Part 44: Prophet, Priest and King (Luke 19:28-48)

Sa paglalakbay natin sa The Story of Jesus, brand new section na ang pag-aaralan natin ngayon. Simula dito sa Luke 19:28-48, nakapasok na siya sa Jerusalem, matapos ang mahabang paglalakbay mula Galilea hanggang Jerusalem (9:51-19:27). At mainam na ipaalala sa atin sa puntong ito na, obviously, si Jesus ang bida sa kuwentong ito. He is the Hero of the Story. Siya ang nasa sentro, sa kanya umiikot ang lahat, siya ang layunin kung bakit ito nakasulat.

prophetpriestking1And he is the Hero, the Center, the Savior, not just in this Story, but in our life’s story. Kaya ang goal natin, lalo pa siyang makilala. Dahil kung lalo pa natin siyang mas nakikilala, mas nagiging malapit at naeenjoy natin ang relasyon natin sa kanya. Habang mas nalalapit tayo sa kanya, nakikita natin kung gaano ka-foolish ang lumayo sa kanya at humanap pa ng ibang bagay o ibang tao na makapagpapasaya sa atin. Habang mas nalalapit tayo sa kanya, mas lumalalim ang commitment nating makibahagi sa kanyang iniwang misyon sa atin – ang maipakilala din siya sa mundong hindi pa nakakakilala o hindi pa kumikilala sa kanya.

As his disciples, we relate to Jesus as he revealed himself as our Prophet, Priest and King and represent him to people who reject him. 

Titingnan natin sa kuwentong ito kung paano ipinakilala si Jesus bilang ating dakilang Propeta, Pari at Hari. Kaugnay ng bawat isang puntos na ito ay sasagutin natin ang apat na tanong:

  1. Who is Jesus? How does he reveal himself?
  2. We are Jesus’ disciples, how do we relate to him?
  3. For non-disciples, how do they reject him?
  4. As disciples on mission with Jesus, how do we represent him?

Listen

Resources

pdf-iconmp3-iconitunes-iconsermonnetlogo

Background in OT

Pero bago iyon, makakatulong kung pamilyar tayo sa background nito sa kasaysayan ng bansang Israel. Sa kasaysayan nila, nakasulat sa Old Testament, may tatlong pangunahing offices ang mga tagapanguna nila – prophet, priest, king – na nangunguna sa political, religious at social life ng bansa nila. Parang sa bansa natin, merong tatlong branches of government – Executive sa pangunguna ng Presidente, Legislative sa pangunguna ng Senate President at Speaker of the House, Judiciary sa pangunguna ng Chief Justice.

Ang hari ang kumakatawan sa paghahari ng Diyos sa kanyang bayan. Pangunahin dito si Haring David na siyang nagtalaga sa Jerusalem (o Zion) bilang sentro ng kaharian (1,000 years ago). At ang palasyo ng hari ay pinatayo ng kanyang anak na si Solomon. Kaso sa panahon ni Jesus, ang naghahari sa kanila ay hindi na ang lahi ni David, na natapos sa panahon ni Zedekiah nang lusubin ang Judah ng Babylon sa pangunguna ni Nebuchadnezzar, halos 600 taon na ang nakakaraan. Sa panahon ni Jesus, mga Romano na ang namamahala. Si Herod the Great na pinalitan ng kanyang anak na si Herod Antipas ay parang puppet king lang ng mga Romano. Ang gobernador nila noon ay ang Romanong si Pilato.

Ang punong pari naman ang namamagitan sa Diyos at sa tao. Sa OT, pangunahin dito si Aaron na kapatid ni Moises at ang lahing galing sa kanya. Ang pari ang in-charge sa mga religious rituals at mga sacrifices na ginagawa nila. Pangunahing simbolo nito ang Templo na ipinatayo ni Solomon. Kaso sinira ito ng mga Babylonians noong 586 BC, ipinatapos ang mga Judio sa Babylon at bumalik sila pagkatapos ng 70 taon sa pangunguna nina Nehemiah at Ezra. Muling naitayo ang templo (Zerubabbel’s temple), na siya namang pinalaki ni Herod the Great (Herod’s temple) at ito ang templo na existing sa panahon ni Jesus. Kaso ang mga pari noon (Caiaphas at Annas) ay mga kurakot at di ginagampanan ang tungkuling bigay sa kanila ng Diyos.

Ang mga propeta naman ay may tungkuling ipahayag ang salita ng Diyos sa mga tao – hindi lang basta sa panghuhula ng magaganap. Ang mga propetang tulad nina Elijah, Isaiah, Jeremiah ang nagpapaalala sa mga hari, mga pari at mga tao na magbalik-loob sa Diyos, at tumalikod na sa mga diyos-diyosan at sumamba sa Diyos. Dahil kung hindi, masama ang mangyayari sa kanila. Sa loob ng 400 taon, walang propetang ipinadala ang Diyos sa kanila, ang kahuli-hulihan ay ang pinsan ni Jesus na si John the Baptist, na siya namang naghanda sa pagdating ni Jesus.

At si Jesus ang katuparan ng lahat ng ito na nakasulat sa OT – siya ang hinihintay na dakila at matuwid na Hari, Dakilang Punong Paring magbabalik sa tao sa relasyon sa Diyos, at Dakilang Propetang magpapahayag hindi lang ng Salita ng Diyos, kundi ng Diyos mismo. Sabi niya sa Luke 24:44, “Dapat matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises at sa aklat ng mga propeta, at sa aklat ng mga Awit (kumakatawan sa buong Old Testament)” (ganoon din sa v. 27). Ang pagpasok ni Jesus sa Jerusalem na sakay-sakay ng isang asno habang siya ay sinasalubong ng mga taong nagpupuri sa Diyos ay katuparan ng propesiya (ito ang binigyang diin sa Matthew 21:4-5): “O Zion, magdiwang ka sa kagalakan! O Jerusalem, ilakas mo ang awitan! Pagkat dumarating na ang iyong hari na mapagtagumpay at mapagwagi. Dumarating siyang may kapakumbabaan, batang asno ang kanyang sinasakyan” (Zech. 9:9). Si Jesus ang katuparan ng hinihintay nilang Hari at Tagapagligtas. Si Jesus din ang katugunan sa buhay ng bawat isa sa atin. He is all that we need.

Jesus is Our King

Jesus’ revelation of himself. Paano ipinakilala ni Luke si Jesus bilang Hari? Si Jesus ang nangunguna sa kanyang mga tagasunod. Siya ang nag-uutos. Ipinasabi niya sa dalawa niyang tagasunod na sabihin sa may-ari ng asno, “The Lord has need of it” (31, 34). Ang mga may-ari, o owners, sa Greek ay kurios, pero ang Lord of lords, Kurios, ay walang iba kundi si Jesus. Siya ang may-ari ng asno, at ng lahat ng bagay sa mundo, siya ang may-ari ng buhay natin. He is not just like any other king, he is a humble King. Sasakay siya hindi sa isang kabayo – a symbol of royalty – kundi sa mas mababa at mas maliit na asno (donkey/colt). Humble, but he has absolute authority over everything (Matt. 28:18). Si Jesus ang Haring ipinadala ng Diyos – ang Messiah, galing sa lahi ni David, at maghahari magpakailanman.

His disciples’ relationship with him. Kung si Jesus ang ating Hari at Panginoon, anong relasyon ang dapat meron tayo sa kanya. Una ay total submission. Sinabihan ni Jesus ang mga disciples niya, sumunod sila agad, wala nang tanong, walang alinlangan. Ang mga may-ari, hindi rin nagreklamo, totally submitted to the will of Jesus.

Tulad ng asnong sinakyan niya, wala pang nakasakay doon, siya pa lang, we must dedicate our lives, set apart for him. Ang buhay natin ay para lang sa kanya. Pangalawa ay exclusive worship. He is worthy of exclusive worship. Ang paglalatag ng mga tao ng balabal sa pagdaan ni Jesus (v. 36) ay “act of homage,” isang pagpupugay sa isang hari. Ano ang ginawa pa ng mga disciples niya para ipahayag ang pagsamba sa kanya, “nagsigawan sa tuwa ang lahat ng tagasunod niya at nagpuri nang malakas sa Dios dahil sa mga himalang nasaksihan nila” (vv. 37-38). Ganito din ang nakita natin sa pagsilang ni Jesus, ang mga anghel nagpupuri sa Diyos, ang mga pastol nagpupuri sa Diyos (2:13, 20). At sa dulo ng Luke, sinasamba siya ng mga disciples niya (24:52). Siya ay Diyos na nararapat lamang na sambahin.

Non-disciples rejection of him. Pero hindi lahat nagpapasakop sa kanya at sumasamba sa kanya. Feeling nitong mga Pharisees, sumosobra na ang mga disciples niya sa ginagawa nila. Sabi nila kay Jesus, “Guro, sawayin mo ang mga tagasunod mo” (19:39). Tinawag nilang guro si Jesus, pero ayaw nilang tanggapin siya bilang Hari. Bakit sasawayin ni Jesus ang mga tagasunod niya kung iyon ang layunin ng pagkakalikha at pagkakatawag sa kanila. Itong mga Pharisees ang halimbawa ng mga tao sa kuwento ni Jesus sa 19:11-27 na nagsabi sa kanya, ‘Ayaw naming maghari sa amin ang taong iyon’ (v. 14). Ayaw nila kay Jesus, kasi gusto nila sila ang bida sa buhay nila, na sila ang naitataas. Di ba’t napakaraming tao na ganyan din ang gusto, kaya ayaw nila kay Jesus.

His disciples’ representation of him. Kung ganoon, ngayong wala na dito sa mundo si Jesus at bumalik na siya sa langit, habang hinihintay natin ang ganap niyang paghahari sa kanyang pagbabalik, we represent the King. Meron tayong awtoridad bilang mga ambassadors. Sabi ni Jesus sa mga Pariseo, “Kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri” (v. 40). Ang lahat ng nilikha ng Diyos ay nilikha para magpuri sa kanya. Bakit tayo tatahimik? Bakit hahayaan nating mga bato ang sisigaw? Tayo ang sisigaw. Ipagsisigawan natin sa lahat ng tao, “Dumating na ang Hari. Nananawagan siyang sambahin siya, magpasakop sa kanya, at mamuhay para lamang sa kanya.” Isisigaw natin ang papuri natin hindi lang kapag umaawit tayo sa church, kundi ipapakita natin sa buhay natin na si Jesus ang Panginoon – sa ating pamilya, negosyo, at pamumuhay. Bilang kinatawan ng Hari ng mga hari, we will lead others, pangungunahan natin sila para sila din ay sumunod kay Jesus.

Jesus is Our Prophet

Jesus’ revelation of himself. Tulad ni propeta Jeremiah, 600 years ago, na tinatawag na “weeping prophet” dahil sa kanyang kalungkutan at pagkahabag sa sinapit ng Jerusalem, ganoon din si Jesus. Nang malapit na siya sa lungsod, “umiyak siya para sa mga taga-roon” (v. 41). At tulad ng isang propeta na may dalang mensahe at babala galing sa Diyos, sabi ni Jesus, “Kung alam n’yo lang sa araw na ito kung ano ang makakapagbigay sa inyo ng kapayapaan. Ngunit tinanggihan ninyo. At ngayon, hindi na ninyo ito makikita. Darating ang araw na papaligiran kayo ng kuta ng inyong mga kaaway. Kukubkubin nila kayo at kabi-kabilang lulusubin. Lilipulin nila kayo at ang inyong mga anak, at wawasakin nila ang lungsod ninyo. Wala silang iiwang bato na magkapatong. Mangyayari ito sa inyo, dahil binalewala ninyo ang araw ng pagliligtas (day of visitation) sa inyo ng Dios” (vv. 42-44).

May warning siya, darating ang sinasabi niya dito 70 AD (after 40 years) sa panahon ni Emperor Titus, kung saan wawasakin ang Jerusalem at susunugin ang templo. Tulad ng nangyari sa unang templo sa panahon ni Jeremiah. Pero tulad din ni Jeremiah, hindi nagsasawa (persevering!) ang Panginoon sa pagtuturo sa mga tao (“Nagturo si Jesus sa templo araw-araw,” v. 47) kahit alam niyang itatakwil siya at pinagpaplanuhan nang patayin siya.

His disciples’ relationship with him. Dahil si Jesus ang nagpapahayag ng salita ng Diyos sa atin at ipinapakilala niya kung sino ang Diyos, anong dapat na response natin? Paliwanag ni Luke kung bakit walang makitang paraan ang mga nagpaplanong pumatay sa kanya: “dahil nakikinig nang mabuti ang mga tao sa mga itinuturo niya” (v. 48, ESV “hanging on his words” 48). Dito lang matatagpuan sa NT ang salitang ginamit dito. Ibig sabihin, pay close attention. We listen intently to him. Ang literal na ibig sabihin ng “disciple” ay “learner,” nakikinig na mabuti sa kanyang teacher, hindi tutulog-tulog at binabalewala ang sinasabi niya. Are you listening to the words of Jesus everyday? At kung nakikinig ka, sumusunod ka ba?

Non-disciples rejection of him. O tulad ka ng mga religious leaders at karamihan ng mga tao sa panahon ni Jesus na di nakikinig sa kanya. Sinabi ni Jesus na tinanggihan nila ang mensahe ng kapayapaang dala ni Jesus (v. 42). Hindi nila ito nakikita, na siya ang paraan para maibalik ang relasyon nila sa Diyos. Ang iniisip lang nila ay ang pagpapatalsik sa mga Romano, pero di nila alintana na sila mismo ang kaaway ng Diyos. Ang ibig sabihin ng Jerusalem ay “City of Peace” pero marami sa kanila ay walang “peace” sa relasyon sa Diyos. Kaya ang lungsod na ito ay lulusubin ng mga kaaway, “dahil binalewala ninyo ang araw ng pagliligtas sa inyo ng Dios” (v. 44). Dahil sagabal si Jesus sa plano ng mga leaders nila, nagpaplano silang patayin si Jesus.

His disciples’ representation of him. Kung ang ating Propeta ay umakyat na sa langit, nagsasalita pa rin siya dahil iniwan niya sa atin ang Bibliya at ang Espiritung nasa atin. Tayo ang kanyang mga propeta, mangangaral, magtuturo at buong tapang na sasabihan ang mga tao, ang mga rebelde, na sumuko na sa Hari, magsisi na. May kilala ka bang isang tao – sinasabi man niyang Christian siya o hindi – na namumuhay sa kasalanan at aliwas sa kalooban ng Diyos? Alam mo kung anong kapahamakan ang sasapitin niya kung di siya magbabalik-loob sa Diyos. Kailangan niya ng propeta na magsasabi sa kanya. At ang propetang iyon ay ikaw.

Jesus is Our Priest

Jesus’ revelation of himself. Pansinin n’yo kung sinu-sino ang kumokontra kay Jesus sa kuwentong ito, “pinagsisikapan naman ng mga namamahalang pari (Jesus is our High Priest!), mga tagapagturo ng Kautusan (Jesus is our Great Prophet/Teacher!), at ng mga pinuno ng bayan (Jesus is our Lord and King!)” (v. 47). Paano ngayon ipinahayag ni Jesus ang sarili niya bilang “Priest”? Ang mga pari ang tagapangalaga ng templo at namamahala sa pamamalakad dito at sa mga ritwal ng paghahandog. Pero hinayaan nilang gawing negosyo ito at pagkakitaan pa ang mga tao (Judio man o Hentil na sumasamba dito). Anong ginawa ni Jesus? “Pumunta si Jesus sa templo at itinaboy niya ang mga nagtitinda roon” (v. 45). Ang salitang “itinaboy” ay strong word, ginagamit din sa pagpapalayas ni Jesus ng masasamang espiritu.

As a Priest, naroon ang puso niya sa mga tao na nangangailangan sa Diyos. Kaya nga umiyak siya (v. 41). At naroon din ang puso niya para sa Diyos. Kaya sabi niya sa mga tao, verse 46, “Sinasabi ng Dios sa Kasulatan, ‘Ang aking bahay ay bahay-panalanginan’ (galing sa Isa. 56:7). Ngunit ginawa ninyong ‘pugad ng mga tulisan’ (galing sa Jer. 7:11).” Bilang Pari, naroon ang puso niya para sa tao, para sa Diyos at para maibalik ang tao sa Diyos. Hindi lang siya maghahandog ng hayop na susunugin, ihahandog niya mismo ang kanyang sarili para sa atin. Kaya nga dito pa lang, ipinapakita na sa atin na nagpaplano na silang patayin si Jesus (v. 47). Pero hindi pa ito ang araw na itinakda ng Diyos, pero malapit na.

His disciples’ relationship with him. Kung ang templo ay bahay-panalanginan, bahay para makalapit sa Diyos, at hindi tayo makalalapit sa Diyos kung walang tagapamagitan o mediator, kailangan natin si Jesus. Parang si Moises (na ginagampanan ang pagiging prophet, priest at king) na siyang mediator between God and Israel. Ang paglapit natin sa Diyos ay sa pamamagitan lang ni Jesus. Ang mga biyayang dumadaloy sa atin ay dumadaloy sa pamamagitan ni Jesus. We need him everyday. At kahit nasa langit na siya, he still intercedes for us, he is our mediator, he is our advocate (Rom. 8:34; 1 John 2:2) para mas lalo tayong mapalapit sa Diyos. Iyan ang dahilan kung bakit nananalangin tayo at sinasabing “In Jesus’ name, Amen.”

Non-disciples rejection of him. Lumalapit tayo sa kanya sa panalangin dahil inaamin nating kailangan natin siya araw-araw. Pero ang iba, tingin nila hindi nila kailangan ang Diyos, si Jesus. Akala nila, pera ang kailangan nila para maenjoy nila ang buhay. Tulad ng mga nagtitinda sa templo, sa halip na ang focus ay ang relasyon sa Diyos, ang kumita ng malaki ang pinagkakaabalahan. Sinabi nilang ginawa nila ang templo na “den of robbers.” Ninanakawan nila ang ibang tao, sa halip na ipakita ang habag at awa. Dahil sila mismo, di nila kinikilalang kailangan nila ang awa ng Diyos.

His disciples’ representation of him. Dahil meron na tayong direct access sa Panginoon, because of Jesus, we are now a “royal priesthood” o “kingdom of priests” (1 Pet. 2:9). Ipinapanalangin natin ang mga tao – kapatid man natin kay Cristo o hindi – na mapalapit sa Diyos. Hindi na tayo sa pari o sa pastor lang nangungumpisal, kundi sa bawat isa (we are all priests), dahil pwede nating irepresent si Jesus sa bawat isa para maranasan natin ang pagpapatawad ng kasalanan. Ganyan ang nangyayari sa Fight Club namin ng mga fellow pastors ko. At naranasan ng mga participants natin sa CrossWalk. To be assured of forgiveness, we need each other to speak God’s forgiveness to us.

At pati na rin sa kaguluhang nangyayari sa Israel ngayon. May isang dating attender natin na nasa Middle East ngayon ang nagtanong sa ‘kin kung anong position ko sa nangyayari doon. Sabi ko, di ko muna siya sasagutin kasi hindi ako masyadong informed sa issue. Pero kung tatanungin niya ko ulit, sasabihin ko, “Pray for them.” We are troubled kasi libu-libo na ang namatay sa conflict. Pero alam nating may Jesus (o Isa sa Arabic) na namatay para sa kanila. Jerusalem, capital ng Israel pero di kinikilala internationally, capital ng Palestine, angkin ng mga Arabs, Muslims. City of Peace, ipagpray natin hindi lang ang absence of war and conflict, but true reconciliation with God through Jesus, the Prince of Peace.

Conclusion

Jesus is our Prophet, Priest and King. We follow him and represent him as such. Totoo nga na in one way or another ay magagampanan natin ang tatlong tungkuling iyan sa ministeryo at pagmimisyon, meron sa atin na especially gifted sa isang area. Sino sa inyo ang mas gifted sa pagiging prophet? Gamitin mo iyan at paghusayan ang pagtuturo ng salita ng Diyos sa mga Christians man o hindi. Kung ano ang vision na ipinakita sa iyo ng Diyos, ibahagi mo sa iba. Priest? Maaaring ikaw ang unang kailangan ng mga non-Christians bago ang propeta. Na maramdaman sa iyo – visitation, prayer, encouragement, counseling – ang puso ng Diyos na nagmamahal sa kanila. At kahit dito sa church, ang gifts mo ay magagamit para magbigay ng encouragement at “pastoral care” para sa mga kapatid nating maysakit – pisikal man o emosyonal. King? Manager ka siguro o businessman o government official. Magtrabaho ka, manguna ka sa mga empleyado mo nang may kahusayan para makita nila ang paghahari ng Diyos sa negosyo mo. At dito sa church, tumulong ka sa finance, conflict resolution, administration, organization.

We need leaders in our church in these three areas – prophet, priest, king. Sa GraceComm n’yo, sikapin n’yong bumuo ng core leadership team na at least tatlo. Ang isa ay mangunguna sa pagtuturo (prophet), ang isa ay sa pangangalaga (priest), ang isa ay sa pangangasiwa (king). At sa church natin as a whole, I need help. Nakikita ko ang sarili ko na more of a prophet – in preaching, teaching and casting vision. I am praying for two more pastors na magcocommit full-time sa ministry. Ang isa ay sa pastoral care (priest). At ang isa ay sa administration o executive pastor (king).

Sa buhay natin, sa mga ministeryo natin, at sa church leadership natin, pagsikapan nating irepresent ang ating Panginoong Jesus – Prophet, Priest and King. As we do, we will see more of his glorious image reflected in our lives. That’s what it means to be his disciples. That’s what it means to be his church in this broken world.


One thought on “Part 44: Prophet, Priest and King (Luke 19:28-48)

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s