Failure of Worship (Mal. 1:6-14)

moral_failure_711203386
Image credit: churchleaders.com

Totoong kapag ikaw ay depressed at sa tingin mo sa laki ng mga kasalanan mo ay hopeless ka na, hearing the unfailing love of God for you brings comfort. Pero sa mga taong nagiging comfortable o complacent sa kanilang mga kasalanan at malamig na puso para sa Diyos, the unfailing love of God gives a stunning rebuke.

Listen now

Download

mp3-icon

pdf-icon

 

“The Difficult Doctrine of the Love of God”

Ang Malachi ay hindi katulad ng ibang books sa Bible. Hindi siya ganoon ka-popular. Pero I hope na sa nakaraang sermon naramdaman n’yo na kahit sa maikling aklat na ito ay may salita ang Diyos sa bawat isa sa atin ngayon. Na kapag sinabi ni Paul sa 2 Timothy 3:16 na “All Scripture is breathed out by God and profitable…” ibig sabihin kasali ang Malachi. Kaya nga ang bungad sa atin sa Malachi, “Ito ang mensahe ng Panginoon…”

At anong salita ng Diyos sa atin? Naririnig din natin ang tulad ng unang sinabi ng Diyos sa mga Judio, “I have always loved you…” (Mal 1:2). Na ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay napatunayan natin nang piliin niya tayong mahalin, bagamat hindi tayo karapat-dapat mahalin. Pinili niya tayong di maparusahan kahit na karapat-dapat tayong parusahan. Paanong nangyari iyon? Wala sa atin ang dahilan kundi nasa pag-ibig niya na ipinadama sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus para sa atin. Pinili ng Diyos na si Jesus ang umako ng parusang nararapat para sa atin, upang maranasan natin ang pagmamahal niyang di natin karapat-dapat tanggapin.

That’s the love of God. That’s the gospel. Kahit wala kang ka-date kahapon Valentine’s Day, alam mong walang makakapantay sa pag-ibig ng Diyos para sa iyo. At nagpapasalamat ako sa Diyos kasi nakikita kong hindi nawawalan ng kabuluhan ang mga salita niya (Isa 55:10-11). Nagrereact kayo. Ang sabi ng ilan, “Pastor, malalim.” Sa isip ko, ano kaya ang malalim? Sana wag ang sermon ang malalim na parang di n’yo naintindihan ang mga sinabi ko at naguluhan pa

Sana ang naramdaman n’yo ay malalim ang pag-ibig ng Diyos. Di n’yo lubos na maipaliwanag. Akala mo naiintindihan mo na ang ibig sabihin ng “God is love,” pero hindi pala ganoon ka-simple. Kaya ang title ng book ni D. A. Carson ay The Difficult Doctrine of the Love of God. Kaya ang prayer ni Paul ay “maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig” (Eph 3:18 MBB).

May reactions, may questions at objections din. Tama nga naman na magtanong tayo para mas maintindihan natin. Halimbawa, kuwento sa akin ng isang tatay na tanong daw ng anak niya na teenager tungkol sa sermon, “Papa, kung ganoon pala, balewala na ang mga ginagawa natin.” Ang sabi daw niya sa anak niya, “Hindi ganoon ang ibig sabihin ni pastor.” Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay hindi nakadepende sa atin, pero hindi ibig sabihing balewala sa Diyos kung sumuway man tayo sa kanya o sumunod.

Totoong kapag ikaw ay depressed at sa tingin mo sa laki ng mga kasalanan mo ay hopeless ka na, hearing the unfailing love of God for you brings comfort. Pero sa mga taong nagiging comfortable o complacent sa kanilang mga kasalanan at malamig na puso para sa Diyos, the unfailing love of God gives a stunning rebuke.

Failure of Worship

At ito ang function ng salita ng Diyos na “I love you” para sa kanila, kaya nga bungad ng verse 6 sa salin ng MBB, “Pinagsabihan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang mga paring lumalapastangan sa kanyang pangalan…”

After 70 years ng exile nila sa Babylon, ang mga Judio ay bumalik na sa lupain nila. Naipatayo ulit ang templo, tuloy na ang worship nila, mga sacrifices, priesthood. Kung titingnan sa labas, mukhang mataas ang level ng kanilang spiritual life. Pero ang Diyos nakatingin sa puso ng tao, at para sa kanya, ang pagsamba nila ay walang kabuluhan. Verse 10, sabi ng Diyos, “May isa sana sa mga pari n’yo na magsara ng mga pintuan ng aking templo, upang hindi na kayo magsisindi ng walang kabuluhang apoy sa aking altar.”

Parang sinasabi niyang, “Kung hindi lang din magbabago ang paraan ng pagsamba n’yo, ipasara na ang simbahan, tanggalin na ang mga worship services at prayer meetings. Para saan pa iyan?” Mabigat ang mga salitang iyan. At nagpapaalala sa atin na ang problema natin, ang primary problem, ay hindi failures sa marriage, family, business, society or government. This is a failure of worship – palpak na pagsamba. E ano kung maganda ang facilities natin, o program sa worship, o maraming spiritual activities, o involvement sa ministries? We need the Word of God to search our hearts, baka we are worshipping in vain.

Ito ang main burden ng ikalawang bahagi ng Malachi, mula 1:6 hanggang 2:9. Dahil medyo mahaba, hatiin natin sa dalawa. Chapter 1 muna tayo ngayon. Next week ang kasunod. Magfocus tayo dito sa relasyon ng mga pari sa Diyos sa pagsamba. At ito ay para din sa atin dahil maging tayo ay mga pari, a royal priesthood (1 Pet 2:9); Jesus “made us a kingdom, priests to his God and Father” (Rev 1:6).

Rebuke from the Lord of Hosts

Ang mga salitang ito ay para sa ating lahat. Hindi natin puwedeng balewalain. These are weighty words, serious words from God, we should not take this lightly. “Sinabi ng Panginoong Makapangyarihan sa mga pari…” (v. 6 ASD). Sa MBB, “Pinagsabihan ni Yahweh…” Sa MBB, isang beses mo lang makikita, pero sa ASD at sa mga English version na mas maganda ang salin, paulit-ulit itong rebuke sa kanila.

Bukod sa verse 6, sa verse 8, meron din, pero di nakita sa ASD, “…says the Lord of hosts.” Sa verse 9, “Iyan ang sinasabi ng Makapangyarihang Panginoon.” Verse 10, “Sinabi ng Makapangyarihang Panginoon…” Verse 11, “says the Lord of hosts.” Verse 13, “says the Lord.” Verse 14, “says the Lord of hosts.” Well, marami pa niyan ang paulit-ulit sa Malachi. It is not accidental. Sinadya iyan, para iparealize na ang Diyos ang nagsasabi nito. Makinig ka!

Ang grupo ng mga pulis na Special Action Force na sumabak sa Mamasapano na ikinasawi ng 44 sa kanila (The Fallen 44), kanino sila nakinig? Meron sila commander, high ranking officer, mas nakatataas, dapat pakinggan, hindi puwedeng balewalain, hindi pwedeng magreklamo o umangal, kahit pa buhay nila ang maging kapalit.

The God who is Worthy of Honor

Hindi natin sineseryoso ang mga salita niya, hindi tayo sumusunod sa kanya, hindi tayo nanginginig sa pagsamba sa kanya kasi hindi natin siya kilala. O hindi natin kinikilala ang kanyang pangalan. Kapag “name of God” ang pinag-uusapan, na ilang beses ding nabanggit dito, ibig sabihin ay ito ang kapahayagan ng kung sino mismo ang Diyos. The name of God represents God himself. Kaya sa ASD, verse 6, sinabi ng Diyos na nilalapastangan n’yo ako, sa literal ay nilalapastangan n’yo ang pangalan ko.

Seryoso ang Diyos sa kanyang rebuke dito dahil ang pangalan niya ay karapat-dapat sambahin. Sumasamba tayo, tinatawag tayo ng Diyos na sumamba sa kanya, hindi dahil tayo ay karapat-dapat, o para tayo’y maging karapat-dapat, kundi dahil siya’y karapat-dapat sambahin. Siya lang wala nang iba. He alone is worthy of worship. Makikita ito sa mga pangalan o titulong ginamit niya para sa kanyang sarili.

Yahweh. Makikita ito sa MBB sa Tagalog at HCSB sa English. Pero sa ASD, all caps na PANGINOON, sa ESV all caps na LORD. Ito ang personal covenant name ng Diyos, YHWH. Paaalala na siya ang Diyos nila na nakipagtipan sa kanila, para sa isang relasyon ng pagsamba at pagsunod. Hindi lang ito basta intimate relationship tulad ng mag-asawa o magkaibigan na same level ang magkapartner. Our love relationship with God is not on equal levels. He is God. We are not. Siya ang nasa itaas, tayo ang nasa ibaba. Huwag na huwag nating iisiping ka-level natin ang Diyos!

Mas malinaw ito kung makita mo ang nakakabit sa pangalan ng Diyos, LORD of hosts. Sa Tagalog, Panginoong Makapangyarihan. Ang “hosts” ay maaaring tumukoy sa mga bituin sa langit. Ibig sabihin, siya ang namamahala sa lahat ng nilikha. Maaari ding tumukoy sa mga anghel sa langit. Ibig sabihin, all the angels of heaven bow before him and do his bidding. Maaari ding tumukoy sa isang army. Ibig sabihin, siya ang commander ng army. Siya ang masusunod. He has absolute authority. He is worthy of our worship, honor and obedience.

Father-Master-King. Tatlong titulo ito na makikita sa verse 6, “Iginagalang ng anak ang kanyang ama at iginagalang ng alipin ang kanyang amo”; at verse 14, “Makapangyarihang hari.” Ang ama, mas mataas ang awtoridad kaysa sa kanyang anak. Hindi ang anak ang nag-uutos sa tatay. Ang amo o master ay higit na mataas kaysa sa kanyang alipin o utusan. Hindi ang alipin ang nagsasabi sa kanyang amo. Ang hari ang pinakamataas sa kanyang kaharian. Hindi ang nasasakupan ang nagpapasunod sa kanyang hari.

Sumasamba tayo sa Diyos hindi dahil tayo ay karapat-dapat o upang tayo’y maging karapat-dapat; no, sumasamba tayo dahil ang Diyos ay karapat-dapat sambahin. Kung hindi mo iyan nakikita sa Diyos, if you don’t have a vision of God’s greatness and absolute authority, hindi mo maibibigay sa kanya ang pagsamba. Ang pagsamba mo ay walang kabuluhan lang. Are we giving him the worship he deserves?

We dishonor the name of God

Alam nating siya ay Diyos, Panginoon at Hari. Pero iba ang alam sa kinikilala. Naniniwala tayong karapat-dapat ang Diyos. Pero iba ang naniniwala sa nagtitiwala sa kanya na he is really worthy of worship. Verse 6, “Pero bakit ako na inyong ama at amo ay hindi ninyo iginagalang? Nilalapastangan ninyo [ang aking pangalan].”

Ang kasaysayan ng Israel ay kasaysayan ng kanilang paglapastangan sa pangalan ng Diyos. Sinasamba nila ang Diyos, pero sinamba din nila ang mga diyus-diyosan ng ibang bansa. Dito nga, kahit hindi tahasang idolatry ang kasalanan nila, pero ang paglapit naman nila sa Diyos ay walang kabuluhan, paglapastangan din sa Diyos. Bakit? Yan ang tanong nila, verse 6, “Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano namin nilalapastangan [ang inyong pangalan]?'” Na para bang hindi sila aware. Akala nila they were doing great. Akala nila spiritually mature na sila.

Tatlong paraan ang sinabi ng Diyos na ginagawa nilang paglapastangan sa kanya sa pagsamba…

Naghahandog ng mga di katanggap-tanggap na mga handog. Verses 7-8, “Nilalapastangan ninyo ako sa pamamagitan ng paghahandog ng maruruming handog sa aking altar. Pero nagtatanong pa kayo, ‘Paano naging marumi ang aming handog?’ Naging marumi ang inyong handog dahil sinasabi ninyo na walang kabuluhan ang aking altar. Kaya hinandugan ninyo ako ng mga hayop na bulag, pilay o may sakit. Hindi tama iyan. Ganyan kaya ang ihandog ninyo sa inyong gobernador at tingnan n’yo kung matutuwa at malulugod siya sa inyo.”

Sinabi ng Diyos na hindi tama ang ginagawa nila. That’s sin, evil, a violation of God’s Law. Malinaw na sinabi ng Diyos sa Leviticus 22:18-25 at Deuteronomy 15:21 na ang ihahandog nila sa Diyos ay malinis at walang kapintasan, hindi marumi, bulag, pilay, may sakit o ninakaw lang. Hindi ibig sabihing maselan ang Diyos. Sa Diyos din naman galing ang lahat ng inihahandog natin sa kanya. The issue is not about the offering, but our heart sa pagsamba sa Diyos. Iyon ang dahilan bakit kinalugdan ng Diyos ang handog ni Abel at kay Cain ay hindi (Gen 4). Ang klase ng handog natin ay nagpapakita kung ano ang pagtrato natin sa Diyos. Para sa kanila, ang isip nila, “Walang kabuluhan iyan…” So, kahit ano na lang, puwede na. Basta makapaghandog lang. Hindi pinahahalagahan ang Diyos. Mas pinahahalagahan ang pera o ari-arian.

Kaya sabi ng Diyos, “Ganyan kaya ang ihandog n’yo sa gobernador…” Sinasabi niya, kung mataas na tao ang pagbibigyan n’yo, ang klase ng paghahandog n’yo ay dapat magpakita how worthy is the one you are worshiping. Di ba’t ganyan din ang maraming Cristiano ngayon sa pagsamba? Pagdating sa trabaho, hindi dapat aabsent. Pero sa Sunday Worship, ang daming absent. Sa trabaho, di dapat ma-late, baka mapagalitan ng boss. Pero sa worship? Sa videoke, daig pa tayo ng mga lasing sa pagkanta sa Diyos. Sa excellence sa trabaho, pagbubutihin para mapromote. Sa worship? Sa ministry, do we also strive for excellence, o sinasabi din natin, “pwede na iyan.” Sa paggastos, pag para sa sarili natin, mamahalin, magarbo, pero pagdating sa tithes and offering, tira-tira, barya-barya. Does God deserve that kind of worship?

Nandaraya sa pagsamba. Verse 14, “Susumpain ko ang mga mandaraya sa inyo, na nangakong maghahandog ng pinakamabuting hayop pero ang inihahandog ay ang may kapintasan.” Sinungaling, mandaraya, pakitang-tao, pasikat. Akala mo the-best ang ibibigay nila, hindi pala. Di ba’t ganyan din tayo. We make vows. Sasabihin natin sa Diyos, “Panginoon, promise, kapag natanggap ako sa trabahong ito, magbibigay ako nang tapat, maglilingkod ako nang todo-todo sa iyo.” God doesn’t require you to make a vow or a resolution. Kasi he is worthy, anyway. Sasamba ka sa kanya nang todo-todo hindi dahil may pangako kang binitawan, kundi dahil siya ay deserving.

Nagsasawa na sa pagsamba. Verse 13, “Sinasabi pa ninyo na nagsasawa na kayo sa paghahandog at binabalewala ninyo ang aking altar…” Ito ang mga taong bored sa worship. Worship doesn’t excite them. Para bang sabi nila na, “Paulit-ulit na lang. Di na ko nag-eenjoy. Di ko na makita kung para saan ba ‘tong ginagawa natin, wala namang nangyayaring pagbabago.”

Sabi ni John Piper sa kanyang sermon sa text na ‘to, “If you don’t see the greatness of God, then all the things that money can buy become very exciting. If you can’t see the sun, you will be impressed with a street light. If you’ve never felt thunder and lightning, you’ll be impressed with fireworks. And if you turn your back on the greatness and majesty of God, you’ll fall in love with a world of shadows and short-lived pleasures.”

Para sa iyo boring ang worship, hindi kasalanan iyan ng music team natin, hindi kasalanan ng pastor na boring magpreach o mahabang magpray, hindi kasalanan ng organizers ng program. It is because your heart is not captivated by the greatness of God. Boring bang umawit at sumaway sa kanya, na kausapin siya, na pakinggan siya, kung alam mong siya ang Diyos na Makapangyarihan sa lahat?

God’s Response to this Kind of Worship

Karapat-dapat ang Diyos na sambahin. Pero hindi natin siya sinamba nang naaayon sa kadakilaan niya.

Anong response ng Diyos dito?

Displeased. Hindi siya natutuwa o nalulugod sa ganitong pagsamba. Verse 8, “…Ganyan kaya ang ihandog ninyo sa inyong gobernador at tingnan n’yo kung matutuwa at malulugod siya sa inyo.” Verse 9, “…sa ganyang klaseng mga inihahandog ninyo sa kanya, tiyak na hindi niya kayo kalulugdan.”

Unacceptable. Dahil hindi siya natutuwa, hindi ito katanggap-tanggap sa kanya. Verse 10 “…Hindi ko tatanggapin ang inyong mga handog dahil hindi ako nalulugod sa inyo.” Verse 13, “…Akala ba ninyo’y tatanggapin ko iyan?”

Curse. Dahil sa pagsamba nating di nararapat sa kanya, sa halip na pagpapala ng Diyos ang tanggapin natin ay ang kanyang sumpa at parusa ang nararapat sa atin. Verse 14, “Susumpain ko ang mga mandaraya sa inyo…”

Akala ko ba mahal tayo ng Diyos. Oo. He loves us, that’s why he hates sin so much. Alam niyang ang kailangan ng puso natin ay maranasan ang tunay na pagsamba. We are created and saved to worship God. That’s why he won’t tolerate senseless worship. Hindi siya parang magulang na kunsitidor sa mga anak na nagiging spoiled brats. His love is real. Kaya mabibigat ang salita niya dito.

Worship of All Nations

Mas naging grabe ang kasalanan ng mga Judio kung isasaalang-alang ang layunin ng Diyos, God’s global purpose. Ano bang gusto niyang mangyari? Na sa pamamagitan ng Israel, mga lahi ni Abraham, ang pagpapala ng Diyos sa pagsamba sa kanya ay makarating sa buong mundo (Gen 12:2-3). Verse 11, “Ang totoo, [papupurihan] ang aking pangalan ng mga bansa, mula silangan hanggang kanluran (sa literal, mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito). Kahit saan [magsusunog] ang mga tao ng insenso at [maghahandog] ng malinis na handog [sa aking pangalan].” Verse 14, “…ako ang makapangyarihang hari na [katatakutan] ng mga bansa.”

Kung iyon ang gustong mangyari ng Diyos, paano mangyayari iyon, kung sariling bayan nga niyang pinili hindi sumasamba sa kanya nang tama? Hindi ba’t sila ay “kingdom of priests” (Ex 19:4-6), para tagapamagitan sa Diyos at sa ibang lahi? Hindi ba’t ang templo ay bahay-sambahan hindi lang para sa mga Judio, but also for the nations? Paano tayo magiging “missionary church” kung hindi tayo “worshiping church”. Sabi ni John Piper na ang goal ng missions ay worship. Tama siya.

Paano magiging katanggap-tanggap sa Diyos ang pagsamba nating “kulang-kulang”?

Jesus the Perfect Worshiper in Our Place

Well, alam na ninyo ang sagot diyan. Not by trying harder or self-effort. But by the grace of God through Jesus. Siya lang ang lubos na gumalang sa Ama sa langit, higit sa kanyang mga magulang sa lupa, sumamba sa Diyos at hindi kay Satanas o anumang kayamanan sa mundong ito. Kaya sa baptism ni Jesus, narinig niya ang Ama, “You are my beloved Son. With you, I am well-pleased.” Itinaboy niya ang mga nagtitinda sa templo, because of his zeal for God’s house – the house of prayer for all nations. Sinaway niya ang mga Pharisees na ang pagsamba ay walang kabuluhan, ayon sa tradisyon lang ng mga matatanda. He was the perfect worshiper. Perfect din ang obedience at submission niya sa kalooban ng Diyos.

Hanggang sa krus. Hindi natin naihandog sa Diyos ang nararapat sa kanya. Pero si Jesus, hindi lang naghandog, sarili niya mismo ang inalay niya. He was the perfect sacrifice, the spotless lamb of God, inialay bilang kapalit natin. Namatay siya sa krus para sa atin na lumpastangan sa pangalan ng kanyang Ama, para bigyang karangalan ang kanyang Ama. 2 Corinto 5:21 (MBB), “Hindi nagkasala si Cristo [perfect worshiper siya], ngunit dahil sa atin, siya’y itinuring na makasalanan [lumapastangan sa Diyos, blashemed the name of God] upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos [para maituring tayo na mga perfect worshiper, perfectly acceptable to God].” That’s the good news of the gospel!

Kaya kung sinabi ni Malachi sa verse 9, “Hilingin n’yong kaawaan niya tayo…” makatitiyak tayong kaaawaan niya tayo, makalalapit tayo sa biyaya niya, dahil sa perfect worship and sacrifice na inialay ni Jesus para sa atin (Heb. 4:16). Yes! Dahil kay Cristo! Hindi dahil sa atin. Dahil kay Jesus, hindi na displeased ang Diyos sa atin kundi well-pleased. Ang worship natin hindi na “unacceptable,” but fully accepted. Wala na ang curse, kundi nasa atin na ang blessing ng Diyos. Lahat iyan dahil kay Cristo!

Kung totoo iyan, na inialay na ni Jesus ang kanyang sarili para sa atin, anong klaseng pagsamba ang iaalay mo ngayon sa Diyos? “…dahil tinatawag ninyo siyang Ama, igalang ninyo siya habang kayo’y nabubuhay” (1 Pet 1:17 MBB). “Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot” (Heb 12:28).

May takot, may panginginig, hindi dahil sa takot na maparusahan, kundi dahil sa kakila-kilabot na pagmamahal na ipinadama niya sa atin sa kabila ng ating mga pagsambang walang kabuhay-buhay at may paglapastangan sa Diyos. Lalapit tayo sa kanya, sa pangalan ni Jesus, inaaming “Nothing in my hands I bring. Only to thy cross I cling.” Dahil sa biyaya niya, aawit tayo nang buong sigla. Dahil sapat-sapat si Jesus, umaapaw ang mga kaloob na ibibigay natin. Dahil sa buhay na inialay ni Jesus para sa atin, buong buhay din natin ay ipagkakaloob natin sa pagsamba sa Diyos (Rom 12:1-2).

So, pagbalik mo next week, alalahanin mo kung sino ang sinasamba mo. Hindi siya basta-basta, ang kadakilaan at pag-ibig niya ay sobra-sobra. Ang pagsamba rin natin ay hindi dapat basta-basta.


Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s