Part 23: Intimacy (Luke 11:1-13)

“Unless the whole image of fatherhood is corrected or even redeemed, we shall almost inevitably project onto God the father we have loved or missed, have desired or resented, so that out adult spiritual life will be secretly controlled by our reactions to our early family life” (Thomas Smail, cited in Doug Wilson’s Father Hunger, pp. 50-51).

19015

Our belief about God as Father is shaped or influenced by how we know and relate to our earthly father. Our prayer, then, is affected by how we perceive of God as Father.

Some of you grew up spoiled by their parents. So you think of God like that of Santa Claus or of our Grandpa. Just say what you wish and it will be given to you. Your prayer life, then, becomes self-centered. It’s all about getting what you want.

Some of you grew up thinking of God like that of your father who abused or harmed you. Because of too much pain you have experienced or are still experiencing in life, you don’t want to come near to God and talk to him. You think that God doesn’t care for you. You tried praying to him once in a while but to no avail. You even blame God for the bad things happening in your life. So, your prayer life is dead. You don’t even pray at all.

Many of us think of God as a distant father. Because you grew up in a home where your father is absent most of the time. Maybe he’s working overseas or because his work demanded that he be far from you often. Or for some, your father is at home, but he’s emotionally detached. He’s not talking to you. You can’t talk to him about your personal problems. You can’t even say, “Daddy, I love you.” So, when you pray to God as Father, you sense that he is too far away. You feel that maybe he’s not really listening.

Our prayer problem is a belief problem. If we believe that God is not like our imperfect and flawed earthly father, our prayer life would be different. That is the kind of lesson Jesus was teaching us about prayer in Luke 11:1-13. Jesus was teaching us here the kind of prayer that will bring us more intimacy with God as our perfect and gracious Father.

Read, listen and share this sermon to your friends…

pdf_file

Note: To download the audio (in mp3), click the “menu” button on the bottom right corner of the sermon player.

Prayer in discipleship

Pagpasok ng Bagong Taon, naniniwala akong marami sa atin – kasama ako – ang hangad na mangyaring pagbabago sa buhay natin at sa church natin ay mas lalo pang maging prayerful. More prayer. Kasi naman nararamdaman natin na bago man tayo sa Christian life o matagal na, para bang “beginners” pa rin tayo pagdating sa prayer life natin. Para bang nasa grade school pa rin at di man lang makatuntong sa college. Kahit na ikaw na maraming oras na ang inilalaan sa prayer, naroon pa rin ang struggles sa mga unanswered prayers, sa mga prayers na nararamdaman mong parang hindi tama ang lagay ng puso mo.

Prayer is essential to growing in discipleship with Jesus. Basic meaning ng discipleship ay pagiging estudyante ng Panginoong Jesus. We are his students in his school of prayer. We must be willing and eager to learn how to pray. Na maglaan ng focused at mas mahabang oras sa pakikinig at pakikipag-usap sa Panginoon, tulad ng ginagawa ni Maria sa Luke 10:38-42, tulad ng nais niyang ituro kay Martha na abalang-abala sa paglilingkod at nakalimutan ang higit na mahalaga. Tulad ng isa sa mga disciples niya na lumapit sa kanya pagkatapos niyang manalangin, “Lord, teach us to pray…” (11:1). Teacher, puwede po bang ang lesson natin ngayon ay tungkol sa prayer. Gusto po naming matuto. This is a child-like request. Prayer is so basic in our Christian life. Pero ito rin ang hinding-hindi natin matutunan. So, I invite you today to ask Jesus to help us to pray. Be willing and eager to learn how to pray. And he is willing and eager to teach us.

Jesus is our teacher in prayer. He is willing and eager to teach us. Simula sa verse 2, sabi niya, “When you pray, say…” Here in this passage, he is teaching us how to pray. Hindi ito ang unang beses na ginawa niya iyon. Sabi niya sa Luke 6:28, “Pray for those who abuse you.” Sabi niya sa 72 isinugo niya para magmisyon, “Pray earnestly to the Lord of the harvest to send out laborers into his harvest” (10:2). At pagdating natin sa chapter 18, may ilang lessons pa siyang ituturo sa atin.

Pero hindi siya tulad ng ibang teachers na salita lang nang salita pero di naman nakikita sa buhay nila ang itinuturo nila. Marami niyan noon, marami ding ganyan ngayon. He models prayer. Kaya nga nagtanong ang isa sa mga disciples niya kasi nakita nilang si Jesus ay nananalangin sa isang lugar (11:1). Nang siya ay bautismuhan, nananalangin si Jesus nang bumukas ang langit (3:21). Karaniwan ding lumalayo si Jesus at pumupunta sa tahimik na lugar para manalangin (5:16). Bago niya piliin ang 12 apostol, umakyat siya nang bundok at nag-“all night” prayer (6:12). At bago niya tanungin ang mga tao kung sino siya, nananalangin din siya nang mag-isa (9:18). Isinama din niya sina Peter, James at John sa bundok para manalangin (9:28-36). Sa 10:21-22, narinig natin ang prayer ni Jesus na puspos ng Espiritu at nagpapasalamat siya sa Diyos. Jesus teaches us to pray because he himself models it. Prayer is his life. It is the air he breathe. Dahil para sa kanya, ang kanyang relasyon sa Ama ang pinakamahalaga sa lahat.

Prayer in relationship

At iyon din ang gusto niyang ituro sa atin tungkol sa prayer. Prayer is essential to developing our relationship with God. Kung titingnan natin ang prayer na itinuro niya sa verse 2-5 (na karaniwang tinatawag na Lord’s prayer bagamat mas angkop ang Disciples’ prayer) ang tawag natin sa Diyos ay “Father” o “Dear Father”. Hindi lang basta “Lord” kundi “Father.” We are not just servants or workers or slaves. We are his children. Kaya nga ginamit ni Jesus na paglalarawan sa panalangin ang relasyon ng ama sa kanyang mga anak sa verses 11-13, at tinawag siya doon na “the heavenly Father” at malinaw na hindi lang siya “Ama” kundi “ating Ama” tulad ng version sa Matthew, “Our Father in heaven…” (Matt. 6:9).

Jesus died on the cross to secure that relationship. Dati, tayo’y mga kaaway ng Diyos (Rom 5:8), pero ngayon dahil kay Cristo ay mga minamahal na anak (Jn 1:12). Makakalapit na tayo sa Diyos nang may kalayaan at katapangan na wala nang halong takot at pangamba dahil sa ginawa ni Jesus (Heb 10:19). Kung ganoon pala, bakit halos lahat sa atin ay nag-sstruggle sa prayer life natin? Bakit parang paminsan-minsan lang (tuwing prayer retreat?) natin nararamdaman ang closeness at intimacy sa ating Ama sa pananalangin? Bakit marami sa atin – pati ako! – kadalasan tawag sa Diyos sa prayer, “Lord, Lord” – sa halip na “Dear Father”?

Sabi ni Thomas Smail: “Unless the whole image of fatherhood is corrected or even redeemed, we shall almost inevitably project onto God the father we have loved or missed, have desired or resented, so that out adult spiritual life will be secretly controlled by our reactions to our early family life” (Cited in Doug Wilson’s Father Hunger, pp. 50-51). Kung maririnig natin na ang Diyos ang ating Ama, ang paniniwala natin sa kanya ay nahubog o naimpluwensiyahan ng pagkakakilala natin o relasyon natin sa ating earthly father.

Ang iba sa atin lumaki na spoiled ng kanilang mga magulang o ang iba naman ay talagang salat na salat sa buhay. Ang tingin ngayon ng iba sa atin sa Diyos Ama ay parang Santa Claus o parang Grandpa na lahat ng hingin ibibigay ng Diyos. Ang prayer life natin tuloy nagiging “self-centered.” It’s all about getting what we want.

Ang iba naman ang pagtingin sa Diyos parang tatay nilang sinaktan sila at inabuso. Dahil sa mga sakit sa buhay, ayaw na nilang lumapit sa Diyos kasi ang tingin nila sa Diyos walang pakialam sa kanila. Sinubukang manalangin minsan pero parang walang sagot na dumating. Sinisisi pa ang Diyos sa mga masasamang nangyari sa kanila. Kaya ang prayer life ng iba sa atin “patay.” Some don’t even pray at all.

Marami naman sa atin ang tingin natin sa Diyos napakalayo niya. Kasi lumaki tayo na ang tatay natin malayo, nasa abroad, laging busy sa trabaho, walang panahon sa mga anak, kung nasa bahay man di man lang tayo kinakausap, di man lang natin makausap. Kala natin ganoon din ang Diyos natin. Di man lang natin siya matawag na, “Daddy.” Di man lang natin masabi sa kanya, “I love you.” Di natin maramdaman na may kausap tayo kapag nanalangin. Parang ang layo ng Diyos.

Our prayer problem is a belief problem. Kung tama ang pagkakilala natin sa Diyos bilang Ama, mag-iiba rin ang klase ng panalangin natin. At ito ang itinuturo ni Jesus sa mga talatang ito. Kung makikilala natin nang lubusan ang Ama tulad ng relasyon ni Jesus sa kanya, magbabago ang prayer life natin. What kind of prayer Jesus teaches us that will bring us more intimacy with God as Father to us his children?

Pray with God at the Center (11:2-4)

Subukan n’yong balikan ang karamihan sa mga naging panalangin n’yo nitong nakaraang araw, mapapansin n’yo na marami sa prayers natin ay “self-centered.” Ang nasa sentro ay sarili nating pangarap, sarili nating kagustuhan, sarili nating reputasyon. Ibang-iba ang itinuro ng Panginoong Jesus, “When you pray, say:

Father, hallowed be your name. Your kingdom come. Give us each day our daily bread, and forgive us our sins, for we ourselves forgive everyone who is indebted to us. And lead us not into temptation (Luke 11:2-4).

Mahalaga ang nasa puso ng panalanging ito, hindi lang ang pag-uulit ng salitang ginamit (tulad ng ginagawa ng ilan). Lahat ito ay mga kahilingan sa Ama na gumawa para matupad ang mga kahilingang ito. Iba pa ito sa pasasalamat at pagpupuri sa kanya. Itinuturo ng Panginoon na sa mga kahilingan natin, Diyos palagi ang nasa sentro. “Your name…your kingdom” ang top priority bago ang “our daily bread…our sins…”. At maging sa panalangin natin sa mga kailangan natin hindi “my daily bread” kundi “our daily bread,” hindi lang forgive “my sins” kundi “our sins” at sa konteksto pa ng relasyon natin sa ibang tao. Obviously, Jesus is teaching us to focus on self but on God. We live in a world too preoccupied with “self” – self-esteem, self-confidence, self-righteousness, self-image. Kailangan nating ipagpray ang itinuro ng Panginoon. Sabihin natin:

Father, hallowed be your name, set apart your name as holy, itaas mo ang sarili mong pangalan, huwag mong hayaang madungisan, ipakilala mo ang kadakilaan mo sa lahat ng mga bansa, ipakita mong ikaw ang pinakadakila at pinakamabuti sa lahat. Your kingdom come. Ikaw ang maghari at ang kalooban mo ang masunod sa buhay namin, sa aming pamilya, sa aming iglesia, sa aming bansa, sa buong mundo.

Give us each day our daily bread. Huwag mong hayaang umasa kami sa kayamanan namin at sariling kakayahan. Ipagkaloob mo ang kailangan namin sa araw-araw para mabuhay nang kuntento sa iyo. Forgive us our sins. Alam naming pinatawad na ninyo ang lahat ng aming kasalanan dahil kay Jesus. Pero araw-araw nagkakasala pa rin kami sa iyo. Linisin mo kami araw-araw at huwag hahayaang ang mga kasalanang ito ang makahadlang sa relasyon namin sa inyo. Iparanas mo sa amin ang iyong habag at awa sa araw-araw, pati sa mga kapatid namin sa church na nag-sstruggle sa kasalanan. Lead us not into temptation. Huwag mo pong hahayaang bumigay ang aming pagtitiwala sa iyo. Huwag mong hayaang ang aming puso ay bumaling sa mga diyos-diyosan. Sa tulong ng Espiritu na nasa amin, gabayan mo kami sa mga pagsubok at tuksong hinaharap namin sa araw-araw. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Kapag ganoon ang prayer natin, siguradong sasagutin ng Diyos dahil siya mismo ay God-centered. He is not man-centered gaya ng inaakala ng ilan. Pangako niya sa Ezekiel 36:23:

And I will vindicate the holiness of my great name, which has been profaned among the nations, and which you have profaned among them. And the nations will know that I am the LORD, declares the Lord GOD, when through you I vindicate my holiness before their eyes.

Pray with Perseverance (11:5-10)

Marami sa atin ang daling sumuko sa mga hinihiling natin sa Panginoon. Sasabihin natin agad, “Di siguro kalooban ng Panginoon.” O kaya, “Maybe God doesn’t care.” O baka nakukulitan na sa akin ang Diyos. Kaya itinuro ni Jesus sa kuwentong ito na maging tulad tayo ng lalaking di sumuko para makuha sa kaibigan niya ang kailangan niya.

And he said to them, “Which of you who has a friend will go to him at midnight and say to him, ‘Friend, lend me three loaves, for a friend of mine has arrived on a journey, and I have nothing to set before him’; and he will answer from within, ‘Do not bother me; the door is now shut, and my children are with me in bed. I cannot get up and give you anything’? I tell you, though he will not get up and give him anything because he is his friend, yet because of his impudence he will rise and give him whatever he needs” (Luke 11:5-8 ESV).

Dapat maingat tayo sa pag-interpret ng parable na ito. Dapat tingnan nating mabuti kung ano ang gustong i-illustrate ng Panginoon. Kasi kung sasabihin nating ang Diyos ay tulad ng lalaking kaibigan sa kuwento na ayaw pang labasin ang kaibigan niya at nadaan lang sa pangungulit. Nilabas na at pinagbigyan para tumahimik na. Huwag nating iisiping ganoon ang Diyos natin. Na madadaan sa kulitan. Na pagbibigyan tayo tulad ng isang lolo na kinukulit ng kanyang apo. God is not our friend; he is more than that, he is our Father!

Ang itinuturo ni Jesus dito ay kung anong klaseng panalangin ang dapat nating gawin. May “pangungulit” (ASD), sa ESV “impudence”; sa NLT “shameless persistence”; sa NIV “shameless audacity.” Ang salitang ito (Gk. anaideia) ay dito lang ginamit sa New Testament. Ito iyong bang wala nang pakialam sa iba na nakakakita, kung anong sasabihin nila, kung anong reaksyon nila, makuha lang ang gusto. Bagamat negative ang dating sa atin, pagdating sa prayer, masarap sa pandinig ng Diyos. It is an overwhelming desire to get what you need from God. Iyon bang sinasabi mo sa Diyos, “Ama, hindi ako titigil hangga’t hindi nakukuha ang hinihiling ko malibang sabihin mong tumigil ako. Dahil wala naman akong ibang malalapitan maliban sa iyo.”

Kaya sabi ni Richard Foster, “Do you know why the mighty God of the universe chooses to answer prayer? It is because his children ask. God delights in our asking. He is pleased at our asking. His heart is warmed by our asking.” Hindi lang basta one time asking, kundi, “keep on asking” tulad ng saktong translation ng NLT sa verses 9-10, “And so I tell you, keep on asking, and you will receive what you ask for. Keep on seeking, and you will find. Keep on knocking, and the door will be opened to you. For everyone who asks, receives. Everyone who seeks, finds. And to everyone who knocks, the door will be opened.” Kung naniniwala ka sa pangako ng Diyos na nakapaloob dito, tulad ng sabi ni Pablo sa 1 Thess. 5:17, you will “never stop praying” (NLT).

Ang ilan sa atin huminto na tayo sa panalangin. Nagsawa na, kasi parang hindi sumasagot ang Diyos. Bakit ganoon?

Pray Trusting the Goodness of God (11:11-13)

Hindi naman kasi itinuturo dito ni Jesus na lahat ng hilingin natin makukuha natin basta maniwala tayong makukuha natin. Ito kasi ang itinuturo naman ng karaniwang maririnig natin sa radio o sa TV o sa Internet na “faith movement” o “prosperity” o “health and wealth” teaching. “Name it and claim it,” sabi nila. Huwag kayong maniniwala doon! Sasabihin pa sa inyo, kaya hindi binibigay ni Lord ang request n’yo kasi kulang ang pananampalataya n’yo.

Ano ba ibig sabihin ng “faith”? It’s not believing that you will get all you want. It’s believing that God is good and he is trustworthy kahit na hindi natin matanggap ang mga kahilingan natin sa panalangin. Sabi ni Dr. Rodolfo Santos, aking mentor sa seminary, sa kanyang book na Turned Off: “He may or may not answer our prayers, but He remains close to us, His children. When we think He is distant, we miss His comforting presence. When we assume He does not care, we suffer alone.”

Isang dahilan kung bakit di lahat ng kahilingan natin ay nakukuha natin ay dahil ayaw tayong bigyan ng Diyos ng ahas o alakdan. He wants to give only good gifts to us. Sabi ni Jesus,

What father among you, if his son asks for a fish, will instead of a fish give him a serpent; or if he asks for an egg, will give him a scorpion? If you then, who are evil, know how to give good gifts to your children, how much more will the heavenly Father give the Holy Spirit to those who ask him (11:11-13)!

Of course, ang picture dito ay isang “ideal” father na binibigay sa anak kung ano ang makakabuti sa kanila. Even the best fathers are called “evil” dahil sa kasalanan natin. At ang point ng Panginoon dito, kung totoo iyon sa “evil” fathers paano pa kaya sa good and holy and perfect and gracious Father in heaven? So when we pray, trust his goodness. “He who did not spare his own Son but gave him up for us all, how will he not also with him graciously give us all things” (Rom 8:32 ESV)? “Whatever is good and perfect comes down to us from God our Father” (Jam 1:17 NLT).

Naniniwala kayo na mabuti ang Diyos? Yes. Na ibibigay niya ang best para sa atin? Yes. Naniniwala din tayo na God is our highest good? He is the best for us? Yes. So, ang promise niya sa atin ay ibigay ang kanyang sarili para sa atin because he is the one we need. God loves us so much to deprive us of himself. Kung kinakailangang ipagkait niya ang mabubuting bagay sa mundong ito para lang makamtan natin ang Pinakamabuti sa lahat (Himself!), gagawin niya. “The heavenly Father will give the Holy Spirit (himself!) to those who ask him” (Luke 11:13). So pray, “Father, give me the best. Give me what I need. Give me yourself.”

Sabi ni AW Tozer:

Still, we must think of God as the Holy One, not just as the One from whom we get things. God is not a glorified Santa Claus, who gives us everything we want then fades out and let’s us run our own way. He gives, but in giving He gives us Himself too. And the best gift God ever gives us is Himself. He gives answers to prayer, but after we’ve used up the answer or don’t need it anymore, we still have God.

Our Father will Open His Door

Hindi natin pwedeng alisin ang prayer sa discipleship. Ito ang pinakamahalagang dapat nating matutunan bilang ga students ng Panginoong Jesus, ang ating Teacher. Bakit? Dahil ito ay may kinalaman sa relationship natin sa Diyos na ating Ama. At para mas lumalim at mas maging mainit ang relasyong iyon, dapat ang panalangin natin nakasentro sa Diyos (God-centered), dapat nagpapatuloy at hindi humihinto (persevering), at nagtitiwala sa kanyang kabutihan (trusting his goodness).

Naglead ako ng prayer meeting sa daughter church natin sa Barangca last Thursday. Tinuro ko sa kanila ang “conversational prayer.” Nakadilat at iniisip na kaharap ang Diyos at kinakausap. Ang iba naninibago. Ang iba naman sanay na sa mga sasabihin sa prayer. Merong isa ang sabi niya, hirap siya kasi bago sa kanya, di niya alam mga sasabihin niya. Pero kung tutuusin lahat naman kami parang mga beginners.

Beginners hangga’t kinakalimutan natin ang goal ng prayer. Sabi ng Panginoong Jesus sa verses 9-10. Ask, seek, knock. Humingi, hanapin, at kumatok. May kuwento iyan. Isipin n’yo lumaki ka sa bahay na kasama ang stepfather mo. Hindi mo nakilala ang tunay mong ama. Lagi kang binubugbog ng stepfather mo at pinagmumura. Lumayas ka. Nakapagtrabaho. Minsan na-assign ka sa sa isang malayo at liblib na lugar. Pagdating mo doon, pagud na pagod ka, gutum na gutom. Hindi mo alam kung saan ka tutuloy para makapagpahinga at makakain. May nakita kang isang mama. Humingi ka ng tulong. Ibinigay sa iyo ang direksyon papunta sa isang bahay. Hiniling mo din sa kanyang samahan ka. Pinagbigyan ka naman.

Naglakad-lakad ka. Medyo malayo na ang nalakad n’yo.Pagud na pagod ka at gutum na gutom. “Malayo pa ba?” tanong mo. “Malapit na,” sagot ng mama sa iyo. Pagdating n’yo sa bahay, kumatok ka. Walang sumasagot. Katok ka ng katok. Tapos nakita mong nilabas ng mama ang susi at binuksan ang pinto. Nakita mo sa mesa ang maraming pagkain at ang sofa na masarap higaan. Tinanong mo ang mama, “Sino ka?” Sagot niya, “Ako ang tatay mo.” Niyakap mo siya nang matagal. Sa oras na iyon, iyon na ang pinakamahalaga sa iyo, hindi ang pagkain sa mesa o ang makahiga sa kama.

The goal of prayer is God, intimacy with God, not getting answers to our requests. Anong magbabago sa prayer life mo kung ganoon ang paniniwala mo?

Previous sermons

Part 22 - One Thing NeededPart 21 - Eternal LifePart 20 - Sent Out


4 thoughts on “Part 23: Intimacy (Luke 11:1-13)

Share your thoughts about this post...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s