Leave a comment

Gawin N’yo Ito sa Pag-alaala sa Akin

You are Here: Home / Sermons / Following Jesus the Lord of All / Sermons 31-41 / Gawin N’yo Ito

August 21, 2011 | By Derick Parfan | Scripture: Luke 22:14-23

The Lord’s Supper, Church Life, and Christian Discipleship

Iniutos ni Jesus, “Gawin ninyo ito sa pag-aalaala sa akin.” Madalas ninyo itong maririnig sa monthly Lord’s Supper na ginagawa natin dito sa church. Sinusunod na natin ito. Pero bakit pa natin pag-aaralan ngayon? Bakit kailangan pang maglaan ng isang sermon para sa isang gawaing ginagawa lang naman natin nang labinlimang minuto sa isang buwan, tatlong oras sa isang taon?

Unang dahilan, ito ay utos ni Jesus at tulad ng lahat ng iniutos niya ay kailangan nating maunawaan at sundin nang may tamang puso. Ang tanong sa atin, naiintindihan ba natin lahat kung ano ang Lord’s Supper at bakit natin ito ginagawa? At kung naiintindihan natin, sinusunod ba natin ito nang may sincerity? Marami tayong ginagawa sa buhay natin na basta magawa lang. Hindi dapat ganun sa Lord’s Supper.

Ikalawa, ang pagdiriwang ng Lord’s Supper ay nagpapakita ng kabuuang buhay ng ating church. Ang pagkaunawa natin at ang attitude natin tungkol dito ay nagpapakita rin ng klase ng pagkaunawa at attitude natin tungkol sa kung ano talaga ang “church.”

Ikatlo, ang church life natin ay hindi natin maihihiwalay sa ating buhay Cristiano. Nakakalungkot na maraming mga Cristiano ngayon ang parang ginagawang libangan na lang ang church hopping. Wala nang commitment sa isang local church. Pero kung pag-aaralan natin ang New Testament, wala tayong makikitang indication dun na ang kaligtasan at pagsunod kay Cristo ay puwedeng ihiwalay sa church life. Your commitment to the church is a reflection of the kind of your commitment to Christ.

Kaya mahalagang pag-usapan ang utos na ito ng Panginoon, “Gawin n’yo ito sa pag-alaala sa akin.” Hindi lang Lord’s Supper at ang ginagawa natin ng ilang sandali lang minsan sa isang buwan ang pag-uusapan natin. We’ll talk about what is Christ’s design for the church, we’ll talk about our calling as Christians and members of his church. We’ll talk about Jesus and our relationship with him. So it’s important.

Passover, Lord’s Supper, and Celebration

Dito sa Luke 22:14-20, makikita nating magkakasama ang Panginoong Jesus at ang labindalawang apostol. Ito yung huling beses na magkakasama sila. Kinabukasan ay ipapako na sa krus ang Panginoong Jesus. Kaya ito ang kanilang last supper together. Yung gabi ding iyon ay celebration ng Passover, isa sa pinakaimportanteng pagdiriwang ng mga Judio. Pagkatapos nito ay ang isang linggong Feast of the Unleavened Bread. Dun sa araw ng Passover (paskuwa) ay nagkakaroon sila ng salu-salo bilang pag-alaala sa pagliligtas ng Dios sa mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egypt.

Bukod sa salu-salo, bahagi ng tradisyon nila ang reenactment ng paglampas ng anghel (kaya Passover ang tawag) na papatay sa lahat ng mga panganay na lalaki ng mga Egyptians. Ang mga nalagpasan ng anghel na iyon ay iyong bahay ng mga Israelita na may dugo ng lamb sa hamba ng kanilang pintuan. Kaya habang pinag-uusapan natin ang Lord’s Supper, keep in mind ang connection nito sa Passover, sa pagliligtas ng Dios na nagkaroon ng ganap na katuparan nang isakripisyo ang Passover lamb, walang iba kundi ang Panginoong Jesus na nabuhos ang dugo sa krus para sa ating mga kasalanan.

Sa huling hapunan ni Jesus kasama ang kanyang mga alagad, may ipinagdiriwang. May celebration, pero mixed emotions kasi nagpapakita si Jesus ng indications na iiwan na niya ang kanyang mga alagad. Parang despedida (farewell) party ng isang kamag-anak natin na pupunta na ng Canada. Masaya kasi may party para sa kanya, pero malungkot din kasi aalis ang isa sa mahal sa buhay. Pero yung last supper na iyon ay parang yung mag-aabroad na nagbigay ng tagubilin sa mga kamag-anak niya, “Kahit matagal pa akong babalik, ang request ko taun-taon ay magkaroon kayo ng reunion tuwing birthday ko at icelebrate ninyo. Magpapadala na lang ako ng mga kailangang panghanda.” Yung last supper na iyon ay parang despedida party, at iyong Lord’s Supper na ginagawa natin monthly ay parang yung “birthday celebration” taun-taon.

Nitong taon lang ay nagkaroon ng salu-salo sa bahay ng grandparents ng wife ko. Ang okasyon? Fiftieth birthday ng tita niya na nasa Canada. Okay, first time kong naexperience yun na icelebrate ng birthday na wala ang celebrant. Baka yung iba sa inyo magtaka pag nagkaroon ng Lord’s Supper, “Para saan ba ‘to?  Ano ba ‘to? Weird naman.” So tingnan natin kung ano ito, para saan ito, at ano ang kinalaman nito sa buhay ng bawat isa sa atin.

Mga Kaibigan

Think of the Lord’s Supper as a celebration party. Kapag may salu-salo o party ang mga Pilipino, siyempre hindi mawawala ang kainan, kantahan at kuwentuhan. Tingnan natin iyan isa-isa. Pero bago yun, siyempre kailangan nandun yung mga kaibigan. Sila yung invited sa party. Dito sa Lord’s Supper, kasama niya yung mga apostol niya. At ito yung posisyon natin sa church na batay din sa turo ni Pablo sa mga taga-Corinto na magkaroon ng pagsisiyasat sa sarili natin kung bahagi nga ba tayo ng katawan ni Cristo, kung totoo nga ba ang relasyon natin sa kanya, kung totoo nga bang tagasunod tayo ni Jesus. Pero siyempre hindi naman namin alam kung sinu-sino ang totoong mga Cristiano sa inyo. Pero invited dito ang lahat ng bahagi ng mga tagasunod ni Jesus. Kahit hindi pa official member, basta may relasyon sa kanya.

Siyempre hindi kasama yung mga kaaway ni Jesus na nagpaplano kung paano siya maililigpit. They hate Jesus, they don’t want to be identified with him. Siyempre kahit ngayon may mga ganyan pa rin. Pero hindi common sa mga Pilipino na sasabihin, “I hate Jesus.” Pero mag-ingat pa rin tayo, baka bahagi nga tayo ng Lord’s Supper, nakikibahagi nga tayo sa church life ng BBCC, pero baka hindi talaga tayo tunay na nakay Jesus. Tandaan nating sa labindalawang kasama ni Jesus, may isang Judas, isang traydor.

“‘But behold, the hand of him who betrays me is with me on the table. For the Son of Man goes as it has been determined, but woe to that man by whom he is betrayed!’ And they began to question one another, which of them it could be who was going to do this” (vv. 21-23). Bago pa man ito kinasabwat na si Judas ng mga kaaway ni Jesus. Oo nga’t kasama iyon sa plano ng Dios at gagamitin niya anumang masamang balak ng mga tao upang maisulong pa ang kanyang mga layunin. Sovereignty ang tawag dun. Pero hindi ibig sabihing walang pananagutan si Judas. “Woe to that man by whom he is betrayed!” Nakakaawa ang sasapitin niya dahil sa kanyang panloloko sa mga tao. Ni hindi alam ng eleven disciples na peke pala siya, traydor pala siya. Sa loob ng tatlong taon akala nila isa si Judas sa kanila. Hindi pala.

Ipinapaalala sa atin sa Lord’s Supper na ito ay salu-salo at ang church ay ang pagsasama-sama ng isang pamilya, pamilya ng mga tinubos ni Cristo, ng mga sumusunod kay Cristo. Paalala ito na maging sa gitna natin, kahit na member ng church, kahit na regular na dumadalo sa ating mga gawain, maaaring katulad ni Judas. Nakikinig ng Salita ng Dios na kasama natin, kasama nating umaawit sa Dios, kasama nating nagpapahayag ng ebanghelyo, pero ipagpapalit naman si Jesus sa pera, sa trabaho, at sa ibang tao.

The church is exclusive only for true followers of Jesus! Exclusive? Parang hindi atang magandang pakinggan. Exclusive pero hindi depende sa edad – bata o matanda inaanyayahang sumunod kay Jesus. Exclusive pero hindi depende sa social status – amo ka man o kasambahay inaanyayahang sumunod kay Jesus, mayaman man o mahirap sama-sama dito sa church. Exclusive? Oo, pero nag-aanyaya, hindi nag-eetsapuwera.

Kainan

Siyempre sa isang salu-salo, hindi puwedeng walang kainan. Ganun din sa Lord’s Supper. “And he took bread, and when he had given thanks, he broke it and gave it to them, saying, ‘This is my body, which is given for you. Do this in remembrance of me.’ And likewise the cup after they had eaten, saying, ‘This cup that is poured out for you is the new covenant in my blood’” (vv. 19-20). Ang tinapay at inumin sa Lord’s Supper ay simbolo o kumakatawan sa katawan at dugo ng Panginoong Jesus, sa kanyang kamatayan. Ipinapakita nito sa atin na ang gutom natin ay mapupunan lamang ni Jesus. He is the bread of life. Na ang pagkauhaw natin ay matutugunan lang ni Jesus. He is the living water. Jesus is our life-provider, life-sustainer. Jesus is our life. Walang saysay ang buhay kung wala si Jesus.

Ipinapaalala sa atin dito ang laki ng biyaya ng Dios nang tanggapin natin ng mga espirituwal na pagpapala dahil sa pakikipag-isa natin kay Jesus (Eph. 1:3). “This is my body, which is given for you…This cup that is poured out for you…” Sa halip na tayo ang maparusahan ng galit ng Dios, inako iyon ni Jesus para sa atin. Ginawa niya iyon para sa atin! Bakit? Sino ba tayo? Karapat-dapat ba tayo? Hindi! Kaya nga sobrang amazing ng biyaya ng Dios. Kapag sinabi niyang “for you” hindi lang para sa atin individually, kundi para sa atin bilang isang church. Jesus died for the church. The church is purchased by his own blood. Sabi niya tungkol sa unang inumin, “Divide ito among yourselves.” There is enough for everybody. We share the life of Christ with one another.

Kung si Jesus ang ating buhay, ang nais na tugon ng Dios ay pasasalamat at pananampalataya. Ang pasasalamat na ginawa ni Jesus bago ang huling hapunan ay dapat din nating gawin dahil sa laki ng biyaya ng kaligtasang tinanggap natin. Hindi lang tuwing Lord’s Supper, kundi sa araw-araw ng ating mga personal na buhay. Ang pagkain natin ng tinapay at pag-inom ng inumin ay pagpapakita ng pagtanggap natin kay Jesus sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang panawagan niya ay patuloy na magtiwala sa kanya para sa ating mga espirituwal na buhay.

Walang buhay ang church natin kung wala si Jesus. Kaya nga tuwing magkikita-kita tayo, tinitiyak nating nagsasalu-salo tayo sa salita ng Dios. At sa ating kanya-kanyang bahay, ipinapakita rin nating si Jesus ang ating buhay sa ating araw-araw na pagkain ng kanyang mga salita. Ang iba sa inyo nararamdaman ninyong nagugutom kayo o nauuhaw spiritually, pero nasa atin din naman ang problema. Sasabihin ninyo busy kasi, walang time, daming problema. E di wag kang magreklamo kung nagugutom ka o nauuhaw. Samantalang nasa iyo na ang pagkain ang kailangan mo lang gawin ay buklatin, nguyain, namnamin, at ienjoy.

Kantahan

Sa isang celebration, hindi rin nawawala ang kantahan, sa kantahan naeexpress natin ang kasiyahang nasa puso natin. Sa Lord’s Supper ganun din. “Do this in remembrance of me.” Remembrance. Ibig sabihin may inaalala, may dahilan kung bakit tayo nagdiriwang. Ganun din sa Passover feast ng mga Judio. May kasiyahan kasi naaalala ang ginawang pagliligtas ng Dios sa kanila. May dahilan bakit tayo nagdiriwang, bakit tayo umaawit. Ang dahilan? Jesus is our Passover lamb, sabi nga ni apostol Pablo. Si Jesus ang naging sakripisyo ng Dios para mapatawad tayo sa kasalanan once and for all. Si Jesus ang pumalit sa atin. Si Jesus ang naging kabayaran para sa ating mga kasalanan.

Pero hindi lang natin inaalala si Jesus na parang nagkakaroon tayo ng salu-salo tulad ng para sa namatay na mahal sa buhay. It is not just a memorial, it is a worship of Jesus. Sa ating pagsamba sa kanya, hindi natin maiiwasang umawit ng kanyang mga papuri, ipahayag ang laki ng kanyang pag-ibig para sa atin. The Lord’s Supper is about worship of Jesus. The church is about worship of Jesus. Our whole life is about worship of Jesus. Hindi lang si Jesus gamot sa mga sakit natin, hindi lang si Jesus lunas sa mga problema natin. He is more than that. He is God. He deserves our worship.

Ang iglesia ay isang pamilyang sama-sama sa pagsamba kay Jesus. Kaya tayo umaawit para sa kanya. Kaya kinakausap natin siya sa panalangin. Kaya tumatawag tayo sa kanyang pangalan. Tanungin ninyo ang sarili n’yo kung ano ang tingin n’yo sa relasyon niyo kay Jesus. Are you just a friend of Jesus, a fan of Jesus, an admirer of Jesus? Do you just like Jesus? Or, are you a worshipper of Jesus?

Kuwentuhan

May kainan, may kantahan. Pero siyempre hindi mawawala ang kuwentuhan. Bahagi din ito ng “remembrance.” Kapag inaalala mo ang isang tao, pinagkukuwentuhan n’yo yung mga  katangian niya saka mga ginawa n’ya. Tuwing Passover, nakagawian ng mga Judio na magkaroon ng reenactment nung araw na iligtas sila ng Dios mula sa pagkaalipin sa Egypt at kung ano ang ginawa ng Dios sa mga Egyptians. Ang layunin ng Dios sa pag-utos sa kanila ng celebration ng Passover at Feast of the Unleavened Bread: “that all the days of your life you may remember the day when you came out of the land of Egypt” (Deut. 16:3). Ganun din sa Lord’s Supper, para hindi natin makalimutan ang laki ng ginawa ng Dios para sa atin. Kaya sabi ni Paul tungkol dito, “You proclaim the Lord’s death.” Among ourselves. And to other people.

Pero sasabihin ng iba, “Imposible namang makalimutan natin si Jesus at ang ginawa niya para sa atin.” Kapag nagkakakuwentuhan ba tayo, ano laman ng kuwentuhan natin? Hindi ba’t nakikita dun kung ano ang mga bagay na mahalaga sa atin? When was the last time we talked about what Christ has done for us? Kelan huling narinig ng ka-opisina mo na you are a follower of Jesus at kung ano ang ibig sabihin sa iyo nun? Baka si Jesus naaalala lang nating pagkuwentuhan kapag Linggo. Ganun ba tingin natin sa buhay Cristiano? Ganun ba tingin natin sa kung ano ang church?

Katapusan

Tulad ng anumang salu-salo, kahit masaya, siyempre may katapusan din. Pero ito yung katapusan na mas masaya. Ang taunang birthday celebration ay mapapalitan na ng mas masaya kapag dumating ang kamag-anak na galing sa Canada. Ang celebration natin ng Lord’s Supper ay may katapusan din. At kelan ang katapusang ito? Pakinggan niya ulit si apostol Pablo, “You proclaim the Lord’s death until he comes.” Ganito din ang ipinapahiwatig ng Panginoon sa last supper niya sa kanyang mga apostol. “For I tell you I will not eat it until it is fulfilled in the kingdom of God.” “For I tell you that from now on I will not drink of the fruit of the vine until the kingdom of God comes.” Sa mga oras na ito, nakisalo pa rin siya, pero sinabi niyang hindi na ito mauulit. Mauulit lamang kapag natupad na ito sa kaharian ng Dios.

Ano ang tinutukoy niya dito? Kelan mangyayari ito? Sa isang banda, natupad ang layunin ng Passover sa kamatayan ni Jesus, dahil siya ang naging Passover lamb. Natupad ang plano ng Dios nang mamatay si Jesus sa krus para sa ating mga kasalanan. Sa isang banda dumating na ang kaharian ng Dios. Pero hindi pa kumpleto. May isa pang hinihintay na katuparan para sa kaharian ng Dios, ang pagbabalik ni Jesus kung saan magaganap ang “marriage supper of the Lamb” (Rev. 19:9-10). Sa pagbabalik niya, makakasama natin siya sa isang napakalaking salu-salo.

Parang ang biyenan ko, nung darating ang asawa niya galing sa ibang bansa, naghahanda sa pagsalubong, nagpalinis ng bahay, nagpapaguwapo. Kailangan handa sa pagsalubong siyempre. Ganun din sa ating buhay Cristiano, ganun din sa church, sama-sama tayong sasalubong sa pagdating ni Jesus. At sa kanyang pagdating, walang katapusang kainan, walang katapusang kuwentuhan, walang katapusang kantahan. Pero hindi pa yun ang mahalaga sa lahat. Ang pinakamahalaga, kasama natin at makikita nang mukhaan ang Panginoong Jesus.

Ang church at tayong lahat na bahagi nito ay aktibong naghihintay sa pagdating ng ating Panginoon. Dun tayo nakatingin, yun ang buhay natin. Tulad ng asong si Hachiko noong 1930s sa Japan. Kilala ang asong ito sa kanyang loyalty, devotion, and faithfulness sa kanyang amo na professor sa isang university. Araw-araw hinahatid niya at sinusundo sa train station ang amo niya. Hanggang isang araw na namatay na ang amo niya at hindi na dumating sa train station. Pero araw-araw pa ring bumabalik si Hachiko doon para maghintay. Araw-araw for the next nine years, hanggang siya ay mamatay. Hachiko’s life is defined by his master. Our life as Christians and the life of our church are defined by our Master, our Lord Jesus Christ.

“I Will Build My Church”

The Lord’s Supper, in a way, reflects what Jesus intends for his church. Gusto ni Jesus na ang church at, siyempre, lahat ng bahagi nito ay:

  1. Isang pamilyang sama-sama dahil kay Jesus.
  2. Isang pamilyang salu-salo sa salita ni Jesus.-
  3. Isang pamilyang sumusunod kay Jesus.
  4. Isang pamilyang sumasamba kay Jesus.
  5. Isang pamilyang sumisigaw sa pangalan ni Jesus.
  6. Isang pamilyang sumasalubong sa pagdating ni Jesus.

The work of Jesus in our lives as individual followers and as members of this grace-community is not yet over. We are all still in process. The church is in process. There may be hindrances. (Give examples.) But Jesus has a promise of power, “I will build my church, and the gates of hell shall not prevail against it” (Matt. 16:18). It is also the promise of his presence (hindi siya present physically sa kalagitnaan natin, ngunit present through the Holy Spirit), “I am with you always to the end of the age” (Matt. 28:20).

When he says about the Lord’s Supper, “Do this in remembrance of me,” he is inviting all of us, “Come and be a part of my church. Come and join me in building my church.” How will you respond to that kind of invitation?

About these ads

Share your thoughts, ideas and questions below...

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 596 other followers

%d bloggers like this: