Part 35: Servants and Stewards (Luke 16:1-18)

Part 35 - Servants and Stewards

[sorry, audio is not available for this sermon]

***To access other audio sermons, click this.

Introduction

Araw-araw sa balita, Napoles, Napoles, Napoles. Sikat na sikat (notoriously) na kinikilalang mastermind ng multimillion (billion?) PDAF scam. Idinawit pa ang ilang mga lawmakers, pangunahin na sina Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Juan Ponce Enrile. At kapag naririnig natin ang mga pangalang ito o nakikita ang mga pagmumukha nila, madali tayong magreact ng negative sa kanila. Sinasabi nating greedy at dishonest o sinungaling itong si Napoles, na unfaithful at corrupt bilang public servant ang mga senador at mga kongresistang kasabwat sa scam. Na parepareho silang sakim at nagpapayaman lang sa sarili nila, di man lang inisip ang kapakanan ng maraming mga Pilipinong naghihikahos at nagpapakahirap magtrabaho para kumita ng pera at nagsisikap maging tapat sa pagbabayad ng buwis at pagsunod sa mga batas.

Napakadali nating sabihing ang ibang tao ang sinungaling, di tapat, sakim, lalo na kung milyung-milyong pera ang usapan. Pero kahit naman sampu-sampung piso, o daan-daan o libu-libo o anumang materyal na bagay na meron tayo, hirap tayong aminin sa sarili natin na tayo rin naman nagiging dishonest, nagiging unfaithful sa paggamit nito, nagiging sakim sa paghahangad na magkaroon pa ng marami.

Ang sermong ito ay hindi para sa mga gaya ni Napoles, kundi para sa mga tulad natin, na wala mang milyun-milyon, pero we still struggle to be faithful sa paggamit ng pera. I know that it is a difficult and sensitive subject for many of you (all of us?). Maraming naooffend. Baka sabihin ng iba, “Pastor, katatapos mo lang magpreach ng tungkol sa pera noong March (Luke 12:13-34).” Oo nga, pero ano magagawa ko? Oo nga’t tungkol sa pera na naman ang pag-uusapan natin dito sa Luke 16:1-18, si Jesus naman ang umuulit ng topic na ‘to. Sa kanya kayo magreklamo kung gusto n’yo, wag sa kin.

Ang direct audience ni Jesus dito (v. 1) ay mga disciples, pero may mga Pariseo na nakikiusyoso. Nang marinig nila ang turo ni Jesus tungkol sa paggamit ng pera, anong respose nila? Hindi lang reklamo kundi pagkutya, ridicule, mockery. Ayaw nila ng napapakinggan nila kay Jesus. Kaya nga eventually, ipapatay nila si Jesus. Bakit ganoon sila? Verse 14, “Nang marinig ito ng mga Pariseo, na mga sakim sa salapi, ay kinutya nila si Jesus.” Dahil iniibig nila ang pera nila (“lovers of money,” ESV). If we love money, we will hate Jesus (makikita natin iyan sa v. 13 mamaya). Kaya may warning si Paul sa 1 Timothy 6:10, “For the love of money is a root of all kinds of evil.” So, each one of you has a choice how you will respond to this sermon. It’s either you ridicule Jesus’ teaching by ignoring it or you will repent and trust that the words of our Master and Lord are good – good for us, for our souls. Handa na kayong makinig sa sasabihin n’ya? Kahit pa masakit sa puso? Kung gayon, heto ang sabi niya…

The Parable

Nagsimula siya sa isang kuwento, verse 1, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kanyang nilulustay nito ang kanyang ari-arian.” Ang katiwala dito (Gk. oikonomos) ay steward o manager, na pinagkatiwalaang mangasiwa maaari ng bahay, ari-arian o negosyo ng may-ari. Merong siyang authority na mag-transact ng business in behalf of the owner. Pero sa kuwentong ito may whistleblower, nagsumbong, na naglulustay siya ng ari-arian ng amo niya. Tulad din ng sa kuwento sa Luke 15 ng alibughang anak na naglustay naman ng mana na galing sa kanyang ama. Itong manager na ‘to, mukhang guilty. Wala nang depensa na sinabi (“I invoke my right against self-incrimination…”)

Verse 2, “Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ibigay mo sa akin ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ Guilty as charged. Tanggal na sa trabaho. Dapat lang naman. Kaya bago siya umalis, hiningan siya ng report ng accounts para magkaroon ng turnover. Alam ng manager na ‘to na malaking kawalan sa kanya ang masisante sa trabaho. His future is in danger. Kaya nakaisip siya ng pwedeng gawin bago man lang siya palayasin.

Verse 3, “Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.” Ma-pride pa. Palibhasa sanay sa maginhawang buhay at pagiging maluho. Verse 4, “Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.” May naisip na strategy, wais. He’s thinking of his future and planning accordingly. Sasamantalahin n’ya ang tulad ng kaugalian ng mga Pilipino na “utang na loob.” Kapag may ginawa akong mabuti sa iyo, dapat gantihan mo din ng mabuti. At inaasahan n’ya na magkakaroon siya ng mga kaibigang tutulong sa kanya kapag ginawan niya sila ng pabor.

Anong ginawa niya? Verses 5-7, “Kaya’t isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kanyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang langis po.’ Kaya sabi ng katiwala, ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu.’ 7At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ Sinamantala niya ang authority na meron pa siya para bigyang pabor ang mga taong ito na may utang sa amo niya. Malaking halaga din iyon, baka katumbas sa atin ay ilampung libo o maaaring ilandaang piso pa nga ang halaga. Obviously, malinaw na malinaw, na dahil sa ginawa niya, he will make a lot of friends na aasahan niyang tumanaw ng utang na loob sa kanya. Ganoon din naman tayo, kapag may pinagkakautangan tayong 100,000 tapos sabihin na 20,000 na lang ang bayaran, parang gusto mong yakapin sa tuwa! Friends agad kayo.

Problem in Interpretation: What’s the point?

Up to this point, malinaw sa atin ang kuwento. Pero pagdating sa verse 8, sa punchline, magtataka tayo sa ending, “Pinuri ng amo ang madayang katiwala dahil sa katusuhang ipinamalas nito.” Hmmm, bakit ganoon? Madaya na nga, pinuri pa. Merong ilang mga haka-haka para ipaliwanag kung bakit pinuri ng may-ari ang madayang katiwala. (1) Baka daw matagal na ang utang, nang bawasan, at least makakayanan nang magbayad, kesa nga naman wala; (2) Baka naman ang binawas niya ay ang interes sa utang na magiging kumisyon niya kapag nakasingil; (3) Baka naman sobra-sobra ang interes na ipinatong at binawasan na para maging tama lang ang babayaran. Di ko alam. Wala namang sinabi sa story na ganoon. Ang susi sa pag-interpret ng parables ay alamin natin ano ang central point at hindi pagtuunan ang mga detalye. Oo nga’t dishonest siya, pero ang pinapakita dito ay hindi naman dahil approved sa amo niya ang ginawa niya, kundi hinangaan lang ang kanyang dunong o husay sa paggamit ng pera ng amo niya para pagplanuhan ang kanyang “future well-being” (see Alcorn’s Money, Possessions and Eternity).

Ang kainaman naman sa kuwentong ito, sinundan niya ng maliwanag na turo tungkol sa paggamit ng pera na dapat nating matutunan. May bahaging di dapat tayo maging tulad ng katiwalang ito. May bahagi namang dapat tayong maging tulad niya. At makikita nating anumang attitudes o actions natin tungkol sa pera ay reflection o sumasalamin sa paniniwala natin tungkol sa kung sino ang Diyos at kung ano ang pera para sa atin. Merong tatlong binanggit ang Panginoong Jesus tungkol sa dapat na paggamit natin ng pera.

Wisdom of God’s Children

Dugtong niya sa verse 8 at verse 9, “Sapagkat ang mga makasanlibutan (sons of this world) ay mas tuso kaysa mga maka-Diyos (sons of light) sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito…Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa (make friends) upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.

Tayong mga disciples ng Panginoong Jesus, merong tayong ibang identity. We are “sons of light” not “sons of this world”. We are children of God. Dapat gamitin natin ang pera nang ayon sa karunungan ng isang anak ng Diyos. Lahat ng meron tayo ngayon ay galing sa Diyos. He is a generous giver. Ang pera o kayamanan natin ay mabuting regalo mula sa Diyos. God is a Generous Giver. We use money for our good as children of God. Anong yung “good” na iyon? Not just temporal good – na siyang laman lang ng isip ng mga tao sa mundo natin. But eternal good – iyong mga bagay na may impact sa kingdom of God, sa eternity, sa kaligtasan ng mga tao sa paligid natin, ng mga mahihirap, ng mga unreached people groups. Maganda ang comment ni Randy Alcorn dito na isipin natin na darating din ang araw na mateterminate ang buhay natin, money will fail, at di na natin madadala sa kabilang buhay. Pero hangga’t nagagamit pa natin…

…we should do exactly what the steward did—use wisely what little remaining time and influence we have before our term of stewardship (life on this earth) is done….Every time you give to world missions and famine relief and God’s kingdom, you can dream about the day you will meet these precious people in heaven. Jesus gives us a powerful incentive to invest our lives and assets in his kingdom while on earth. The greater our service and sacrifice for him and for others, the larger and more enthusiastic our welcoming committee will be in heaven, the more eternal residences we’ll have opportunity to visit, and the more substantial our own places in heaven will be. One day money will be useless. While it’s still useful, Christians with foresight will use it for eternal good.

Ang problema – daig pa tayo ng mga gaya ni Napoles. “Mas tuso,” sabi nga ng Panginoon sa verse 8. Mahusay magparami ng kayamanan dito sa lupa. They were just living according to their identity. Pero tayo? Hindi ba’t ang passion natin ay para sa mga bagay na para sa kaharian ng Diyos? “Seek first the kingdom of God.” Ganoon ba tayo kasabik, kadesidido, ka-committed, ka-intentional, karunong sa pag-iinvest, sa pag-iipon, sa pagpapayaman para sa ating kinabukasan sa langit? Or we are still living just like the rest of the world?

Faithfulness of God’s Stewards

Verses 10-12, “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?”

God is Master/Lord/Owner over our all our possessions. Money belongs to him and to be used according to his will. We are stewards entrusted with God’s money – small or big. Kung tayo ay mga katiwala, ibig sabihin, hindi tayo ang may-ari, ibig sabihin hindi natin gagamitin ang pera sa sariling desisyon lang natin. May pananagutan tayo sa Panginoon sa paggamit ng perang ipinagkatiwala niya sa atin. Ang pagkakatawag natin ay maging tapat at katiwa-tiwala. Hindi tayo dapat tumulad sa dishonest manager na nilustay ang pera ng kanyang amo.

Ang problema, akala natin we own our money. Hindi ito sa atin. Kahit pa pinagtrabahuhan mo iyan, sa Diyos pa rin iyan. Siya naman ang nagbigay ng lakas, oras, talento para makapagtrabaho ka. Kapag ginagamit natin ito sa sarili nating diskarte, we are being unfaithful. It reveals the condition of our hearts. Hindi kailangang magkaroon tayo ng milyun-milyon para masubok ang kalagayan ng puso natin.

Sinasabi natin, “Kung marami lang akong pera, magiging faithful ako…” No! Your heart is the problem not the amount of money you have. Kung di ka mapagkakatiwalaan sa kaunti, di ka rin mapagkakatiwalaan sa marami, verse 10. Darating ang araw, makakamit natin ang “tunay na kayamanan” (v. 11), pagdating natin sa langit. Hindi na pahiram iyon, sa atin na iyon. Pero ang paggamit ng pera natin ngayon ay nagpapakita ng kahandaan natin sa kayamanang ipagkakaloob ng Diyos. Are you ready for that? Or would you rather settle for the riches of this world?

Devotion of God’s Servants

Hindi lang tayo basta mga katiwala, we are also slaves, mga alipin, verse 13, “Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod sa Diyos at sa kayamanan.” Ang Diyos ang Panginoon natin, nag-iisa, karapat-dapat sa ating pagsamba at paglilingkod. Ang pera? Hindi Diyos ang pera. Unang-una sa 10 Commandments, “You shall have no other gods before me.” We are slaves, doulos, nakatali sa iisang Panginoon. Hindi pwedeng dalawa. Dapat isa lang. Imposibleng dalawa, “You cannot…” not “You should not…”

Ang problema, gusto natin dalawa. “Sana dalawa ang puso ko…” We serve and worship God on Sundays, and money the rest of the week. Minsan pa nga, una pa rin ang pera kesa sa pagsamba sa Diyos. We cannot live a double life. Piliin n’yo kung sino ang sasambahin nyo at paglilingkuran. If you are a lover of money, you are a hater of God. Sabi ni John, if you are friends of this world, you are enemies of God.

Sabi ni J. D. Greear sa blog post niya three days ago lang, ibig sabihin ng “before me” sa first commandment ay “in my presence.” “The point is that nothing else can qualify as god in your life. The true God is not only to be number one but the only one.” Kapag inuuna natin ang pera, at sunud-sunuran tayo dito, at dito natin hinahanap ang kasiyahan natin, significance and power natin, we are turning money into a god, an idol.

“What is an idol? It is anything or anyone we put in the place of God in our lives. An idol is anything or anyone we consider so central, so fundamental, so essential to our life that we couldn’t imagine life without it, him, or her. An idol is anything or anyone we love more than God, trust more than God, or obey more than God.” Wala ka ngang estatwa nila Mama Mary at Sto. Nino sa bahay, pero ang hangad naman ng puso mo ay magkaroon ng maraming papel na may mukha ni Ninoy at Cory at Manuel Roxas.

Call for Self-Examination

Ang usapang pera ay usapang puso. “For where your treasure is, there will your heart be also” (12:34 ESV). Hangad ng Diyos hindi ang bulsa o wallet natin, kundi ang laman ng puso natin. Di tulad ng mga Pariseo na panlabas lang ang kanilang relihiyon. Verses 14-15, Nang marinig ito ng mga Pariseo, na mga sakim sa salapi, ay kinutya nila si Jesus. Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Kayo ang nagpapanggap na matuwid sa harapan ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.” Akala kasi nila, ang dami ng pera nila ay nagpapakita na sila ay pinapaboran ng Diyos, tinitingala ng mga tao, dapat tularan. Pero ipinapakita ni Jesus na ang puso nila na nakakapit sa salapi habang nagpapanggap na malapit sa Diyos ay “kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.”

Alam ng Diyos ang puso natin. Hindi natin maitatago. Search my heart, O God, ang dapat na prayer natin. Na makita natin na bagamat sinasabi nating si Jesus ang Savior, pero ang pera ay nagiging functional savior natin. “Kung marami lang sana akong pera, mas magiging masaya ako, mas magiging importante ako, mas marami akong maa-accomplish…”

Guilty of Breaking the Law

Habang naghihintay tayo ng verdict na “guilty” para kina Napoles at sa mga mambabatas, di na natin kailangang hintayin ang verdict sa atin pagdating sa pera – kung tayo ba ay naging faithful at devoted sa Panginoon. Guilty. Guilty. Guilty. We are all law-breakers. Dahil di naman nagbabago ang pamantayan ng Diyos mula pa sa simula, verses 17-18, “Mas madali pang maglaho ang langit at ang lupa kaysa mawalan ng bisa ang kahit isang tuldok ng Kautusan. Kapag hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa, at mag-asawa sa iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya, at ang mag-aasawa naman sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”

Ano naman kinalaman nitong utos sa pag-aasawa sa paggamit ng pera? Ang pangangalunya ay pagnanasa sa isang di mo naman asawa o sa asawa ng iba. And it is a violation of the tenth commandment. Na kung mapapansin n’yo ay pinagsama ang pagnanasa sa asawa at sa pera at mga ari-arian (Exod. 20:17). Pagdating sa pera, we are violators of the first and the 10th commandment, ibig sabihin, we violate the whole law of God! Ganito kahalaga ang usapang pera. Ganito kabigat ang pananagutan natin sa Diyos.

Good News to turn Money-Lovers into God-lovers

Pero may mabuting balita, verse 16, “Ang Kautusan ni Moises at ang sinulat ng mga propeta ay may bisa hanggang sa pagdating ni Juan na Tagapagbautismo. Buhat noon ay ipinapangaral na ang Magandang Balita tungkol sa kaharian ng Diyos, at ang lahat ay nagpupumilit na makapasok dito.” Ang pagpasok sa kaharian ng Diyos ay di nakukuha sa sarili nating effort o hard work. Kailangan natin ang “good news of the kingdom.” Ito ang mensahe ni Jesus. Siya ang good news natin. Siya ang Hari at Panginoon. Siya lang ang nag-iisang fully devoted at faithful sa Diyos. Namatay siya para sa atin. Para iligtas tayo from the love of money. Para tulad ng nangyari sa alibughang anak sa chapter 15, maibalik tayo sa pagmamahal ng Ama. So that we will not love money any longer, but we will love God with all our hearts. At ang perang nasa atin ay gagamitin natin bilang overflow ng pag-ibig natin sa Diyos.

Jesus is calling us not to place our trust in money. Hindi ito mapagkakatiwalaan. Bibiguin tayo nito. Ilang mayayamang tao na ang nagpakamatay, na inakalang ang maraming pera ay katumbas ang kasiyahan? Si Jesus lang ang mapagkakatiwalaan. Siya lang ang makapagbibigay ng kasiyahang hinahanap natin at ng saysay sa buhay natin. Jesus is enough for us, kahit kaunti ang pera natin.

If Jesus is enough for us, paano nito mababago ngayon ang pagtingin natin sa pera at sa relasyong naaapektuhan nito?

From greed to generosity. Hindi na tayo magiging sakim. Malaya na tayong pakawalan ang pera natin para maging generous sa ibang tao na nangangailangan. Sabik tayong sumuporta sa mga financial needs ng kapatid nating nagmimisyon, nagbabahagi ng Story of God, at ng team natin na pupunta sa susunod na buwan sa Cambodia, Thailand at Vietnam.

From using people to loving people. Hindi na rin natin ginagamit ang ibang tao para magkapera tayo. Hindi na layunin ng pakikipagkaibigan natin dito sa church ay iyong maisip na mapagkakakitaan sila. Ginagamit natin ang pera natin para magkaroon tayo ng maraming kaibigan at matutulungan.

From bitterness to forgiveness. Hindi na rin tayo nagtatanim ng galit sa mga taong nangutang sa atin na kahit may pera na ay ayaw magbayad. Malaya na tayong patawarin ang iba nakaatraaso sa atin. All because Jesus is enough for us. We have only one God and one Savior. His name is Jesus. Not money.

Previous sermons

Part 33 - The Great CostPart 32 - The Great InvitationPart 29 - Waiting and Faithful


3 thoughts on “Part 35: Servants and Stewards (Luke 16:1-18)

  1. Yes we will joy when we can serve and be blessing and good disciple to Christ with alot the angel with us to fight in victory and be blessing and to help for those who will be saved from the fire of hell,thanks and bless,keijo sweden

    Like

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s