan ng focused prayer para sa kanya, kasi tingin mo sobrang busy mo, pinapakita nito ang unbelief, self-centeredness, at lack of love sa puso mo. Ouch ba? Kasi totoo naman.

Ibang-iba ang response ni Paul. Kung matatandaan n’yo last week napag-aralan natin na itong si Pablo, di pa niya nakikilala talaga nang personal ang mga taga-Colosas. Nasa kulungan siya, di pa siya nakakapunta doon. Si Epaphras ang nagdala ng Magandang Balita sa kanila. At siya namang nagbalita kay Pablo kung ano ang magagandang nangyayari doon. Kaya naman nang mabalitaan niya iyon, nagpapasalamat siya sa Dios sa bunga ng Magandang Balita sa kanila na mas lalong tumitibay ang pananampalataya nila kay Cristo, at lalong umiinit ang pag-ibig nila para sa isa’t isa bilang isang pamilya ng Dios (1:3-4).

Maganda ang nangyayari sa kanila. So, pwedeng sabihin ni Paul, “OK na pala kayo. Good job! Di n’yo na kailangan ng tulong ko.” Pero hindi, kaya nga siya sumulat sa kanila kasi may mga concerns. Pero bago pa man siya sumulat, he was already praying for them. Verse 9, “Kaya nga, mula nang mabalitaan namin ang tungkol sa inyo, patuloy namin kayong ipinapanalangin” (ASD). Hindi niya sinabing, “Iba na lang ang ipagpepray ko ha, maiintindihan n’yo naman siguro iyon.” At hindi lang siya basta nananalangin, regular siyang nananalangin para sa kanila. Ang itinuturo niya sa atin na “Pray without ceasing” (1 Thess. 5:17 ESV) ay ipinamumuhay niya at nagbibigay siya ng magandang halimbawa para sa atin. Tayo bang mga leaders ng church, katulad ba tayo ni Pablo na nananalangin para sa mga church members natin? At masasabi ba natin sa kanila na tularan nila ang halimbawa natin pagdating sa prayer life (1 Cor. 4:16; 11:1)?

Bakit tayo dapat manalangin para sa iba?

Ituloy natin ang verse 9, “Hinihiling namin sa Dios na bigyan nawa kayo” (ASD). Sa NIV, “We continually ask God to fill you…” Bago natin talakayin ang laman ng prayer ni Paul para sa kanila, dito sa simula ng sinabi niya, mapapansin natin kung bakit siya nananalangin para sa kanila, at bakit ganoon din dapat tayo.

1. Kailangan nila. Kaya nga ang hiling ni Pablo ay bigyan sila ng Dios ng kailangan nila. O sa ESV, “that you may be filled…” Ibig sabihin, meron pang kulang sa kanila, hindi pa sila kumpleto. Akala ko ba ang title ng sermon series natin ay “Wala Nang Kulang”? Oo nga, dahil kay Cristo wala nang kulang, pero sa karanasan natin ng katotohanang iyan, di pa natin iyan lubos na nararamdaman, di pa iyan lubos na bumabaon sa puso natin. Patuloy pa rin ang laban natin sa kasalanan. Ang tinutukoy dito ay ang ating ongoing sanctification, ang proseso na nilalakaran natin para maging tulad ni Cristo. Di pa tapos iyan. Di pa tayo dumarating sa destination natin. None of us has fully arrived. Wala ni isa man sa atin ang completely mature na na hindi na natin kakailanganin ng prayer – kahit ako na pastor ninyo. Para tayong timba, may laman nang tubig iyan. Pero hindi pa puno, patuloy nating isasalok sa gripo, dahil naniniwala tayong sapat ang tubig na pinagmumulan nito para punuin tayo.

2. Sapat ang Dios. Nananalangin tayo, dahil anumang kakulangan sa atin at sa ibang tao, naniniwala tayong sapat ang Dios sa lahat ng iyon. At siya lang, wala nang iba ang makapagbibigay sa atin ng kailangan natin, ng lahat ng kailangan natin. Pansinin n’yo kung paanong inuulit-ulit ni Pablo ang salitang all, every, at fully. Malinaw ito sa ESV: “all spiritual wisdom and understanding” (v. 9); “fully pleasing to him (NIV, “please him in every way”), bearing fruit in every good work” (v. 10); “all power…all endurance” (v. 11). When we pray for others, we believe that only God can give us everything we need. So God is glorified in our prayers.

3. May responsibilidad tayo. Oo nga’t ang Dios ang gagawa noon, at kaya niyang gawin without our help. Pero niloob niya na gawin iyon sa pamamagitan natin, and our prayer as his instrument. Kaya sabi ni Paul, “Hinihiling namin…” Siya ang nananalangin. Parang tulay o water conduit, para ang gagawin ng Dios sa mga taga-Colosas ay dumaloy mula sa langit patungo sa kanila. We fulfill a priestly function when we pray for others. We imitate the ministry of Jesus as our Great High Priest. Kaya nga sa dulo ng prayer natin sinasabi natin, “In Jesus’ name.” At kapag siniseryoso natin ang prayer para sa iba, we are acting out of love for them. We are taking responsibility for the spiritual growth of others. Hindi na lang puro sarili natin ang iniisip natin.

Ito ba ang pinaniniwalaan mo? O hindi ka nananalangin para sa iba kasi di ka naman naniniwala na kailangan nila, sapat ang Dios, at may responsibilidad ka? Pero kung ito ang pinaniniwalaan mo – strong conviction in your heart – you will begin adjusting your prayer life, na di na pwedeng mawala sa prayer list mo ang ibang tao – your family, our church members and minstries, our missionaries, your unbelieving friends, and unreached people groups.

Anu-ano ang dapat nating ipanalangin para sa isa’t isa?

Kung babasahin natin ang laman ng prayer ni Paul para sa kanila sa verses 9-12, it is very obvious na ang prayer niya ay para sa kanilang spiritual growth, o heart transformation. Obvious din na ang prayer niya ay hindi para sa physical health nila, o sa success sa work or business, o sa pagkakaroon ng asawa o anak, o sa exams nila sa school. Oo pinagpepray natin iyan, at importante naman. But those things are not most important. Ang pinakamahalaga ay ang puso ng tao, ang paglago natin sa Christian life sa relasyon natin sa Dios at sa ibang tao. But when you assess ang mga prayer items mo o prayer requests mo, karamihan walang kinalaman sa personal spiritual growth. We are not praying according to his will, but according to our own will, kung ganoon. “This is the confidence we have in approaching God: that if we ask anything according to his will, he hears us” (1 John 5:14 NIV). Dito sa prayer ni Paul sa Colosas, anu-ano ang hiniling niya sa Dios para sa kanila na “according to his will”?

1. Na lumago sa pag-unawa ng kalooban ng Dios (v. 9). Hiling ni Pablo sa Dios na bigyan ang mga Colossian Christians ng “karunungan at pang-unawang mula sa Banal na Espiritu para lubusan ninyong malaman ang kalooban niya”; “to fill you with the knowledge of his will through all the wisdom and understanding that the Spirit gives” (NIV). Ito ang primary prayer item ni Paul. Lahat ng susunod na babanggitin ko ay nakapailalim dito o nagmumula dito. Ang salitang “knowledge” dito sa original (Gk. epignosis) ay nangangahulugang full knowledge or deep knowledge. Ito ang prayer ni Pablo dahil merong mga katuruang nagsasabi sa kanila ng mga bagay na kailangan nilang malaman para maging lubos ang religious experience nila. Pero kay Pablo, ang kailangan nilang malaman ay hindi kung anu-ano pa, kundi ang kalooban ng Dios. At ito ay tumutukoy hindi lang sa kung ano ang gusto ng Dios na gawin natin, kundi sa kung ano ang plano ng Dios na gawin at kung paano tayo makikibahagi doon.

At siyempre, ibig sabihin nito na nais ni Pablo na mas maging malalim at malawak ang pang-unawa nila sa Salita ng Dios, kasi doon naman natin matatagpuan kung ano ang kalooban niya. Pero hindi lang ito intellectual knowledge, but spiritual, yung galing sa Espiritu. Posible kasi na aral ka ng aral, marami kang alam, pero di naman bumabaon sa puso mo ang kalooban ng Dios. Iyon bang ang mangyari ay masasabi mo na na, “I delight to do your will, O my God; your law is within my heart” (Psa. 40:8 ESV) or “My food is to do the will of the Father” (John 4:34 ESV).

This knowledge is “through all the wisdom and understanding” – na ibig sabihin ay nailalapat sa buhay kung ano ang alam at pinaniniwalaan natin. Practical. Hindi lang intellectual. I pray for all of you na magkaroon kayong lahat ng pusong sabik na mag-aral ng Salita ng Dios, learners, sumisisid sa Salita ng Dios, at sabik na gawin kung ano ang kalooban niya.

2. Na lumago sa pamumuhay nang nararapat at nakalulugod sa Dios (v. 10). “Sa ganoon, makapamumuhay kayo nang karapat-dapat at kalugod-lugod sa Panginoon sa lahat ng bagay” (ASD); “…so that you may live a life worthy of the Lord and please him in every way” (NIV). This is the goal of his prayer, na hindi lang basta kaalaman, kundi merong pagbabago sa buhay. God’s will in the Word is given not for our information but for our transformation. Not just knowledge, but leading to a transformed life. Ang salitang “worthy” ay nagpapakita na dapat sang-ayon ang buhay natin sa pagkakaalam natin. Integridad ang pinag-uusapan dito. Maraming Christians malaki ang ulo, maliit naman ang puso. Maraming alam, di naman isinasagawa ang nalalaman.

Oo, dahil kay Cristo, we are well-pleasing to God. Pero tandaan natin na makagagawa pa rin tayo ng mga bagay na magugustuhan o di magugustuhan ng Dios. Huwag nating isiping magugustuhan ng Dios kung marami kang alam, nakapagtapos sa Bible school. Tapos di naman nakikita sa pamumuhay mo. Our goal is to please him in every way. Na lahat ng bahagi ng buhay natin ay nakaayon sa kalooban ng Dios. Kung dati, kung ano ang gusto mo, kung ano ang pangarap mo, kung ano ang trip mo yun ang nasusunod, ngayon hindi na. I pray for you, lalo na kayong mga bagong disciples, na maghari sa inyo ang bagong desires at motives na sumunod sa kalooban ng Dios sa lahat ng bahagi ng buhay, na ang hangarin n’yo na ay hindi ang i-please ang kung sinu-sino, kundi ang bigyang-lugod ang Dios.

Ano ang larawan ng buhay na pleasing sa paningin ng Dios? Iyon ang number 3 hanggang number 6.

3. Na lumago sa mabubuting gawa (v. 10). “…At makikita na lumalago kayo sa mabubuting gawa…” (ASD); “…bearing fruit in every good work…” (NIV). Malinaw sa Ephesians 2:8-10 na naligtas tayo hindi dahil sa mabuting gawa natin, kundi dahil sa biyaya ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya. Pero ang resulta ng kaligtasang natanggap natin ay ang paglago natin sa mabubuting gawa na inihanda na ng Dios noon pa man para sa atin. Dahil kay Cristo, may buhay na tayo. At ang bunga nito ay ang mabubuting gawa para tugunan ang pangangailangan ng ibang tao. Sabi nga ni Tullian Tchividjian, “God doesn’t need our good works; our neighbor does.”

Nagpasalamat na si Paul sa Dios dahil sa paglago ng mga taga-Colosas (v. 6), dito ang prayer niya ay patuloy silang lumago at magbunga. Na hindi na lang sarili nila ang iniisip, kundi kung paano makakatulong sa ibang tao. At yan ang prayer ko sa bawat isa sa inyo, na ang primary motivation n’yo sa pagpunta at involvement sa church ay hindi na “Mabebless kaya ako dun?” kundi, “Paano kaya ako magiging blessing, encouragement, at support para sa iba?” Kapag nangyari iyan, God is pleased kapag ang nagiging direksyon ng buhay natin ay outward, sa halip na inward.

4. Na lumago sa pagkakilala sa Dios (v. 10). “…At makikita na lumalago kayo sa mabubuting gawa at sa pagkakakilala sa Dios” (ASD); “…growing in the knowledge of God…” (NIV). Similar din dito ang prayer ni Peter sa dulo ng sulat niya, “But grow in the grace and knowledge of our Lord and Savior Jesus Christ” (2 Pet. 3:1 ESV). Hindi maraming doktrina ang sinasabi dito. Oo mahalagang alam natin ang mga katangian ng Dios, kung sino si Jesus, ang kadakilaan niya, ang mga gawa niya, kung sino ang Espiritu at ano ang ginagawa niya para sa atin. Oo, mahalaga iyon. But this prayer is not about knowing more about God, but knowing God deeply. Intimacy ang pinag-uusapan dito. The more we know him, the more we love him, the more his love overflow.

This is my prayer lalo na sa mga umaattend ng mga leadership training classes tulad ng Doulos School of Ministry. Nagkaroon na tayo ng Survey sa Old Testament, sa New Testament. Natapos na natin ang Basic Bible Doctrines. Marami na kayong alam tungkol sa Dios. My prayer is that you will be more intimate with God as a result. Kung hindi mangyari iyan, sayang lang ang mga marami mong alam. God is pleased not when we are spending a lot of time studying things about him, but when we are spending a lot of time enjoying him.

5. Na lumago sa pagtitiwala sa kalakasang galing sa Dios (v. 11). “Nawa’y palakasin niya kayo sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan, para makatagal at makapagtiis kayo sa lahat ng bagay nang may kagalakan” (ASD); “…being strengthened with all power according to his glorious might so that you may have great endurance and patience” (NIV). Mahirap ang buhay, lalo na ang buhay na nagpapasakop sa kalooban ng Dios. God doesn’t promise an easy life. Pero sa hirap ng buhay, natural sa atin na kakapit tayo, lalapit tayo, kukuha tayo ng lakas sa sarili natin o sa ibang tao, o sa experience natin, o sa skills natin, o sa kayamanan natin. Kaya ang prayer ni Paul, na maplease nila si Lord sa pamamagitan ng pagkapit sa lakas na nanggagaling sa Dios. “With all power according to his glorious might.” Wow! Yan ang available na tulong na kailangan natin. Yan din ang inaayawan natin kung sa iba tayo humihingi ng tulong.

Sa ESV, “for all endurance and patience with joy.” Madaling magtiis kung magtitiis lang. Madaling magtiyaga kung magtitiyaga lang. Pero hindi iyan ang nais ng Dios sa atin. Hindi ang makaraos lang sa araw-araw, hindi ang malagpasan lang ang mga pagsubok sa buhay. But to go through life, even in hardships, with joy. Kaya yan ang prayer ni Paul. Kasi imposible sa atin iyan. Hindi natural iyan. Galing sa Holy Spirit yan (Gal. 5:22-23). Yan din ang prayer ko sa inyo. Alam ko marami sa inyo ang dumaraan sa kung anu-anong trials – may health problems, may problema sa asawa, may financial difficulties, may pressures sa work at sa business. Tapos sa loob-loob mo, “Hanggang kelan kaya ito? May katapusan pa ba ‘to?” Ang prayer ko, magkaroon kayo ng attitude na hindi takasan ang pagsubok at hirap ng buhay kundi maging matatag na harapin ito nang may kagalakan, na narerealize na wala sa mga bagay na iyan ang satisfaction at treasures natin, kundi nasa Dios lang sa pamamagitan ng Panginoong Jesus na nasa atin.

6. Na lumago sa pasasalamat sa Dios (v. 12). “At [nang] makapagpasalamat din kayo sa Ama.” Again, hindi rin ito natural sa atin. Kapag may mga problema, natural sa atin ang magreklamo, mag-alala, mawalan ng pag-asa. Kapag maganda naman ang nangyayari, natural sa atin ang kuhanin ang credit o papuri para sa sarili natin. “Ang galing ko kasi, masipag kasi ako, masunurin kasi ako.” To humble ourselves and to give God all the glory and the credit is a work of the Spirit. Ang prayer ni Paul para sa kanila ay magkaroon sila ng pusong laging naghahangad na bigyang papuri ang Panginoon. Yan din ang prayer ko sa inyo, lalo na sa mga active sa ministry na minsan nararamdaman n’yong di kayo napapansin kasi walang affirmation o papuri man lang sa inyo. Na ang maging pangunahing hangarin ng puso mo ay sa lahat ng ginagawa mo at magandang nangyayari sa paglilingkod mo, ang hangarin mo ay bigyang papuri ang Dios, hindi ang sarili mo.

Ang laki ng tulong sa akin ng mga prayer items na ito ni Paul sa mga Colossians. Alam ko na kung ano ang ipagpepray ko sa bawat isa sa inyo. Kahit di ko masyadong alam ang nangyayari sa inyo, I know how I can pray for you. Every morning, nagtitimpla ako ng kape, nagbabasa ng Bibliya, at ginagamit ito para ipanalangin sa inyo. I pray more frequently sa family ko at sa mga leaders ng church at ministry workers. Pero I also make it a goal na maipagpray kayong lahat by name, one by one. Pati mga bata. At kung may pagkakataon, ipapaalam ko sa inyo kung ano ang pinagpray ko para sa inyo. “Lagi siyang nananalangin nang taimtim na manatili kayong matatag, maging ganap, at may buong katiyakan sa kalooban ng Dios. Saksi ako sa mga pagsisikap ni Epafras para sa inyo…” (4:12-13 ASD).

Ang panalangin para sa iba ay hindi lang gawaing pampastor. Para po ito sa lahat sa atin. So, magcommit kayo na manalangin araw-araw. Basahin ang Bibliya araw-araw, at ipanalangin ang kalooban ng Dios na matupad sa buhay ng ibang tao. Pray for your family and with your family. Kahit maliliit pa ang mga anak n’yo tulad ng sa amin. Kahit 5 minutes a day lang, basta consistent araw-araw. Kesa naman walang family prayer. Pray for your church and with your church. Huwag kaligtaang dumalo sa worship gathering, sa GraceComm gathering n’yo, sa mga prayer meetings, o bumuo ka ng sarili mong prayer group. Just do everything you can to increase your prayer life. Kung sobrang busy ka, ayusin mo ang schedule mo.

Ano ang kumpiyansa nating sasagutin ng Dios ang mga panalangin natin sa isa’t isa?

Alalahanin natin kung ano na ang laki ng ginawa para sa atin ng Dios, tiyak na gagawin niya rin ang hinihiling natin ayon sa kalooban niya. Remember the gospel. Ito ang confidence natin sa prayer life natin. Our prayers must be gospel-driven. Pansinin n’yong iyon agad ang kasunod na sinabi ni Pablo pagkatapos ng prayer niya sa vv. 12b-14. Anong koneksyon? Para sabihin kung bakit tiwala siya sa Dios at dapat tiwala din tayo sa Dios sa mga prayers natin.

1. Ginawa na niya tayong karapat-dapat. Verse 12b, “Ginawa niya kayong karapat-dapat na makabahagi sa mamanahin ng mga pinabanal niya, ang manang nasa kinaroroonan ng kaliwanagan.” Wala ni isa man sa atin ang banal. Lahat tayo marumi. Walang karapat-dapat na manahin, parusa pa nga ang nararapat. Pero dahil kay Cristo, we are now qualified and worthy. Iniintay natin ang manang iyan na nakareserba na sa atin sa langit.

2. Inilipat na niya tayo sa kanyang Kaharian. Verse 13, “Iniligtas niya tayo mula sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat tayo sa kaharian ng minamahal niyang Anak.” Dati, nasa kadiliman tayo, ngayon nasa liwanag na. Dati alipin ni Satanas, ngayon mga anak na ng Dios. Dahil kay Cristo.

3. Tinubos na tayo’t pinatawad ang kasalanan. Verse 14, “At sa pamamagitan ng kanyang Anak, tinubos niya tayo, na ang ibig sabihin ay pinatawad ang mga kasalanan natin.” Dati, alipin tayo ng kasalanan. Ngayon, malaya na. Dati, napakalaki ng pagkakautang natin sa Dios. Di natin kayang bayaran. Ngayon, bayad nang lahat. Higit pa doon, nasa atin na ang katuwiran ni Cristo at lahat ng pagpapalang kasama noon. Dahil kay Cristo lahat.

Ibinigay na ng Dios ang kanyang lahat-lahat para sa atin, kaya makatitiyak tayong sa panalangin natin para sa sarili at para sa iba, ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay. Ito ang sabi ni Pablo sa Romans 8:32, “Kung ang sarili niyang Anak ay hindi niya ipinagkait kundi ibinigay para sa atin, tiyak na ibibigay din niya sa atin ang lahat ng bagay” (ASD); “He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how will he not also with him graciously give us all things” (ESV)? Mas mararanasan natin at ng ibang tao ang katotohanang “kay Cristo, wala nang kulang” kung palagi tayong mananalangin para sa ibang tao.


Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s