Refiner’s Fire (Mal. 2:17-3:6)

Lady+justice+xgold+2013
Image by: Gallo Images/Thinkstock

Kapag nakakabalita tayo ng mga kurakot na pulitiko, sa isip-isip natin, “Ano ba ‘yan? Kung sino pa ang nasa puwesto, siya pa ang abusado. Kung sino pa ang masama, siya pang yumayaman, samantalang ako na honest sa pagtatrabaho di yumayaman. Unfair!” Kapag nakita mo ang kamag-anak mo na umaasenso, sabi mo, “Buti pa sila, umasenso na, maganda na ang business, may bahay at lupa na, brand new car pa; samantalang ako ganito pa rin. Unfair naman. Ang tagal naman ng blessing ni Lord sa akin.” O kung may kasama sa church na alam mong may struggle sa kasalanan tapos nakita mong active pa sa ministry, “Ano ba naman iyan? Hindi na siya nahiya. Bakit hinahayaang ganyan iyan?” O kung pastor ka, tapos nakita mong successful ang ministry ng iba at matagal nang sa iyo ay matagal ang success, “Bakit ganoon?”

Listen now

Download

mp3-icon

pdf-icon

 

 

Sa isang banda, kahanga-hanga ang ating sense of justice. Tama nga namang parusahan ng Diyos ang nagkasala at gantimpalaan ang gumagawa ng mabuti. Pero sa isang banda, we have a misplaced sense of justice. Partial lang ang pagtingin natin sa hustisya kung iniisip nating ang iba ang may kasalanan at dapat parusahan, pero tayo ay mabuti – o inaaming may kasalanan din pero di kasing-lala ng iba – ay dapat lang na paboran at pagpalain ng Diyos. At kung hindi nangyayari iyon at parang nababaligtad pa – tayo ang dumaranas ng hirap at ang mga masasama ang umaasenso – pinagdududahan natin ang sense of justice ng Panginoon. Di man natin sabihin outright na there is injustice in God, but in our hearts nakikita ng Diyos ang ating unbelief.

Tulad din ng mga Judio sa panahon ni Malachi. Chapter 2, verse 17, sabi ni Malachi sa kanila, “Sinasabi ninyo na mabuti sa paningin ng Dios ang lahat ng gumagawa ng masama at natutuwa siya sa kanila. Pakutyang sinasabi ninyo, ‘Nasaan na ang Dios ng katarungan?'” (ASD). Ang paratang nila sa Diyos ay para bang ang masama ay mabuti sa paningin niya at ikinatutuwa pa. Oo nga’t naibalik na sila sa lupa nila pagkatapos ng 70 taong pagkakatapon sa Babylon, pero di pa rin nila nakikita ang full restoration. May templo nga, pero di nila maranasan ang kapangyarihan ng Diyos. Di ba’t nangako ang Diyos na lilipulin ang mga kaaway nila, pero bakit ang mga bansang nakapaligid sa kanila ang umaasenso, samantalang sila ay hindi? May pangako ang Diyos, pero parang ang bagal-bagal ng Diyos sa pagtupad sa pangako niya. O baka naman hindi na niya tutuparin?

Ang Dios ang Dios ng hustisya

Kapag nasasaisip din natin ang mga sinasabi nilang tulad niyan, para na rin nating sinasabing walang katarungan sa Diyos. God is a God of justice. Ibig sabihin, he treats people according to what they deserve. Ang kasalanan dapat parusahan. Ang kabutihan dapat na gantimpalaan. Kung lumalabas na ang kasalanan ay ginagantimpalaan pa, hindi nga makatarungan ang Diyos?

Pero ano naman ang karapatan nating sabihin kung ano ang tama o dapat na gawin ng Diyos? Natural sa atin ganyan ang gusto natin. Kaya nga sina Adan at Eba kinain ang bunga ng Puno ng Kaalaman ng Mabuti at Masama, kasi gusto nila sila ang huhusga kung ano ang dapat at ano ang hindi dapat. Akala natin we can be better gods than God himself. Akala natin kung tayo ang maging Dios, mas mapapatakbo natin ang mundo nang mas maayos. How rebellious and foolish we are!

Sa simula ng verse 17, may sinasabi ang Diyos through the prophet, “Iniinis ninyo ang Panginoon sa inyong mga pananalita. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Bakit, ano ba ang aming sinasabi na nakakainis sa kanya?'” May sinasabi ang Diyos, pero kinukuwestiyon ninyo, kinokontra ninyo, hindi ninyo pinaniniwalaan. Hindi ito isolated na example. Pattern ito throughout Malachi. Sinabi ng Diyos na mahal niya sila, pero nagtatanong pa sila kung paano (1:2). Sinabi ng Diyos na di sila gumalang at lumapastangan pa sa pangalan niya, pero nagtatanong pa sila kung paanong nangyari iyon (1:6). Sinabi ng Diyos na marumi ang handog nila, pero nagtatanong pa sila kung paano naging marumi (1:7). Sinabi ng Dios na di na niya tinatanggap ang mga handog nila kahit mag-iiyak pa sila, pero nagtataka pa sila kung bakit (2:13-14). At sa chapter 3, makikita natin sa mga susunod na pag-aaral na tatlong beses pang ganito ang sasabihin nila. Kontra nang kontra. Di naniniwala sa Dios. Akala natin tayo ang mas marunong.

Paulit-ulit na lang iyan sa kanila. Paulit-ulit din na ganyan ang asal natin. Kaya tama lang na sabihin ni Malakias sa verse 17, “Iniinis ninyo ang Panginoon sa inyong mga pananalita.” Sa MBB, “sawang-sawa”; sa ESV, “wearied.” Akala nila sila ang may karapatang mainis o magsawa sa paulit-ulit na ginagawang paghahandog sa Dios (2:13), pero ang Diyos ang naiiinis sa kanila. Hindi dahil napapagod ang Diyos o sumusuko na o wala nang magagawa para magbago ang sitwasyon. He “does not grow tired or weary” (Isa 40:28). Hindi contradicting yan. Pero sinasabi dito ang isang expression na hindi natutuwa ang Dios sa mga sinasabi nila o sa ipinapakita ng puso nilang hindi nagtitiwala sa Dios.

Ang kasinungalingan ang pinaniniwalaan natin – God is unjust or slow in executing his justice. Gusto ng Diyos na palitan ng katotohanan yan – God is perfectly just. Hindi niya hahayaang ang kasalanan – anumang kasalanan – ay hindi maparusahan.

Paparusahan ang kasalanan sa huling araw

You want to get justice? You will get it! And be careful what you wish for. Kaya sabi ng Dios sa kanila sa verse 5, “Darating ako upang hatulan kayo. Sasaksi agad ako laban…

  • sa mga mangkukulam – mga sumasangguni sa mga espiritu, sa mga naghahanap ng higit na kapangyarihan para makaganti sa iba, sa mga sa halip na sa Diyos kumonsulta ay lumalapit sa iba;
  • sa mga nangangalunya – sa mga iniwan ang asawa nila para sa iba, sa mga nagpapantasya ng ibang lalaki o babae nang di nila asawa, sa mga tumitingin nang mahalay sa babae – sa aktuwal man o sa mga images o videos sa Internet.
  • sa mga sinungaling na saksi – sa mga tsimoso’t tsismosa, sa mga sa halip na aminin ang nagawang kasalanan isinisisi sa iba, sa mga kitang-kita ang kasalanan ng iba ngunit bulag sa sariling kasalanan;
  • sa mga nandaraya sa sahod ng kanilang mga manggagawa – sa mga nananamantala sa mga empleyado at kasambahay; sa mga iniisip ang sariling pakinabang kesa ang kapakanan ng iba; sa mga gumagamit sa mga tao para umasenso, sa mga sakim sa pananalapi;
  • sa mga gumigipit sa mga biyuda at mga ulila – sa mga di gumagalang sa mga matatanda, sa mga sariling pamilya lang ang iniisip at di man lang naisip na marami ang walang pamilyang mag-aaruga sa kanila;
  • at sa mga hindi nagbibigay ng katarungan sa mga dayuhan – sa mga sariling lahi lang ang iniisip at hindi iniisip na pati ibang lahi ay kailangan ang pagpapala ng Dios.

Sabi ng Dios sa mga ito, “Gagawin ko ito sa inyo na mga walang takot sa akin.” Ang parusa ng Dios – ang gawad ng kanyang hustisya – ay para sa mga walang takot sa kanya. Kasali tayo doon – lahat tayo, walang exempted. “All…are under sin…None is righteous, no, not one…no one does good, not even one…There is no fear of God before their eyes” (Rom 3:9, 10, 12, 18 ESV). Tapos iisipin mo exempted ka sa justice niya? Na ang iba lang ang dapat parusahan ng Dios at ikaw hindi? Sinasabi ito ng Dios “para walang maidahilan ang sinuman na hindi siya dapat parusahan. Ang lahat ng tao sa mundo ay mananagot sa Dios” (3:19 ASD). Salita tayo nang salita, ang dapat ay takpan natin ang bibig natin dahil tayo man ay haharap sa paghatol ng Dios.

At sa araw na iyon, wala kang masasabing excuse sa kanya. Malachi 3:2, “Pero sino ang makatatagal sa araw ng kanyang pagdating? Sino ang makakatayo kapag nagpakita na siya?” Ang sagot? Wala, wala, wala. “As for the cowardly, the faithless, the detestable, as for murderers, the sexually immoral, sorcerers, idolaters, and all liars, their portion will be in the lake that burns with fire and sulfur, which is the second death” (Revelation 21:8 ESV); “For our God is a consuming fire” (Heb 12:29; Deut 4:24). Sinasabi natin sa mga bata, “Don’t play with fire.” Sinasabi ng Dios sa atin ngayon, “Don’t play games with the fire of God.” This is serious.

Makatarungan ang Dios. Hindi pwedeng patawarin ng Diyos ang kasalanan mo nang hindi napaparusahan ang kasalanan mo. Ang dali nating makita ang kasalanan ng iba at dapat lang na sila ang magdusa. Pero pagdating sa sarili nating kasalanan, bulag tayo. Ilang beses na akong nagturo ng parenting seminar sa barangay natin, kapag tatanungin ko sila kung anong problema, ang sagot, “Ang asawa ko. Mga anak ko. Biyenan ko.” Kapag may counseling ako sa mag-asawa, sasabihin ng isa, “Siya kasi.” Sagot naman ng isa, “Ginawa ko naman iyon kasi ikaw ang nauna.” Bakit ang hirap nating umamin na tayo ang may kasalanan, tayo ay makasalanan. God is perfectly just. Dapat magkaroon ng takot sa puso mo at kilalanin mong you deserve God’s righteous punishment.

Naparusahan na ang kasalanan nang si Jesus ay namatay.

Pero ang takot na iyan ay gusto ng Dios na palitan ng pag-asa. Na sa kabila ng napakasamang balita, marinig mo ang pinakamagandang balita. Verse 6, sabi ng Dios, “Ako, ang Panginoon, ay hindi nagbabago. Kaya nga kayong mga lahi ni Jacob ay hindi lubusang nalipol.” Ang pag-asa natin ay hindi sa sinasabi nating, “Panginoon, pangako po, magbabago na ako.” Haay! Ilang beses mo nang sinabi iyan. Ang pag-asa natin ay sa karakter ng Dios na di nagbabago. Sinabi niya sa lahi ni Jacob, “I have loved you” (1:2). Yan ang dahilan bakit di tayo malilipol ng “consuming fire” ng Panginoon. Di nagbabago ang pag-ibig niya, di nagbabago ang katapatan niya. May ipinangako siya, tutuparin niya.

Pero siyempre makatarungan siya. Merong dapat na magbayad ng mga kasalanan natin kung tayo’y makakaligtas sa parusa niya. Balikan natin ang verse 1, “Makinig kayo sa sinasabi ng Panginoong Makapangyarihan, ‘Ipapadala ko ang aking sugo para ihanda ang aking dadaanan'” (3:1). Dalawa ang sugo o messenger na tinutukoy dito sa verse 1. Ang kahulugan ng pangalan ni Malachi ay “messenger” pero hindi siya ang tinutukoy dito. Ang unang messenger ay si John the Baptist na siyang ipinadala ng Dios na maghanda ng daraanan ng Messiah, ang ipinangakong Tagapagligtas. Tatlong beses na ginamit ang verse na ito para tumukoy kay John (Matt. 11:10-11; Mark 1:2; Luke 7:27).

Sino ang Tagapagligtas na ito na inihanda ni Juan ang daraanan? Jesus! Jesus! Jesus! Siya ang ikalawang messenger na tinutukoy sa verse 1, ituloy natin, “At ang Panginoon (not all caps, not YHWH, ASD and MBB translation in error, from Adonai) na inyong hinihintay ay biglang darating sa kanyang templo. Darating ang inyong pinakahihintay na sugong magsasagawa ng aking kasunduan.” Siya ay sugo, messenger, Prophet, God’s Word. In this last days, he has spoken to us through his Son, sabi ng Hebrews 1:2. At sa verse 3, “He is the radiance of the glory of God.” Hindi siya tulad ng mga taong propeta. Siya mismo ay Dios! Sinabi ng Dios tungkol kay John sa Malachi 3:1, na siya ang maghahanda ng “aking daraanan.” Siya ang naghanda ng daraanan ni Jesus. Si Yahweh at si Jesus ay iisa! Magkaibang persona, pero iisang Dios! Dito pa lang, meron nang pahiwatig ang doctrine of Trinity. Tinawag siyang Panginoon o Adonai, Master, Lord. Merong awtoridad tulad ng Dios. At darating siya – si Jesus – sa kanyang templo. Ang templo na pag-aari ng Dios, pag-aari din ni Jesus. He is God himself!

At ang nakamamangha, itong Dios natin, nagkatawang-tao, siya mismo ang “magsasagawa ng aking kasunduan.” Kung tinutukoy dito ang covenant kay Moises, ibig sabihin, isinagawa ni Jesus ang mga obligasyon nating di natin tinupad. Kaya namuhay siya nang 33 taon para tuparin ang kautusan ng Dios. Kaya sabi niya, “I have come to fulfill the Law” (Mat 5:17). Ginawa niya para sa atin ang hindi natin magagawa para sa sarili natin, na sa kahangalan natin ay inaakala nating kaya nating gawin. At ang parusa na nararapat sa atin, inako niya. Ipinako siya sa krus. Tanghaling tapat, nagdilim ang kalangitan, ang poot ng Dios ay inako ni Jesus sa kanyang kamatayan. Tinupok siya ng apoy ng galit ng Dios para tayong mga sa kanya’y nagtitiwala ay di na matupok ng apoy.

Oo, makasalanan tayo, pero merong umako ng parusang dapat para sa atin. Makatarungan ang Dios. Siya mismo ang umako ng parusang ito para tayo ay mapatawad. Kaya nga masasabi ni Pablo sa mga taga-Corinto ang good news, “Oo makasalanan kayo, di kayo dapat pumasok sa kaharian ng Dios…But you were washed, you were sanctified, you were justified in the name of the Lord Jesus Christ and by the Spirit of our God.  (1 Corinthians 6:9-11). Ipinadala niya si Jesus “…that he might be just and the justifier of the one who has faith in Jesus (Romans 3:26 ESV). At kung lalapit tayo’t hihingi ng tawad sa kanya, patatawarin niya tayo kasi makatarungan siya. Hindi na niya sisingilin sa atin ang pagkakautang nating binayaran na ng kanyang Anak (1 John 1:9; Rom 8:1, 34).

Nitong mga nakaraang araw, bumabalik sa ala-ala ko ang mga kasalanang nagawa ko dati. Sinasabi sa akin ng Kaaway, “Anong karapatan mong lumapit sa Diyos? Mangaral ng kanyang Salita?” Sasabihin ko sa kanya, “Di nga ako karapat-dapat! Oo, makasalanan ako’t nagkasala big-time sa Panginoon. Pero big-time din ang biyaya’t awa ng Panginoon. Hindi ako ang dapat magpaliwanag sa iyo, ang kausapin mo si Jesus, siya ang Tagapagtanggol ko.” At kung meron mang tao na hinuhusgahan mo at sinasabi mong, “Anong karapatan niyang lumapit sa Diyos at maglingkod sa kanya? Di na siya nahiya,” sinasabi ni Jesus sa iyo, “Bayad na ang kasalanan niya. Ako ang nagbigay ng kalayaang lumapit siya sa akin. May reklamo ka sa karapatan kong magpakita ng awa sa mga makasalanan? Hindi ba’t ganyan ding awa ang tinanggap mo sa akin?”

Lilinisin tayo mula sa ating mga kasalanan araw-araw.

Hindi ibig sabihing wala nang pakialam ang Dios sa ginagawa nating kasalanan araw-araw. Makatarungan siya. He hates sin. He loves holiness. Kaya, lilinisin niya tayo mula sa ating mga natitirang kasalanan pa – araw-araw. Ituloy natin ang verse 2, hanggang verse 4.

Verse 2, “Sapagkat para siyang apoy na nagpapadalisay ng bakal o parang sabon na nakakapaglinis.” Inihahalintulad si Jesus dito na apoy at sabon. Ang sabon na tinutukoy dito ay ang “fullers’ soap” (ESV) na di tulad ng sabon natin ngayon. Sa panahon nila, ang sabon na ito na ginagawang panlinis ng napakaruming damit ay may “matapang na sangkap” (MBB). Kapag lumapit ka, masakit sa ilong. Tapos ang ginagawa pa, para tuluyang malinis, hinahampas sa bato o sa kahoy, para bang yung ginagawa ng ibang naglalaba ngayon na may pamalo. Ang isa pang larawan ay “apoy” o “refiner’s fire.” Na ginagamit naman sa mga bakal, ginto, pilak, para matagal ang mga dross o mga impurities at maging puro.

Ngayon, bakit ganito ang paghahalintulad kay Jesus? Kailangan tayong linisin at gawing puro. Verses 3-4, “Lilinisin niya ang mga paring lahi ni Levi, tulad ng paglilinis sa pilak at ginto, upang maging malinis ang kanilang buhay at maging karapat-dapat silang maghandog sa Panginoon. Sa ganoon, muling malulugod ang Panginoon sa mga handog ng mga taga-Juda at taga-Jerusalem, gaya ng dati.” Marumi tayo, masangsang, mabaho, nakakadiri dahil sa ating mga kasalanan. Di tayo katanggap-tanggap sa Dios bilang “mga pari” sa paghahandog sa kanya sa pagsamba. Pero nais ng Dios sa buong Israel (“mga taga-Juda at taga-Jerusalem”) ay maibalik sila sa tunay na pagsamba sa kanya (“gaya ng dati”). Jesus is a refiner’s fire for the glory of God and for our good. Lilinisin niya tayo para lumabas ang ginto sa atin. Do you want to see the gold in you? Then you must deal with the sins remaining in you.

Dapat nating panghawakan ang pangakong nandito. Na si Jesus ang gagawa, “Lilinisin niya…” sa pamamagitan ng Espiritu. Hindi tayo ang makakalinis sa karumihan natin, kundi lalapit tayo sa kanya para magpalinis. Ginagawa ito ng Dios sa pamamagitan ng disiplina – mga pagsubok sa buhay o sa mga sakit na consequences ng nagawa nating kasalanan. Pero kapag nararanasan natin ang disiplina ng Dios, hindi ito pagpaparusa sa atin. Tandaan mong inako na ni Jesus ang parusang iyon. Ito ay gawa ng Dios bilang Ama sa atin na kanyang mga anak. “It is for discipline that you have to endure. God is treating you as sons” (Hebrews 12:7 ESV).

Ang disiplina hindi biglaan, isang iglap malinis ka na, wala ka nang kasalanan, matibay na ang faith mo. Hindi. Isa itong proseso. At sa prosesong ito, painful. Masakit dumaan sa apoy. Masakit paghahampasin ng pamalo ng naglalaba. Pero maganda ang resulta. “For the moment all discipline seems painful rather than pleasant, but later it yields the peaceful fruit of righteousness to those who have been trained by it” (Hebrews 12:11 ESV). “You have been grieved by various trials, so that the tested genuineness of your faith—more precious than gold that perishes though it is tested by fire—may be found to result in praise and glory and honor at the revelation of Jesus Christ (1 Peter 1:6-7 ESV).

Bahagi ng disiplinang ito ng Dios sa atin ay ang pagharap natin sa isang kapatid kay Cristo – tulad ng sa akin na inyong pastor o mga kasama n’yo sa Fight Club – para harapin ang problema sa puso n’yo. Hindi madali ito. Pero salamat sa Panginoon, nitong pagpasok pa lang ng taon, ang dami ko nang nakausap na mag-asawa, may bagong kasal, may matagal nang nagsasama, pare-parehong may problema sa relasyon. Dumadaan kayo sa refiner’s fire. Pero sa pagtulong ko sa kanila, hindi lang pala sila ang dumadaan sa refiner’s fire. Ako din. Sa kakaisip ko sa mga problema ng puso ng mga tao, ipinakita ng Dios ang problema sa puso ko. Kung anu-ano ang mga kasalanan ko ring tulad din ng sa kanila, kung paanong pinanghihinaan na ako ng loob dahil sa kakulangan ng patience at ng pagtitiwala sa Dios. Masakit. Pero sa kabutihan ng Dios, at sa kanyang perfect justice, ayaw niyang manatili ang kasalanan sa puso ko. Kailangan ko, kailangan nating dumepende sa kanya para madalisay ang puso natin mula sa mga natitira pang kasalanan. At makakaasa tayo na sa pagbabalik ni Jesus, wala nang matitira, wala na kahit isa.

We Need His Mercy!

God is perfectly just. Hahatulan at paparusahan niya ang lahat ng kasalanan sa huling araw. Kung gusto mong dumaan sa tindi ng parusa ng kanyang “consuming fire” manatili ka sa iyong kasalanan at huwag magtiwala kay Jesus. Pero sa iyo na nais maligtas sa tindi ng galit ng Dios sa araw na iyon, Trust Jesus your Savior. Siya ang “inyong hinihintay…inyong pinakahihintay” (v. 1). Siya na ang umako ng parusang dapat ay sa atin. Hindi lang ito sa simula ng Christian life natin, kundi hanggang ngayon, kasi we are so prone to trust ourselves for our salvation, to make our life work. Kaya dinidisiplina tayo ng Dios.

At kung dumaraan ka ngayon doon, huwag mong takasan ang disiplina ng Dios. Accept his discipline. Masakit, oo. Pero dito mo mararamdaman na mahal ka ng Dios, his love is unfailing. O kung nakikita mo man na kapatid sa Panginoon ang nagkakasala, huwag mong husgahan at isiping dapat siyang parusahan ng Dios sa kanyang kasalanan. Dapat nga, pero meron nang umako ng parusang iyan, tulad ng ginawa para sa iyo. Pray for others that they, too, may receive his mercy. 

Dahil sa katarungan ng Dios, di natin kayang humarap sa kanya at the day of judgment para hatulan ang ating mga kasalanan. That’s why we need his mercy. Kailangan ko. Kailangan mo. Kailangan ng lahat ng tao. At ang awang ito ay matatagpuan lamang natin sa Panginoong Jesu-Cristo.


Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s